webnovel

Going Back Home

Malungkot man ang dalawa. Pinilit pa rin nilang maging masaya, ayaw nilang maging malungkot ang natitira nilang oras. Habang pauwi na sila, nagkwentuhan lang ang dalawa para mawala sa isip nila na limitado na ang oras ng pagsasama nila.

Kinuwento lang ni Dawn ang buhay nya noong bata pa lang sya kasama si Audrey, hanggang sa kaniyang paglaki at kung papaano sya nakapag-time travel. Sa panahon kasi ni Dawn, maraming imbensyong di inakalang ma-iimbento talaga pagdating ng panahon. Isa na doon ang time travelling watch na ginamit ni Dawn upang makapunta sa panahon na 'to.

Na-amaze lang si Bea sa kaniyang mga kwento at parang na-e-excite na lang sa future.

"So... hanggang kelan ka na lang dito?" Tanong ni Bea.

"Hmm, i only have 1 week. Yun na ang pinaka-max na araw na mabibigay sa'kin eh."

"So you still have one day with me?" Nalungkot si Bea.

Niyakap ito kaagad ni Dawn, "And let's spend it happily together, will you go out with me tomorrow?"

"Wow, magd-date tayo? Lakas ng confidence mo ah, what made you think na makikipagdate ako sayo?" Natawa si Bea.

"Mmm, kasi gwapo ako?" Panghuhula ni Dawn.

Nabatukan tuloy sya, "Asa ka boi." Natatawang sambit ni Bea.

Napanguso lang si Dawn. "So ayaw mo makipagdate sa'kin? Grabe ka talaga bhebhe qoh."

"Joke lang, magd-date tayo hahaha." Bawi ni Bea.

"Ikaw ah, paasa ka din eh."

"Luh, iiwanan mo nga ako eh. Ikaw 'tong paasa."

Natahimik ang dalawa, then Bea just laughed it off.

"Nga pala, why were you living in the US? Ba't doon kayo nakatira ni Audrey?" Curious na tanong ni Bea, para ma-iba topic nila.

"She told me she was brought there because she was supposed to be a nun there, but she had me, di niya natuloy ang pagiging madre nya."

Natawa si Bea sa nalaman, "What the ef!? Nag-madre si Audrey?" Di nya ma-imagine.

Then naalala nya. "Did Audrey ever talked about me to you?"

"Uhmm, never eh. Hahahaha! Kinalimutan ng bespren nya hahaha!" Nagawa pang mang-asar ni Dawn.

Si Bea naman ang napanguso, then she thought maybe friendship fades too?

"Tawa pa Dawn, batuhan kita ng ipis dyan eh."

"Naku wag naman bhebhe."

"Harot mo talaga, tantanan mo na ko ng kakabhebhe mo please lang."

Yumakap sa kanya si Dawn at inasar sya, "eeeeh, ayaw. Ikaw lang ang bhebhe ko! Kahit mas matanda ka sa'kin! Kahit child abuse to----araaaaay!" Kinurot sya ni Bea sa kaniyang tenga.

"Sira ulo ka talaga, ba't hindi mo namana ugali ni Audrey?"

"Baka kasi ampon ako." Biro ni Dawn.

Napa-irap lang si Bea, "Yeah right, baka adik yung totoo mong magulang."

"Pffffffft... baka, hahahaha!" Natawa na lang sila.

Their conversation continued on, nakatulog din ang dalawa sa pagod. Pagkagising nila ay naka-uwi na sila. Nagtaxi na rin sila pauwi sa apartment ni Bea dahil parehas na silang antok na antok.

Pagkapasok nila sa loob ng apartment ni Bea, dumiretcho si Dawn sa kwarto ni Bea. "Tabi tayo, Bea. Ayoko mahiga sa sahig. Masakit po sa likod." Ani nito at napahikab. Aangal sana si Bea kaso ito na ang huling gabi nila na magkasama sila.

Nagtabi na lang sila sa kama at napadantay nanaman si Dawn sa kanya. "Love you bhebhe qoh, goodnight." Inaantok na saad ni Dawn. Nangiti lang si Bea at napayakap kay Dawn.

"Goodnight, Dawn. Sweet dreams."

Nächstes Kapitel