webnovel

Chapter 10

MEGAN

Ngayong araw na 'to, ito na ang pinaka-worse thing na nangyari sa buhay ko sa pagiging CEO ko sa EyeRed Entertainment Company namin.

Una sa lahat, pinaandar na naman ni Clown ang pagiging pasaway niya.

Mayroon na naman isang viral video na nagkalat sa social media, na nakipagsuntukan siya sa isang bouncer sa bar kung saan umiinom siya sa public place.

Bakit sobrang pasaway niyang tao?! Sumasakit ang sentido ko ngayon dahil nagbibigay na naman siyang problema.

Binigyan ko na nga siya ng punishment, pero hindi pa nadala.

Huwag niyang subukan na palayasin ko siya mismo sa kompanyang 'to.

Nanggigil ako ngayon sa kanya.

Pangalawa, ngayong araw ay dapat 'REST DAY' ko pero dahil mayroong taong gumawa ng ikakapahamak sa kompanya namin dali-dali akong pumunta dito.

Kahit tanghaling-tapat at naiipit ako sa ka-trapikan, tiniis ko 'yon dahil may nagbanggaan na kotse at truck.

Pangatlo, malapit na nga ako sa kompanya, naubusan naman ako ng gas.

Walang malapit na gasoline station sa EyeRed kaya pinarada ko na lang sa gilid para iwan.

Tinawagan ko na lang si Quinn para asikasuhin yung sasakyan 'ko.

Pang-apat, wala akong choice dahil naubusan ako ng gas kaya naglakad akong naka-heels.

Pinakahuli, ramdam ko yung paltos na sobrang sakit ngayong pagdating sa office ko pero ininda ko yung sakit dahil inuna ko muna ang kailangan asikasuhin.

"Megan, what are you going to do?" tanong ni Quinn sa akin na nakatayo sa harap at ako'y nakatingin sa kisame ng office ko. Baka may makuha akong sagot sa katanungan ni Quinn.

Tinutukoy niya kung ano gagawin ko kay Clown.

Madali naman palayasin 'yang si Clown pero marami lang consequences para sa akin.

Baka maraming fans magwelga mismo sa harap ng EyeRed dahil sobrang walang awa ako sa mga artists.

Hindi ba siya naaawa si Clown sa EyeRed? Sinisira na nga niya ang EyeRed dahil sa pinag-gagawa niya. Iisipin nila lalo, hindi namin binabantayan si Clown.

To be honest, hindi namin maipapangako namin ng 100 percent na babantayin namin siya, siyempre ayoko naman masakal namin ang artists.

Hindi physical na sakal ito pero the way na kung paano higpitan pa namin lalo si Clown.

Baka ma-depress siya. Ayokong-ayoko may nagtatangkang magpakamatay dahil sa patakaran at punishment ng kompanya.

What I am going to do right now, Megan?

Gulung-gulo na ang aking isip at sumakit lalo ang ulo ko.

Pakiramdam kong mainit ang aking katawan pero kakayanin pa naman mabuhay.

Naghihintay ngayon ng kasagutan si Quinn kung anong dapat kong gawin pero kailangan na talaga kong mag-isip ng maayos.

Ayoko madala sa emosyon. Gusto ko lang magpakalma.

"I need some air, Quinn." sabi ko sa kanya at tumayo na ako sa aking upuan.

Kailangan ko munang lumabas ngayon ng office. Gusto ko muna pumunta sa Recording Room ngayon. Lumabas na ako sa aking office at tuluyang pumunta doon.

Habang papalit ako sa Recording Room ay sadyang may narinig akong tumugtugtog ng gitara.

Mukhang may tao sa recording room kaya naisipan kong bumaba na lang sa 6th floor. Medyo gusto ko ng mainit na kape dahil nilalamig ako ngayon.

"She works the night, by the water. She's gonna stress, so far away from her father's daughter. She just wants a life for her baby. All on her own, no one will come. She's got to save him."

Bigla akong napahinto sa aking narinig na boses mula sa dapat kong pupuntahan.

Narinig kong babae ang kumakanta ngayon.

Maganda ang boses at masarap itong pakinggan kaya lumapit ako dahan-dahan.

Pagkadating ko sa tapat ng pinto, nakita ko mismo sa bintana ng pinto na naka-side view si Scarlet habang nakapikit siyang kumakanta.

Nagulat lamang ako dahil nakita kong andoon si Hexyl.

Pumunta na naman ang loko dito sa kompanya para makita siguro si Quinn.

Sumandal na lang ako sa dingding na katabi mismo ng pintuan.

Patuloy kong pinakinggan ang kanta ni Scarlet. Napansin kong nanginginig ang kanyang boses kaya pakiramdam kong kinakabahan siya.

Pero hindi ko pa rin ramdam ang kanyang pagkanta dahil nag-aalinlangan siya sa mababang tono ng pagkanta niya ngayon.

Kailangan niyang maramdaman ang pagkanta niya.

"She tells him "ooh love". No one's ever gonna hurt you, love. I'm gonna give you all of my love. Nobody matters like youuuu. Your life ain't gonna be nothing like my life. You're gonna grow and have a good life. I'm gonna do what I've got to dooooo." I think pre-chorus na siya pero she's doing a great job dahil mukhang nilalaro na lang ang pagkanta niya.

Mukhang lumakas ang pagtugtog ni Hexyl sa gitara kaya nag-iba ang mood ng pagkanta ni Scarlet.

"So, rockabye baby, rockabye. I'm gonna rock you. Rockabye baby, don't you cry. Somebody's got you. Rockabye baby, rockabye. I'm gonna rock you. Rockabye baby, don't you cry". Nagustuhan ko ngayon ang pagkanta niya.

Kahit iniiba niya ang version ng tono ng pagkanta pero natatama niya naman ang mga nota na nagbibigyan ng magandang kinalabasan ng pagkanta niya.

Mukhang nag-eenjoy siya.

Pakiramdam kong kailangan ko siya alisin sa Queen of Hearts.

I feel like she wasn't really trying too hard to sing a while ago, but she sounded much better right now.

Mukhang sasabog ang puso ko dahil nakakamangha ang boses niya. Alam kong seryoso at masungit akong tao pero kung naririnig niyo lamang ang boses niya, sobrang sarap pakinggan.

"Rockabye, no nooo ohh"

Mukhang dito na lang ang katapusan ng pagkanta ni Scarlet.

Napangiti na lang ako dahil pag-iisipan kong aalisin ko siya sa Queen of Hearts para maging solo artists ng EyeRed.

Biglang may narinig akong pumalakpak at alam kong si Hexyl 'yon.

She deserves it.

"Mukhang maghahanda na kami para sa unang single namin." rinig kong sabi ni Hexyl.

Naglive ba siya ngayon?

Tumingin ako agad sa mirror ng pinto at napatingin ako sa camera kung saan sila nakatingin. No!! Hindi pwede 'to.

Hindi pwede nila makita si Scarlet na nagsisimulang magperform sa public dahil hindi pa ito nagdedebut. Ayoko sa lahat pinangungunahan ako.

This is so mess!

Gusto ko na talagang pag-untugin si Hexyl at Clown.

Parehas lang silang nagbibigay ng problema sa akin. Bumalik na naman ang sakit ng ulo ko ngayon.

Okay na talaga! Nakaplanado ang aking balak kay Scarlet pero pinangungunahan naman ako ng lokong Hexyl na 'to.

Sarap mong batukan, Hexyl!

"Kailangan na namin umalis. Sa uulitin mga viewers. I love you all."

Rinig ko ang boses ni Hexyl na nagpapaalam na ito. Buti na lang hindi pa ito hinabaan.

Alam kong pasimuno na naman ni Hexyl 'to at nadamay pa ang artist ko. Nanggigil ako. Pigilan niya ko!

"Why are you crying a while ago?" napakunot-noo ako sa tanong ni Hexyl kay Scarlet.

Na-curious lang ako sa kanyang tinanong kay Scarlet.

"Wala 'yon, Hex." rinig kong sabi ni Scarlet.

"Sinadya ko talagang guluhin ka dito sa recording room. Gusto ko lang malaman. Hindi naman ako magsusumbong kahit sino lalo na sa kapatid ko."

Hexyl, kahit hindi mo na kailangan magsumbong, malalaman ko pa rin dahil naririnig ko ang usapan niyo.

"Iniwan niya ako ng walang paalam." rinig kong sabi ni Scarlet.

Ha? Ibig bang sabihin niya na iniwan siya ng boyfriend niya? Hindi niya alam na nilabag niya ang rules ng EyeRed about sa dating?

"Paano kung 'yon ang kanyang paalam?" tanong ni Hexyl sa kanya.

Narinig ko rin na natawa ito sa tanong ni Hex.

"Isang kalokohan 'yan. Kahit 'paalam, Scar.', wala akong natanggap eh."

"Hindi isang kalokohan 'yon. Sadyang nagsisilbing paalam niyang iwan ka ng walang paalam."

"Hindi porket wala siyang sinabi, hindi na siya nagpaalam?"

"Hindi nakabatay sa salita ng tao, ang batayan kung nagpaalam siya o hindi."

"Alam mo ba kung anong batayan kung bakit hindi na siya nagpaalam sa'yo?"

"Ang paglisan niya dahil hindi ka niya kayang mahalin pa."

Hindi ko alam kung ano masasabi ko ngayon sa mga sinabi ni Hexyl kay Scarlet.

Alam ko si Hexyl, hindi sila okay ni Quinn ngayon pero naaawa na ako sa kapatid ko dahil gumagawa siya ng paraan para makuha niya si Quinn.

Pero ngayon, andoon siya sa loob ng Recording Room para magbigay ng advice kay Scarlet kahit sobrang broken ni Hexyl na akala mo maayos ang puso niya ngayon.

Naririnig ko ang paghikbi sa pag-iyak ni Scarlet.

Alam kong nasasaktan siya ngayon. Alam kong nilabag niya ang rules ng EyeRed pero wala na akong pakialam dahil hindi na mahalaga kung nilabag niya ito.

Gusto ko lang protektahan ang aking artists. Gusto ko lang rin sila maging masaya para sa pangarap nila at handa akong suportahan sila.

Narinig ko lalo ang paghagulgol nitong si Scarlet. Napansin kong ang pagyapak niya na sigurado akong lalabas ito.

I need to do something as CEO.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto niya.

Nakita ko itong nakayuko habang lumabas at hinarangan ko siya ng kamay ko.

Pero hindi niya pa rin ako pinapansin kaya dinedma niya ako pero pinigilan ko siya sa pagpapatuloy niyang paglakad gamit ang paghawak ko sa kanyang braso.

Humarap siya sa akin at tumingin siya mula paa hanggang makita niya kung sino nagharang sa kanya.

Nagulat siyang ako nakaharap niya.

Dapat lang magulat siya dahil idolo niya ang kaharap niya na nagmamagandang-loob sa kanya.

May kinuha ako sa aking bulsa ng coat ko na panyo na pagmamay-ari ko at inabot sa kanya.

"Oh..." Napansin niya na inabot ko ang panyo sa kanya.

Tumingin siya sa akin at bigla itong napaluha, "Ms. Megan..." Tuluyang ginamit niya ang panyo ko.

Narinig ko ang pag-iyak niya at sumingha ito ng marami sa panyo ko.

Napasapo na lang ako sa ulo dahil nag-alala ako na madumi na ang panyo ko.

Labhan niya na lang siguro o remembrance ko na lang sa kanya kaysa ibalik sa akin.

Napansin kong bigla nagbukas ang pinto at napatingin ako kung sino.

Si Hexyl.

Namilog ang kanyang mata sa nakita niya at sinenyasan ko siyang umalis ito ng tahimik na walang sagabal sa amin.

Sumunod naman ang loko at ngumisi ito sa akin. Binigyan ako ng 'okay' sign.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

wattpad: @itsleava

twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
Nächstes Kapitel