webnovel

Chapter 22: My Imaginary Friend

"PROUD na proud ako sa'yo anak, pagbutihin mo ang iyong pag-aaral ah" Masayang masayang palatak ni Mama sa'kin at niyakap ako ng sobrang higpit

"Wala 'yun ma, tsaka salamat ng marami dahil palagi mo akong sinusuportahan sa mga gusto ko-" Puno ng paggalang kong saad at niyakap din siya

"Aww, ang sweet naman ng anak ko. Mag-aral ka ng mabuti Renemar ah para maging successful ka. Tandaan mo ng mabuti na masarap sa pakiramdam ang tinitingala ka ng iba-" Tugon ni Mama sa'kin

"Opo Mama"

Ito na siguro ang pinakamasayang araw para kay Renemar. Tiba tiba ang swerteng natamo niya sa araw na ito, o di kaya ay tsamba lang iyon

' "𝑅𝑒𝑛𝑒𝑚𝑎𝑟 𝑁𝑎𝑣𝑎𝑟𝑟𝑎, 𝑤𝑖𝑡ℎ 𝑡ℎ𝑒 𝑎𝑣𝑒𝑟𝑎𝑔𝑒 𝑜𝑓 94.96 𝑝𝑒𝑟𝑐𝑒𝑛𝑡. 𝑊𝑖𝑡ℎ ℎ𝑖𝑔ℎ ℎ𝑜𝑛𝑜𝑟𝑠---" 𝐴𝑛𝑢𝑛𝑠𝑖𝑦𝑜 𝑛𝑔 𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑔𝑢𝑟𝑜

𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑎𝑘𝑜 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑝𝑎𝑛𝑖𝑤𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑝𝑎𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑖𝑛𝑎𝑢𝑢𝑝𝑢𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑚𝑎ℎ𝑖𝑛𝑎ℎ𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑙𝑎𝑘𝑎𝑑 𝑝𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 ℎ𝑎𝑟𝑎𝑝𝑎𝑛 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑘𝑢𝑛𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑐𝑒𝑟𝑡𝑖𝑓𝑖𝑐𝑎𝑡𝑒 𝑘𝑜

"𝐶𝑜𝑛𝑔𝑟𝑎𝑡𝑢𝑙𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛𝑠 𝑅𝑒𝑛𝑒𝑚𝑎𝑟, 𝑦𝑜𝑢 𝑑𝑖𝑑 𝑖𝑡 𝑔𝑟𝑒𝑎𝑡." 𝑁𝑎𝑘𝑎𝑛𝑔𝑖𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑖𝑛𝑎𝑡𝑖 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑔𝑢𝑟𝑜

"𝑆𝑎𝑙𝑎𝑚𝑎𝑡 𝑝𝑜 𝑡𝑒𝑎𝑐ℎ𝑒𝑟," 𝐴𝑡 𝑛𝑎𝑔𝑘𝑎𝑚𝑜𝑡 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑢𝑙𝑜 '

Abot hanggang tenga ang ngiti ni Renemar ng masilayan niya ang certificate na nakasilid sa picture frame na nakasabit sa di kataasang dingding. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na with high honors siya

Sana nga lang sa susunod na semester ay pasok pa din siya sa pagiging high honors.

"Psst, Renemar!" Tawag sa kanya ng isang boses na hinding hindi niya pa naririnig

Nakataas ang isang kilay na nagpalinga linga siya sa apat na kasulok sulokan ng kanyang kwarto

"Hoy, dito." Tawag ulit sa kanya ng boses na ikinasalubong ng kanyang mga kilay

That voice keeps telling him 'hoy dito' but he didn't see anything-

"Pinagloloko mo ba ako?" Natatawang usal niya at ibinalik ang atensiyon sa graphing notebook

"Nandito nga ako, hindi mo ba ako nakikita?" Tila nagtatampong bulalas ng isang boses

Dahan-dahang lumingon si Renemar sa kanyang likuran at doon niya lang nakita ang isang lalaking kasing edad niya lang

Nakangiti ito sa kanya at ilang beses pa siyang kinawayan

Hindi niya maiwasang taasan ito ng isang kilay

"Sino ka, at bakit ka nakapasok sa kwarto ko?" Seryosong saad ni Renemar sa lalaking nasa kwarto niya

"Thanks God! Akala ko hindi mo ako nakikita tulad ng mga ibang tao. Salamat naman at napansin mo ako-" Sagot naman nito

"Syempre, nakikita kita. Anong akala mo sa'kin walang mga mata? Grabe ka ha-" Sagot din ni Renemar na ikinatawa ng bagong kalaro

Lumapit ang batang lalaki sa kanya at pinagmamasdan ang kanyang ginagawa

"Ano 'yan?" Nakalagay ang dalawang kamay sa likod nito na tanong sa kanya ng batang lalaki

"Gumagawa ng assignment, kailangan maipasa ko na 'to bukas na bukas din." Nangingiting pagpapaliwanag ni Renemar dito

"Ikaw, hindi ka na ba pumapasok sa school?"

"Nah. I didn't go to school anymore, Mom don't want to" Balewala nitong sagot at naglakad lakad sa loob ng kwarto niya

"You're room is very huge compared to mine-" Wala sa mundong palatak ng batang lalaki at inikot ang paningin sa kisame

"Ba't sa'yo? Hindi ba?" Tanong din niya habang patuloy sa paggawa ng takdang aralin

"Malaki naman kagaya ng sa'yo pero masikip siya para sa'kin-" Sagot din nito

Imbes na sagutin ang sinabi nito ay kinibitan niya lang ito ng balikat

Like duh! Wala namang saysay kung kakausapin niya ito

-

"Psst! Renemar, laro naman tayo." Ungot ng batang lalaki sa'kin

"Mamaya na ginagawa ko pa ang mga projects at assignments ko" Sagot ko naman at isa-isang inilabas ang mga materyales para sa gagamitin ko sa aking gagawing proyekto

"Madami pa namang oras para gawin ang mga 'yan eh, laro muna tayo-" Pamimilit nito sa'kin

Tiningnan ko naman ang lalaki at pinagmasdan siya ng mabuti. Bakas sa mukha niya na gusto talaga nitong maglaro, wala naman sigurong masama kong pagbibigyan ko siya diba?

"Sige na nga, basta ba pagkatapos nito gagawin ko na ang mga kailangan kong gagawin ano deal?" Saad ko at tinitigan ito

"Sige-" Sang-ayon nito

Hanggang sa umabot nga sa punto na naging abala na ako sa paglalaro. Bigla kong nakalimutan na may naghihintay na assignments at projects pala akong kailangan gawin, pero dahil sa pangungulit ng bagong kaibigan ko ay nakaligtaan ko nga ang obligasyon ko bilang estudyante

"Oy, ano palang pangalan mo. Kilala mo ako tapos ako hindi man lang alam ang pangalan mo-" Napapailing kong bulalas at kinain ang cupcake na nasa aking tabi

"Ay, sorry muntik ko ng makalimutan. Ako nga pala si Andres but you can call me Andoy-" Pagpapakilala nito

"Okay, nice to meet you Andoy."

Hindi alam ni Renemar na inabot na pala siya ng madaling araw sa kakalaro ng chess kasama si Andoy, eh sa natutuwa siyang nakalaro niya ito

"Nak, gising alas syete na." Yugyog ng Mama ni Renemar

Pupungas pungas naman na bumangon si Renemar sa pagkakahiga at nakapikit pa ang mga matang naghikab

"Late na ba ako Ma?" Sapo ang bigbig na tinanong ni Renemar ang kanyang ina

Hindi alam ni Renemar na pinagmamasdan na pala siya ng kanyang ina

"Ba't late ka ng nagising? Ano bang ginawa mo kagabi?" Malumanay ngunit may diing tanong sa kanya ng ina

Hindi kaagad nakasagot si Renemar, naging mailap kagaad siya at panay ang laro niya sa mga daliring nakatago sa kanyang likuran

"Ah, w-wala Ma. Ginawa ko lang po 'yung mga assignments at projects ko kagabi kaya late na akong nagising-" Pagdadahilan niya

Umayos naman ng tayo ang kanyang ina at ginulo ang kanyang magulo ng buhok

"Akala ko pa naman ay naglalaro ka lang buong maggabi. Tandaan mo anak may oras naman ang paglalaro, kapag natapos mo na ang mga trabaho mo-" Nakangiting sinabihan siya ng kanyang ina

Hindi na lang sumagot si Renemar, sa halip ay dali-dali siyang nagtungo sa banyo at naligo

-

Naging kampante naman si Renemar ng mga sumunod na araw dahil wala siyang failed grades, gusto niya kasing makapasok ulit sa pagiging high honors sa room nila. At nangangarap din siyang maging valedictorian sa paaralan nila at no'n kang makakamit niya ang goal niyang maging valedictorian-palagi na kasi siyang inaayang maglaro ni Andoy pagkauwi niya galing sa school

Nagiging tamad na siya, palagi na lang niyang iniisip na 'laro muna bago aral' para sa saan naman ang pagiging tamad matalino kaya siya kaya na niyang pagsabaysabayin ang lahat

"Oh, ako naman." Bulalas ni Andoy ang imaginary friend ni Renemar

"Ang daya mo naman Andoy! Palagi ka na lang nananalo-ayoko na nga!" Palatak naman ni Renemar at tumayo sa pagkakaupo sa sahig

"Sige na nga! Baka umiyak ka pa diyan eh." Sagot naman ni Andoy

Sinamaan naman ng tingin ni Renemar si Andoy na ikinatawa lang nito

Until the day strikes ahead na summative na nila. Grabe halos walang tulog si Renemar kakareview ng mga notes niya, hindi naman siya tamad magsulat pero hindi talaga maiiwasang kulang ang mga notes niya

Panay kasi ang picture taking kapag nakasabit na ang mga dapat isusulat sa notebook-patunay ngang bad influence ang kanyang imaginary friend

"Oh, problemado ka yata diyan Renemar?" Singit ni Andoy sa gitna ng pag-aaral ni Renemar

"Ikaw kaya ang mabinat, bukas sabay sabay ang summative test namin. Tapos hindi pa ako nakakapag-aral? Pa'no 'yan ayoko pa namang umalis sa pwesto ko sa pagiging top sa classroom namin" Buong kumpiyansa niyang saad at isinandal ang likod sa upuan sabay patong ng dalawang braso sa dibdib nito

"Matalino ka naman eh, kaya mo na 'yan. Alam mo Renemar ang mga matatalino hindi nag-aaral iyon 'yun-sure ako na bukas masasagotan mo lahat kahit hindi ka pa mag-aral ngayong gabi." Sagot naman ni Andoy

"Eh, sure ka? Bakit naranasan mo na ba ha?" Natatawang tanong ni Renemar

Eh kasi naman ang hirap paniwalaan ng sinabi nito. May mga estudyante ba'ng hindi nag-aral tapos perfect sa exam? Ano 'yun magic?

"Pinagloloko mo lang naman ako eh!" Sabay ismid niya kay Andoy

"Mukha ba akong nagbibiro? Kailan pa? Hindi ka nga ako marunong magsinungaling eh

'Weh, kailan pa?'

Hindi niya na lang pinansin si Andoy sa halip ay humiga na lang siya sa kama at nagtalukbong ng kumot

-

Abot hanggang langit ang kaba ni Renemar na naghintay sa anunsiyo ng kanilang guro sa loob ng kanilang silid. Hawak kasi nito ang resulta kung sino na naman ang naka pasok sa with honors

"With the average of 99.99 percent, please come here Ms Natalia Ramos"

Napanganga siya sa narinig, bigla siyang nanlumo sa kinauupuan-ramdam niyang tinitingnan siya ng mga kaklase ganoon din ang iilang guro na nasa kanyang paligid

"Luh, anong nangyari sa top na Renemar?" Rinig niyang bulalas ng kanyang kaklase

"Ewan? Baka may problema lang siya-" Sagot naman ng isa pa

Napayuko na lang siya

First to third siya ang top, ngayong fourth bigla na lang may pumalit sa pwesto niya

What just happened? Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, basta ang alam niya lang kung ano ang dahilan ay nagiging tamad na siya pagdating sa pag-aaral

-

"Oh, ano nakuha ka ba?" Nakadapa sa kama niya si Andoy na sinundan siya ng tingin hanggang sa nakapasok siya sa loob ng kanyang kwarto

"Hindi, alam mo ba Andoy kung anong nakakainis? Pinagtitinginan nila ako na parang minamaliit sa uri ng mga titig nila sa'kin. At parang pinatunayan talaga nilang hindi ako deserving maging honor student!" Naghihinagpis na sagot ni Renemar sa tanong ni Andoy

"Okay lang 'yan bro. I feel you...." Sabay tapik ng tatlong beses ni Andoy sa balikat ni Renemar

-

"Nak? Anong nangyari sa mga grades mo?" Salubong ang dalawang kilay na nagtanong ang ina ni Renemar sa kanya sabay lapag ng graded card nito sa kama

"Obvious ba Ma? Kita mo namang bagsak ako sa lahat ng subjects diba?" Wala sa mood na sagot ni Renemar sa kanyang ina

Napapantistikuhang tinitigan siya ng ilang segundo ng kanyang ina at lumabas kaagad sa kanyang kwarto

Akala ni Renemar ay umalis na ng tuluyan ang kanyang ina pero nagkakamali siya, lumabas nga ito pero nakamatiyag naman ito sa labas ng kanyang pintuan

"Alam mo Andoy, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa ngayon." Pagsasalita ng kanyang anak na mag-isa

Nanliliit ang mga matang tiningnan ng ina ni Renemar ang kanyang nag-iisang anak

"Hindi ko nga kaya! Alam mo ba 'yun!" Rinig niyang bulyaw ng kanyang anak

Sino ba ang kinakausap nito at parang nasa loob lang iyon ng kanyang kwarto

"Bahala ka nga!" Huling sambit ng kanyang anak at pabalibag na pumasok sa banyo

Dahan-dahan namang sinara ng Mama ni Renemar ang nakaawang na pinto at pinasadahan ng tingin ang graded card ng anak

Philosophy-75

PerDev-79

Oral Com-77

Marahas na napabuga ng hangin ang kanyang ina at bumaba patungong sala

Habang kumakain silang dalawa sa kusina ay hindi maiwasang tanungin ng ina ang anak

"Renemar, sino pala 'yung kausap mo kanina. Sa kwarto?" Nakukyoryus na tanong ng ina sa anak

"Ah, wala po 'yun Ma-" Magaang sagot naman nito at sumubo ng kanin

"Hindi eh, parang may kausap ka kanina. Hindi ko talaga 'yun makakalimutan-sumigaw ka pa nga na parang inis na inis ka" Dugtong na naman ng kanyang ina

"Ma, kapag sinabi kong wala. Wala po talaga....." Kaila niya

Paano kung sabihin niyang meron nga, anong magiging reaksiyon rito. For sure magugulat ang Mama niya

"May problema ka ba anak?" Nag-aalalang tanong ulit sa kanya ng ina

"Wala po-"

"Meron-" Singit naman ni Andoy na hindi niya napansin na nakaupo na pala sa katabing upuan niya

Pinandilatan niya ng mga mata si Andoy at ibinalik kaagad ang tingin sa kanyang ina

"Ma, wala po talaga akong problema. Stress lang po siguro ako...." Pagrarason ni Renemar

Hindi na lang nagpumilit ang kanyang ina na ungkatin pa kung ano ang problema niya

Alas syete ng gabi-imbes na matulog ng maaga ay nakita ng dalawang mata ng ina ni Renemar kung ano ang ginawa ng anak

Naglalaro ito ng chess board mag-isa at panay ang tawa nito

"Ano ba 'yan Andoy! Palagi na lang kitang natatalo..." Kantyaw ng anak sa hangin

"Hindi daw? Tingnan mo nga oh! Tumba lahat, wala ka pala eh!" Bulalas nito

Nang hindi na makapagpigil ang Mama niya ay bigla bigla na lang itong pumasok sa kwarto ng anak na hindi man lang kumakatok

"Oy Ma, ikaw pala 'yan-" Nakangiting bungad sa kanya ni Renemar

"S-sinong kausap m-mo, at s-sino ang kalaro m-mo?" Nanginginig sa sobrang pagkahipsayo na tinanong niya ang anak

"Ah, si Andoy Ma. Oy Andoy! Mama ko nga pala" Pagka-usap nito sa hangin

"S-sinong Andoy 'nak?"

"Bagong kaibigan ko po, ito po siya sa harapan ko-" Turo nito sa harapan na wala namang tao

Pinaglalaruan ba siya ng kanyang anak?

"W-wala namang tao Renemar eh" Namamawis ng malamig na sagot naman niya

"Ha? Nandito nga siya, hindi mo ba siya nakikita Mama?" Napapantistikuhang usal nito

Eh sa totoo naman talagang hindi niya ito nakikita. Natatakot na nga siya baka demonyo na pala ang nakikita ng anak niya

-

"Renemar, ano na ba ang nangyayari sa'yo? Palagi ka ng late pumasok at madalas ka ng umabsent. Behind ka ng masyado sa mga topic namin" Pagka-usap ng adviser ni Renemar sa kanya

Nakayuko lang si Renemar at hindi magawang sagutin ang sinabi ng kanyang gurong tagapayo

"Plus ito pa, lahat ng written works at performance task mo ay walang laman. Ikaw lang ang tanging estudyante na blangko ang aklat-talaan. Hindi naman pwedeng basta basta ko na lang lagyan ng mga puntos ang written works at performance task mo" Dagdag pa ng kanyang adviser

Nakita ni Renemar sa kanyang gilid ng mata na may kinuha ito sa drawer na one half bond paper

"Bibigyan kita ng anecdote letter, kung pwede sana ay ibigay mo ito sa Mama mo." At pinirmahan ito

Hindi pa din sumagot si Renemar sa halip ay kinuha lang nito ang anecdote letter at bumalik na sa kanyang upuan

-

"Excuse me ma'am ako nga pala ang nanay ni Renemar," Pagpapakilala ng ina sa kanyang anak

"Ah, ikaw pala Mrs Navarra. Upo muna kayo"

"Didiretsuhin ko na kayo Mrs Navarra. Malabo ng makabawi ang anak mo, at kailangan niyang balikan ang mga subjects na ikinabagsak niya-" Pagpapahayag ng guro sa ina ni Renemar

"Ganoon ba ma'am, ano ang kailangan kong gawin para matulungan ko ang aking anak"

"Kailangan niyang magpatulong sa mga kaklase niya, kung maaari ay pwede siyang manghiram ng notes para makabawi siya at balikan ang kanyang mga kulang...." Sagot ng guro ni Renemar

Hindi maiwasang isipin ni Renemar ang ginawa niya kay Andoy kanina. Naguiguilty siya sa kanyang ginawa-inaway niya kasi ito dahil sa isang lohika na hindi masagot sagot

Hanggang sa makauwi siya galing sa paaralan ay wala siya sa tamang pag-iisip

"Andoy, nandito na ako-" Tawag niya sa pangalan ng kanyang haka-hakang kaibigan

"Andoy, nandito na ako lumabas ka na. Maglaro na tayo ng larong gusto mo-" Tawag niya ulit dito

Pero nakailang ulit na siya ng tawag sa pangalan nito walang Andoy na lumabas

"Andoy, lumabas ka na diyan kung saan ka nagtatago. Sorry kung inaway kita kanina-hindi ko naman kasi sinadya 'yun eh"

Lumipas pa ang ilang araw na hindi na nagpakita si Andoy sa kanya ay halos hindi na siya makakain ng maayos. Ang laki ng pinagbago ni Renemar bigla na lang itong nangayayat dahil sa pag-iwan sa kanya ni Andoy hanggang sa hindi na niya napigilan ang sariling magsuicide.

Namatay siya, dahil hindi talaga niya kinaya ang ginawang pag-iwan sa kanya ni Andoy. Si Andoy lang kasi ang naging totoo sa kanya naalala niya pa ang sinabi nito na hindi siya nito iiwan...

Nächstes Kapitel