Nang makarating na sila sa Greenfield Hotel, nakalimutan na ni Dawn sapakin yung driver. Niyakap sya ng kaba ng mapatingin sya sa hotel... andito na sya... andito na si Audrey...
"Dawn, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Bea kay Dawn ng mapansin nitong natulala lang sya.
"No, Bea.... i'm not... do you think she'll listen to me? S-She doesn't even know who i-i am..."
Hinawakan lang ni Bea ang kamay ni Dawn, napatingin naman si Dawn sa kanya at napahinga ng malalim. "Dawn, we already made it here. There's no turning back."
Napatango lang si Dawn. "O-Okay... okay, sure..."
"Oh look! Si Audrey anduon sa loob!" Hinila naman ni Bea si Dawn papasok sa loob ng hotel.
Nakita nilang nagce-cellphone lang si Audrey sa waiting area, agad silang lumapit at parang gusto himatayin ni Dawn ng mapatingin sa kanila si Audrey.
Napanganga si Audrey ng makita nya ang bestfriend nya, "B-B-Beatrix!?"
"Oo besh, ako to." Nakangising sagot ni Bea.
"OH MY GOSH BEEEEEEEEH!!!" Tumakbo si Audrey papunta kay Bea upang yakapin ito.
Napansin din kagad ni Audrey ang kasama ni Bea, napatanong sya kagad kay Bea. "Ooh~ di ko alam may kasama ka pala bes, boyfriend mo 'to?"
Magsasalita sana si Bea ng pangunahan sya ni Dawn, "Yeah, ako nga pala si Dawn. Boyfriend ng bestfriend mo."
Napatili si Audrey. "Beeeeeh! Di mo man lang sinabi sa akin na nagkaboyfie ka na pala, langya ka!" Napahagikgik si Audrey.
Then Bea was dumbfounded, di nya maintindihan ang ginagawa ni Dawn.
"Ah ako nga pala si Audrey Kate Martinez, nice to meet you Dawn." Masayang bati ni Audrey. Nagshake hands silang dalawa, pero nagulat ang lahat ng biglang napayakap si Dawn kay Audrey.
Nagkatinginan sila Audrey at Bea. Nang kumalas sila sa yakap ay nagpaalam si Dawn, "S-Sorry about that, kamukha mo kasi yung kapatid ko. Sorry. L-Lalabas lang ako." Then umalis ito kaagad.
Natahimik ang dalawa saglit at pina-ulanan na ni Audrey ng tanong si Bea. "What the, ang weird din ng boyfriend mo bes ah! Pero atleast gwapo! Kelan naging kayo ha? Kwento mo sa'kin lahat ah? Tsaka bakit nga pala kayo nandito? Nagbakasyon din ba kayo dito?"
Sinubukang sagutin ni Bea lahat ng tanong ni Audrey, nang matapos usapan nila ay nagpaalam na sya kay Audrey at nagmadaling pumunta kay Dawn. Nadatnan nya ito sa labas ng hotel at umiiyak, she heard him mumble things she think she wasn't supposed to hear.
"...i wish you could've lived longer..."
Lumapit sya kay Dawn at niyakap ito. "Dawn, w-what's the problem?"
Nang mapatingin si Dawn kay Bea, napatanong ito. "Tell me, d-did i just f*cked up?"
"Yeah, i think so..."
"Damn it!' Napayuko si Dawn at napasabunot sa sarili nya.
"Dude, don't hurt yourself. Okay lang yun. We all f*ck up sometimes."
Napabuntong hininga na lang si Dawn at napayakap din kay Bea, "Thanks... thanks for being here for me." Bulong nito.
Ginulo naman ni Bea ang buhok nya at medyo natawa lang, "No prob dude."
Gumaan naman pakiramdam ni Dawn sa ginawa ni Bea, "Bea, i think... i think we can go home now..." ani nito.
"But... hindi mo ba talaga sasabihin kay Audrey?" Tanong ni Bea.
Umiling si Dawn. "I really won't, ang importante ay nakita ko na sya."
"Yun lang talaga yon!?"
Napa-isip naman si Dawn, "Do you think i... i can see her again?"
Nangiti lang si Bea, "Of course, andyan lang naman sya. H'wag mo lang gulatin ulit yung tao, grabe ka makayakap kanina eh."
Natawa na lang silang dalawa.
"Okay then, i'll try to talk to her again." At napatayo na si Dawn.
"Goodluck, don't try to be weird or anything this time." Paalala ni Bea at pumasok silang ulit sa hotel.