webnovel

Chapter 26

Nasa kalagitnaan kami nang pagkain ay may biglang nag door bell kaya naman ako ang bisita nila ay ako na ang nag volunteer upang lumabas at tumango na lamang si Clin.

Pagbukas ko nang gate ay nagulat ako pati ang mag asawang nasa harap ko. Agad din naman akong natauhan.

"Magandang umaga po Mr and Mrs Silvion."

"Oh myy hija." Tuwang tuwang sambit ni Mrs Silvion. pati ang asawa nito at agad nila akong niyakap dalawa na ikinagulat ko.

"How are you? Ang ganda naman nang anak nang best friend ko" Emosyonal na sambit ni Mrs silvion.

"Ayos lang po, maganda pa rin po." Natawa silang dalawa sa sagot ko kaya naman iginaya ko na sila papasok nang bahay nila.

Nang makapasok ay nagulat ako nang padabog binitawan ni Israel ang kutsara at tinidor at uminom nang mabilis bago dumeretso sa itaas at si Clin lamang ang sumalubong dito.

"I miss you too Mom and Dad." Huling rinig ko dahil natulala na lamang ako sa reaksyon ni Israel na iyon.

"Pasensya na po sa kilos nang isang anak ninyo." Singit ko na ikinatigil nila.

"No don't worry hija, ganyan talaga siya, kung ganoon ay iakyat mo muna baka sakaling lumamig ang ulo."

Napangiwi ako. "Mainit nga ho ang ulo nya sa akin Mr Silvion."

"Uh .. You can call me Tita Leigh or Mommy." Singit naman ni Mrs.

"A-ah o-ok po, akyatin ko na po muna siya." Nahihiyang sambit ko at agad naman tumango ang mag asawa pati narin si Clin kaya naman dali dali na akong umalis para maka pag usap pa sila.

Kinatok ko ang kwarto ni Israel ngunit wala namang nasagot sa loob kung kaya naman ay pinihit ko na ang door knob at unti unti kong nakikita ang dilim nang kwarto nito.

Bakit ang dilim? Sinarado niya kaya ang bintana? Sambit ko sa isip ko.

Kinuha ko ang cell phone ko at ginawang flash light ito dahil wala talaga akong makikita at para bang naging horror pa ang kwarto nito sa sobrang kalat.

"This is not you, my Israel." Bulong ko sa sarili at niyuko ko ang mga iyon at kinuha isa isa bago niligpit nang maayos.

Nang makapa ko ang ilaw ay tama nga ako, dahil sinara nito ang mga bintana ngunit naka on ang aircon nito. Tinanggal ko ang blazer na suot ko at nilagay ito sa beywang ko at sinabit ang earphone sa leeg ko.

Aksidente kong natanaw ang picture ni Israel na may kasamang babae. Pinagkatitigan ko ito at nang malaman kong hindi sila magka mukha ay malamang pinsan o kaibigan niya ito.

Inalis ko ang paningin ko doon nang marinig ko ang pagbukas nang pintuan nang cr kaya nilingon ko ito.

Nagulat siya nang maka pasok ako sa kwarto niya noon, pero ngayon ay walang pinag bago sa reaksyon nya at naka tuwalya lang ito kaya agad kong iniwas ang tingin dahil sa nararamdaman na init ng mukha ko?

"Hanggang dito pa rin ba ay susundan mo ako?"

"I didn't mean-"

"Huwag ka nang gumawa nang rason mo, oo alam kong gusto mo ako pero sana huwag ka namang mag pahalata." Sambit nito na ikinatahimik ko. "Hindi porket pino protektahan namin kayong magka kaibigan ay lalapitan mo na ako na para bang magka sundo tayo." Bigla na lamang akong nanlamig sa sinabi nya.

Nächstes Kapitel