webnovel

Chapter 19: London Bridge Is Falling Down

"LONDON bridge is falling down, falling down, falling down. London bridge—"

"Hoy! Itigil niyo iyan!" Saway sa amin ni Lola na ikinatigil namin sa paglalaro

"Bakit naman po Lola?" Bakas sa mukha namin ni Tina ang katanungang nais namin malaman kung ano ang sagot

"Hindi niyo ba alam na may tagong istorya iyang London Bridge Is Falling Down na iyan, maraming buhay ang nawala dahil sa tulay na 'yon..." Mahigpit na pagkakasabi ni Lola Coreng sa amin

Nagkatinginan kami ni Tina sa sinabi ni Lola Coreng

"Bakit at saan niyo po nalaman Lola?" Nakukyoryus na nagtanong si Mary na ikinatingin ko kay Lola

"Isa ako sa mga nakasaksi ng panahon na iyon. Maraming nagtungo sa tulay na iyon para magpakuha ng litrato. Sobrang ganda kasi ng tanawin doon hanggang sa dumami na nga ang nagpunta doon bigla na lang nahati sa dalawa ang tulay na ikinasawi ng iilan—" Pagsasalaysay ni Lola

"Tapos Lola ano pong nangyari?" Ako naman ang nagtanong

"Hindi nailigtas ang lahat. Kailangan mamili—dapat timbang ang bigat niyon, kaya nga sabi ko may magsasakripisyo alang-alang sa kaligtasan ng iba?" Pagpapatuloy ni Lola Coreng

"Kawawa naman po pala ang iba Lola 'no?" Palatak ni Tina na sinang-ayunan ko naman

"May mga bata pa nga na ginawang tulay din para makatawid din ang iba. Pero iba ang pagboboluntaryong ginawa ng mga bata—kung sino man ang huli at makukulong, siya ang taya. Isasakripisyo niya ang kanyang buhay para sa iba."

"Lubhang makasarili ang mga taong nandoon, hindi nila iniisip ang kapakanan ng iba. May iba pa nga na pinapatay ang kanilang sarili at dugo ang kanilang inaalay para tumibay ang tulay"

Kaya pala London Bridge Is Falling Down—pagdating sa mismong pinakahuli na kanta ay makukulong ang sino mang pinakahuling pumasok at bilang taya, magpapakamatay siya. Ngayon ay naiintindihan ko na

"Kaya kung ako sa inyo, h'wag na kayong magtangkang laruin iyan baka balikan kayo ng nakaraan at kayo ang isusunod..." Bilin ni Lola Coreng sa amin bago pumasok sa loob ng bahay

Nächstes Kapitel