webnovel

Chapter 13

"May dumi ba ako sa mukha?"

She smiled at me sweetly.

Bakit kaya?

Oy my loves wag ka ganyan hihi

Nagtataka siguro kayo bat ko siya tinatawag na my loves or mahal. Simple lang kasi yun mahal ko siya guys ihhhh charot lang di ko pa po siya mahal pero on the way na ako dun haha

Nabanggit ko naman siguro last time na may gusto ako sa kanya diba?

No?

Oh edi ngayon alam niyo na. Mga baklang to. Secret ko lang sana yun eh.

Pero ngayon since nasabi ko na na I like her, alam niyo na ang drill. Bawal niyo siyang landiin ako lang pwede. *evil laugh*

Siya din reason kung bakit ako napalihis ng landas ng wala sa oras hahaha

Opo oho. Siya yung certain someone that I mentioned na nagpa-confused sa katawang lupa ko.

She's the reason why I am with George.

Not that I'm blaiming her... Actually thankful ako kung di dahil sa kanya I think I wouldn't know that such thing exist like you know gay stuff haha

Big thanks din kay george even though he doesn't know just yet pero he plays the big part also which makes me discovered the true me.

"Brown pala kulay ng mata mo" sabi niya

"Brown din naman yung sayo" I told her

Totoo naman kasi brown din naman talaga kulay ng mata niya.

Tumawa lang siya ng slight

Ayun kung kanina napasmile ko siya ngayon napatawa ko naman.

Galing ko talaga.

"So ilan ang nabilang mo?"

"17 moles"

She just gave me a smile.

"Not bad, I mean yung hula mo"

"I know right. Dalawa lang naman yung kulang ko hehe"

I heard her sigh

So I asked her if okay lang siya

"Ano nga pala pag-uusapan natin?"

She glance at me then binaling niya yung tingin niya dun sa mga kamay niya na bahagya niyang nilalaro.

"Kasi... thea..." she started while still looking at her hands

"I have something to tell you" sabay angat niya ng tingin sa akin

Hala? She has something to tell me. Aamin ba talaga siya na crush niya ako?

Hehe ang assumera ko talaga

"Ano yun?" I asked her "na crush mo ako?"

Grabe talaga confidence ko whooo haha

She rolled her eyes on me "duh? Sino naman di magcucrush sayo sa ganda mong yan. Pero di yun yung sasabihin ko"

Ano daw?

"Wait, so it's true? May crush ka talaga sakin?" di makapaniwalang tanong ko.

Hala? Si my loves ko may crush sakin. Waaaa

"May sinabi ba akong ganun?"

Psh.

Panira naman to eh. Nagdidiwang na ako mahal oh. Tsk

"Wala ba?"

Nagkatitigan lang kami

"Anyways, tungkol nga dun sa sinabi ko..."

"Na crush mo ako" pagputol ko sa sasabihin niya

She slapped my arms

"Tumigil ka nga makinig ka sakin" sermon niya

"Importante tong sasabihin ko sayo kaya stop, look and listen"

Pfft...

Nakakatawa ka naman my loves

She noticed that I'm trying my best not to laugh or what kaya naman she stared at me yung masama

Ang hot mo naman hihi

With the way she's looking at me ay nag-seryoso na ako.

"I'm being serious here"

"Kaya nga. Eto na seryoso na" sabi ko na lang "ano ba kasi yan at kelangan kong magstop, look and listen?" pahabol ko pa

She just rolled her eyes on me

Naku napapadalas na pagtirik ng mata mo sakin my loves baka gusto mo patirikin ko talaga yan hahahaha

Biro lang guys. Di po ako ganun. Mabait po ako at inosente.

She sighed.

"It's about lea and ge—-"

"Babe!" I looked over krystal's shoulder to see george walking his way to us.

I just nodded at him then averted my gaze to krystal who's now... wait she looks...angry?

"K, sorry for that. Ano nga ulit sasabihin mo?"

As I asked her that question ay sakto naman ang dating ni george

"Babe ano ginagawa niyo dito?"

He kissed my head after niya akong tanungin nun.

I just smiled at him and said "We were just talking about something but you suddenly came out of nowhere so you kind of interrupted us"

I said as a matter of fact.

"Oh! I'm sorry! I didn't know that you were in the middle of serious talking" pagpaumanhin ni george "Akala ko kasi you were just casually sitting here you know tambay"

"No it's okay" sabi ni krystal nakapoker face.

Kaya tinanong ko na lang siya instead kung ano ulit yung sasabihin niya about lea.

Kasi nabanggit niya si lea kanina eh before pa kami naistorbo ni george.

She glance my way then said "Maybe next time"

Kumunot naman noo ko.

Bakit next time pa eh pwede naman ngayon?

Ah alam ko na kasi andito si george.

Baka gusto niya private talk lang yung kami lang dalawa.

"I don't want to tell you something if there's someone with us" sabi niya "Gusto ko tayong dalawa lang"

Told you gusto niya kami lang dalawa

Naku my loves ikaw ha? Gusto mo lang ata ako masolo hihihi

Wait...

Bakit parang nag-iba yung mukha niya

Kanina lang ang aliwalas niya tignan ngayon parang ewan.

Galit ba siya?

Bakit naman siya galit?

Dahil naistorbo kami ni george?

Dahil naputol yung moment namin sana?

Dahil di niya na ako masosolo?

Hala! Ang kapal talaga ng mukha ko para mag-assume ng mga bagay bagay haha

Napangiti na lang ako sa kanya

Ang ganda niya pa rin kahit para siyang galit.

"Babe pauwi ka na ba?"

Ayy panira naman tong lalaking to.

Inaapreciate ko pa beauty ng my loves ko eh

"Kanina pa sana ako uuwi. Kaso may pag-uusapan kami ni krystal kaya andito pa ako but since you interrupted us..." tumingin ako ulit kay krystal "Next time na lang tayo mag-usap, K"

Sabi ko sa kanya

Ngumiti naman siya. "Okay"

"So let's go babe? Hatid na kita"

I just nod at him.

Nilingon ko naman si krystal "uuwi kana din ba?"

"No. Dadaan pa ako ng clinic then I'll be heading to my work after"

"Ganun ba?" I just smiled at her

She hummed as a response.

Napakamot na naman ako ng batok

"Sige. Ingat ka na lang"

"Mag-ingat sila sakin"

Natawa naman ako sa kanya

Nakatingin lang siya sakin habang nakasmile

"Ikaw din. Ingat ka" sambit niya

I just nodded my head

"Babe, Ano na?"

Nakakatawa naman. Nakalimutan ko na hinhintay pala ako ni george

Tumayo na ako and nagpaalam na sa kanya

Di pa naman kami nakakalayo ni george sa paglalakad kaya naisipan kong lingonin siya.

And voila wala na siya.

Hays....

Kelangan ko na talaga sabihin kay george yung totoong pagkatao ko.

Kelangan niya ng malaman.

Nächstes Kapitel