webnovel

Chapter 19

"Mauuna na ako, mag-iingat ka ha." Sambit neto sabay beso sa akin.

"Sure, hintayin ko lang yung driver." Tumango ito at kumaway na kaya naman ganun na rin ang ginawa ko.

Habang naghihintay sa waiting shed ay nakaramdam akong may umupo sa tabi ko. Nilingon ko naman ito at laking gulat ko na si Nerd pala ito.

"Are you waiting?" Ngising sambit nito.

"Uh.. oo" Sambit ko na parang wala sa sarili at hindi ko na inintindi ang tawa nya.

Mas bagay siguro kung wala siyang salamin at husky voice ang boses nito na tila bang para lang kinikiliti sa bawat bigkas nang bibig nito.

"Ikaw? Bakit nandito kapa?" Tanong ko nang mapagtantong hindi dapat iniisip iyon.

"Hinihintay ang sundo mo." Napalingon naman ako agad sa kanya. "Madilim na at delikado kung maiiwan ka mag isa." Dugtong pa nya.

Lumingon lingon ako sa mga gilid ngunit tama nga siya dahil wala nang katao taong dumadaan dito dahil na rin sa wala nang tao sa loob nang paaralan.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang sundo ko. Ngunit pag lingon ko ay wala na ito sa kanyang kinauupuan kanina. Iginala ko pa ang paningin ko ngunit wala na talaga ito.

Ang bilis naman niyang mawala?

"May hinahanap po ba kayo ma'am?" Sa gulat ko ay muntik ko na siyang mahampas.

"May nakita ho ba kayong-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may nakita ako sa likod lo na sinaksak ang isang lalake at namilog ang mata ko at naka ramdam nang kaba.

"Tara na manong bilis." Sabay pasok ko at tumakbo ito papasok nang sasakyan at pinaharurot agad iyon.

Habol hininga akong pinagpawisan at ramdam ko ang pag aalala nito ngunit binuksan ko na lang ang cellphone ko upang maipabukas na ang gate namin.

Pagkarating nang mansyon ay tumakbo agad ako papunta kay Ate na umiiyak.

"My god! What happened?!" Pag re react ni Ate at ikinuwento naman ni manong ito.

"Ate, please protect me. pls pls ate." Paulit ulit kong sinabi sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi yakapin ako.

Wala sa sariling napa angat ako sa itaas at nakita kong nakakunot ang noo ni Kuya at may pag aalala itong naka tingin sa akin.

"Don't worry, ipapahuli natin iyon and I promise it won't be happen again, okay?" Tumango na lang ako at niyakap na lang ako ulit.

Kinabukasan ay sinubukan ko pa ring pumasok dahil na rin sa pamimilit ko. Hanggang school ay dala dala ko pa rin ang ala alang iyon. Ang akala ko ay sa panaginip ko lamang iyon makikita ngunit mismong pag harap ko ay may pinatay ito.

Hindi ko maiwasang manginig at kabahan habang naglalakad ako sa daan. Nag suot ako nang shade at nag lollipop na lamang para sa lakas nang loob.

"Walang morning days ngayon, ang dami kalat na balita." Sabat agad ni Krisha nang maka pasok kami nang classroom habang wala pa ang Prof.

"Anong balita?" Wika naman ni Chloe.

"Kalat dito gosh! Hindi ka maniniwala sa sa sabihin ko." Pambibitin nito at umayos ng upo bago humarap saming dalawa ni Chloe.

"Ano nga?!" Sigaw ni Chloe at naiinip na.

"May pinatay daw estudyante, malapit sa waiting shed." Aktong nanginginig ito. "So creepy around 7:20 pm."

Isinuot ko ang earphone ko at nagpa tugtog na lang dahil hindi ko na masikmura pa ang sinasabi nila. Kinukutuban ako dahil ako mismo sa sarili ko ay nakakita nang ganong eksena.

Nächstes Kapitel