webnovel

Ayaw Kong May Nananakit Sa'yo

"Ano..." Pinakalma muna ni Gu JIngze ang boses. "Oo na, totoo na nag-alala ako na baka may gawin kang hindi maganda. Pero dahil ipinaliwanag mo naman sakin ngayon kaya, syempre, naniniwala ako sa'yo."

Mas lalo lang nainis si Mo Huiling. "Of course, hinding-hindi ko magagawa ang bagay na 'yan! Sa loob ng mahabang taon, hindi mo pa rin ba ako lubos na kilala? Makatapak at makapatay nga lang ako ng langgam eh nalulungkot na ako nang matagal. Paano ko naman magagawa ang ganyang bagay na iniisip mo?"

Ibinaba na ni Gu Jingze ang kanyang cellphone. Sa loob-loob niya'y umaasa siya na sana nga ay masyado lang siyang nag-iisip ng kung ano-ano.

Basta't tungkol kay Lin Che, kahit ano paman iyon ay hindi niya talaga napipigilan ang sarili na hindi mag-alala nang husto.

Paglabas niya ay nakita niya si Lin Che na nandoon pa rin. "Kung gusto mo pang umatras, pwede mo namang igive-up nalang ang commercial na 'yon."

Sumagot naman si Lin Che, "Huwag na. Nakapirma na kasi ako at makakadagdag lang ako sa trabaho ng kompanya kung babaliin ko ang kontrata. Kung iisiping mabuti ay commercial lang naman 'yon. At isa pa, ano ba naman ang magagawa ni Miss Mo, diba?"

Makahulugang tiningnan ni Gu Jingze si Lin Che. Sa huli ay tumango nalang din ito. "Oo nga pala, gusto ko nga palang sabihin sa'yo na may celebrationg gaganapin sa school ninyo bukas makalawa. Pupunta ka naman doon, diba?"

"Anong school?"

"Primary school mo."

"Huh? Pano mo nalaman 'yon?"

"May nagsabi lang sa'kin."

Naguguluhan pa rin si Lin Che at tumingin kay Gu Jingze. "Kung tama ang pagkakaalala ko, ika-50th anniversary celebration na pala ito ngayon. Pero, ayokong umattend."

"Bakit?"

"Hindi din naman nila ako inimbita. Bakit naman ako pupunta doon nang ako lang mag-isa?"

"Tutal eh primary school mo naman 'yon, gusto ko din sanang sumama sa'yo para makita ko ang school niyo," sabi ni Gu Jingze.

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Lin Che si Gu Jingze. "Ah, bakit naman?"

"Hindi ko pa nakikita kung ano ang hitsura mo noong bata ka pa. Gusto kong malaman kaya sasama ako."

Ayaw pa rin maniwala ni Lin Che dito. Pagkatapos ay iniyuko niya ang ulo at sabay na kinukurot-kurot ang sariling kamay. "Eh masyado akong pilya noong bata ako..."

"Hmm. Halata naman eh. At ganyan ka pa rin naman hanggang ngayon."

"..."

Sa katunayan, hindi naman na talaga maalala ni Lin Che kung ano ang hitsura ng primary school niya. Ang natatandaan niya lang ay ang magandang lawa sa tabi ng school. Madalas silang pumunta doon ni Shen Youran para maglaro. Naaalala niya rin ang mahaba at makitid na daanan na may nakahilirang mga puno ng poplar sa magkabilang bahagi. Kapag tag-inig ay nagiging kulay-green ang mga iyon.

Kahit noong nasa primary school pa lang siya ay hindi na talaga siya magaling sa klase. At sigurado siya na kahit katiting man lang ay hindi siya nagkaroon ng puwang sa puso ng mga naging teachers niya. Hindi rin maganda ang mga nangyari sa kanya doon. Sa halip ay palagi siyang kasama sa mga napaparusahan dahil sa pangongopya o di kaya'y sa pagiging malikot sa loob ng classroom.

Sa huli ay sumama pa rin si Gu Jingze kay Lin Che. Ito mismo ang nagmaneho ng kotse para kay Lin Che papunta sa school.

Limampung taong gulang na ang paaralang iyon pero wala pa ring pinagbago ang histura nito. Katulad na katulad pa rin noong una. Napalitan lang ng mga bagong pintura kaya mas lalong makulay at matingkad tingnan.

Pagpasok nila sa loob ay bumungad sa kanila ang iba't-ibang mga dekorasyon na inihanda para sa selebrasyon. Hindi magkamayaw ang mga tao at maingay dahil sa excitement ng mga nandoon. Nandoon din ang mga bigateng mga alumni at sponsors, at pati na rin ang ilang mga kilalang lider ng kanilang bansa.

Pagbaba pa lang ni Gu JIngze mula sa kanyang sasakyan ay sinalubong kaagad siya ng isang team para iwelcome sila.

Bumaba na si Gu JIngze at siya naman din ang pagbaba ni Lin Che mula sa kotse.

"Welcome, Mr. Gu."

"Lubos naming ikinagagalak na makasama namin ang isang Mr. Gu sa pagcecelebrate ng ika-50 na anibersaryo ng aming paaralan. Kakaibang liwanag din ang dala ni Mr. Gu sa aming munting skwelahan."

"Maraming mga kilalang personalidad ang dumalo ngayon. May mga politicians at mga businessmen, at pati na rin ang mga showbiz elites at mga kilalang personalidad sa ibang industriya. Silang lahat ang pride at glory ng aming paaralan."

Maingat na kinuha ni Gu Jingze ang braso ni Lin Che at inilapit sa kanya. "Tama ka, alam ko din iyan. Dito rin nagtapos sa school na 'to si Lin Che; at iyan ang dahilan kung bakit ako nandito dahil gusto ko rin itong makita."

Noon lang din napansin ng mga board members si Lin Che na nakasunod pala sa kanila.

Medyo nagtagal bago nakapag-react ang mga ito. Pagkatapos ay ngumiti at sinabi, "Oo nga. Tama nga. Isa ring mahalagang alumnus ng paaralan namin si Lin Che. Sa katunayan ay balak naming imbitahan siya at isabit ang pangalan niya sa aming honor roll."

Pero pakiramdam ni Lin Che ay wala naman talagang nakakaalala sa kanya dito--na ang isang estudyanteng tulad niya na mahirap at hindi matalino ay nag-aral pala dito.

Pagpasok nila ay maraming tao din ang umalalay kina Gu Jingze at Lin Che.

Nakatingin din sa kanila ang ilan sa mga alumni at nagtataka kung sino ang dumating.

Isa sa mga iyon si Lin Li. Inimbita din kasi ito bilang isa sa mga kilalang alumnus.

Hindi rin naman ordinaryong pamilya lang ang mga Lin, kung kaya. Malaki na rin ang naibibigay nila sa school sa loob ng mahabang panahon. Kaya, nang mag-aral dito si Lin Li ay talagang alagang-alaga siya. At ngayon naman na isa na siyang artista, natural din lang na imbitahin siya para ma-maintain ang image ng kanilang school.

Pero, nang mga sandaling iyon ay napansin niya na nagkukumpulan ang mga bisita sa may entrance at para bang may tinitingnan. Nagtataka pa rin siya nang ang kausap niyang classmate kanina ay biglang nagtanong, "Hmm, sino ba kasi ang taong dumating?"

Sumagot naman ang isa, "Hindi mo alam? Nandito si Gu Jingze ngayon."

Kaagad na napaangat ng tingin si Lin Li nang marinig iyon. Bigla itong nabuhayan ng loob at tiningnan ang direksyong tinutukoy ng mga ito.

"Hindi naman dito nag-graduate si Gu Jingze, diba?"

"Syempre naman hindi no. May sarili lang siyang private tutor noong bata siya at naka-home school lang siya. Lumabas lang siya ng bansa para mag-aral doon noong medyo malaki na siya."

"Kung ganoon, bakit siya nagpunta dito?"

"Mukhang magkasama silang dumating ni Lin Che. Naaalala mo pa ba siya? Ang kaklase natin noon na palaging bagsak sa klase?"

"Oo naman, tandang-tanda ko pa siya. Palagi lang siyang nasa last row at walang sino man ang pumapansin sa kanya."

"Siya nga iyon. Siya ay isa ng sikat na artista ngayon. Hindi ka ba nanonood ng TV?"

"Ano? Nag-artista pala siya?"

Hindi na gustong makinig pa ni Lin Li. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao pero nakita niya si Lin Che na kasabay na naglalakad ni Gu Jingze. Masayang magkahawak ang mga kamay ng dalawa. Lahat ay nakasunod ang tingin sa kanila. Kabilang din sa maraming nakasunod sa kanila ang mga bodyguards at mga security officers na pawang nakasuot ng kulay na itim na suit. Pakiramdam ng lahat ay napaka-makapangyarihan ng formation nilang iyon.

"Pinatunayan niya talaga na siya si Gu Jingze. Kahit saan man siya magpunta ay may mga nakasunod na mga bodyguards at maraming bantay. Kung totoo man na may relasyon silang dalawa ni Lin Che, hindi ba't parang naka-jackpot nang malaki si Lin Che?"

"Oo nga. Hindi ko nga matandaan na nakakatakot pala siya noong mga bata pa tayo."

"Buti na lang at hindi ko siya binully noon. Dahil kung nagkaganun, ano nalang ang gagawin ko ngayon?"

Kaagad namang nagdilim ang ekspresyon sa mukha ni Lin Li. Puno ng inggit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa dalawa. Naiinis at nakataas ang mga kilay na padabog itong umalis sa lugar na iyon. Hindi niya kayang matiis na makarinig ng kahit na ano tungkol kay Lin Che.

Samantala, nagkakandauga na sa paghahanap ng mga records ni Lin Che ang mga school staff. Nang makita ang pangalan ni Lin Che ay noon lang din nila nasabi na totoo ngang doon nag-aral si Lin Che.

Galit na galit ang chairman ng school at sinabi sa kanyang mga tauhan, "Ano ba'ng ginagawa ninyo bago paman ang araw na 'to ha? Hindi niyo man lang alam na dito pala nag-graduate si Lin Che sa school na 'to."

KInakabahang sumagot ang staff, "Eh, hindi naman kasi siya kilala noon. Di ba bigla nalang siyang sumikat ngayon? Hindi lang talaga namin napansin iyon. At isa pa, hindi din naman maganda ang mga grades ni Lin Che noong nag-aaral pa siya dito, Tingnan mo oh. Noon pa man ay hindi na talaga siya deserving na bigyan ng special attention."

"Wala akong pakialam sa mga 'yan! Lahat kayo, tingnan niyo't alamin ninyo kung saang class ba siya kabilang noon at kung sino ang teacher niya. Kung kinakailangang bolahin niyo siya, gawin ninyo para mas maganda."

At iyon nga. HIndi naman nagtagal nang malaman nila kung sino ang teacher ni Lin Che noon at iniharap sa kanilang dalawa ni Gu Jingze.

Magkatabing nakaupo sina Gu Jingze at Lin Che. Maging ang teacher na iyon ay hindi rin makapaniwala na ang napakagandang dalaga na nandito ngayon ay ang estudyante niya pala noon na palaging sa last row nakaupo.

"Lin Che, ako nga pala ang teacher mo noon. Si Teacher Hu. Naku, ang tagal-tagal na pala mula noong huli kitang nakita. Mas lalo kang gumanda. Kung natatandaan mo pa, eh nabigyan talaga kita ng ilang parusa noon dahil sa mga nagawa mo. Siguro naman ay naaalala mo pa ang mga 'yon."

Syempre naman, tandang-tanda pa ni Lin Che ang mga iyon.

Pero bago pa man siya makapagsalita ay ibinaling na ni Gu Jingze ang isang malamig at matalim na mga tingin sa teacher.

Ito ba ang teacher na pinagbintangan si Lin Che noon at pinatayo sa may basurahan?

Si Gu Jingze ang tipo ng tao na palaging gaganti kahit sa pinakamaliit lang na dahilan. Talagang hindi niya gusto ang isiping palaging nabu-bully si Lin Che noon at walang sino man ang nandiyan para tumulong dito.

Nächstes Kapitel