webnovel

Chapter 1

MEGAN

"Megan!!

"Megan!! You need to wake up!"

"You are late!

"Mayayari ka kay Mom!"

I can here something na kumakatok sa pinto ko? Wait. Binuksan ko ang aking mata and kinuha ko agad phone ko. Tiningnan ko ito.

54 missed calls from my Mom and 34 missed calls from Secretary Quinn. Tiningnan ko kung anong oras na. 10 am na!! Jusko! Bakit hindi ako nagising?!!

Biglang akong napabangon sa kama ko. Napalingon ako sa table ko at nakita kong nagkakalat pa rin ang mga beer at chips sa lamesa. Uminom pala ako kagabi mag-isa.

Kumirot ang aking sentido. Hangover talaga ang araw ko ngayon!

Napaisip ako kung anong agenda ngayong araw habang mabilisang naliligo ako.

Kailangan kong sabihin sa inyo na nagtatrabaho ako sa EyeRed Entertainment Company sa loob ng limang taon at noong isang araw lang na-promote ako bilang CEO.

Pangatlong araw ko na ngayon bilang CEO ng aming kompanya. Ang aking Mom ay former CEO ng EyeRed Entertainment Company but still Chairman pa rin siya ng EyeRed.

Masyado na siyang matanda para magtrabaho pero kahit anong pilit ko, gusto pa rin niya maging Chairman.

Sabi ko sa kanya na bago maglimang taon, ako na lang magtrabaho sa aming pamilya. Magpahinga na lamang siya. Ngunit gusto pa rin niya maging Chairman na lang.

Less pagod sa trabaho lalo na't wala na si Dad.

Kailangan ko muna ngayon asikasuhin ang Queen of Hearts dahil kinakailangan na silang magdebut this year. Isa sila sa pinakabagong girl group na magdedebut sa EyeRed.

Wala pala akong balita tungkol sa mga pangalan ng mga miyembro ng Queen of Hearts dahil hindi pa sa akin sinasabi ng aking secretary. Mukhang magiging busy ako ngayong araw.

Nagsisimula na akong mag-makeup. Hindi naman ako kasing arte mag-ayos ng sarili basta presentable akong tingnan ng mga tao. Sapat na sa akin iyon. Kinuha ko na agad ang aking bag para umalis sa kwarto ko.

Dumiretso na ako sa sala at nakita kong naglalaro ang kapatid kong si Hexyl ng playstation. Napahinto ito sa paglalaro at nakatingin ito sa akin ng masama.

Alam kong magsisimula na siya magsermon sa akin.

"Si Mom tumatawag sa akin, hinahanap ka na sa Company. 11am na wala ka paskssakaalskksksk?!" tinakpan ko na lang ang tenga ko sa sinasabi niya. Patuloy pa rin ako sa paglalakad.

Kung nakipagtalo pa ako sa kanya, nagsasayang lang ako ng laway.

"Okay, Hexyl! On the way na ako!" sigaw ko at palabas na ako sa lobby. Kitang-kita kong naka-abang na ang sasakyan ko sa labas. Sumakay na ako sa driver seat at tuluyang umalis na.

Habang nagmamaneho ako tinawagan ko ang secretary kong si Quinn.

Matagal ko nang katrabaho si Quinn. Siya na mismo ang gumagabay sa akin kung paano maging CEO. Siya ang tumulong sa akin kung ano mga tungkulin ng pagiging CEO.

Sinabi sa akin ni Mommy na ako raw ang magiging kasunod na CEO lalo na't bilin 'yon ni Dad.

Medyo komportable naman siyang kasama. Pero alam naman namin sa isa't isa na kapag usapang trabaho ay trabaho lang. Sinasantabi muna namin ang pagkakaibigan.

Sinagot agad ni Quinn ang aking tawag.

"Hello? May pending ba?" tanong ko sa kanya. Tinanong ko siya para diretso na agad gagawin ko. Para pagdating ko doon sa office hindi na siya mag-report sa akin.

"Yes, Meg. First, kailangan mong makipagkita sa Queen of Hearts. Second, mayroong rumors na nagkakalat ngayon ng mga litrato ni Clown. I'll send you right now. Third, may nag-aalok ng shoes endorser para sa Black Blossom. Pinakahuli, kailangan mo pong tingnan ang performance ng Queen of Hearts mamaya." sabi niya.

Sumakit ang aking ulo dahil nagsisimula na magkaroon ng problema isa sa mga artists ko. Kailangan ko talaga makausap 'tong si Clown.

Ayoko lang may taong sumisira ng imahe ng aking kompanya dahil lang sa kagagawan nila. Makikita talaga nila kung paano ako maging strikto kaysa sa Mom ko. Kaya maghanda na sila. Mas okay na maging strikto para sa ikakabuti nila.

"Anong mga litrato?! Pagdating ko, kailangan kong kausapin sa office si Clown." naiirita kong sabi sa kanya.

"Yes po. Tatawagin ko na. Na-send ko na ang mga litrato sa e-mail mo po." ani niya.

Biglang tumunog ang notification ng aking Ipad. Nakita ko ang mga litrato na nag-uusap ang babae at si Clown. Merong mga litrato na nakaakbay silang dalawa sa publikong lugar.

Akala mo parang ordinaryong tao lang para maglandian sa public.

Hindi ba niya iniisip na sikat siyang solo singer ng EyeRed?

Ngunit gumawa siya ng pagkapahamak ng aking kompanya? Hindi ba siya nag-iisip? Masyadong siyang makasarili.

Mayayari ka talaga sa akin, Clown.

"Tawagin mo na hangga't nasa byahe pa ako. Bye." tamad na pagpapaalam ko sa kanya. Sinabay ni Clown talaga sa hangover ko ang pagiging pasaway niya. Nanggigigil ako ngayon.

Malapit na ako sa kompanya. Mga ilang minuto lamang, andito na 'ko sa main entrance ng EyeRed. Bumaba agad ako. Nagmamadaling binigay ko ang aking susi ng kotse sa guard para iparada sa parking lot.

Pagpasok ko sa loob ng lobby, Napansin kong maraming yumukong empleyado sa akin bilang paggalang habang nagmamadali akong pumunta sa elevator.

Habang naka-abang ako sa elevator dahil nasa 4th floor pa lang ito. Nakita ko agad ang balita ni Clown sa TV na nakadikit sa pader.

Pumikit ako ng mariin pagkatapos kong matanaw ang malinaw litrato ng babae at si Clown.

Pinakita pa talaga sa balita na nakaakbay ito sa babae.

Buntong-hininga na lang ako para kumalma kahit bawasan man lang aking galit.

Nasa Ground floor na ang elevator at biglang naglalabasan ang mga empleyado ng EyeRed.

Nagulat sila at yumuko sila sa akin. Ngunit wala ako sa wisyo na pansinin sila.

Dumiretso agad ako sa loob ng elevator.

Pumindot ako ng floor kung saan andoon ang aking office. Sumara ang pinto ng elevator.

"Wait!" May narinig akong tao sa labas na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Dali-dali kong pinindot ang close pero huli na ang lahat.

Nagmamadali na 'ko! Sagabal siya.

Inipit niya agad ang kanyang kamay para magkusang bumukas ang pinto ng elevator.

Nakita ko siyang nakatingin ng masama sa akin habang pumapasok siya.

May itsura naman ito at nakacurly ang kanyang buhok. Meron siyang bilugang hugis ng kanyang mukha at magkasing tangkad lang kami. Siguro mga 5'7 ang kanyang sukat ng tangkad niya. Hindi ako sigurado.

Nakita kong pawisin siya kaya lumayo ako sa kanya agad. Tumingin na lang ako sa sumasarang pinto ng elevator.

"Hindi ka naman bingi kanina diba?" nagulat ako sa kanyang tanong. Nakita ko sa aking galid ng aking mata na pinindot niya ang 3rd floor.

Ang nasa third floor ay puro aShe at Queen of Hearts. Mukhang taga-Queen of Hearts 'to dahil kilala ko na ang mga miyembro ng aShe kaya pakiramdam kong baguhan ito kaya taga-QoH siya.

Look? Hindi ba niya alam na CEO ako ng Company?

Oo nga pala, I am wearing slacks and red sleeves lang pala. Bitbit ko yung coat ko kaya siguro hindi niya namukhaang CEO ako kasi late na ako mag-ayos.

"Yes." tiningnan ko siya ng masama. Sana alam niyang manahimik na lang siya para hindi masira lalo ang araw ko.

"Sana alam mong late na ako lalo kung sinarudahan mo talaga ako ng pinto. Mayayari ako sa boss ko!" naiirita niyang sabi.

"Sa susunod huwag kang maging makasarili! Akala mo para lang sa'yo ang elevator na 'to."

"It is your fault." naiirita kong sabi kanya.

Biglang tumunog ang elevator dahil nandito na ito sa 3rd floor kung saan dito siya lalabas.

Nagsimula na siyang lumabas at humarap sa akin. Tningnan niya lang ako ng masama at nagdabog ito paalis.

Patience, Megan. I need patience.

Wow!

May gana pala siyang magkaroon ng attitude. Umiling na lang ako sa kanya dahil sa sobrang disappointed sa kanya. Hindi na ako umaasa na may mga katulad din siyang hawak kong artists. Mga artists na may tinatagong baho talaga minsan kaya huwag na kayong umasa pa.

Pinindot ko na ang close button ng elevator upang sumara ito. Wala naman akong pakialam para pansinin siya.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

> wattpad: @itsleava

> twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts
Nächstes Kapitel