webnovel

23

CHAPTER TWENTY THREE

"WAKE UP! Wake up! Rise and find, rise and find!" Napabalikwas ako ng tumama ang isang maliwanag na ilaw sa aking mukha. Hindi iyon araw, isa iyong ilaw!

"Get your light away from my face you witch!" Iritadong reklamo ni Nathalia kay Corinthians na ngayon ay tuwang-tuwang pinaglalaruan kami ni Nathalia gamit ang nakakasilaw na ilaw sa kanyang kamay.

"I'm trying to wake you up duh? Let's get ready!" pagkasabi noon ni Corinthians ay nawala na rin ang ilaw sa kanyang kamay at muling dumilim ang paligid.

Hindi pa sumisikat ang araw, ngunit kinakailangan naming magmadali sa paghahanap dahil hindi lang kami ang maghahanap.

"Pack everything we need." Utos ni Chrysler. Nagsimula na mang gumalaw ang dalawang babae na parang hindi natulog o matagal nang gising.

Normally, ang taong kakagising pa lang tutunganga muna bago gumalaw. Tapos kung gagalaw sobrang bagal pa. Now I see the difference between a normal person and these people beside me.

"Good morning my darlings!" bungad ni Greyson ng pumasok ito sa loob ng truck. "Hi, good morning baby!" Bati nito sa akin nang tuluyan itong makapasok. Hindi ako kumibo at pinanuod lamang silang mag impake ng mga gamit.

"Where is my gun Nathalia?" Tanong ni Greyson.

"Just wait your ass up Grey! I'm still busy here!" Reklamo ni Nathalia habang binubuksan ang malaking bag.

"Okay okay fine baby, fine." Ani Greyson na nakataas ang mga kamay na parang sumu- surrender.

"Hey.." bati naman ni Chrysler pagpasok sa loob. Dumako ang tingin nito sa akin, ramdam kong ngumisi siya ng umiwas ako. Dahil sa trip niya o pang iinis niya kagabi hindi na ako komportable.

"Where are my daggers?" Tanong nito.

"Can you wait please? Inaayos pa namin ni Corinthians lahat! Take it easy!" Ani Nathalia. Kaaga-aga kasi binadtrip ni Corinthians, nagsusungit tuloy.

"Where's the prince?" tanong ni Corinthians.

Saktong pagbanggit niya rito at siya ring pagpasok ng Prinsipe sa loob. Mas lalo tuloy akong sumiksik sa gilid. Why is he making me feel at ease? Tila nagkakarera ang puso ko tuwing makikita o mararamdaman ko ang presensya niya.

I can't believe this!

Makahanap lang talaga ako ng mga bato, agad akong aalis rito!

"Orientation first. We only have 1 week to find the stones. So we need to search as fast as we can and possible. Hindi tayo pwedeng tumunganga, kayo ang mga ranggo ko alam kong hindi ninyo ako bibiguin."

The way he speak, matutukoy mo na agad na kagalanggalang siya. Ang baritono niyang boses ang nagpapadagdag sa kanyang makapangyarihang tinig.

"Nathalia, hindi pwedeng mawala ang iyong presensya. You are the only mender sorcerer here, we badly need your healing here. Hindi mawawala sa atin ang mayroong masugatan, parte iyon ng paghahanap at pakikipaglaban siguraduhin ng lahat na mahanap agad si Nathalia upang magamot." Tumango si Nathalia bilang tugon. Malaki ang tiwala ng prinsipe sa lahat, lalong lalo na kay Nathalia pagdating sa panggagamot.

Dala ni Nathalia ang isang bag na puno ng mga herbal. Hawak niya ay isang baril at isang katana.

Napaka delikado ng mga ito.

"Corinthians, I trust your moves. You're the chess master here, you are the player, the manipulator. Control everything here within your radius, keep your contact close to everyone always. Your hypnotism is needed here. Everything in this woods has roots, it's your specialty right? Control it."

"Yes prince." seryosong tugon ni Corinthians. Palakas na palakas ang tensyon, hindi ko alam kung nararamdaman parin nila ang presensya ko o kung may ideya pa ba silang nandito ako.

"The nature is you Corinthians. Think well." dagdag ng prinsipe.

Hawak ngayon ni Corinthians ang dalawang baril. Tig isa sa kanyang kanan at kaliwa, naamoy kong may lason ang bala niyon at sigurado akong mamamatay ang sinumang tamaan niyon.

"Greyson, our primary defense. I trust your skills, where are your bombs? Use it well. Wala na akong ibang masasabi pa, alam kong alam mo na ang lahat ng iyong gagawin." Ang tinig ng prinsipe ay nagbibigay payo at nagbabanta. Palalim ng palalim ang pag-uusap, maging ang tensyon ay mas lalong tumataas.

The eagle tattoo on his neck moved. Siniguro ko pang hindi ako nananaginip o namamalik mata dahil sa aking nakikita. The eagle turned into a real one, lumabas ito sa leeg ni Greyson. Wala na ang tattoo sa leeg niya, isa na itong ganap na agila.

"Check the area, Fray." utos ni Greyson sa agila. Agad naman itong lumipad pataas at naglibot libot.

"I missed playing with Fray, kinukulong mo lang kasi siya sa leeg mo." ani Nathalia.

"Well, Fray is doing a good job right now." ani Corinthians.

Kinuha ni Greyson ang kanyang bag at naglabas ng isang maliit na bomba.

"I brought 500 pieces of these." Ani Greyson habang hawak ang mala Strawberry na bomba. Maloloko ang sinumang makakita niyon, napakagaling naman ng isang to.

"Be careful with that, baka sumabog tayo rito." paalala ni Corinthians.

"Don't worry baby, pumuputok ito kapag nakatutok at ishinoot." Sagot ni Greyson atsaka kumindat.

"Tangina ka ha!"

"Baby, what I mean is sumasabog ang isang to kapag itinapon ko ng deretso sayo o kaya kinain mo." ngising saad ni Greyson.

"Where are your guns?" Tanong ng prinsipe.

"Right. I asked you earlier Nathalia, where are my guns?" Ani Greyson.

"Here.."

Ibinigay ni Nathalia kay Chrysler ang isang malaking baril. Well, Chrysler is our primary offense of course he will be needing a big gun.

"Hey, Chrysler. You are the primary offense, I know you'll hide us well with your power. Wala na akong ibang sasabihin, you know very well what you have to do."

Tumango na lamang si Chrysler bilang sagot. Hawak niya ay isang bag. Ang laman nito ay daggers, at isang baril sa kanyang kanang kamay. He has his powers within his hands, he won't be needing any of those. Ngunit hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa gubat na ito, each of us needs a weapon.

"You know how I deeply trust each and everyone of you. We just have to find atleast 8 stones. Hindi ko alam kung may iba pa bang mamahaling bato sa lugar na ito maliban sa mga batong nasa listahan natin. Let us do our best to find the stones."

Lahat sila ay naghahanda sa pag sugod sa malawak at nakakatakot na kagubatan.

While me... What the heck am I supposed to do? I have no special power, pati ba naman weapon? This is suicide!

"There is only one rule I have for everyone.

Come home alive."

Behind the dark sides of everyone, I know each of these people deserves to live and come home alive. Kung may hindi man mabubuhay rito, tingin ko'y ako iyon. I have no place here, I'm just a pawn. I don't belong here, I am just a bait.

"You guys ready?" Chrysler asked.

Everyone is ready, except me.

Wala na atang ibang kagamitan ang natitira, mukhang ako mismo ang bala para sa sarili ko.

"Wala na ba kayong ibang gamit?" Tanong ko.

Lahat sila napalingon sa akin. Panira talaga ako kahit kailan.

"Oh.."

"Okay people, lahat tayo babalik ng buhay. Ang batas ay batas." Saad ng prinsipe.

Nangunot ang noo ko, hindi ba talaga nila ako papansinin? Magpaiwan nalang kaya ako dito at mag drive pauwi? Siguradong kulungan ang abot ko. Kaya naman hindi ako babalik, I'll be the bullet of myself then.

"Let's go." Sinyales iyon ng prinsipe na magsisimula na ang paghahanap. Pagkasabi niyon ay isa-isang lumabas ang mga ranggo. Gusto kong maiyak sa gilid dahil wala akong dala, as in wala. Ngunit hindi pwede, hindi ito ang oras upang maging mahina.

Huling lumabas ang prinsipe pagkatapos ay sumunod ako.

"You don't have any weapon, right?" tanong nito bago naglakad paalis.

"Wala."

He heave a deep sigh. I am such a burden.

"Don't worry. My weapon are yours." Ani at nagsimulang maglakad.

Halos lumundag ang puso ko sa tuwa. Binalikan ko ang bag na para sana sa prinsipe at agad na binuksan iyon.

I want to be happy, but I feel a bit disappointed. Alam kong wala akong karapatan magreklamo, ngunit isang pana? The prince only got bow and arrow? Iyon lang?

How will I protect myself using this bow and arrow? Wala man lang kahit kutsilyo?

"Don't make me lose my patience, move faster!" Pagkasabi niyon ng prinsipe ay agad kong kinuha ang pana atsaka tumakbo papunta sa kanya. Isinuot ko ito sa aking likuran, I'm thankful the prince gave a weapon. Okay na ito kaysa wala.

I only have 30 arrows. Tingin ko'y hindi pa isang linggo ubos na ang lahat ng ito.

"Here take this."

Agad kong tinanggap ang isang kahon na bigay sa akin ng prinsipe. Laman niyon ay sampung darts, siguro ay malaki ang tiwala sa akin ng prinsipe sa pagiging asintado. Hindi na ako magrereklamo.

"Lead the way to the cave, we are all going in there first." utos ng prinsipe sa lahat at sa akin.

"A-ako?" Hindi siguradong saad ko.

"Sino pa ba sa tingin mo?"

Hindi na ako nakareklamo pa. Sa isang iglap lamang ay buhay na ang abilidad ko at sa malayong metro ay nakikita ko na ang maliit na kwebang nakita ko kagabi. Mas malinaw na ito ngayon dahil maliwanag na, mas madali kaming makakarating roon.

I stopped walking.

Bigla akong kinabahan.

Ang mga kasamahan ko ay mayroong mas malakas na kapangyarihan, pati kagamitan. Samantalang ako'y abilidad lamang ang mayroon, how am I going to survive this adventure?

Am I really coming home alive?

"What's wrong?" Tanong ni Corinthians.

"Keep going witch." Ani Nathalia.

I was about to turn back when a pair of hands held my back and pushed me to go lead the way.

"You don't have to worry about everything.."

That was soothing.

"I got your back."

It's calming me. Slowly realizing, I'm leading the way to the cave.

"You have me."

The prince, succeed.

The prince made me, lead the group to the cave.

----

A/N: Let me know your thoughts about this chapter please :>

Nächstes Kapitel