webnovel

Chapter 24

Lyn's PoV

Matapos ang pangyayari ay pinauwi na agad kami sa kani kaniyang bahay at huwag na munang lumabas. Nag punta ang mga pulis sa eskwelahan at agad naman umuwi sina Mommy at Daddy dahil sa nangyari. Kina kailangan din sila sa eskwelahan upang maki usap sa mga estudyante at mga teachers dahil nga sa pangyayari.

"My god! Are you okay?" Emosyonal na sambit sa amin ni Mommy dahil nandun rin si Ate.

"Yes Mom, I'll go to my room now. I'm a little bit busy." Sabay beso ni Ate kay Mommy at Daddy.

"I am fine." Inunahan ko na silang dalawa habang naka halukipkip ako. Nag beso ako sa kanila at niyakap panandalian bago umakyat papuntang kwarto ko.

Napa upo na lamang ako sa kama dahil sa pagod ngunit agad ring naka pag bihis. Nang maka labas ako nang cr ay aksidente akong napatingin sa mga litratong nasa lamesa ko.

Litrato naming tatlong magka kapatid. Ni kahit minsan ay wala pa akong solong litatro nilang dalawa. Napatigil na lang ako sa itsura ni Kuya.

Nang maaalala ko na hindi pa rin kami nag aayos. Hindi rin ako makapaniwalang tumagal iyon nang buwan na para bang ang laki nang kasalanan ko. Kung tutuusin ay mas masakit ang mga sinabi nito sa akin.

Kinuha ko ang cell phone ko dahil sa tunog nang messenger at nakikipag video call si Krisha. Inayos ko ang buhok ko bago ito sagutin.

"Gash! I can't believe na nag k kwentuhan lang tayo ay may bigla na lamang may nagpaputok." Arteng sambit ni Krisha na may pairap pa.

"Sis, you know. That's creepy. Ilang beses naba tayo nakaranas nang ganito? Ang weird lang at nakaka takot na talaga." Nanginginig na sambit ni chloe.

"You're two right." Singit ko na ikinatahimik nila. "Kakaiba nga ngayon, kaya huwag na muna tayong lumabas kung alam nating delikado."

"Duh! of course that creepy scene? Gurl! Ikaw na ang matapang kung magagawa mo pa ring lumabas sa tirahan mo." Krisha said.

"Saktong walang pasok bukas kung kaya naman mag m movie na lang ako.. so bored and oh! I know that our parents is panicking because of that scenario a while ago." Nakadapang sambit ni Chloe habang kumakain nang chips.

"Yea right gurl! And you can't believe it na kailangan pa daw ako ma i check up dahil baka ma trauma ako sa nangyari kanina." Irap ni Krisha

"Our parents is over reacting and being emotional. Kahit sinong magulang ay mag -aalala para sa anak nila. Kahit pa nasa malayo sila ay kaya nila agad mag punta upang i check tayo, kaya kahit na busy pa sila sa trabaho ay nandun pa rin ang pagmamahal nila sa atin." Sambit ko na ikinatunganga na naman nila. "Kaya ganun na lang ang nasasabi ninyo, dahil nga tulad nang parents nyo ang parents ko, kung inaakala ninyong walang pakielam ang magulang nyo ay bakit sila umuwi? Bakit nga ba sila nag o over react? Dahil nag aaalala sila sa inyo at may pakielam sila. Ginagawa rin nila ito para sa atin, kaya nga tayo nakaka pag aral hindi ba?" Mahabang paliwanag ko at ilang minutong katahimikan bago nila ako palakpakan.

"Bravo!"

"Savage!"

"I guess you're right Lyn."

"Yep! At dahil sayo ay na realize namin na tama ka nga."

Nagtawanan na lamang kaming tatlo sa video call bago mag paalam.

Nächstes Kapitel