webnovel

Chapter 5

Chapter 5

Ibig-sabihin, maaaring kasama si Kuya sa kinuwento ni Francis kanina.

"Ano ba kasi ang naisip niyo at sumuot kayo sa eskinita na iyon? Alam niyo namang delikado eh. tsk tsk!" sabi ni Mama habang...

Nililinisan ang sugat ni Kuya sa braso. Bigla akong nag-alala nang makita ko ang itsura ni Kuya. Meron siyang malaking sugat sa braso. Hindi ko naman magawang magtanong dahil natatakot ako magsalita lalo na't galit si Papa at ang talim ng tingin niya sa'min ni Kuya.

"G-gusto lang po namin tulungan yung babae." mahinang sagot ni Kuya. "TULUNGAN?! O GUSTO NIYO LANG TALAGA MAPAHAMAK?! TINGNAN MO NGA AT MUNTIK KANA MAMATAY." galit na tugon ni Papa.

Naiintindihan ko naman kung bakit ganyan siya kagalit, sobrang nag-alala lang talaga siya sa aming dalawa ni Kuya. Tapos hindi pa ako nakapag-paalam kanina.

"Pero pa! Delikado talaga yung buhay nung babae. Paniguradong gagahasain siya nung mga lalaking kumakaladkad sa kaniya. Tapos Ma? Pa? nung nasa likod na kami ng mall, yung part na madamo. Aksidenteng nahila nung babae yung bonet nung isang lalaki. Nakita namin yung mukha niya!"

Dahil sa sinabi ni Kuya, lalong nagalit ang itsura ni Papa. "TUMIGIL KA! ANG BUHAY NIYO ANG DELIKADO DAHIL SA MGA KALOKOHAN NYO!" napayuko na lang si Kuya nang biglang sumigaw ulit si Papa.

"Dahil sa ginawa niyong magkapatid, grounded kayong dalawa. Walang gagala. Pagkatapos ng klase, uwi agad. Ang hindi sumunod, walang allowance ng dalawang linggo!" umalis na si Papa pagkatapos niya sabihin iyon at pumasok na siya sa kwarto nila ni Mama.

"Bahala na kayong dalawa dito ha! Sundin niyo ang sinabi ng Papa niyo dahil para sa inyo rin iyon. Magpaalam kung may importanteng pupuntahan, diba Jestine?" napatingin ako kay Mama nang banggitin niya ang pangalan ko. Dahan-dahan na lang akong napatango. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko.

Tumayo na si Mama at sumunod na kay Papa sa kwarto nila. "Siguro gagawa sila ng kapatid natin." napangiwi ako sa sinabi ni Kuya. Dali-dali akong lumapit sa kaniya at agad na umupo sa upuan na nasa tabi niya na inupuan kanina ni Mama.

"Anong nangyari sayo? Bakit may sugat ka? Napano yan?" hindi ko na napigilan magtanong. Gusto kong malaman kung ano ba talaga nangyari sa kaniya.

"Chill! Sunod-sunod ang tanong mo eh. Pwede isa-isa lang?" reklamo niya. Napahinga ako ng malalim tapos sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis eh, daming satsat. Hindi na lang sagutin yung mga tanong ko. Napansin niya ata sa ekspresyon ng mukha ko ang pagkairita kaya biglang sumeryoso yung mukha niya at huminga muna siya ng malalim bago nagsalita...

"Ano bang gusto mo malaman?" seryoso niyang tanong. "Lahat. Gusto ko malaman lahat ng nangyari. Simulan mo sa umpisa, bakit nandun ka?" nagtataka kong tanong. Tumingala siya ng bahagya sa kisame na para bang iniisip kung saan niya sisimulan ang kwento.

"Pumunta rin ako sa mall para manuod din sana ng show, kasama ko sina Kian at Neil. Nag-usap usap kasi kaming tatlo na doon na kami magkikita after ng training ko. Ka--" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla akong magsalita.

"Umuwi kaba kanina?" ibinalik niya ang tingin niya sa'kin saka umiling. "Sa School ako kumain ng lunch. Kasi nga may training pa kami."

Napatango na lang ako. Oo nga pala, hindi naman basketball player yung mga kaibigan niya kasi mga volleyball player yung mga yun. "Sige tuloy mo na yung kwento. Hehe"

"Kaso wala pang isang oras na nagpeperform yung banda, lumabas na kami kasi nakakabagot na. Tumambay muna kami sa isang food court na malapit lang din sa mall tapos after namin kumain, pumunta kami sa bilyaran na katabi lang nung food court. Halos dalawang oras din kami tumambay dun. Hindi naman kami naglaro eh. Hanggang sa may pumasok na isang lalaki na kakilala nung isang naglalaro. Sinabi niyang nagkakagulo raw sa labas. Nacurious kaming tatlo kaya agad kaming lumabas para malaman kung anong nangyayari..." napatigil siya sa pagsasalita nang biglang tumunog yung phone ko.

Dinukot ko iyon sa bag na dala ko para tingnan kung sinong nagmessage. Si Francis pala. Sinabi niya lang na nakauwi na sila. "Sino yan?" napatingin ako kay Kuya na nakakunot na ang noo.

Sinilip niya yung phone ko para makita kung sinong nagtext. "Nakauwi na sila?. Replayan mo. Sabihin mo 'mamatay na nagtanong'." inirapan ko na lang siya saka ibinalik ang phone ko sa bag.

"Tuloy mo na." tumingin ulit siya sa kisame saka ituloy ang pagkukwento. "Natanaw namin sa kabilang kanto na parang may tinitingnan yung mga tao sa eskinita. Tumakbo kami papunta dun at napag-alaman namin na meron raw babae na kinakaladkad ng tatlong lalaki papasok sa eskinita na yun. Naawa naman kami ni Kian kaya napagdesisyunan namin na tulungan yung babae. Ayaw pa sana sumama ni Neil pero napilit din agad namin siya. Dirediretso kaming pumasok dun hanggang sa marating namin yung kabilang dulo, kanto rin pala yun. Liblib na nga lang. Wala ni isang bahay pero may daan sa kaliwa't kanan na hindi na simentado. Maraming malalaking puno tapos halos puro damo yung paligid. Kung liliko ka sa left side, makikita mo yung likod ng mall tapos sa right side naman puro puno na lang yung tabing daan. Narinig namin dun yung echo ng boses nung babae kaya tumakbo kami paliko dun sa right side." hindi ko alam kung bakit pero bigla akong natawa sa kwento ni Kuya.

Tumigil siya sa pagsasalita saka tumingin sa'kin ng masama "bakit ka tumatawa?". Umiling muna ako bago magsalita "Feeling superhero pala kayo eh. HAHAHAHA! Power puff girls lang ang peg? Bubbles, Blossoms, Buttercup." sagot ko habang tumatawa pero napatigil ako nang bigla siyang tumayo.

Aalis na sana siya pero agad kong hinila ang kamay niya dahilan para mapaupo ulit siya. "Pinagtatawanan mo lang naman ako eh."

"Hindi na. Sige tuloy mo na. hehe" sabi ko with matching pretty eyes pa para cute. HAHAHA! "Pag hindi kapa umayos, hindi ko na talaga ikukwento. Matutulog na ako, bahala ka diyan." inis na sagot niya. Tumango na lang ako.

"Napatigil kami sa pagtakbo nung namalayan naming malapit na kami sa kanila. Nakita namin sila mula sa di kalayuan habang kinakaladkad pa rin nila yung babae na nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nila. Tumakbo pa kami papalit sa kanila hanggang sa mapalingon yung isang lalaki sa'min. Sumigaw si Kian na pakawalan na yung babae pero nagulat kami nang biglang maglabas ng baril yung isa sa kanila kaya bigla kaming kinabahan at lalong magpumiglas yung babae hanggang sa hinila niya yung bonet nung lalaking may hawak sa kaniya. Sumigaw yung babae na tumakas na raw kami. Halos maistatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga nangyayari. Kung hindi lang ako hinila nila Kian at Neil, hindi pa ako matatauhan dahil hinahabol na pala kami nung lalaking may hawak ng baril. Tumatakbo na kami pabalik nang biglang nagpaputok ng baril yung humahabol sa'min at nadaplisan ako sa braso. Mabuti na lang at nakayanan ko pang tumakbo hanggang sa makalabas na kami sa eskinita. Pero bago kami makalabas, nakita ko pa yung mga kaibigan mo na tumatakbo rin papasok sa eskinita, sinigawan lang sila ni Neil na bumalik na dahil may humahabol nga sa'min. Nakalabas na kami sa eskinita at ilang saglit pa, dumating na yung mga police at sila na yung pumasok sa eskinita para irescue yung babae. Yung mga kasamahan naman nila ang naghatid sa'min pauwi gamit ang Police Mobile. Hindi ko lang alam kung nailigtas nung ibang police yung babae at kung nahuli ba yung mga suspek." pagpapatuloy ni Kuya.

Nalungkot ako bigla. Feeling ko hindi nila nahuli yung mga suspek at tuluyan nang napahamak yung babae. "Pero alam mo, parang familiar sa'kin yung babae. Feeling ko nakita ko na siya. Hindi ko lang alam kung saan o kelan." napakunot yung noo ko sa sinabi ni Kuya. "Baka Schoolmate natin?". Nagkibit balikat lang siya.

"Oh! Matulog kana. Baka mamaya magising pa sila Mama, pagagalitan na naman tayo." tumayo na si Kuya saka diretsong pumasok sa kwarto niya.

★★★

"Sir may klase ba tayo?" tanong ng kaklase ko kay Sir Miguel, teacher namin sa Science. Kapapasok pa lang nito sa classroom namin. Wala siyang dalang kahit na ano. Hindi katulad dati na sa tuwing papasok siya sa'min, lagi niyang dala ang laptop at projector niya. Kaya siguro napatanong yung classmate namin.

Umiling lang si Sir Miguel bago nagsalita "Malapit na ang exam, magreview na lang kayo." sagot nito.

Halos mapatalon naman ang mga classmates ko sa tuwa.

"Yey!"

"Thank you Sir!"

"Bait talaga ni Sir Miguel."

Pangbobola ng mga classmates ko kay Sir na ngayon ay nakaupo na sa teacher table habang natatawa sa mga pinagsasabi nila.

Naglabas ng reviewer ang ilan sa amin habang kami nina Julie at Elle ay nagkuwentuhan na lang. Tinatamad pa kami magreview eh. Hahaha

"Bes? napapansin ko na parang panay ang lapit sa'yo ni Francis." sabi ni Julie habang nakatingin sa'kin. Nagtataka akong napalingon sa kaniya. "Syempre kaibigan ko din siya. Ano kaba?" natatawang sagot ko. Nasa kabilang row ang mga boys kaya hindi maririnig ni Francis na pinag-uusapan namin siya.

Pero may point si Julie. Napapansin ko rin nitong mga nakaraang araw na nagiging close na kami ni Francis. Hindi naman kasi kami ganun kaclose ng taong yun. Oo magkasama nga kami sa iisang barkada pero syempre hindi naman lahat sila ay pantay-pantay ang level of closeness namin. Meron talaga sa isang group of friends na pinaka close mo at hindi mo masyadong kaclose. Parang kay Julie at Elle lang. Mas close ko si Julie kesa kay Elle.

Kung kanino ka talaga mas komportable, dun ka mas mapapalapit. Komportable rin naman ako kay Francis pero ewan ko ba, siguro hindi lang namin trip ang isa't-isa kaya hindi kami ganun kaclose... Dati.

Natawa rin si Julie. "Oo nga. HAHAHA! Pero hindi naman kayo close nun eh. Pero ngayon. Hmmm I smell something fishy." lalo akong natawa sa sinabi niya. "Gaga ka lang. Hahaha".

"Panu kung ligawan ka niya? Sasagutin mo?" si Elle naman ang nagtanong. Ano bang kalokohan ang pumasok sa isip ng dalawang to? Mga baliw. "Depende kung alam ko ang sagot sa tanong niya. Hahaha"

"Oo na lang bruha!"

"Sir kwentuhan na lang tayo." sabi nung isa naming kaklase na nasa harapan nakaupo, sa may tapat ng teacher table. "Oo nga Sir. Kwentuhan mo kami." pag sang-ayon ng iba pa naming mga kaklase.

"Ano naman ikukwento ko? Pinapag-review ko kayo ha!" sagot ni Sir Miguel.

"Kahit ano lang Sir Pleeaaase!" pagpapacute pa ng ilan.

"Hmmm sige. Naniniwala ba kayo sa time travel, telekinesis, teleportation at mind control?" napalingon kaming tatlo sa harapan dahil sa tanong ni Sir.

Ang ilan sa amin ay napatango pero karamihan ay umiling. Parang imposible naman kasi yung time travel at teleportation. Pero naniniwala ako sa telekinesis kasi ability naman yun na pwede pag-aralan at maenhance. Sa pag-kakaalam ko, power of mind yun. May mga taong kasi na advice talaga ang utak kumpara sa isang normal na tao.

"Alam niyo ba ang Montauk Project?."

"Ano yun Sir?" halos sabay-sabay na tanong namin kay Sir Miguel.

"Montauk Project a.k.a Camp Hero. Ang Montauk Air Force Station ay isang US military base na nakatayo sa Montauk Point on the eastern tip ng Long Islan, New York noong 1942 at tumagal hanggang 1981. Ginamit ito sa panahong World War I. Tinayo rin ito sa kadahilanang madaling masakop ang port at madalas na daanan ng mga German U-boats. Hindi lang ito basta naging military base dahil ginawa rin itong laboratory na tinawag na Monatuk Project. Nang mag-umpisa ang proyekto naging usapin sa kalapit na lugar na maraming nawawalang batang lalaki, upang dukutin at sapilitang isinasali sa psychological at paranormal experiments. Sumasa-ilalim din sila sa time travel, telekinesis, teleportation at mind control. Naging tirahan din ito ng mga half-reptile creatures known as "reptoids" na aksidente nilang nadiskubre sa interdimensional, psychokenetic torture, pakikipagtulungan at pakikipagpalitan ng impormasyon sa mga extraterrestrials sa nasabing proyekto."

Montauk Project

Lahat kami ay napanganga sa sinabi ni Sir. Ang astig niya talaga. Hindi lang siya basta Science teacher. Minsan pwede na rin siya maging Scientist dahil sa dami ng alam niya tungkol sa mga bagay-bagay. Sobrang dami naming natututunan sa kaniya.

"Ang galing naman nun Sir! Edi possible rin po talaga na nag-eexist yung teleportion at time traveling?" tanong ng isa naming kaklase.

"May mga theory na nagsasabing meron talaga nun, pero as of now hindi pa napapatunayan. Maraming documentation sa internet, pwede naman kayo magresearch..."

Napatango-tango ang ilan sa amin. "Mahaba pa ang time pero ididismiss ko na kayo. Next time kukwentuhan ko pa kayo ng mga topic na tulad niyan. Mag-review ha! Bye." tumayo na si Sir saka dirediretso lumabas ng pinto.

★★★

"Beshy, may baon ka ba? Dito na tayo maglunch" yaya ni Julie. "Oo meron. Grounded kami ni Kuya. Buti na lang pinayagan ako nila Mama magbaon at dito na lang sa School kumain para mamayang uwian sa hapon na lang ako lalabas."

Nandito kami ngayon sa hallway papunta sa canteen. Kasama ko silang anim. Hindi ko lang kung may mga baon din sila. Si Kuya naman nagbaon din ng pagkain niya.

Nang makarating kami sa canteen, humanap kami ng mauupuan na kasya kaming pito. May nakita naman kaming mahabang table sa may gilid ng canteen na merong walong upuan. Halos sabay-sabay kaming naupo.

"May mga baon ba kayo?" tanong ni Julie sabay tingin sa mga kaibigan namin.

"Wala!"

Natawa kaming lahat kasi sabay pa silang lima sa pagsagot. Naglabas ng libro si Alvin at dito itinutok ang atensyon niya. Mukhang nagrereview na siya.

"Iba talaga ang masipag." puna ni Christian. Hindi siya pinansin ni Alvin dahil mukhang abala talaga ito sa pagbabasa. Napangiti na lang ako dahil sa aming pito, si Alvin talaga yung pinaka masipag at pinaka matalino.

"Bakit ka nga pala nagrounded bes?" tanong sa'kin ni Elle. Biglang nawala yung ngiti ko at napalitan ng lungkot. Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Yung kawawang babae, si Kuya na nadaplisan ng baril at hanggang ngayon, parang galit pa rin sa'min si Papa. Hindi niya kami kinibo ni Kuya kaninang umaga.

Napalingon muna ako kila Francis na nasa tabi ko lang bago ako nagsalita. Naalala ko kasi yung kwento niya kagabi tungkol sa tatlong lalaking nakasalubong nila sa eskinita. Hindi ko akalaing si Kuya pala iyon kasama ang dalawang kaibigan niya. "Francis? Diba may tatlong tao kayong nakasalubong nung sinubukan niyong pumasok sa eskinita kagabi?" napatingin silang lahat sa'kin pagkatapos kong magsalita. Napansin siguro nilang bigla akong naging seryoso. Tumango lang si Francis na seryoso na rin ang mukha.

"Kasi sina Kuya pala yun. Kasama niya si Neil at Kian." kitang kita sa ekspresyon ng mukha nila ang gulat. Matagal ko na silang kaibigan kaya kilala na rin nila si Kuya pati ang mga nagiging kaibigan nito. Lalo na sina Francis, Kinley at Christian. Kilala na nila si Kuya dahil nakakasama nila ito minsan kapag may training sila ng basketball.

"Anong nangyari sa kanila?" bakas sa tono ng boses ni Francis ang pag-aalala. "Nabaril kasi si Kuya dahil sa ginawa nilang pagsunod dun sa eskinita. Pero daplis lang naman sa braso. Okay na siya ngayon. Tapos pinagalitan kami ni Papa kaya ayun, grounded. Late na rin kasi ako umuwi tsaka hindi ako nakapag-paalam."

Ilang segundo ring walang nagsalita sa amin pagkatapos ko magkwento. Pero agad din namang nabasag ang katahimikan nang magsalita si Elle...

"Paano kung maghanap ng witness yung pamilya ng biktima, papayag ba Kuya mo?"

Napaisip ako sa tanong niya, at the same time medyo natakot din dahil kitang-kita ko naman sa kaniya kagabi na gusto niya talaga tulungan yung babae. Pero natatakot ako para sa kaniya kung papayag siya maging witness. Hindi dahil baka malintikan na naman siya kay Papa, kung hindi dahil masyadong delikado kung gagawin niya ang bagay na iyon.

"Siguro Oo. Papayag siya. Pero hindi ako papayag. Nag-aalala ako para sa kaligtasan ng Kuya ko." malungkot na sabi ko. Sana lang ay hindi siya nakilala nung mga lalaki, silang tatlo nina Kian at Neil. Malaki kasi ang posibilidad na miyembro ng mga sindikato ang mga iyon at baka balikan nila sila Kuya pag nagkataon. Pakiramdam ko, parang biglang nalagay sa alanganin ang mga buhay namin ngayon.

Naramdaman ko ang marahang pagtapik ng kamay ni Francis sa balikat ko. "Huwag mo na isipin iyon. Siguro naman hindi niya gagawin yun dahil alam niyang hindi papayag ang Papa niyo kahit pa gusto niyang tulungan yung babae. Tsaka don't worry, kakausapin ko rin yung mokong na yun." may point siya. Alam kong takot din si Kuya kay Papa at wala siyang magagawa pag nagalit ito.

"Oo nga Sissy. Wag mo na masyado isipin iyon. Mabuti pa, magreview ka muna dahil malapit na ang final natin ngayong first sem." tugon ni Alvin na hawak pa rin ang kaniyang libro.

Napayuko na lang ako. Hindi ko pa rin maiwasang hindi alalahanin yung mga susunod na mangyayari. "Kung ano man yang iniisip mo, wag mo na isipin dahil hindi talaga mangyayari yon! Wala tayo sa teleserye." saad ni Kinley. Binatukan siya ni Elle na nasa tabi niya lang. Luh! Ang harsh.

"Wala tayo sa teleserye kasi nasa Webnovel tayo. Duh! Mag-isip ka nga." natawa kaming lahat kay Elle. Siraulo talaga. HAHAHA!

Napatigil kami sa pagtawa nang biglang tumayo si Christian. "Uwi muna ako. Wala akong baon eh. Malapit na rin maglunch."

"Ako rin sa bahay na mag-lalunch." sabi ni Alvin habang inilalagay sa bag niya yung librong hawak niya kanina saka siya tumayo at isinakbat ang bag sa likod niya.

Halos sabay namang tumayo si Elle at Kinley. Uuwi na rin sila. "Hala sige! Magsilayasan na kayo! Alam kong kami lang talaga ni Jestine ang dito maglulunch." nakabusangot na sabi ni Julie. Harsh din ang isang 'to eh. HAHA!

"Sige bye!"

"Pakabusog kayong dalawa."

"Pakalamon"

Naglakad na sila palabas ng canteen. "Oh? Francis. Bakit hindi kapa sumama dun? Dito ka rin ba maglulunch?" tanong ni Julie kay Francis.

Umiling lang si Francis. Inilagay niya ang kaniyang bag sa lamesa saka niya ito binuksan at naghalwat sa loob na parang may hinanap. Maya-maya pa ay may inilabas siyang isang supot na hindi ko alam kung anong laman. Iniabot niya ito sa'kin.

Kinuha ko naman iyon nang nakakunot ang noo. "Ano 'to?" parang ang daming laman. Nakabuhol kasi yung supot. "Dumating kasi si Mama galing sa abroad. Eh maraming pasalubong." sagot niya.

Pasalubong? Bakit naman niya ako bibigyan ng pasalubong?

"Bakit ako wala??? Ay! I smell something fishy talaga!" sabi ni Julie. May pagtaas-baba pa ng kilay. Nang-aasar ba ang bruhang 'to?

"Ewan ko sayo Julie. Mauna na ako sa inyo. Bye!" sagot ni Francis. Tumayo na siya sa upuan saka naglakad paalis.

Napatangin ako sa supot na hawak ko. Ano kaya itong binigay niya? At bakit niya ako binigyan. "Buksan mo na dali!". Dahan dahan kong kinalas ang pagkakabuhol ng supot. Pagbukas ko, nakita ko ang iba't-ibang klase ng chocolate.

"WOW! Ang dami niyan. Alam mo girl, feeling ko crush ka niyang si Francis." hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi ni Julie. Imposible namang magkagusto sa'kin si Francis. "Penge na lang ako. Hihi" kumuha siya ng isang piraso ng chocolate saka mabilis na binuksan at kinain.

"Hmmm! Sharap."

Hindi ko na siya inimik at binuhol ko na lang ulit ang supot ng chocolate bago inilagay sa bag ko. Sa bahay ko na lang kakainin. Inilabas ko na lang ang tupperware na pinaglalagyan ng pagkain ko. "Kain muna tayo bes. Inuna mo ang dessert eh. Haha!" tumawa lang si Julie at inilabas na rin niya yung dala niyang baon.

Nag-simula na kaming kumain. Itinabi muna ni Julie yung chocolate na kinakain niya kanina. Pagkatapos ng lunch, may klase pa kami sa computer subject. Buti na lang at isang subject lang ang meron kami mamaya. Maaga ako makakauwi sa bahay. Ang alam ko, maaga rin ang dismissal nila Kuya. Sasabay na lang ako sa kaniya mamaya.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin kami kumain. Niligpit na namin ni Julie yung pinagkainan namin. Nakaramdam ako ng antok. Gusto kong umidlip muna. Mamayang 1pm pa naman ang klase namin. 11:45 pa lang naman.

"Idlip muna ako ha!" paalam ko sa bestfriend ko. Tumango lang siya saka ko ipinatong sa mesa ang dalawang braso ko at dito ko ipinatong ang ulo ko.

★★★

Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. "Beshy! Tara na sa room. Malapit na mag-time." iniangat ko ang ulo ko at nakita kong nag-aayos na si Julie. Inayos ko na rin ang sarili ko at nang matapos kami, lumabas na kami ng canteen pagkatapos ay dumiretso na kami sa Computer Lab.

Nasa loob na ang mga classmates namin pero wala pa ang teacher. Pumunta kami sa dulong bahagi ng Computer Lab at dito naghanap ng mauupuan. Nakita namin sina Elle na dito rin pala pumwesto. Nang makita niya kami ni Julie, sinenyasan niya kami na doon maupo sa tabi nila. Agad naman kaming lumapit saka umupo.

"Pinagreserve namin kayo ng upuan." pabulong na sabi ni Elle. "Thank you" nakangiti kong sagot.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto. Nandiyan na pala yung computer teacher namin.

"Good Afternoon Class!"

"Good Afternoon Sir!"

Naglakad si Sir Randy papunta sa may teacher table at binuksan niya ang laptop at projector niya. Nag-flash sa Screen ang word na 'Social Media'.

"Okay! Social media... Yan ang topic natin ngayon. Alam naman natin na hindi sa lahat ng oras ay mabuti ang naidudulot nito. Lalo na ngayon, nasa 21st Century tayo. Pataas ng pataas ang porsyento ng mga taong gumagamit at lulong na talaga sa social media. Mas mataas ang porsyento ng mga batang gumagamit ng social media kesa sa mga nasa middle age. Pero noong 2017, ilang kabataan ang nagquit sa paggamit nito dahil isa ito sa mga nagiging rason ng depresyon." panimula ni Sir.

Napatango ako sa sinabi ni Sir. Totoo naman kasi. Maraming advantage ang paggamit ng social media pero parang mas marami ang disadvantage. Nababawasan ang pakikipag-usap sa personal ng mga tao dahil tutok sa paggamit ng gadgets. Marami ring tao ang nabibiktima ng mga scammer, cyber bullying, hacking at kung ano-ano pang krimen na sangkot ang social media.

"Marami tayong social media site at lahat ng 'yon ay nakakatulong para mas mapadali ang pang araw-araw nating buhay... Mula sa Facebook, Twitter, Instagram, Google, YouTube, at marami pang iba. Pero alam niyo ba, hindi lang iyan ang part ng internet. May mas malalim pang part na hindi basta-basta maaccess kung walang sapat na kaalaman tungkol sa tamang paggamit nito.. Meron kasing levels ang internet. Clearnet, Surface Web, Bergie web, Deep Web, Darknet, at ang pinakamalalim ay Marianas Web. Sa pag-kakaalam ko, ang Marianas Web ang imposible maaccess dahil ito ang nag-cocontrol sa buong internet. Hindi ko na ituturo kung paano maaccess ang mga yan dahil baka may magtry sa inyo. Masyadong delikado." pagpapatuloy pa ni Sir Randy.

So may ganun pala. Mabuti na lang at magaling na teacher din si Sir Randy. Basta pagdating sa technology at social media expert siya.

"Pero ngayon, dahil Facebook ang pinakacommon at nagagamit natin everyday, ito ang pag-aaralan natin."

May pinindot si Sir sa laptop niya kung saan dito nakaconnect ang projector. Nagflash ang picture ng mukha ng isang lalaking nakaside view habang nakatingin sa taas.

Chris Putnam

"Sino sa inyo ang mahilig gumamit ng emoticon pag nagfifacebook?" tanong ni Sir.

Karamihan sa mga classmates ko ay nagtaasan ng kamay.

"Kahit ako mahilig gumamit ng emoticon or emoji." natatawang sabi ni Sir sabay tingin sa screen na nasa likod niya pero agad din niyang ibinalik ang tingin niya sa amin... "But before that, sino muna ang nakaexperience na mahack ang facebook account?" tanong ulit si Sir. Tumaas ng kamay si Christian.

"Okay. Tips lang, baka makatulong. Huwag kayo basta-basta magkiclick ng link sa facebook lalo na kung hindi kayo sigurado kung anong lalabas kapag na-open niyo ang link na 'yon. Kasi kadalasan, ang ginagamit sa panghahack ng facebook account ay keyloggers or phishing. Gagawa ng account ang hacker gamit ang app na yan, then diyan sila kukuha ng link na isesend nila sa victim nila. Once na naclick ng victim yung link na sinend nung hacker, may lalabas doon na kung saan may nakalagay na email at password. Kapag nag-log in yung victim sa link na 'yon, automatic na makikita ng hacker yun dahil sa kaniya galing yung link na ginamit ng victim. Actually merong School dito sa Pilipinas na nagtuturo kung paano mag-hack ng mga social media accounts. Nakalimutan ko na kung anong School yun. Search niyo na lang. Hehe" pabirong sabi ni Sir.

Tumingin ulit si Sir sa screen na nasa likod niya kung saan nakaflash pa rin yung picture ng lalaki. "The First Facebook hacker. Siya si Chris Putnam. Year 2005, isang teenager na walang magawa sa buhay. Gumagawa si Chris Putnam kasama ang mga kaibigan niyang sila Marcel Laverdet at Kyle Stoneman ng series ng pranks sa Facebook para subukan ang security nito."

"Pero bago pa 'yan, gumawa na sila Marcel at Chris ng isang JavaScript na kokopya ng ilang function ng Facebook. Gaya ng Add Friend, Poke, Wall Post at Messaging sa ibang accounts."

"Kasabay naman ang pagbuo ng isa pa nilang kaibigan ng isang CSS stylesheet na magpapaiba ng itsura ng Facebook Profile na gaya ng sa MYspace (https://m.imgur.com/ymaCG)."

"Dahil sa pinag sama-sama nilang kalokohan, napakalat nila ang XSS worm sa Facebook ng accounts to accounts at kumalat pa nang kumalat hanggang sa pati mismong mga empleyado ng Facebook ay apektado na. Dahil sila ang apektado, gumawa agad ng hakbang ang Facebook para maayos ang problema sa kanila. Dito na inimbitahan ng Facebook co-founder na si Dustin Moskovitz sina Chris sa opisina nito. Kahit takot, pumunta pa rin si Chris Putnam sa opisina ni Dustin at dito imbis na sermonan, isang nakangiting Dustin Moskovitz ang kumamay sa kaniya at inalok pa siya ng isang trabaho sa Facebook."

"Isa na ngayong Software engineer sa Facebook si Chris Putnam, at bilang paalala sa kalokohan nito. Gumawa ang mga kaibigan niya sa kompanya ng isang emoticon ng sideview ng mukha niya habang nakatingin sa taas. Si Chris Putnam din ang kauna-unahang gumawa ng mga HD videos sa social media bago pa gumawa yung iba. At 'yang picture na nakikita niyo ngayon ay isa sa mga sinaunang emoticon sa facebook. Mapapalabas mo ang emoticon na 'yan sa pamamagitan ng pagta-type sa comment box ng :putnam: "

Kumuha si Sir Randy ng pentel pen sa drawer ng table niya at isinulat sa white board na nasa tabi ng screen ang ' :putnam: '

"Yan ay mula sa apelyido nang unang hacker ng Facebook at ginawa itong MySpace, si Chris Putnam. Sayang lang kasi hindi na siya gumagana ngayon. Matagal na rin kasi yun. Pero alam niyan nung mga taong matagal nang facebook user."

Woah! Hindi ko akalaing may mga ganyang emoticon pala noon sa facebook. Hindi ko rin alam na sobrang lawak rin pala talaga ng internet at medyo delikado nga kung dito na lang umiikot ang mundo natin. Dahil sa likod nito, hindi natin alam kung sino na ang mga taong nakamasid sa'tin. May nabanggit pa si Sir na pwede raw matrace ng internet or social media ang location ng mga gumagamit nito. Delikado dahil may possibility na yung mga site na napupuntahan natin minsan ay hindi na mismong kompanya ang nag-ooperate dito kundi mga sindikato na pala.

★★★

Tapos na ang klase kaya uwian na. Nandito kami sa labas ng School. Uuwi na sana ako kaso ayaw pa nila, tambay daw muna kami saglit. Sabagay, hihintayin ko pa nga pala si Kuya. Alam naman niya na sasabay ako sa kaniya pauwi eh.

2:30pm pa lang. Medyo makulimlim ang panahon. Parang nagbabadya ng pag-ulan at natatakpan ng makakapal na mga ulap ang kalangitan. May isa pa sana kaming subject pero may meeting daw ang mga teacher kaya maaga kami nadismiss.

Busy sa pag-kukwentuhan ang mga kaibigan ko samantalang ako, pinagmamasdan lang ang mga dumadaang sasakyan at grupo ng mga estudyanteng nagsisilabasan sa gate ng School. Ang ilan ay walang kasabay sa paglalakad habang ang ilan naman ay kasabay ang kani-kanilang mga kabigan habang masayang nagtatawanan at nagkukwentuhan.

Ilang saglit pa, natanaw ko na si Kuya na kalalabas lang ng gate kasama ang dalawang kaibigan niya. Sakto namang napalingon silang tatlo dito sa pwesto namin kaya madali nila kami nakita at agad na lumapit sa amin.

Magsasalita sana ako kaso biglang tumayo si Francis at nakipag-apir sa tatlong dumating. "Repapips!" tumayo na rin sina Christian at Kinley para maki-apir.

"Alam ko nangyari diyan" sabi ni Christian sabay pisil sa braso ni Kuya na may benda dahilan para mapasigaw ito dahil sa sakit. "Napakatarantado mo talaga kahit kelan." sagot ni Kuya sabay batok ng malakas kay Christian.

Nag-tawanan lang kami habang nanunuod sa kanila. Mga siraulo talaga. Hayst!

"Pumunta kami nung birthday ni Jestine, pero hindi mo kami inentertain." tugon ni Kinley habang nakatingin kay Kuya. "Busy kayo nun. Busy din ako." sagot naman ni Kuya.

"Uy malapit na sembreak. Baka lang trip niyo mag-outing." singit ni Kian. Minsan kasi pag nagkakaroon ng hangouts ang barkada, kasama silang tatlo. Bodyguards daw sabi Julie. Haha tsaka pandagdag na rin sa pambili ng pagkain yung magiging contributions nila.

Marami pa silang pinag-uusapan na hindi ko na alam kung tungkol saan. Si Alvin naman busy din sa pakikipagkwentuhan kina Elle at Julie. Wala akong gana makisali sa kwentuhan nila kaya tahimik lang akong nanunuod at nakikinig sa mga usapan nila.

Nasa kalagitnaan ng tawanan at asaran sina Kuya at mga kaibigan ko nang biglang mag-ring ang phone ni Christian. Lumayo siya ng kaunti sa pwesto namin bago sinagot ang tawag pero ilang saglit lang, ibinulsa na niya ulit yung phone niya saka bumalik sa pwesto namin. "Mga pre, una na ako sa inyo. Tinatawag na ako ni kumander."

Tumango lang kami sa kaniya saka siya patakbong bumalik sa loob ng School. Pupuntahan niya yung girlfriend niya. Ka-schoolmate at ka-batch lang namin si Vina pero iba yung strand niya sa'min.

Maya-maya pa nagpaalam na si Kuya sa mga kaibigan ko saka tumingin sa'kin. "Tara! Uwi na tayo. Baka maratrat na naman tayo ni Papa mamaya." natawa at napailing na lang ako sa sinabi niya. Nagpaalam na rin ako kina Julie, Elle at Alvin. Ngumiti lang sila saka tumango. "Bye! Beshy."

Nag-tapikan pa ng balikat sina Kuya at Francis bago kami umalis. Kasabay namin si Neil at Kian.

Habang naglalakad kami, may nadaanan kaming tindahan kung saan may mga lalaking nakatambay na nagkukwentuhan.

'Sayang naman siya.'

'Kaya nga eh. Ang ganda pa naman.'

'Sana pagkatapos nung nangyari sa kaibigan niya, nagpakalayo na muna siya para hindi siya nabalikan nung mga pumatay sa kaibigan niya.'

Sino kaya yung pinag-uusapan nila? Sino yung pumatay daw?. Hayst! Ibang klase na talaga ang panahon ngayon. Kaliwa't kanan na ang mga krimeng nangyayari sa mundo.

Nang maka-lampas kami sa tindahan, napatingin ako sa kanilang tatlo at nakita ko kung paano sila nagkatinginan. Parang alam na nila kung ano yung pinag-uusapan nung mga nakatambay.

"Nagtagpuan kaninang umaga yung bangkay sa may abandonadong lote na malapit sa daungan ng barko." sabi ni Neil.

Napakunot yung noo ko sa sinabi niya. Kaninong bangkay? Ano ba yung pinag-uusapan nila? Nakaka-OP naman sila kasama.

"Grabe noh? Schoolmate pala natin yon. Lawyer student pa." sagot naman ni Kuya.

At dahil gusto kong malaman kung sinong pinag-uusapan nila, nag-tanong na ako.

Tumingin muna ako sa kanila ng may pagtataka. "Sino ba yung tinutukoy niyo? Baka lang trip niyo ishare sa'kin. Hihe"

Magsasalita na sana si Kian pero naunahan siya ni Kuya. "Ah! Yung kagabi. Yung babae. Nakita sya kaninang alas otso ng umaga. May tama ng baril. Patay na."

"Ginahasa na pinatay pa. Sobrang nanghihinayang ako dahil hindi natin siya nailigtas." saad naman ni Neil.

Nakaramdam ako ng lungkot at awa sa narinig ko. Grabe yung gumawa nun. Walang puso. Paano na lang yung mga pangarap niya. Lawyer student pa naman daw... Teka! Lawyer student??? Hindi kaya connected yun sa pagkamatay niya?

"Naalala mo ba yung nabalita na babaeng ginahasa at pinatay din, 3weeks ago? Yung nakita ng tanod sa may talahiban? Yung balitang kumalat sa Campus na College Student na sa school din natin nag-aaral." tanong sa akin ni Kuya. Agad naman akong tumango.

3weeks ago kasi, may nabalita rin dito sa lugar namin na babaeng ginahasa at pinatay. Siguro yung pumatay dun sa babae kagabi, yun din yung pumatay dun sa babaeng nakita ng mga tanod. Hindi malabong mangyari yun. Sure ako na mga adik yung mga yun.

"Mag-bestfriend sila. Ella ang pangalan nung babaeng nakita ng mga tanod. Tapos si Sarra naman yung nakita namin kagabi. Parehas lawyer student. Schoolmate pala natin sila. Kaya pala familiar. Kalat na kalat na ngayon yung balita sa College Department." sabi ni Kuya.

"Bakit naman sila pinatay?" tanong ko.

"Kinidnap sila pareho. Nakatakas lang si Sarra. Kaya lang after 3weeks, binalikan siya nung mga kumidnap sa kanila ng bestfriend niya." si Kian naman yung sumagot.

"Pero bro, paano kung ituro tayo ng mga taong nakakita sa'tin kagabi? Ituro tayo sa pamilya ni Sarra at pilitin nila tayong mag-testigo?" tanong ni Neil. Halata sa itsura niya na medyo kinabahan siya sa naisip niya. "Sa'kin okay lang. Hindi man natin siya nailigtas kagabi, atleast tutulong ako sa paghahanap ng hustisya para sa kaniya." sagot naman ni Kian.

"Sa'kin din okay lang. Ikaw bro?" tanong ni Neil kay Kuya. Napatingin ako sa kaniya. Parang nag-iisip pa siya. Kinakabahan ako sa isasagot niya. Sana naman wag na siya mag-witness. Hindi talaga ako papayag. Siguradong pati sina Mama at Papa hindi rin papayag.

Alam kong malaking tulong sa pamilya ni Ella at Sarra kung tetestigo silang tatlo. Pero masyadong delikado kung gagawin nila iyon. Baka sila pa yung balikan nung mga suspek. Ayoko mangyari yun. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanilang tatlo kung mag-wiwitness sila.

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*

Source of Montauk Project: https://www.facebook.com/1782394878648183/posts/2399928866894778/?app=fbl

Source of Chris Putnam: https://free.facebook.com/story.php?story_fbid=2181850165270578&id=959559654166308&refid=12&__tn__=%2As

Nächstes Kapitel