webnovel

Chapter 8: Sudden

FRANCHESSCA'S POV❤️:

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko, nag-aayos para sa gaganaping basketball namin. Taliwas sa iniisip nyo, di tournament kundi trip trip lang, hehe.

Mayroon sa aking banda na nalulungkot sa kadahilanang 3rd week na ngayon ng pasukan, at ni isang araw ay hindi man lang ako nag-abalang pumasok, haist.

Kahit naman hindi ko priority ang pag-aaral eh mayroon pa rin naman akong pakialam dito. Kaya lang ang madrasta ko, este si te jes, ayaw akong payagang pumasok. Magpagaling daw muna ako kahit sa totoo lang eh wala na namang masakit sa akin.

Di na rin ako nagpumilit pa dahil knowing "te jes" period. Basta alam nyo na yon.

Matapos ayusin ang nike na socks ko ay pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ko sa pagkalaki-laking salamin dito.

Pogi naman. Nike na jersey, nike na mahabang shorts, maski cap ay nike maging ang sapatos. Lahat kulay black maliban sa mahabang white socks ko.

Masanay na kayo sa di kaaya-ayang pagdedescribe ko sa suot ko. Likas sakin yan.

Matapos mag-spray ng victoria secret na pabango ay di na ako nag-atubili pang tahakin ang daan pababa, patungo sa garahe kung saan nandoon ang buong tropa.

Sabi ng ibang mga babae "ang strange tibo siya pero amoy na amoy na victoria secret ang ginagamit niyang pabango" lam nyo dude, tao rin naman ako, at sa katunayan nga eh hindi ako masyadong fan ng matatapang na pabango. Ang gusto ko sa victoria secret ay kahit hindi siya ganoon katapang ay nagla-last ang bango niya 24/7 sa damit ko.

Una kong namataan ay ang kumag na si matt na agaran ding lumapit sakin.

Makita mo pa lang ang itsura ng kupal ay malalaman mo na agad na puro kabulastugan ang tumatakbo sa kokote nito.

Agad itong ngumisi at inakbayan ako kasabay ng pag-iingay nito.

"Yun oh, ang ating prinsesa!" napangiwi naman ako sa panimula ng hayup.

Nabaling ang atensyon sa akin ng iba pang myembro ng aming kulto at di na kataka-takang nagsitawanan ang mga ito matapos marinig ang pang-aalaska ni matt.

"Oh musta?" ani kie ng makalapit ako sa kinaroroonan nila.

"Ayos lang." tugon ko.

Malokong ngisi ang iginawad nito at saka tumingin sa isa pang kumag.

"Ang bigat mo pala." mapang-asar na ngisi ang tumambad sakin ng magsalita si son sa likuran ni kie.

Napakunot ang noo ko sa itinutukoy nito.

"Nabali ba buto mo?" sabat ng kumag na matt sa gilid ko na muling nagpahalakhak sa mga loko.

Binatukan lang siya ni son at muling i-drinibble ang bola.

Samantalang si kie naman ay sumandal sa kotse niya, kanina pa ata sila ah, mukhang pagod na ang kupal.

Naagaw ng atensyon ko si lejan na papalapit sa akin. Buti na lang at wala ang kapatid niya, less awkward.

"Sup, chessy!" mapang-asar din ang tinig ng isang to.

Inismiran ko lang siya at inikutan ng mga mata.

Napahalakhak siya sa reaksyon ko.

"Napaaga ka ata ah." sarkastiko ngunit nakangisi pa ring ani nito.

"Ay maaga ba, gusto mo mamaya nakong alasais bumaba?" mas sarkastiko naman ang tonong tugon ko rito, hindi pa rin matigil ang kumag sa paghalakhak.

Wow ah, nasa mood ang kupal ngayon. Madalas kasi eh tahimik ang isang to.

"Syempre biro lang, pero kung ako sayo pinagme-meryenda mo na kami." saad nito kasabay ng may kahulugang ngisi at kindat.

Tipo niya ang madrasta,este ang pinsan kong masarap magluto, si te jes.

"Sus, si te jes lang ang pinunta mo rito, ano?" muli ay napahalakhak siya sa banat ko.

"Selos ka naman, balak din syempre kitang kumustahin, chessy." malokong tugon nito.

"Lul." napailing na lang ako sa loko. Halata naman, idine-deny pa, kaltukan ko to eh.

Ginulo niya lang ang naka-bun kong buhok at muling nag-jog patungo sa mga kapwa niya kumag.

Susunod na sana ako sa kanya ngunit naagaw ng atensyon ko ang pamilyar na sasakyan na paniguradong magpaparada sa kinaroroonan namin.

Nang makalapit pa lalo ang itim na sasakyan nito ay napangiti ako ng pagkalapad-lapad sa tanawin pa lamang ng auto nito.

Kagaya ko ay napabaling din ng atensyon ang buong tropa sa pagdating ng isa pang kauri.

Bumusina ang sasakyan ng paulit-ulit at kahit tumabi na ang mga kumag ay tuloy-tuloy pa din ang busina nito. Oh kitams, kupal talaga.

Ilinuwa nito ang magandang binibini na naka-boy cut at nakapang-alis. Dress na kulay kahel ang suot nito at agad naman itong napatingin sa pwesto ko.

Ngumisi ang loko at tumakbo papunta sa direksyon ko.

"Utoooool!" masayang bati nito kasabay ng pag-aalok ng fist bump at paggulo sa buhok ko.

"Dalaga ka na ah." maski ako ay napahalakhak sa sarili kong pang-aalaska.

"Loko!" nakangiwing ani nito ngunit natawa rin.

"Ow, ang ating ikalawang prinsesa!" pagpasok muli ni matt sa usapan.

"Baho naman neto!" ani utol sabay batok sa loko.

Napangisi lang si matt at niyakap si utol.

"Ahem, mukhang may naaamoy akong nakatingin sa pwesto natin ah." walang sense na biro ni matt ngunit napatawa kami nitong lahat at napatingin sa direksyon na pinagmumulan ni kie.

"Whut!" Makahulugan at mapang-asar na sipol ni son.

Napakamot ng ulo si kie at agad ipinompyang ang ulo ni matt.

"Musta bakasyon?" baling ni kie sa utol ko.

"Ays lang naman." nakangiti pa ring saad ng utol ko.

"Sup, selly!" malokong ngisi ang iginawad ni lejan dito.

"Yow!" masiglang baling ni utol dito.

"Kung ako sayo krissy, call your ate na." makahulugan muling banat ng kumag.

Baliw na baliw talaga sa masungit kong pinsan.

"Inamoka, paiba-iba ng nickname, raulo!" nakangiwi at sarkastikong tugon niya rito.

Marahan kong inilabas ang cellphone ko at tiningnan ang orasan. Mag-aalasingko na rin pala, kaya pala taeng tae na ang loko kumain. Way niya na to ng pagpapapansin sa single kong ate, malay nyo naman diba.

"Pasok na nga mga kumag, mukhang meron na rin tayong pagkain dun sa loob." maikli ngunit pasigaw kong bulyaw sa kanila atsaka naunang mag-martsa papasok sa loob. Nag-aastang akin ang condong ito, hehe.

Nasa sala pa lang kami ay amoy na amoy na ang mabangong brownies na ibine-bake ni te jes. Tinakam ako bigla, madla!

"Hmm, smells good!" malawak ang ngising tumambad sakin ang mukha ni lejan. Nauna pa sa pag-upo sa trono ko sa couch at agad na kinuha ang remote at binuksan ang tv.

Napaismid muli ako sa ikinilos ng kupal, ang saya niya talaga kapag nandito kayla te jes.

Tumabi ako sa kanya at agad isinandal ang likod sa inilagay kong malambot na unan. Agad namang umupo sa tabi ko si matt ngunit sisitahin ko pa lang sana siya sa kakulitan niya di kalaunan ay mayroon na agad pumalit sa pwesto niya.

Pilit siyang ihinila nito papatayo at kasalukuyan siyang nangangamot ng ulo at umupo na lamang sa hawakan ng couch, napahalakhak ako sa ikinilos ng dalawa.

Nakangising si son ang tumambad sa harap ko at ginaya rin nito ang pwesto ko. Kumportableng sumandal ang loko na parang bata at bumaling sakin. Wari alam niya ng magsasalita ako.

"Tumatanda kang paurong, son!" ani ko habang umiiling samantalang halakhak lang naman ang itinugon nito sa akin.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas ni si te jes galing sa kusina. Napangiti ako, malamang eh pakana niya rin ang papuntahin ang mga kabarkada ko rito. Gaya na lamang ng kahapong senaryo kung saan siya rin ang nagpapunta kay son.

"Good aftie kiddos! Eat meryenda first bago magpatuloy sa mga ginagawa!" masiglang pagbati ang iginawad ni te jes kasabay ng pagmuwestra nito sa dala niyang mga brownies. Apat na tray ng brownies, wow!

Dalawang tray ang dala-dala niya at kaya pala hindi ko na napansin kung saan nagpunta si utol eh kasama na niya pala sa paghahain, kararating pa lang, hahaha! Ayan ang pa-welcome home niya sa kapatid niyang may sayad din.

Inilapag na nila ang apat na tray ng brownies sa harap namin at sigurado akong doble sa gutom ko ang nararamdaman ng mga nilalang na nakapalibot sa brownies na ani mo ay mga hindi nakakakain sa wastong oras.

Matapos mailapag ang brownies ay sari-sariling kuha na ang mga kumag dito. Oo madla, hindi pa sila naghuhugas ng mga kamay, di kayo nagkakamali, mga kadiri. Buti na lang at hindi naalala ni te jes na galing sa basketball ang mga kumag, hahaha! Iwas gulo, salamat naman.

Hindi rin nagtagal ay dalawang malaking pitsel naman ng juice at mga baso ang inilapag sa mesa ngayon.

Nang masilip ang brownies ay di nako nagtaka ng makitang dalawang tray na lang kaagad ang natira rito. Heloww, kumakain maski bato ang mga nilalang na ito, hindi na dapat pagtakahan pa.

Lumipas ang iilang minuto at wala ng bakas pa ng brownies sa mesa. Maski ang dalawang pitsel na juice ay wala na ni isang patak. Napangisi ako, ang ku-cute talaga ng mga kupal.

Hindi naman sagad ang kapal ng mukha ko kaya tumulong na ako sa pagliligpit. Itinabihan ko ang utol ko na kasalukuyang kukuhanin sana ang apat na tray ngunit inunahan ko na siya sa pagkuha ng dalawa.

"Wow, matulungin." pagbibiro nito.

"Style lang to, nang matuwa naman si te jes sa akin at gumawa pa ng maraming putahe!" nakangising ani ko kasabay ng paghalakhak.

Naputol ang paghalakhak ko ng bigla akong batukan ng loko, sa pangalawang pagkakataon. Kanina pa siya ah, masyadong natutuwa.

"Napakasadista mong nilalang, nuh!" sarkastikong ani ko rito na nagpahalakhak din sa kanya.

Matapos ang biruan ay dumiretso na kami sa kusina kung saan namataan ko si te jes na naka-apron pa rin at nagbabalat ng sibuyas.

"Wow, another food!" masayang sambit ko na nagpalingon sa busy sa ngayon na si te jes.

"Another food ka dyan, pauwiin mo na ang mga barkada mo at para bukas pa natin to." seryoso ang tinig ni te jes.

Naglaho ang malawak na ngisi sa labi ko. Kalaunan ay sabay na nagtawanan ang magkapatid sa di ko malamang dahilan.

"Naniwala ka naman agad?"

"Naniwala ka naman agad, utol?"

Napahalakhak na rin ako ng sabay ang pagkakasabi nila ng mga katagang yan. Magkapatid nga talaga, kukulit!

Habang patungo uli kami papabalik sa sala ay hindi pa rin matigil sa kakatawa ang loko na nasa tabi ko.

"Luh, saya ah?" sarkastikong baling ko rito ngunit pigil na napapatawa rin.

Hindi na natigil sa kakahalakhak ang loko kaya iniwan ko na siya ng makabalik kami sa sala.

Dalawang pitsel na lang naman ang ilalagay niya sa kusina, kaya niya na yan, malaki na yan!

Nang mapatingin sa pwesto ko kanina ay okyupado na ito ng kumag na matt. Halatang pinipikon lang naman niya ang mga taong nakapalibot sa kanya. Knowing sonson, napaka-matured niyan eh, sa sobrang matured eh ang sarap ibalik sa sinapupunan!

Humarang ako sa harap ni matt saka sarkastikong ngumiti sa kanya. Walang anu-ano'y ngingisi-ngisi siyang bumalik sa pwesto niya kalaunan. Mukhang na-satisfied na ang loko sa pang-aalaska ah.

Nang maupo ako eh napansin ko namang nakasimangot ang loko sa tabi ko. Ano na naman kayang ipinagsasabi sa kanya ng kumag na matt, hahahaha!

Pinasadahan ko ng tingin ang buong sala at nakita ang iba't iba nilang ginagawa, muli ay hindi ko napigilan ang pagngiti ko.

Ang pagkakaroon ng mga solid na kaibigan ay napaka-rare sa panahon ngayon.

Madalas kaibigan ka lang kapag mayroon kang mahuhuthot oh di kaya ay kaibigan ka lang dahil matalino ka at may source sila sa mga assignment.

Pero wala ako ni isa sa mga iyan ay dito ko napatunayan na hindi nagbago ang tingin nila sakin. Maski nung kaka-break lang namin ni alex ay walang naganap na alitan sa pagitan naming mag-babarkada. Balak pa nga nila uli kaming pagbalikin kaso nga lang kasi ako yung tipo ng tao na kapag tapos na ako sa isang tao, tapos nako. Kapag sobra na, kailangan ng tigilan dahil masama yan. Kahit ganito ako ay alam ko kung kailan ko pipiliin ang sarili ko kaysa ibang tao.

Hindi ko namalayan ang atensyon sakin ng katabi ko. Paano ba naman eh nakatingin lang sakin ang isang to at nag-aala "sensei", na akala mo naman eh mahuhulaan niya ang laman ng isip ko,tss.

"Ur thoughts abt...?" mahinahong panimula nito.

"About ano, u.don't.care." ani ko sabay ngisi ng sarkastiko.

Napataas naman siya ng kilay at napangisi rin.

"May karapatan naman siguro akong malaman kung ano ang iniisip ng bestfriend ko?" nanatili ang ngisi sa mga labi nito.

Napangiti ako ng banggitin niya ang salitang "bestfriend". Ang cute lang kasi childhood bestfriend ko talaga tong loko nato. Magmula elementary ay tumatambay na ito samin at naalala ko nung mga panahong siya pa lang ang nakakaalam na tagilid ako. This childish specie is a big part of my life.

"Oh anong mukha yan?" malokong ani nito.

"Mukha ng gwapo." nagkibit-balikat pako sign ng sinasabing "it ain't big deal, bruh".

Napangiwi naman siya sa sinabi ko.

"Alam mo ikaw maganda ka sana, hindi angkop sa itsura mo yung ikinikilos mo." first time na sambit nito.

Wow, may sense siya kausap ngayon.

"Wala kang pake." sarkastikong ismid ang iginawad ko rito.

"May utang ka pa sakin." nag sign pa to ng pera na hindi ko naman na-gets. Wala naman kasi akong utang na pera sa kanya.

Itinaas ko lang ang kilay ko na nagpahalakhak naman sa kupal. Nangunot ng kusa ang noo ko.

"Utang na loob." pagcocorrect nito na halatang sinadya niya kasabay ng pagkilos mula sa sign ng pera papunta ang kamay sa dibdib.

Natawa ako sa sinabi niya. Pag bumanat talaga to, solid.

Tanging pag-iling ang naitugon ko sa kanya.

Bigla akong nakaramdam ng vibration sa phone ko.

Isinenyas ko sa kanya ang phone at tumango lang siya. Nagtungo ako malapit sa kusina bago ito sagutin.

"Iya"

Napaisip ako ng makita kung sino ang tumatawag.

Uh-huh! The girl in the club. Napangisi ako.

"Sup!" masiglang boses nito sa kabilang linya.

"Yow iya! Bat napatawag ka?" mapagbirong tono ang iginawad ko.

"Can't remember?" nagtataka ang boses na ani niya at di kalaunan ay napahalakhak.

"Hmm..." tugon ko habang nag-iisip.

Kusang lumipad ang utak ko sa eksena na ginawa ko sa club noong nakaraang linggo.

Oh, i suddenly remember! May meet up uli kami soon.

"Tuloy pa ba?" mapaglarong tono ang narinig ko sa kabilang linya.

"Naman!" mabilisang tugon ko.

"U seemed busy, huh." ani neto.

"Oh, i ain't! Just a few friends in here." mataman ngunit masiglang sagot ko.

"Uhmm, tumawag lang ako just to say don't be late on our first meet up." hindi ko man siya nakikita sa ngayon ngunit paniguradong may kasamang kindat ang mga banat niya.

"Of course, so as you rin sana, hahaha!"

"See you soon, franchessca." ang mga huling katagang sinabi niya, then she hung up.

Biglaan ang pagsulpot ni utol sa harap ko. Gulat tuloy ako.

"Sino yon ha?" malisyoso ang mga tinginan at ang ngiting iginawad niya sa akin.

"New hook up." nakangising tugon ko rito.

"Really? Who's it?" nanatili ang malisyosong ekspresyon nito.

"Secret." ani ko sabay halakhak.

"Iya, huh?" tugon naman nito, narinig na eh nagtatanong pa, tss.

"Yup." inirapan lang niya ako.

"She pretty?" maikling tanong nito.

"Oms." tatango-tangong tugon ko rito, nanatili ang ngisi sa mga labi ko.

"Oh, so get to know stage muna kayo?" nakangisi pa ring sambit nito.

"First meet up namin sa Friday." kaunting impormasyon na saad ko rito.

"Oh well good luck, galingan mo este kilalanin mo muna, u know." kinindatan lang ako ng kupal sabay tapik sa balikat ko.

"I know." nakangising pagtatapos ko sa usapan.

Sabay na kaming pumunta muli sa sala kung saan kasalukuyang nag-aayos na ang mga kumag. Papaalis na ata.

Agad kong i-chineck ang orasan sa phone ko, 6:30 na pala.

"Princesses, una na kami." baling samin ni matt.

Sabay kaming napangiwi ni utol at gayunarin ang pagbatok namin dito.

"A-aray! Mga drobo talaga kayo!" si matt naman ang napangiwi ngayon.

Siya ang pinaka-alaskador samin. Ang taong di nagtatanda kahit ilang batok pa ang matamo samin.

Nakangisi naman si kie ng bumaling sa amin.

"Punta uli kami next time, dudes." kalmado ngunit mapang-asar ang tono na ani nito.

"Kayo na lang muna ang mauna." nagloloko at lungkot-lungkutan na mukha ni lejan ang sumunod na tumambad sa amin.

Napahalakhak ang lahat sa sinabi niya.

"Senyoras una na kami, baka gusto ninyo kaming ihatid sa garahe?" sarkastiko ngunit nakangising sabat din ni son.

"Ay pati pala ikaw, akala ko dito ka na titira eh." sarkastiko ring baling ko rito. Muli kaming naghalakhakan.

"Arat!" masiglang sambit ko ngunit bago ang lahat ay pinuntahan muna si te jes at sinenyasan ang lahat na pupunta lang ako sa kusina.

Agad naman akong pinigilan ni utol at sinabing siya na ang magpapaalam ng pag-alis ng mga loko.

"Hatid mo na lang sila sa garahe, utol." ani nito.

Ganoon nga ang ginawa ko. Kasalukuyan kaming papalabas ng bahay ng tumabi sa akin si son.

"Kaninong tawag?" panimula nito kasabay ng pagsenyas ng phone ko.

"Kaibigan, papakilala ko sa inyo soon." nakangising ani ko.

Napatango lang siya.

Nang makarating na kami sa garahe ay sumakay na ang bawat isa sa kani-kaniyang auto at sinimulan nang buksan ang makina ng mga sasakyan.

Taena, yung auto ko. Bigla akong nalungkot sa isiping iyon.

Kinalabit ako ng kumag na nanatiling nasa tabi ko.

"Oh di ka pa aalis?" nagtatakang panimula ko rito.

Hindi siya sumagot na para bang may malalim na iniisip.

"Aalis na." late na sagot nito, walang reaksyon. Okay ang weirdo ng kupal.

"Hey, do u have some girl friends yung close na close mo talaga except ur cousin?" kuryosong tanong nito.

Napakunot naman ang noo ko sa kanya. Binalot din ako ng kuryosidad sa biglaang pagtatanong niya ngunit di na ako nagtanong pang muli.

"Hmm, wala masyado." pang-didirekta ko.

He just nod at tipid na ngumiti sa akin. Kita ko sa mata niya na marami pa siyang gustong itanong ngunit pinili niya na lamang na hindi iyon tanungin.

"Okay, so pangalawa nako." ani nito na nagpailing at nagpangisi sakin. Kumag talaga, w/ originality pa nga.

"Sige na." nakangisi pa ring tugon ko rito.

Naglakad na rin siya patungo sa auto niya at sumakay. Nauna na nga ang iba pang kupal at siya na lang ang natitira. Saglit siyang lumingon sa gawi ko at nag ba-bye sign pa bago tuluyang paganahin ang makina ng kanyang sasakyan at umalis.

Nang makaalis ang mga kumag ay nagtungo na muli ako sa loob ng bahay, nagdesisyon na umakyat na sa kwarto ko dahil hindi masyadong maganda ang tulog ko kanina.

Naalimpungatan ako habang karga-karga ako ng kumag kagabi. At kasalukuyan din akong napaisip sa mga sinabi niya di kalaunan dahil ramdam ko na mayroon siyang gustong sabihin sakin ngunit sa kabilang banda ay di niya ito pupwedeng sabihin...

A/N: Hi mga madlaaa! Mag-update po ako hanggang Chapter 10, hehehe. Out of boredom wala na po akong ibang magawa rito. So ang next update is soon na rin maaaring bukas or kapag tinamad next week, hahaha! Salamat sa pagbabasa, I LOVE Y'ALL!🤗❤️

(3,218 words)

I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞

Nächstes Kapitel