webnovel

Ch. 4

Nag tama ang aming mga mata.

Nakaka bighaning tingnan ang kanyang kayumanging mata. Matang pinag mamay-ari ng aking minamahal, matang nag pa hulog ng maraming babae, matang nag pa hulog ng aking damdamin, matang tinutunaw ako sa tuwing nag tatama aming paningin.

Bumalik saking alala ang aming dating pinagsamahan, nakakalungkot lang isipin na dahil sa aking pag amin, tuluyan na siyang lumisan papalayo sakin. Yung mga tawanan, biruan, kagagohan wala na.

Bumalik ako sa reyalidad ng bigla akong hinampas ni farhana, kahit kailan panira trip ampota.

"oi gaga matutunaw si ano sa titig mo." ay sobra ba titig ko? Gago tumingin kaya siya sakin.

"ulol eyes to eyes kami, maingit ka please." sige ka ngayon.

"gago bat ako maiingit? Crush ko ba yan?" ediwaw.

"awit yung dati mo ngang crush gusto ako." no hate B I'm just stating facts here.

"ulol." dont me heh!

"wawa." sabi ko HAHAHA di pa ako tapos sayo.

"ulol yung crush mo papunta dito." yung ulo ko parang the flash wala pang 0.0001 seconds naka lingon agad ako.

Pag daan niya ngumiti lang ako, alangan naman besohin ko kapalan ng mukha ganon? Pero tbh lang ha gusto ko siya mayakap. Weirdo amp, close kayo te?

"ayie kilig kana nyan?" ayaw ko na san pwede i basura to?

"ulol ako kilig? Heh! No way highway." napa english ako dun ah

"char no way highway pa nga, wag moko maka highway- highway, kilala kita ulol." awts gege

"k." yun nalang nasabi ko papahabain ko paba to? Syempre di na, daldal nito eh.

"yie Ayban." yawa

"mungi ka nghorl?" yawa HAHAHAHAHAHAH

"HAHAHAHAHAHHHAHA" tawa din si gaga eh.

So ayon nga pumasok na yung adviser namin, tapos etong si Hannah parang timang, kinakabahan daw kase di siya naka uniform, nalimot niya ata ako rin walang uniform. Bahala na si batman basta pumasok ako, late nga lang hehe.

"goodmorning class I'll be your adviser and history teacher for this school year, i am ms. Armina R. Esquenta you can call me ms. mina, welcome to another year i hope you'll have a prosperous year and more, today of course I'll not be discussing but rather I'll be giving your schedules and requirements in my subject."

So ayon binigay na nga beh di ko keri 6:15 start ng klase. After niya sabihin yung schedules and everything she left, awit naman maam wag ganon. While waiting sa next subject teacher nakioag chika lang ako kay farhana, shuta buti walang introduce kineme baka bigla akong humiling na magpa kain sa lupa.

"han." sabi ko sabay kalabit.

"oh?"

"pahiram cp or chika nalang tayo."

"shh demonyo lumayo ka sakin." yawa

"tanginamo gago."

"chika nalang baka bawal mag phone baka ma confiscate to." sabi ng gaga

"okay, ano topic natin?"

"malay ko ba." tangina lutang amp

"lutang ka ghorl?" tanging nasabi ko pumasok na kase yung prof.

"hakdog." sabi niya

"hi goodmorning I am sir kenneth you can call me sir ken, I'll be your English professor and quickly open your notebook write down what I'll write in the board, first thing first our class starts at 6:15 and whoever will be late will be deducted 5 points in every quiz we'll take everyday, and I'll just write down the requirements in the board." hanep umagang umaga bagsakan agad topic

Dumaan yung break time kumain kang ako pati si farhana ng mga baon namin, tapos pumasok na yung ibang subject wala namang nilesson nag bigay lang ng requirements at mga "rules" nila tuwing mag kaklase nila, dumaan ang lunch time and bumababa kami ni farhana para i explore ang school.

"far baka naman libre." sabi ko gutom nanaman kasi ako amp

"amp bumaba tayo para i explore ang school, hindi lumamon." sige ha damotan pala

"ge daan tayo canteen sandali, bibili ako

shake." sabi ko

"oi pahingi ha!" punyeta sina sabi ko na nga ba

"ulol bili ka sayo." tanginang kaibigan to

"ediwaw damot mo." siya pa talaga nag sabi ah, kapal ng mukha puta

"ulol maka sabi ka." tanging nasabi ko, tapos nun di na siya sumagot, tameme ka ghorl?

Mga 5 mins namin iexplore yung school, chaka kala mo saan pumunta inikot lang naman yung canteen. Tapos pumunta na kami sa taas, tamang silip kay ano hehe, tingin lang naman ih! Pacute amp, so ayon pumasok na yung mga subject teachers same as usual, bigay requirements tapos aalis na sila, pero di pumasok yung math naminewan bakit.

puta yung last subj. Is spa (special program in the arts) dance, nag bigay ng assignment mag introduce daw kami gamit sayaw, papakain na ba ako sa lupa?!!! Shuta kinakabahan ako, pero 1 month naman binigay samin since sariling choreography dapat.

Dumaan ang 4:00 uwian na ako lang isa umuwi kasi iba bahay nila Hannah awit naman, sumakay lang ako ng jeep tapos tricycle.

Pagka uwi ko hinubad ko agad yung pantalon, shuta parang di maka hinga yung legs ko. Humiga ako sa bed tapos naka tulala lang ako, boung araw ilang beses ko naka eye contact si Ivan yie kilig kana nyan self? Yawa ang cringe. Pero true tuwing sisilip ako sa kanya lilingon din siya. Hays paasa amp

Nächstes Kapitel