webnovel

Chapter 2

Please VOTE!

Nagluluksa pa din siya sa pagkamatay ng kanyang lolo makalipas ang ilang linggo. Habang tumitingan siya sa paligid ng kanilang mansyon ay naalala niya ang mga panahon ng siya ay bata pa.

Ang mansyon nila ay malaki na dalawang palapag na may 5 lamang na kuwarto. Ang mansyon ay vintage ang disenyo ngunit sa makabagong paraan. Ang kanilang mga gamit aya antique at ang paligid nila ay malawak na lupain.

Para itong hacienda sa lungsod ng Maynila. Ma ihahalintulad ito sa isang mini hotel. Naalala niya lagi silang mag kasama ng mga magulang niya pati ang lolo niya. Pero sa isang iglap ay mag isa na lang siya.

"What do you mean Tito?!" Medyo tumaas ang kanyang boses. Nasa study room sila ng lolo niya, kausap ang kanilang abogado.

Kitang kita naman niya ang simpatya sa mukha nito dahil na iintindihan nito ang kanyang reaksyon t natural lang iyon.

"As I've said Hija, wala kang makukuha na kahit na ano. Hangga't hindi ka nagpapakasal. Iyon ang naka saad sa last will ng lolo mo." Pag uulit muli ni Attorney Santos sa kanya, tito ang tawag niya dito dati pa.

"Is he nuts?! Saan naman ako hahanap ng pakakasalan?" Na iinis niyang histerya sa last will ng lolo niya. Hindi niya alam kung ano ba ang gusto mangyari ng lolo niya. Ang dami na ngang problema, nadagdagan pa.

"At kung hindi ako magpa pakasal, ano naman ang puwede mangyari?" Tanong niya dito.

"Bukod sa mawawala ang lahat ng shares mo sa Prime Malls ay wala ka din matatanggap na kahit ano mula sa lolo mo kahit itong bahay na ito ay ido- donate sa Legaspi Charity Foundation."

"What?! Akala ko ba ang bilin niya ingatan ang kompanya pero bakit niya ito ido- donate?" Hindi iyon talaga puwede mangyari.

Dahil nangako siya dito at hindi siya makakapayag na ang pinag hirapan ng pamilya niya ay mawala na lang. And she can't become a beggar. No way!

"Hija, wala tayong magagawa dahil iyon ang naka saad sa last will. You need to a marriage contract bago sa'yo masalin ang lahat ng ari arian ni Senior."

" And you still have time bago ka mag 21. Kaya may oras ka pa." Iyon ang palugid niya before she turns 21 ay kaylangan niya na mag pakasal kung hindi ay magiging pulubi siya.

"Fine. But, Tito maaari bang sa atin muna ito? Huwag mo na sabihin kahit kay Mr. Torres dahil baka i- line up niya sa akin ang mga mayayaman na anak ng mga kaibigan ni Lolo. And I'll take care of finding a husband." Paki usap niya kay Atty. Santos.

"No problem Hija, ikaw pa." Paninigurado naman nito.

"Ma uuna na ako. Tawagan mo na lang ako kapag may kaylangan ka." Iyon lang at nagpasalamat siya at umalis na ito. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Mr. Torres.

"Seniorita, kamusta po ang naging usapan niyo ni Atty. Santos?" Tanong nito.

"It's good Mr. Torres, walang problema." Pagsi- sinungaling niya dito.

"Where are the papers na hinihingi ko? At kamusta ang sitwasyon sa main office? Hindi ba nila ako hinahanap?"

"Here are the papers. Medyo mabuti na po ang sitwasyon sa main office. I said na ikaw na ang namamahala sa lahat, sa decision making at launching the new "Prime Mall" sa Makati."

"They want to meet you kaya lang nag dahilan na lang ako na you're still mourning at matatagalan pa bago ka magpa kilala sa kanila." Tuloy tuloy na paliwanag ni Mr. Torres at inabot sa kanya ang 2 folders na naglalaman ng report sa opisina.

"Ok, everything is going according to our plan. Ayusin mo na din ang pag tatransfer ko sa College. Ipagpapatuloy ko ang pag aaral ko, kailangan makatapos ako para walang masabi ang board members kung sakaling i take over ko ang kompanya legally."

"Saang school niyo po ba gusto?"

"I don't mind, anywhere would be fine." Iyon lang ang sinabi niya at umalis na ito.

Dalawang linngo na ang nakakalipas ng ma ilibing nila ang kanyang lolo. Simula non ay siya na ang nag desisyon sa kompanya, napaka hirap dahil halos hindi na siya natutulog sa dami ng gawain na iniwan ng lolo niya.

Tapos heto kaylangan pa niya pala magpakasal bago tuluyan na ma ilagay sa pangalan niya ang kompanya. Saan kaya siya hahanap ng lalaki na handang itali ang sarili nito sa kanya habang buhay?

Oo nga at may boyfriend siya pero hindi naman ang tipo nito ang magpapatali habang buhay. At isa pa, napaka bata pa nila para magpakasal. Nasan kasalukuyan siya ng pag iisip ng marinig niya ang kanyang cellphone na nagri- ring.

"Hello?" Tanong niya sa kabilang linya.

(Hey! Belle it's me, Sweetheart. How have you been?) Iyon si Conrad ang boyfriend niya sa Amerika.

Isa din itong Filipino ngunit sa Amerika na ito pinanganak. Napaka bait nito at hindi siya pinababayaan. Ito ang tangi niyang kakilala sa Amerika.

3 years na silang mag nobyo pero hindi naman siya pinipilit nito sa mga bagay na ayaw niya dahil naiintindihan siya nito.

Una silang naging magka klase at mag kaibigan noong first year college pa sila. Makalipas ang ilang buwan ay niligawan siya nito at agad naman niya ito sinagot dahil mahal niya din ito.

"I'm good, but I'm so damn busy with paper works. How about you?" Balik tanong niya dito.

(Well, I'm here in the Philippines to see you. I miss you.) Sagot naman nito sa kanya.

~~~~~

Nächstes Kapitel