webnovel

8

CHAPTER EIGHT

"HAYUN iyong babae!"

Namilog ang mga mata ko at dahil sa gulat ay bigla akong napatakbo. Hinabol ako ng mga guwardiya, at dahil hindi ko alam ang pasikot-sikot sa palasyo ay napalibutan nila ako.

Napahawak ako sa aking dibdib at muling napalingon sa lalaking nakasalubong ko, hindi na umuusok ang kanyang mga kamay ngunit hawak niya parin ang palakol. Nagtatanong ang kanyang mga mata. At tingin ko'y mabait siyang mapanganib.

"Hindi ka na makakatakas!" sigaw ng guwardiya at bigla akong hinawakan sa braso.

Malakas akong nagpumiglas at tumakbong muli, ngunit biglang sumakit ang mag tuhod ko kaya naman nadapa ako sa damuhan.

"Sabi nang wala ka nang takas!" sigaw nitong muli at hinila ang buhok ko. "ARRGH!" sigaw ko ng halos maputol ang ulo ko dahil sa lakas at bigla ng kanyang paghila. "Maganda ka sana kaso delikado ka!" ani ng guwardiya at tiningnan ang aking kabuuan. Tiningnan ko siya ng masama dahil ang paraan ng kanyang pagtitig ay animo'y may binabalak na masama. "Ang ganda mo talaga." pag-uulit nito at saka dumila. Dahil sa inis ay sinuntok ko siya sa panga at dinuraan.

Nakita ko ang pagkainis sa kanyang mukha dahil sa ginawa ko. Wala pang isang segundo ay nakasalampak na naman ako sa damuhan habang namimilipit sa sakit ng aking tiyan.

"Walang hiyang babae!" sigaw nito atsaka sinipa ako dahilan upang mapasuka ako ng dugo.

"STOP!" lahat kami ay napatigil ng magsalita ang lalaking may hawak na palakol atsaka lumapit sa amin.

Pinagmasdan niya ang aking kabuuan.

"Masyadong matapang ginoo eh, kailangan turuan ng leksyon!"

"I said stop!" ma-awtoridad nitong saad at saka muli akong pinasadahan ng tingin. Namimilipit parin ako sa sakit ng aking tiyan.

Lintik na buhay to.

"The team is still practicing right?" tanong nito. Nakita kong tumango ang mga guwardiya, kumurba ang labi ng lalaking may hawak na palakol at saka humalakhak.

"Bring her to the labyrinth. To the maze! NOW!"

Maze? Saan daw?

"ARRRGHH! YOU SHIT!" sigaw kong muli sa sakit ng bigla akong kaladkarin ng guwardiya paalis ng lugar. Pumasok kami sa likod na bahagi ng palasyo at saka lumabas sa isang makahoy na lugar.

Madilim iyon, parang gubat na tinitirhan ng mababangis na hayop. Huli na nang mapansin kong nakatayo ako sa harapan ng isang napakalaking maze.

I gulped.

Anong ibig sabihin nito?

"We have a pawn now." dinig kong bulong ng lalaking nag-utos na dalhin ako dito, wala narin ang kanyang palakol. "The team is still inside right?" tanong nito sa guwardiyang may hawak saakin.

Tumango ito.

"We'll be having a ride then." pagkasabi noon ay walang takot itong pumasok sa loob ng Maze. Nanghina ako at napasalampak sa damuhan ng bigla akong binitawan ng guwardiya.

Maya maya pa'y itinutok nito sa akin ang baril.

My breathing became rapid, is this idiot going to kill me?

"Pumasok ka sa Maze na iyan kung hindi pasasabugin ko ang ulo mo ngayon!" pagbabanta nito, napalunok ako at napalingon sa madilim na Maze.

Oras na pasukin ko iyon, hindi ko alam kung makakalabas pa ako ng buhay. Ngunit oras na hindi ako sumunod ay mawawalan na ako ng buhay.

"Isa!"

Halos mapalundag ako habang tumatayo dahil sa bigla nitong pagbilang.

"Dalawa!"

Tinalikuran ko ang guwardiya at humarap sa maze, bumuntong hininga ako at nagsimulang humakbang papasok sa maze.

"Upang makabalik, kailangan mong makakuha ng isang importanteng bato. Kakaiba ang batong ito sa normal na bato, kumikinang ito kaya naman mapapansin mo agad. Hindi ka pwedeng lumabas ng walang hawak na bato." saad ng guwardiya at bahagyang tumawa. "Kung makalabas ka ng buhay." dugtong nito.

Napapikit ako. Tanginang buhay to.

Humakbang akong muli, ang kailangan ko lamang gawin ay makahanap ng bato. Kahit isang bato lang, lalabas ako ng buhay dito. Hindi ako pwedeng mamatay, kailangan kong lumabas ng buhay.

Nächstes Kapitel