webnovel

Jailed

MADALING lumipas ang araw at hindi ko akalaing isang buwan na ding nanatili dito si Gabriel. Mali nga talaga siguro ang pagkakilala ko sa kanya dahil hindi naman siya ganito dati noong una naming pagkikita. Malayong malayo sa naging unang impresiyon ko sa kanya.

I thought he was cold, rigid and strict but now, he's stubborn. He's a little bit playful or so I presumed. May pagkakataon naman ding seryoso siya at doon lamang ako kinakabahan. He's also moody. Salungat sa itsura niyang napakadilim at matikas. Walang araw ang lumipas na hindi niya ako sinusuyo o kung iyon ang tinatawag niyang panliligaw.

"Tam, hija.." Tawag sa akin ni Nanay Breding.

Napatayo ako ng wala sa oras sa tawag niya sa akin. Kasalukuyan kasi akong nasa veranda ngayon ng mansiyon at nagbabasa ng libro habang hinihintay ko ang Donya.

Nakangiti ko siyang binalingan. "Bakit po, Nanay?"

"Pwede ba akong makisuyo sa iyo, Tam? May ipapabili lang sana ako sa iyo sa palengke. Nakalimutan kasing bilhin ni Merlita ang bilin ko sa kaniya kanina na ipanapasuyo ko ng mamalengke siya. Wala na kasi akong oras na lumabas lalo na at sumasakit ang tuhod ko."

Mabilis akong tumango sa kanya at umalis sa harap niya. "Wala pong abala sa akin iyon, Nanay. Ano po ang ipapabili ninyo?"

"Iyong isang supot ng tablia lang, hija. Hindi kasi ako nakakatulog kapag hindi ako nakakainom niyon."

Mabilis akong umalis pero nasa hamba pa lamang ako ng pinto ay may bulto kaagad na bumangga sa akin. Napaatras ako at nagulat dahil sa nangyari. Hindi pa man nakakalayo ang katawan ko ay may mga kamay nang kaagad nahawakan ang beywang ko at mabilis na ibinalik sa dating pwesto.

"Jesus, G---gabriel!" Nahintatakutan kong saad sa kanya.

He just chuckled at me. His hands were now on my waist, holding it firmly. Bumulusok kaagad ang init sa aking mukha at nagmamadali akong kumawala sa hawak niya ng mapagtanto ang magkalapit naming katawan. My breast was almost touching his firmed and rock chest. Sa pwersang ginamit niya sa akin ay tiyak na sumayad ang parte ng katawan ko doon. At halos hindi ko na maisip pa ang kasunod.

"You should have seen your face, babe." He whispered at me sensually.

I glared at him despite of what I'm feeling inside.

"Really matured, Gabriel. Really matured." Napailing ako at iniwan siya doon.

Hindi pa man ako nakakalayo ay hinigit niya ako muli.

"Where do you think you're going?" Tanong niya sa akin.

Tiningala ko siya. "Sa langit. Bakit? Sasama ka?" Hamon ko sa kanya ng wala sa sarili.

He smirked at me and bites his lips sexily. Para siyang matatawa sa akin na parang nagtitimpi na hindi ko maintindihan. Tiningnan ko ang suot niya. Bakit ba kahit maong na kupas at nakaputing T-shirt lang ito ay napakagwapo pa rin nito sa paningin ko? His biceps are even showing when he lift up his hands and slightly combed his hair. Ngayon ko lang din napansin na may sukbit siyang lubid sa kanyang kaliwang kamay.

Muntik ko na pa lang makalimutan na may pinuputol na mga kahoy sa likod ng mansiyon. Gabriel was behind it. Narinig kong may panggagamitan siya doon. Nakikita ko kasi siyang nagdedesinyo ng bahay noong nakaraang araw sa library. And it makes me wonder what he's job is. Pero siguro hindi na dapat iyon tinatanong dahil isang Zegarra naman siya. He will live without even doing nothing.

Piniling ko ang ulo ko at umiling ng ilang beses. I have to go now. Masiyado na akong nag-aaksaya ng panahon dito.

"Damn! So fucking adorable." Bulong niya na hindi ko nahagip.

Nakapameywang siyang humarap sa akin ulit.

"Sino ba naman ako para tumanggi sa alok mo, babe? I would even gladly return the favor and take you to that kind of heaven myself." He then chuckled.

Inosente man ako ay alam ko ang tinutukoy niya. Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang lalaking ito. Masiyadong malandi at minsan ay seryoso.

"Bastos! Wala kang kwentang kausap."

Hindi ko na siya pa nilingon at tinalikuran na. Narinig ko siyang napahalakhak sa akin. Baritonong baritono ang boses niya kaya sa halip na nakakaingganyo ang halakhak niya ay parang kulog na umaabot sa tenga ko.

Nang makalabas ng gate ay akmang papara ako ng trycicle ng mamataan ko ang sasakyan ni Gabriel. Kinakabahan akong napatitig doon.

Nang huminto ito sa harap ko ay bumukas ang bintana nito at nakita ko ang nakangisi niyang mukha. Halos mapahilot ako sa sentido ko ng maramdaman ang kakahantungan ng pangyayaring ito.

"Come on, Tam. Hurry up!" Tawag niya sa akin.

Sumimangot ako.

"Sinong may sabi na sasakay ako sa iyo?" Himutok ko sa kanya. Magpakipot naman tayo kahit minsan.

Ang landi, Tamina.

Natigilan siya at bahagyang napalunok sa tanong ko. What's wrong with him again? Bigla bigla nalang sumeseryoso na palaging ikinagugulat ko.

Tumikhim siya. "Sabi ni Nanay ay pupunta ka ng palengke. Ihahatid nalang kita total ay doon naman din ang punta ko. May kukunin lang din ako saglit sa junk shop." Seryoso niyang saad sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa kanya. Mas maganda iyon lalo na at hindi na ako mag-aaksaya ng pera pamasahe.

Unti unti ay naglakad ako patungo sa kanyang truck. I groaned when I saw how high the step is. Dahil mataas ang sasakyan niya ay kailangan ko pang lakihan ang bawat akyat ng paa ko. Kung pagbabasehan sa tangkad na meyron ako ay nahihirapan pa din akong gumawa ng mas mataas na hakbang. Gabriel is a tall and brisk man. Hindi na dapat pang itanong kung bakit nababagay sa kanya ang mga ganitong uring mga sasakyan. Mas bagay nga ito sa mga lugar na ganito lalo na at lubak lubak ang daanan at maputik naman kung umuulan.

Napaangat ako ng makita ang mga kamay niyang nakalahad sa akin.

"Kaya ko ang sarili ko." Malamig kong saad sa kanya.

Tumitig lang siya sa akin at umigting ang panga. "Alam ko, babe. But my long patience is not cooperating with me when it comes with you." I even heard him growled. "Nakita ko na naman ang hindi dapat makita sa iyo."

Bumababa ang tingin ko sa suot ko at halos maiyak na naman ako ng makitang bahagyang umalsa ang suot kung dress kaya nakita niya na naman siguro ang panty ko.

Shiiiiiit! Not again…

Ilang ulit ba akong mapapahiya sa harap niya?

I don't have a choice but to take his hands. Kaya habang papunta kami doon ay naging tahimik lang ang biyahe namin. Mas mabuti iyon dahil wala akong maiisasagot sa kanya kapag nagkataon. Nahihiya pa rin ako. Bakit ba kasi pumayag ako? Malay ko bang makakasakay ako sa monster truck niyang ito.

Nang nasa bukana na kami ng palengke ay maraming nakatingin sa amin o mas isiping sa sasakyan niya. Agaw pansin naman kasi ang sasakyan niyang ito. Masiyadong magarbo at napakasosiyal. Bibihira lang kasi o siya lang talaga ang may ganitong sasakyan sa buong lungsod.

May parking lot naman dito pero dahil siguro hindi sa palengke ang sadya niya ay pinasok na niya ang sasakyan niya. The junk shop was way over there, in the last store in this market.

"Dito mo na lang ako ibaba, Gabriel." Sabi ko sa kanya ng makita ang pwestong palaging pinagbibilhan ni Nanay Breding ng tablia.

Kaagad niyang hininto ang makina ng kotse at mas naunang pumanaog keysa sa akin. He stride effortless way out of his truck while I am still wondering how could I get off without thinking what happened a while ago. Baka makitaan na naman ako nito.

Napaigtad ako ng bumukas ang pinto sa gilid ko. Salubong ang kilay ni Gabriel ng bumaling ako sa kanya. Umiigting rin ang kanyang mga panga at bahagyang hinawi ang buhok niyang natatabunan ang kanyang mata. Madilim na naman ang ekspresiyon niya na may parang pasan pasan na namang malaking problema. This rugged man…

"Come here. I will carry you down." Iminuwestra niya ang kamay niya sa akin.

Namilog ang mata ko. "P---pero…"

"No buts, Tamina!" He spat at me angrily that made me shocked. "Do you think I would let you go down on my truck without me as your leverage? Hindi kita hahayaang bumabang mag-isa." Madilim niyang tanong sa akin.

"Pwede naman kasi akong lumundag nalang, Gabriel."

"At mabalian ng buto?" He then chuckled sarcastically on me. "Come on, babe. Don't go hard on me again."

Napabuga ako ng malakas na hangin. "You are overreacting again."

"Ayaw ko lang makita nila ang nakita ko. You are only mine to see, Tamina." Seryosong saad niya sa mahinang boses.

I'm beyond speechless at what he said. Hindi sa kung ano ang sinabi niya kung hindi sa paraan nang pagkakasabi niya sa mga salitang iyon. Napalunok ako ng sariling laway ng wala sa oras.

Nagtama ulit ang mga mata namin at katulad ng dati ay wala rin akong nagawa kundi ang sumunod sa gusto niya. Mabuti nalang talaga at wala pang masiyadong tao dito dahil kapag nagkataon tsismis na naman ang aabutin ko nito. Not that I care. Nakakairita kasi minsan dahil mismo ang Nanay ko ay dinadamay nila kapag nakikita ako.

Our town really needs to be baptized again. Naturingang maka-diyos ang mga tao pero hindi naman nakikita sa gawa. Matatawa nalang ako, imbis na supalpalin pa sila. Dahil kung ako lang, baka nakarinig na sila ng samu��t saring insulto galing sa akin.

"I will go with you."

Napalingon ako kay Gabriel na ngayon ay hawak pa rin ako sa beywang kahit nakababa na ako.

Seriously?

"Y—you can let go of me now, Gabriel."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Why? I am comfortable this way."

But I'm not!

Kumurap ako ng ilang beses sa sagot niya. "Hindi ako nakakalakad ng maayos kapag nakakapit ang kamay mo sa beywang ko."

"Of course, you can." Saad niya at nagsimulang maglakad patungo sa store habang kasama ako. "See?"

Hindi ko alam kong matatawa ako o maiinis sa mga trip niyang ito. Halata lang naman kasi ang mga galawan ng babaerong ito.

"Galawan mong bulok na, babaero." Mahina kong sabi sa kanya at nagpatiuna nang naglakad.

"Bahala nang mabulok. Bentang benta naman sa iyo." Rinig kong sagot niya na ikinatawa ko na lang sa aking isipan.

Habang papalapit kami roon ay maraming bumati sa kanya pero ng makita ako ay kaagad ding napalis ang mga ngiti nila. Kahit nga noong bumili na kami ay halos mahulog sa daan ang supot na inaabot sa akin ng tinderang mukhang hindi maganda ang naging umaga dahil sa akin. Gusto kong magprotesta pero dahil nasa tabi ko lang si Gabriel ay hindi nalang ako nagsalita.

"Tamina!" A shout from the near store gets my attention.

Nang lingunin namin ito ay nakita ko si Matteo. Nagtatakbo siyang lumapit sa akin at mabilis akong ginawaran ng napakatamis na ngiti.

Aside from Terry, Matteo is also my friend. Naging magkaibigan kami simula noong unang punta ko dito sa palengke ng mag-isa. He's the one who helped me to buy some goods actually. Nahirapan ako noong una dahil wala namang nagpapabili sa akin dito. Siguro ay naawa siya sa akin kaya tinulungan niya ako. Kaya nga hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa kanya. Mabait kasi si Matteo at likas na sa kanya ang matulungin. Dagdagan pang may itsura siya at kilala din sa buong lungsod.

"M—matteo!" I stammered.

Napansin iyon ni Gabriel at nilingon niya ako na may madilim na mukha. Hindi ko na siya pinansin at sa halip ay itinuon ko nalang ang pansin sa bagong dating.

"Kamusta ka na, Tam?" Tanong niya at lihim na pinasadahan si Gabriel na ngayon ay mas lalong humigpit ang hawak sa akin.

Alanganing akong ngumiti kay Mateo ng maramdamang medyo sumakit ang hawak ni Gabriel sa akin. Mas lalo iyong humigpit ngayon na parang galit na galit siya sa kung sinuman.

"O---okay lang ako, Mateo. Naging maayos naman ang buhay ko sa mga nakalipas na taon." Sagot ko.

Napangiti siya sa akin. "I'm glad to hear that, Tam. Mas lalo ka ngang gumanda ngayon." Nahihiya niyang saad at bahagyang pumula ang kanyang pisngi.

Tumikhim si Gabriel. Sabay kami ni Mateo na napalingon sa kanya.

"Kaibigan mo, Tam?" Matamis niyang ngiting baling ulit sa akin. Tumango ako ng mabilis sa kanya. Walang pag-aaksayang nilahad ni Matteo ang kamay niya sa harap ni Gabriel na tinitigan lang nito sa huli.

"I'm Matteo, pare."

Siniko ko si Gabriel pero hindi man lang siya natinag.

His face is emotionless right now. He didn't even blink while staring at Matteo. Parang naging bakal ang kanyang buong katawan na nakapalibot sa akin at mukhang pinoprotektahan ako sa mga maaring mangyari.

Ako ang mismong nahihiya sa ginagawa niya.

Akmang ibaba ni Matteo ang kanyang kamay pero kinamayan na siya ni Gabriel. At nang mapadako ang tingin ko sa kanilang magkahugpong na mga kamay ay halos lumuluwa na ang mga ugat nila. Pumupula na nga ito na para bang nakipaghilahan sila ng lubid sa isang dambuhalang wrestler. When I lifted up my face, I saw them watching each other murderously.

But, why?

Gabriel face darkened more.

"Tell me, sino ka ba sa buhay ni Tamina?" Tanong ni Matteo na ikinabigla ko.

I chuckled awkwardly. "Ah----" Gabriel cutted me off.

"You don't need to know." Malamig na sagot nito kay Matteo.

For the first time, I saw Matteo smirked dangerously at Gabriel.

"Unfortunately, I ought to know, Zegarra." Matteo interjected. "Hindi naging lingid sa aking kaalaman ang pagiging sikat mo sa buong lungsod dahil sa reputasiyon mo. You fucked and leaved. Such an honorless thing to do, huh?"

I saw Gabriel gritted his teeth. "Shut up." He looks pissed.

"Iniisip mo bang ilagay sa mga koleksiyon mo ang kaibigan ko?"

Madali akong binitawan ni Gabriel at halos mapatili ako ng madaling inabot niya ang kwelyo ni Matteo at mariing itong itinaas na ikinaiigik nito.

"Tumigil ka, Gabriel!" I shouted at him

Hindi ito ang inaasahan kong mangyari. Without a second thought, I immediately hold Gabriel's shoulder. Nilingon niya ako at agad nanlambot ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Binitawan niya si Matteo na ngayon ay maputla na ang mukha. Why would he do that to Gabriel? Maraming taong nakatingin sa amin at halos lahat ay nagbubulungan na dahil sa nangyari. Mas lalo akong nahiya para sa sarili.

I frustratedly held Gabriel's hand and walked out with him. Sa susunod ko na lang siguro kakausapin si Matteo. Dahil ngayon, pati ako, umiinit rin ang dugo sa kanya. He doesn't have to do that. Provoking someone is not the right thing to do. Lalo na at wala naman sigurong ginawang mali si Gabriel sa kanya.

Napapikit ako ng wala sa oras. It just doesn't feel right.

Suddenly, I felt Gabriel's atmosphere darkened each passing minutes. Isang malaking hampas ang ginawad niya sa manibela na ikinaigtad ko.

"Damn that, fucktard." I heard him growled.

Kinakabahan akong naglipat ng tingin sa labas ng bintana habang nilalakbay namin ang daan pauwi. He didn't even bother to strike a conversation too. Nanahimik na lang ako at walang nagawa kundi ang libangin ang sarili sa mga punong nadadaanan namin.

Umaabon na nang malakas at may bagyo atang paparating. Pasimple kong tiningnan si Gabriel pero magkasalubong parin ang mga kilay niya at mas lalong naging madilim ang mukha. Mas lalo ako ngayon kinakabahang kausapin siya dahil baka anong magawa niya sa akin. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito at kahit hindi ko man aminin, natatakot ako para sa sarili ko.

Calm down, Tam.

Hindi ako pwedeng mag-panic!

"Let's stop in that house." Malamig niyang saad habang hindi ako nililingon. "Malakas ang ulan at hindi ko na halos nakikita ang daan. It would be safer if we let the rain subsided first before we go on."

Tiningnan ko ang tinuro niya at nakitang ang abandonadong bahay iyon na hindi na tinitirhan mga limang taon na ang nakalipas. Kinakalawang na din ang gate ng bahay at marami nang mga ugat ng halaman ang umaakyat patungong bubong. Malaki ito at mukhang papasa na sa pagiging haunted house.

Tumigil ang sasakyan niya sa mismong harap ng bahay. Gabriel immediately scoped my waist and hurriedly held my hand towards the house.

Nang makaabot ay agad akong nagpagpag ng damit ko at ulo. Malakas nga talaga ang ulan dahil may kasama pang hangin. Dapat kasi nakinig ako ng balita kanina.

Gabriel loud sigh put me back on my reverie. Napalingon ako sa kanya at nakitang basang basa ang T-shirt niya. Bakat na bakat ang dibdib niya at ang mga naglalakihan niyang braso na animo nakikipagsubukan at naghahamon. Slowly, he bends down and wiggles his head and slightly combed his hair. Then he looked at me.

Agad akong nag-iwas ng tingin. Panigurado ay namumula ngayon ang pisngi ko. Damn it! Those deep and tantalizing eyes!

Narinig ko siyang humakbang paalis. Nilingon ko siya at nakitang pilit niyang binubuksan ang pinto ng bahay.

"What are you doing?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya.

Nilingon niya ako. His lip was parted a little. "We need a heat or we'll both end up like Jack and Rose." He then licked his lips.

Napangiti ako ng wala sa oras. "You watched Titanic?"

Tinadyakan niya ang pintuan at nilingon ako. "Everyone watched Titanic, babe." Saad niya at tinalikuran ako.

He just freaking ruined the lock. Mapapatay kami ng caretaker ng bahay na ito. Lumapit ako doon at binusisi ko ulit ang lock. Nakaginhawa ako ng maluwang nang hindi naman ito masiyadong napuruhan. Hindi pa rin ito mahahalata ng may-ari.

"Hindi dapat ta----" Napahinto ako ng makita ang loob. Lahat ng kagamitan ay nakaayos. May malaking sofa sa living room. Ang sahig ay napakalinis at kumikinang kapag nasisinagan ng ilaw.

Namilog ang mata ko.

A chimney?

Akala ko ba abandonado ang bahay na ito? Bakit parang may nakatira? Mas lalo akong kinabahan at nilingon ko si Gabriel na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa habang umiinom ng wine.

Where did he get that?

"Gabriel, this is trespassing! Baka makulong tayo kapag mahuli tayo ng caretaker dito!"

Mabilis niya akong nilingon. He then lazily get up and pulled off his T-shirt in front of me.

Bumilis ang tibok ng puso ko at halos mag-init lahat ng balat ko sa ginawa niya.

He is just topless, Tamina!

Relax…relax..

"I'm the owner, Tamina. So technically speaking, ikaw ang trespasser sa ating dalawa dito."

He's the what?

"W—what?"

He then walked towards me. Napalunok ako ng wala sa oras.

"Huhulihin kita pero hindi ka makakulong." He seriously added.

Nanginig ako sa sinabi niya.

"You framed me?!" I shouted at him.

Is he kidding me?

"Alam mo ba kung saan kita ikukulong, babe?" Malambing iyon na may kasamang kalamigan.

Halos maiyak ako ng lumapit pa siya sa akin kaya umatras ako.

Umiling ako sa kanya.

"Ikukulong kita sa buhay ko bilang asawa ko." Hinablot niya ako at inabot ang mukha ko.

The next thing I knew, his lips was already smashed on me. Knocking all my breath throughout my system.

Nächstes Kapitel