"Anong nangyayari, Daehwan? Tila ba't hindi mapakali ang mga kawal at katulong ng palasyo. May kaganapan ba?" tanong niya rito habang buhat buhat ang kaniyang bag sa likuran kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Patungo kasi sila sa isang lugar upang mag ensayo kasama ang mga katulad nilang magiging personal na tagapag bantay ng palasyo.
Umiling ito at ngumisi sakaniya, "Ngayon kasi ang araw ng pag dating ng Binibining taga lukom." saad nito kaya agad na nangunot ang kaniyang noo.
"Binibining taga Lukom? at sino naman 'yon?" tanong niya rito.
"Ang Binibining taga Lukom ay ang itinatakda upang maging opisyal na kanang kamay ng itinakdang hari. Ang alam ko, nag mula pa sa mundo ng mga tao ang itinakdang 'yon."
"Ngayon ko lang ata narinig ang tungkol sa bagay na iyan. Atsaka isa pa, hindi ba ang mga tao ay mababang uri lamang? Kung ganoon, bakit nasa mundo ng mga tao ang kinuha upang maging kanang kamay ng hari?" tanong niya rito.
Nagkibit balikat ito, "Ang pagkaka alam ko, hindi tao ang kinuha roon kundi isa siyang katulad natin na sa mundo ng mga tao naninirahan. Hindi kasi puwedeng dugong tao ang magiging kanang kamay ng hari. Kinaiinisan ng Mahal na Hari ang mga tao kaya impossible iyon."
"Kinaiinisan? Bakit naman niya kinaiinisan ang mga tao?" tanong niya rito. Tumayo ito ng tuwid at umiling atsaka nag kibit balikat.
"Hindi ko rin alam ang dahilan pero ayon sa narinig ko sa usapan ng mga Ministro. May nangyari daw dati na personal na bagay. Ang problema, tanging mga nasa matataas na posisyon at kumakampi sa Mahal na Hari lamang ang may alam." saad nito kaya agad siyang napangisi.
"Tara na at mag kakaroon pa tayo ng pag uuyo bago mag simula ang pag sasanay." saad nito kaya agad siyang tumango at agad rin silang nag lakad papunta roon. Nag tungo sila sa isang malawak na parte ng palasyo. Maraming punong nakapaligid at doon ay may isang bulwagan kung saan uupo ang Mahal na Hari at ang Mahal na Prinsipe.
"Ang lahat ay mag si tayo ng matuwid. Ayusin ang inyong kagamitan. Maya maya lamang ay dadating ang Mahal na Hari kasama ang Mahal na Prinsipe at ang Binibining Lukom nito upang masimulan ang pag uuyo!" sigaw ng pinuno ng mga kawal. Nag si tanguan kami at agad na pumila. Maya maya lamang ay dumating na sila.
Una ang pag dating ng Mahal na Hari. Pangalawa ang pag dating ng Mahal na Prinsipe at pangatlo ang babaeng may taklob sa mukha ng itim na tela. Naningkit ang kaniyang mga mata dahil tila ba'y pamilyar ito sakaniya. Ang pag lalakad nito, ang buhok at ang tangkad, pamilyar lahat ng iyon sakaniya.
"Ayon oh, mukhang naka jackpot ang Mahal na Prinsipe. Nagkaroon ba naman ng balingkinitang Binibining Lukom na mag simula ngayon ay magiging nasa tabi niya lamang. Nahahalata ko sa taklob ng telang iyan na isa siyang magandang babae." bulong sakaniya ni Daehwan sa tabi.
Tumingin siya rito sabay iling at ngisi dahilan upang matawa si Daehwan at sumeryoso ulit ang kaniyang mukha. Nang maka dating na sa harapan ang babae ay humarap ito sakanila, nakataklob parin ng tela sa kaniyang mukha kaya hindi niya malaman kung sino ba talaga ito.
"Nandirito sa harapan ninyong lahat ang itatakdang Lukom ng Mahal na Prinsipe. Inaatasang ang lahat ay mg sipag pugay! Pugay kamay!" sigaw ng lalaki kaya agad kaming pumugay, yumuko kami at lumuhod, pagkatapos ng ilang segundo ay agad rin kaming tumayo.
Kinuha ng lalaki ang isang talata at binuklat iyon bago binasa ang nilalaman, "Sa araw na ito na ika pito ng Sityembre, tinatalaga bilang Opisyal na Lukom ng Mahal na Prinsipe si Oh Yoon Seo. Mula sa pagiging maralita ay itinataas ang kaniyang puwesto sa ika siyam sa buong palasyo!" sigaw ng lalaki kaya agad na napataas ang kaniyang kilay.
Mula sa pagiging maralita?
"Isa pala siyang maralita. Hindi iyon halata sa balingkinitan at maputi niyang balat. Mukhang napaka kinis pa nito." saad ni Daehwan sa tabi niya ngunit hindi niya pinansin iyon at naka tuon lamang ang kaniyang mga mata sa babae.
Nag tungo ito sa gitna ng kanilang hanay kaya mas lalong naningkit ang kaniyang mga mata. Nang mag tama ang kanilang tingin ay mas lalo siyang napa kunot ng noo. Kilala niya ito, pamilyar ang babae.
"Inaatasan si Oh Yoon Seo na tanggalin ang tela sa kaniyang mukha upang mabuhusan ng Banal na Tubig at mapakain ng Mudos." saad ng lalaki. Unti unting tinanggal ng babae ang tela sa kaniyang mukha. Sa oras na matanggal ito ay mas lalong nanlaki ang kaniyang mga mata.
"Aking Mahal, ikaw ba 'yan?" bulong niya sa kaniyang sarili.
"Anong sinabi mo?" tanong ni Daehwan sakaniya, "May binulong ka. Hindi ko narinig."
"Wala. Wag mo na lamang akong pansinin." saad ko kaya agad itong tumango.
Nang mag tama ang tingin nila ay agad itong palihim na ngumiti sakaniya dahilan para matukoy niyang si Yveon nga ito.
"Nakita mo ba 'yon? Ngumiti siya sa akin. Ano sa tingin mo. Nagwapuhan kaya siya sa taglay kong kakisigan? Sa tingin mo tipo niya ako?" tanong ni Daehwan sa tabi ko kaya agad akong palihim na natawa.
"Siguro." saad ko naman. Tumalikod ang babae at yumuko. Binuhusan ito ng kaunting tubig sa kaniyang noo sabay pakain ng Mudos. Ilang ulit itong yumuko at pumugay sa Mahal na Prinsipe at Mahal na Hari.
Agad siyang napa tingin sa reaksyon ng Mahal na Prinsipe. Kitang kita ang gulat at hindi maka paniwalang reaksiyon nito. Nang mapag tanto niyang magiging isa itong kanang kamay ng Prinsipe ay agad na nag init ang dugo niya.
Ang Mahal na Prinsipe ay hindi maipag kakailang may gusto sa kaniyang minamahal. Halata iyon at damang dama niya. Sa isiping mag kaka sama sila palagi ay nag iinit na ang kaniyang dugo. Siguradong sasamantalahin nito ang mga pangyayari.
Ngunit nag tataka rin siya kung paano at bakit napunta rito si Yveon. Anong dahilan at bakit nandirito siya? Sino ang tumulong sakaniyang maka punta rito? Napahinga siya ng malalim. Siguradong mai lalagay sa panganib ang buhay niya kung nandirito siya. Kailangan niyang makausap ito ng harap harapan.
Mabilis na natapos ang pag uuyo. Naupo si Yveon sa kaniyang upuan, sa gilid at palikod ng kaunti sa upuan ng Mahal na Prinsipe. Nang mag tama ang tingin nila ng Mahal na Prinsipe ay mas lalong tumalim ang kaniyang tingin. Subukan niya lang na galawin ang kahit na dulo ng darili ni Yveon ay hindi siya mag aatubiling lapitan ito at bugbugin.
Nag simula ang pag sasanay na nasa harapan nila at nanonood ang tatlo. Hindi parin mawala sakaniyang isipan ang takot na baka madamay lang ito sa mga kaguluhan rito.
"Ano bang bumabagabag sa iyong isipan, Apoy? Tila ba hindi ka mapakali. Di hamak na mas mahina ang pag hawak mo sa espada ngayon kaysa kahapon. May problema ba?" tanong ni Daehwan sa kaniyang harapan.
Umiling siya, "Wala. Ayos lang ako. Tinatamad lang siguro ako." saad niya, napatingin sakaniya si Daehwan at pinaka titigan siyang mabuti ng umalis siya para maupo sandali.
Napailing si Daehwan habang naka tingin kay Apoy, "Hindi pa kasi umamin." saad nito at bumalik na sa pag eensayo.
-
Maya maya lang ay natapos narin ang pag eensayo kaya't nag situngo ang lahat sa mga lublob. "Hays, mabuti nalang talaga ikaw ang kasama kong maligo ngayon. Tara na at maligo na tayo." saad ni Daehwan, tumakbo ito at tinanggal ang kaniyang mga saplot hanggang sa pang ibaba na lamang nito ang natira at lumublob na sa malalim na lublob.
Wala siyang nagawa kundi tanggalin na rin ang kaniyang mga saplot. Tatanggalin pa lamang niya ang kaniyang ibaba ng makarinig ng sigaw. Nanlalaki ang mata niyang napa tingin kay Yveon na nasa gilid lamang ng lublob, hawak hawak nito ang dibdib habang nakalublob ang katawan sa tubig.
"Teka, ikaw 'yong babaeng Lukom ng Mahal na Prinsipe!" sigaw ni Daehwan. Nanlalaki ang mata niyang tumalon sa lublob at agad na sinakyan si Daehwan. Pagka ahon nila ay pinatalikod niya ito at dahan dahang pinataas at palapit sa hagdan.
"Umalis kana rito." saad niya rito.
"Ha? Ba't mo'ko pinapa alis? Teka, nandirito pa ang Binibining Lukom! Gusto ko pa siyang makausap!"
"Umalis kana! Hindi mo ba nakikita? Wala siyang suot na saplot, bastos ka ba Daehwan?" sigaw niya rito.
"Grabe ka naman sa akin, Apoy. Hindi kaya ako bastos. Eto na aalis na ako. Ang sabihin mo gusto mo lang masolo ang Binibining Lukom, napaka daya mo talaga. Ako unang nakakita, uunahan mo pa ako!" sigaw nito sakaniya kaya agad siyang napangiwi.
"Dali na, alis na." saad niya naman rito at kinuha ang mga damit nito sabay bato rito. Tumalikod siya ng maka alis na ito at agad siyang nag tungo sa lublob at lumublob nadin doon.
"Yveon, ikaw ba yan?" tanong niya rito.
Ngumiti ito atsaka tumango, "Oo, ako nga. Nakita ko ang expression mo kanina. Nagulat kaba ng makita mo'ko rito?"
"Oo. Siyempre naman, atsaka isa pa, miss na miss na kaya kita. Pero, anong ginagawa mo rito? Alam mong delikado rito, hindi ba? Atsaka sinong tumulong sa'yo para maka punta ka rito?"
"Hindi ba puwedeng mag punta rito? Na miss lang naman kita e."
Napa iwas siya ng tingin upang pigilan ang pag ngiti. Hays, ang babaeng ito. Napaka lakas talaga ng epekto pag dating sakaniya.
"Sus, sabihin mo na. Atsaka oo namiss rin kita, pero ano ba talagang ginagawa mo rito?"
"Nandito ako para makita ka."
"Ano nga?"
"Iyon nga ang dahilan."
Napa iling siya at umahon at lumipat sa lublob na kinalulubloban ni Yveon atsaka ito yinakap, "Oo na. Sige na. Namiss rin kita. Kung ano man ang totoong dahilan kung bakit ka nandirito. Gawin mo ng mabuti. Wag ka ring mag alala, nandirito ako para protektahan ka. Ako ang bahala sayo." mas lalong dumiin ang pag yakap nito sakaniya.
Nanlaki ang mata niya ng mapag tanto ang isang bagay. Itinulak niya ito, "Nako, mahal virgin pa ako." saad niya rito.
Tumawa ito, "Ano? Ikaw pa talaga ang nag sabing virgin ka. E ikaw kaya 'tong yumakap sa'kin, yumakap lang rin ako pabalik." saad nito kaya agad siyang napa iling.
Ikaw ba naman makaramdam ng malambot at maumbok sa dibdib mo na nang gagaling sa dibdib ng iba lalo na kapag dibdib ng mahal mo. Sino ba namang hindi mahihiya?
"Sus, grabe ka. Umahon kana nga diyan at tumalikod. Aahon narin ako at mag papalit ng damit. Umalis kana rin at baka makita ka ng kung sino. Mahuli pa tayo." saad nito kaya agad akong natawa at lumangoy palapit sakaniya. Hinawakan ko ang pisngi niya sabay pisil at halik sa labi nito bago umahon.
"Hoy, grabe ka hindi ka man lang nagpa alam na hahalikan moko." saad nito kaya agad akong natawa.
"Yumakap ka nga sa akin at hindi nagpa alam."
"Eh siyempre ikaw ang unang yumakap. Gumanti lang naman ako." saad nito dahilan para matawa ako. Pinulot ko ang mga damit ko at sinuot iyon bago umalis. Sinigurado ko munang ayos na siya at nakapag palit bago ako tuluyang umalis. Malay mo silipan siya, dadanak ang dugo rito kung nagka taon.
"Anong pinag usapan niyo ng Binibining Lukom?" pang bungad sa akin ni Daehwan ng makita niya ako. Inismiran ko to dahilan ng pag dabog nito.
"Ang daya mo, hindi naba tayo mag kaibigan? Hindi mo man lang ma sabi sa akin ang ginawa ninyo." saad nito sabay lapit sa akin at hawak sa braso ko, "Dali na, sabihin mo na." saad nito sabay yugyog ng balikat ko.
Napa tingin ako sakaniya habang inaayos ang mga gamit ko, "Para kang baliw. Nag pakilala lang kami sa isa't isa. Tinanong ko siya kung anong mga gusto niya."
"Ang ibig mong sabihin, nag kaka gusto ka rin sakaniya? Natipuhan mo rin ang Binibining Lukom?"
"Hindi ah. Nag tanong lang ako, nakuryoso ako sa pagka tao niya. Hindi ba sinabi mo tumira siya sa mundo ng mga tao? Kaya nag tanong tanong ako. 'Yon lang naman, wala ng iba." saad ko.
"Sus. Hindi ako naniniwala sa'yo. Ikaw pa." saad nito sabay ismid sa akin dahilan para matawa ako at mailing.