Lunes ng gabi,
"Boss, andito na po tayo sa mansion ng mga Alcantara." Sabi ni Hyun.
Lumabas ng kotse si Noli at tumingin sa paligid "hindi pa din nag babago ang lahat dito."
"Boss, yung mga regalo po ilalabas ko na po ba?"
"Oo gusto kong ipamukha sa matandang hukluban na hindi na ako yung batang inaapi nya noon."
"Yes Boss."
"Give me the most expensive one. Gusto kong ako mismo ang mag aabot kay Don Arnulfo."
"Po?"
"Yung regalo!"
"Ah, opo pero kay Don Arnulfo po ba at di kay Don Fernan?"
"Ha? Si Don Arnulfo yung dadalawin ko at wala akong pakialam kay Fernan!"
"Ah... Opo."
Sa isip-isip ni Hyun "si Don Arnulfo pala? Pero parang Don Fernan yung sabi ni Boss. Ang gulo!"
"Hyun ano na?!"
"Opo Boss eto na po."
Samanatala sa loob ng mansion ng mga Alcantara...
"Ano? Bakit nandito si Noli?" Pagulat na sambit ni Fernan.
"Pero ang sabi po ng assistant nya may appointment daw po si Mr. Alta Gracia sa daddy nyo." Sagot ni Dante ang kanang kamay ni Fernan.
"Hinde, walang bisitang tatanggapon si Pa'pa!"
"Who give you that permission?"
"Pa'pa!!!"
Nagulat nga si Don Fernan sa biglang pag sulpot ng kaniyang ama na si Don Arnulfo na lulan ng wheelchair na tulak-tulak ni Marcus ang personal nurse nito.
"What are you doing here Pa'pa? What's going on here Marcus?"
"Sorry Uncle..."
"Walang kinalaman dito ai Marcus ako ang may sabing gusto kong bumaba dahil may bisita ako."
"Pero Pa'pa, naaalala nyo pa ba ang gusto nyong makitang bisita? Isa po syang Alta Gracia at di lang basta dahil si Noli Alta Gracia yon ang head ng kanilang clan? Paano kung may binabalak sya sa inyo?"
"Bakit nandito ka pa kung wala kang gagawin para sakin? Isa pa, kailan ka pa naging concern sa ama mo?"
"Pa'pa!"
"Marcus, let's go!"
"Opo Lo."
At nang makapasok naman sa loob ng mansion si Noli...
"Boss, anong mas malaki ito o yung mansion nyo?"
"Shut up! Gusto mong pag samahin ko kayo ni Emil? Kakasama mo sa kaniya nagiging tanga ka na!"
"Sorry Boss."
"Mr. Alta Gracia!" Bungad ni Don Arnulfo.
"Don Arnulfo! How's life? Buti buhay pa kayo!"
"Of course, I'm still alive and sleeping on my golden bed. What about you? Are you still digging for food?"
Noli smirked "no, I'm digging your burial."
"What did...you just SAY?!!!" Bungad ni Fernan.
"Fernan!!!"
Sasapakin sana ni Fernan si Noli pero dahil tinawag sya ni Don Arnulfo huminto ito.
"Don't you dare bro!"
"You f*ckin' !!!!!"
"Fernan!!!"
Fernan pushed Noli.
"Boss, are you okay?" Sambit ni Hyun na tinulungan agad tumayo si Noli.
"Pa'pa binabastos na kayo ng hinayupak na yan sa mismong pamamahay natin!"
"Enough! Marcus, get him."
"Opo Lo."
"Pa'pa!!!"
"Mamaya nalang po Uncle. Hayaan nalang po muna natin sila."
At wala na ngang nagawa si Don Fernan kung hindi sumama kay Marcus papaalis ng sala kung nasasaan sila Don Arnulfo at Noli.
"Let me go!"
"Sorry po Uncle napag utusan lang."
"Alam mo ba kung anong binabalak ni Pa'pa?"
"No Uncle. Maybe he just want to talk Mr. Alta Gracia at peace."
"Huh! Peace? Baka mamaya kakakausap nya sa lintek na yon sy na ang mag Rest In Peace!"
"Uncle, kilala niyo naman po si Lolo wala yang inaatrasan isa pa the way they talk to each other it's like they're joking kaya wag niyo na po masyadong pansinin."
"Whatever! Lakad na pumunta ka don."
"Paano po kayo?"
"I can handle myself."
"No Uncle, I mean... Kailangan ko po kayong bantayan baka gulihin niyo sila eh."
"Get lost!"
"Yes Uncle!" The he runway.
"This kid!"
"Boss, ano pong gusto nyong gawin ko?" Sambit ni Dante na lumapit kay Don Fernan.
"Just do what Pa'pa said."
"Mananahimik lang po kayo dito? At walang gagawin?"
"Why not?"
"Boss?"
"Of course not! Surrounds the house siguraduhin nyong hindi basta-basta makakalabas ang isang yon. Lintek lang ang walang ganti."
"Yes Boss and Boss, we checked the cctv at the hospital at nung day po na may nag tangka kay Don Arnulfo wala po ang ibang bahagi ng cctv footage."
"What?!"
"Um. the other cctv footage at the hospital is corrupted tanging dun lang po sa room ni Don Arnulfo ang medyo buo."
"What do you mean?"
"Sa madaling salita po may sumabutahe kay Ms. Catalina."
"So you mean, there's the possibility na hindi si Catalina yung nakita sa cctv?"
"Opo Boss. Pinapaimbestigahan na po ng hospital ang nangyare that day."
"Good, and make sure may mahahanap kayong kasagutan."
"Yes Boss."
Samanatala mabalik kila Don Arnulfo at Noli...
"Is that Noli Alta Gracia?" Bungad ni Ysmael na kararating lang kasama si Basty.
"Sir?" At nakita nya ngang may panauhing pandangal si Don Arnulfo.
"Anong ginagawa nyan dito?"
"Aalamin ko po Sir."
Nakita naman ni Don Arnulfo si Ysmael at tinawag nya ito.
Habang papalapit naman si Ysmael saktong nag serve ng mirienda si Felly at nakita nyang naka ngiti ito kay Marcus at ganoon rin ito kay Felly.
Dali-dali si Ysmael at bahagya nyang tinabig si Felly pero na out of balance ito "you okay?" Sabi ni Marcus na inalalayan si Felly.
"Um. Thanks."
Ang sama naman ng tingin ni Ysmael dun sa dalawa "Ysmael!"
"Grandpa..."
"Maupo ka at ipapakilala kita kay Noli."
"Yes grandpa."
Kahit kausap na sya ng lolo nya nakatingin pa rin sya doon sa dalawa.
"Sige mamaya nalang." Sabi ni Felly.
"Um. Don't forget my cookies."
"Yeah."
Marcus winked at her.
Nakitang masaya ni Ysmael si Felly at nag winked pa nga itong si Marcus dito kaya naman "grandpa, I'm not feeling well can I go to my room?"
"Oh... Okay, do you want Marcus to check on you?"
Ang sama ng tingin ni Ysmael kay Marcu at sinabing "there's no need."
"Okay you may take you rest."
"Thanks grandpa... Mr. Alta Gracia please excuse me."
"Oh yes I understand."
Pero sa isip-isip ni Noli "like father like son. Mga maid lovers what a waste!"
"Sorry about him. He is such a baby."
"Don't bother but I didn't know na you recognized him now as your grandson. Hindi ba at ayaw nyo sa kaniya dahil anak sya ng katulong? O... not maid, it's a girl prostitute am I right? Anak sya ng anak nyo sa babaeng taga bar."
Don Arnulfo clenching his right fist "you really do a research before you coming here. Aren't you?"
"Not really, I know your family a for a decade now remember you betrayed my dad!"
"Ohhh... So, you're here because you want to see how am I doing? Akala mo ba basta-basta nalang mamatay ang masasamang damo?"
Noli grinding his teeth as if he wants to hit Don Arnulfo but he choose to calm down "hell yeah... May sa pusa nga pala kayo na siyam ang buhay."
"Well, ganun talaga pag hindi pa oras hindi pa mahina lang talaga yang ama mo namatay ng walang kwenta."
At di na nga napigilan ni Noli ang sarili at nag paputok sya ng baril sa loob mismo ng mansion ng mga Alcantara.
Dali-dali namang nagsi pasok ang nga security guard ni Don Arnulfo para siguraduhing ligtas ang kanilang amo. Kahit si Marcus ay may dala ring baril at lahat ng kanilang mga baril ay nakaturo lang sa direksyon kung nasasan si Noli at ang kaniyang assistant na si Hyun na tanging taga protekta nito.
Lumapit rin noon si Don Fernan at si Dante kahit nga itong si Ysmael at ang assistant nitong si Basty ay ganoon rin.
Suma tutal ay may trentang katao ang nakapaligid na may mga armas kila Noli at Basty at ano mang maling galaw nila ay siguradong kuyog at tiyak na walang lalabas ng buhay.
"Marcus ipasok mo na si Pa'pa sa kwarto nya."
"Yes Uncle."
"Sandale!!!" Sigaw ni Noli.
"Marcus go!!!"
"Totoo bang..."
Tutulak na sana ni Marcus ang wheelchair na lulan ay si Don Arnulfo pero pinigilan sya nito.
"Lo..."
"Let him be."
"Sumagot kayo!!! Totoo bang kayo ang totoong nag papatay sa matalik nyong kaibigan, na si Pa'pa?"
Tumayo si Don Arnulfo sa wheelchair nya kaya naman dali-daling inalalayan ni Marcus at pinaligaran naman siya ni Don Fernan at Ysmael na nakatutok pa rin ang baril kay Noli.
"Ibaba nyo ang barili nyo."
"Pero Pa'pa!"
"Just do it!!!"
Binaba naman ni Don Fernan ang baril nila ni Ysmael at nag patuloy sa pag lapit si Don Arnulfo kay Noli.
"Don't come near me!!!"
Nang makalapit si Don Arnulfo kay Noli sinampal nya ito na kinagulat ng lahat.
"Boss!" Sambit ni Hyun na tinutukan ng baril si Don Arnulfo at dali-dali naman syang tinutukan rin ni Marcus ng baril.
Ang sama ng tingin ni Noli kay Don Arnulfo kaya tinangka nya itong gawing hostage pero dahil hasa sa pag hawak ng baril si Don Arnulfo naunahan nya si Noli nakuha nyang agad ang spare gun ni Marcus na nasa likuran nito.
"Bata, papunta ka palang pabalik na ko. So, don't you dare to meas with me!!!!!" Pagalit na sambit ni Don Arnulfo kay Noli habang nakatutok ang kaniyang baril sa sintido nito.
"Then kill me!!! Like what you did to my father!!!"
"Sa tingin mo ba pag pinatay kita ngayon may magiging silbi ka? Matutuwa kaya ang ama mo pag ganon?"
Hindi naman nakapag salita si Noli pero ang sama ng tingin nya at galit na galit kay Don Arnulfo.
"All of you!!! Put your guns down!!!" Bungad na sambit ni Wram na kasama si Brilliant at hostage si "Felly!!!" Sigaw ni Ysmael at Marcus na halatang nag aalala.
At hindi nga lang si Felly ang hostage nila Wram at Brilliant dahil sa may kusina andoon lahat ang mga kasambahay ng mga Alcantara na mga nakatali at naka tape rin ang mga bibig habang may tauhan ng mga Alta Gracia ang mga nakabantay sa mga ito na de armas.
"Put your guns down or else hindi lang ang babaeng ito ang pasasabugin namin ang ulo pati na rin ang lahat ng mga tauhan nyo!!!"Pagalit na sambit ni Wram na nakatutok ang baril sa ulo ni Felly at ganoon rin nga itong si Brilliant.
"Let her go!!!" Sambit ni Ysmael.
Samanatala,
Nang mga oras na yon sakto namang papunta sila Ricai at Belj sa mansion ng mga Alcantara.
"Don't worry, hindi naman malalaman ni Chase kung hindi ko sasabihin na dadalaw tayo kay Don Arnulfo kaya chill ka lang." Sambit ni Ricai na nasa backseat ng kotse at si Belj ang driver.
"Pero Miss, alam nyo namang maraming ways ang boss ko kaya lagot talaga tayo pag nalaman nyang nag punta tayo sa mansion. Hindi po ba at kabilin bilinan nyang wag na wag kayong pupunta doon ng hindi sya kasama?"
"Hayaan mo sya! Bakit hindi naman ako mag isa kasama kita kaya ayos lang. Bakit ba takot na takot ka sa mokong na yon? Akong bahala sayo!"
"Miss kayo ang bahala pero ako naman ang kawawa!"
Habang nasa loob ng kotse at dahil malapit na nga sila sa mansion ng mga Alcantara napansin ni Ricai na parang napakaraming security guard ngayon sa labas ng mansion.
"Anong meron?"
"Po?"
"Look, sobrang dami ngayong security guard triple ata ng pangkaraniwang bilang. Ganyan ba talaga ang seguridad ng mansion kapag nasa loob si Don Arnulfo? Wow ha! Daig pa ang presidente."
At nag taka na nga rin si Belj ng mga oras na yon dahil hindi naman ganoon kahigpit ang security sa pag kakaalam nya kapag naroroon sa mansion si Don Arnulfo.
"Miss, we better go back there's something going on inside."
"Ha? Bakit? Anong nangyayare?"
"Yang mga nakikita nating security hindi yan sa mga Alcantara."
"Ano? What do you mean hindi sa mga Alcantara ang security na yan?"
"Dahil sa mga Alta Gracia yan. Tiyak kong may nangyayare sa loo na di maganda kaya mabuti pang bumalik na kayo at maiiwan ako dito."
"No! Kung may masama ngang nangyayare sa loob we better na tumawag tayo ng mga pulis. Pero teka ano ngang sabi mo mga Alta Gracia? So, andiyan sa loob sila Kuya Tian-Tian. But why you seem so..."
"Miss, saka ko na po ipapaliwanag. Kayo na muna dito sa manibela marunong naman kayong mag drive right?"
"O--Oo."
"Sige po mauna na po ako siguraduhin nyong aalis na kayo sa area na ito. Naiintindihan nyo po ba?"
"O-- Oo sige."