CHAPTER THIRTEEN
NAALIMPUNGATAN AKO dahil sa ingay ng mga hilik sa aking paligid. Mukhang nagising na naman ang abilidad ko. Masyadong malalakas ang mga hilik nila, at naiirita ako.
Binuksan ko ang aking mga mata at normal lamang ang paligid, kunot noo kong inilibot ang aking paningin at nakita ang dalawang babaeng natutulog sa paanan ng aking higaan at dalawang lalaking nakanganga habang natutulog sa malawak na sofa.
Mukhang umalis iyong lalaking humawak sa akin kanina.
At mukhang hindi nakabukas ang extrasensory perception ko. Tingin ko'y malalakas lang talagang humilik ang dalawang lalaking ito.
Gumalaw ako at sinubukang bumangon sa aking pagkakahiga. Ngunit masyadong masakit ang katawan ko upang gumalaw. Pagkakataon ko na sana upang tumakas, minalas pa.
"Oh, hi." ani Coreen. Mukhang nagising siya sa tangkang pagbangon ko.
"What? what?" sumunod naman si Nathalia na tila nabahala dahil lumingon lingon ito sa paligid. "Oh, hi!" gulat nitong saad ng makita ang kalagayan ko.
They're expecting me not to move even an inch dahil sobrang sakit ng pakiramdam ko ngunit heto ako at nakatagilid na sa pagkakahiga.
Ang tanga ko din. Ang sakit!
"How are you?" tanong ni Coreen, saka ko lang napansin ang kagandahan nito. Mahaba at straight ang blonde nitong buhok, bagay na bagay sa kanyang hugis pusong mukha.
She's indeed beautiful.
"Malamang not feeling well, ikaw kaya lamunin ng ahas magiging okay ka pa kaya?" pangbabara ni Nathalia. Maganda siya, bagay na bagay sa aura niya ang kanyang maikli at itim na buhok. It made her look fiercer.
"Sandali, gamutin ko ulit ang sugat mo." wika ni Nathalia atsaka lumapit sa nahiwa kong braso. Kumikirot iyon, at alam kong namumutla ako sa mga oras na yaon dahil sa sobrang sakit.
"Don't move, this won't hurt. Sandali lang ito." Ani Nathalia at itinutok ang kanyang kamay sa aking sugat.
Maya't maya pa'y naglabas ito ng puting liwanag, nakakasilaw ito ngunit tila sanay na sila sa ganitong bagay dahil hindi sila apektado.
What the heck is she doing?
Gusto kong tumawa mag-isa, dahil alam kong baliw na nga ako. Alam kong hindi ako nag-iisa sa abilidad ko, pero hindi naman ganito diba? Hindi ganito, dahil mas lalo akong mababaliw. O tuluyan na akong mababaliw.
"You're a better mender sorcerer now." Puri ni Coreen sa ginagawa ni Nathalia.
"Thanks bamboozle witch!" sagot ni Nathalia, pagkatapos noon ay nawala ang ilaw sa kanyang kamay. At halos himatayin akong muli sa takot dahil unti-unting naghilom ang sugat ko. Nabawasan rin ang kirot nito.
"Whatever you ass." ani Coreen, mukhang napikon sa sinabi ni Nathalia. Tumawa na lamang si Nathalia at saka ibinaling ang tingin sa akin.
"So, alam kong napakarami mong tanong. Pero pwedeng ako muna, sino ka?" Deretsahan niyang tanong.
Sandali akong napatahimik, dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Isa akong magnanakaw na napadpad sa ikalawang distrito, nakasama sa palasyo, napaglaruan sa madilim na kagubatan sa loob ng isang Maze, at ngayon ay ginagamot ng hindi maintindihang tao.
Should I say those instead?
"I- don't know." sa halip ay sagot ko. Umirap si Nathalia at ngumisi sa akin. Hindi ata nagustuhan ang isinagot ko.
"Well, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. We are the team who will look for the Precious Stones, I'm Corinthians. Corin, In short." pagpapakilala ng babaeng blonde, Oh! I thought she's Coreen, I guess I was wrong. Corin pala, hindi Coreen.
Pati ba naman ito pinoproblema ko? Hindi ako umimik.
"And this girl beside me is Nathalia, siya ang manggagamot sa amin. Halata naman mukhang albularyo!"
"Aba gaga ka ah!"
"Well, whatever!" natatawang saad ni Corin at lumingon sa dalawang lalaking natutulog.
"That man with an eagle tattoo on his neck is Greyson, call him Grey. Mag iingat ka sa isang yan, malandi kasi ang gago kalalaking tao." tukoy ni Corin sa lalaking nakayap sa isa pang lakaki.
Yakap nito ang lalaking may dalang palakol noong una kong makita at naglabas ng usok sa kanyang kamay.
"And that man is Chrysler. Tunog babae lamang ang pangalan niyang si Chrys, pero straight lalaki yan. Sabihan mo ng bakla, ewan ko lang. Nakaka leche din yan eh, ang gago din." ani Corin.
I chuckled at the parts of how she introduced her friends, mukhang may hinanakit siya sa mga ito at may mga kasama pang attitude sa dulo. "Now laughing beasty, who are you?" tanong nito sa sakin.
Hindi ako umimik. Hindi ko alam kung paano sila sasagutin. Hinayaan lang nila ako at itinaas ang kilay.
"Okay? No answer? Oh, okay." Ani Nathalia, atsaka bahagyang sumandal sa kanyang kinauupuan.
"I think I heard someone called you Verliya? Am I right? Verliya, or Verilia?" Curious na tanong ni Corin, umiling ako bilang sagot. Napabuntong hininga siya, mukhang nagsisimula na rin siyang mainis.
Well, how should I handle this? I'm good at irritating people.
"So, what's your name?" tanong ni Corin.
I didn't answer.
"Kingina ha. I'll just sleep, ang ganda matulog eh." ani Nathalia atsaka natulog nang muli sa paanan ko. "You're a nonsense talkshit. Goodnight baby." pagkasabi niyon ni Corin ay natulog din siyang muli.
Napangiti na lamang ako sa paraan ng kanilang pagsalita, I should be mad. Ngunit heto ako at walang pakialam, natutuwa pa akong tinatawag ng ganoon ng hindi ko mga kilalang tao.
"Hi baby.." napalingon ako kay Greyson, iyong lalaking may tattoo na agila sa leeg at malandi daw ayon kay Corinthians.
Na mukhang totoo nga. He has piercings, he really looks like a bad boy indeed. A playboy better definition.
Nakangiti ito sa akin habang nakataas ang kaliwang kilay, tiningnan ako mula ulo hanggang paa ngunit nagtagal ang paningin nito sa aking legs.
Napairap ako. Hanggang dito ba naman sa loob ng palasyo may manyak parin? Saka ko napansin na pinalitan nila ang damit ko, who the hell changed my clothes? I'm wearing a white shirt and a lose short. Mukhang maingat itong inilagay sa akin dahil naka benda na ang sugat sa aking tuhod at paa.
Bukod sa ginamot ay inalagaan ba nila ako?
"Hi sexy, I mean yes baby, hi sexy..." ani Greyson at tinanggal ang pagkakayakap kay Chrysler bago tuluyang humarap sa akin.
I didn't respond, ni hindi man lamang ako ngumiti.
"You're so mean." anito at ngumuso.
"What?"
Mukhang nagising narin si Chrysler. Pagmulat ng mata nito matapos magtanong ay agad din itong humarap sa akin.
Nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdan ako. His very black and long cut hair matched his dark eyes. Parehong matangos ang ilong ng dalawang lalaki, napakagwapo nila at halata mong matatangkad rin dahil sa mahahaba nilang legs.
"Is she memorizing us?" pabulong na tanong ni Greyson kay Chrysler. Napairap ako, idiot akala siguro hindi ko maririnig.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Chrysler asked instead. And as usual, I did not answer. Mapanis na ang laway ko hindi ko sila sasagutin dahil nalilito pa ako sa mga nangyayari.
Kailangan kong maliwanagan. Kung hindi ay bibigay ang utak ko at hindi na ako gagaling pa bagkus ay tuluyan akong mababaliw pagkatapos nito.
"Aww, you did not answer my question. Ganyan ka na ba sa akin Chrys?" kunyari ay maktol ni Greyson. Gusto kong matawa sa reaksyon ni Chrysler dahil sa ginagawa ni Greyson sakanya.
"Layuan mo nga ako kingina ka!" inis na saad ni Chrysler atsaka tumayo upang iwan si Chrysler na ngayon ay tuwang tuwa dahil nasolo niya ang sofa.
Lumapit si Chrysler sa akin at pinagmasdan ang aking mga sugat. "You're impossible." Mangha niyang saad habang pinagmamasdan ang mga sugat ko. Mabilis itong humihilom, dahil siguro sa panggagamot sa akin ni Nathalia.
"I know we are impossible, but she's do damn witchy impossible." tuluyan na ring bumangon si Nathalia at pinagmasdan din ang aking katawan.
Ganoon din ang ginawa ni Corinthians, pati si Greyson ay lumapit na rin.
"We better keep her away from the Prince." ani Greyson.
Tumango tango ang iba bilang pag sang-ayon. "Yeah. We better keep her away from him before she pass out again..." dugtong ni Nathalia.
Napakunot ang noo ko. Anong mayroon sa Prinsipe? At bakit ganito na lamang ang reaksyon nila?
"...and make her fucking sleep for fucking 24 hours." ani Chrysler na ikinagulat ko.
I what?
I slept?
For a fucking whole day?
----
A/N: Let me know your thoughts about this chapter please :>