Huh? Nandito ulit ako sa panaginip na ito.
"Marvin…..,Marvin….,marvin..., o aking anak…."
Isang malamig at napaka gandang boses ng babae ang aking nadinig.
"Sino ka bakit mo ako kilala, Bakit tinatawag mo akong anak?...'
Sinubukan kung tumayo pero kahit daliri ko hindi ko ulit magalaw.
"…Makikilala mo rin ako…"
Bumukas ang pinto sa tapat ko kahit na malayo ito kitang kita ko ito dahil sa liwanag na nanduon. Biglang bumulwak ang tubig dito at mabilis akong tinungo nuon. Pinipilit kong gumalaw pero huli na ang lahat dahil inabot na ako ng tubig . Kapansin pansin din na paranng konektado sa ibang lugar ang pinto na bumukas dahil may parang halamanan duon.
"ahhhhhhhh!!!"
"Ahhh!! Anong nang yari bata may masakit ba sayo?"
Nagising si Marvin Sa panaginip at napasigaw dahil akala niya ay malulunod na siya. Lumapit naman si Kris sa kanya pero mukhang ayos naman ito.
"hmm Mukhang ayos ka naman na bata. Kahanga hanga ang bilis ng pag galing mo malakas nga ang light magic na bumabalot sa iyo. Hmmm alam mo mag handa ka na uumpisahan mo na ang iyong pag sasanay."
"Ahh pasensya na po na istorbo ko kayo. Kung di lang kasi dahil kay Mang Ramon eh."
"Hai hai alam mo bata walang problema tsaka alam mo wag mo na yan isippin si Ramon responsibilidad ka naman niya."
(Responsibilidad? Paano naman ako naging responsibilidad ni mang Ramon?)
Habang nasa malalim na pag iisip si Marvin ay Lumabas ng pinto si Kris. Napansin Naman Ito ni Marvin kaya susunod sana ito.
"Bata may pagkain diyan sa lamesa kumain ka pala muna, mag iikot ikot lang ako sa mga pasyente. Babalikan kita mamaya."
Lumapit naman agad si Marvin sa lamesa at nakita niya na may dalawang tinapay duon at isang basong gatas. Habang kumakain ang binata ay naisip niya ang kanyang panaginip. Napatanong siya sa kiniyang sarili kung ano ang nasa likod ng pinto. Habang nagiisip siya ay na tabig niya ang mga papel ng mga pasyente. Na lag lag ito at agad niyang pinulot napansin niya naman naa may mga kung ano sa likod na bahagi ng mga papel.
"huh? Ang pari na yon puro guhit ng mga babae ang nasa likod ng mga papel ng kanyang mga pasyente. Hays akala ko pa naman kagalang galang ang tao na yun. Mga kakaibang tao talaga ang mga nakapaligid kay mang Ramon. Isang sobrang higpit sa kalinisan, isang batang kabayo na sobrang cute pero sadista naman, tapos ngayon isang pari na ahh ewan. Hala teka baka ma tulad na din ako sa kanala…"
Napahawak sa ulo ang binata at napakamot pero may napansin itong kakaiba sa mga larawan. Napansin niya na pare pareho lang ito lahat. Iisang babae lang lahat ang nasa larawan. Kaya pinulot niya ito. Narinig niya na bumukas ang pinto at nakita niya si Kris.
"Hoy tanda ano to bakit ang dami mong drawing ng babae ha?"
"Hooy! Akin na yan bakit mo pinapakealaman ang gamit ko. Bitawan mo yan!!"
"Hmm sabihin mo muna kung sino to!"
"hays"
Kinuha ni kris ang mga papel sa kamay ni Marvin at ibinalik ito sa lamesa.
"Ang babbae na ito ang aking ina. Matagal na siyang patay kaya lagi kong ginuguhit ang kaniyang mga larawan para di ko makalimutan ang kaniyang mukha."
"Umm p-pasensiya na"
"Hai hai tama na halika na mag umpisa na tayo."
"Umm bago po sana tayo mag umpisa pwede ko po ba Makita ang aking ina?'
"Sigurado ka ba bata? kailangan na naka tuon ka lang sa pagsasanay kung hindi, maaring di mo makuha ang ituturo ko sayo pero kung sigurado ka na di na kita pipigilan."
Lumabas ang dalawa hindi ganun kalakihan ang lugar na ito. Tinatawag itong recovery church dahil dito naka pumupunta ang mga may sakit may mga sumpa at may mga malubhang mga pinsala. GInagamot naman agad ito ng mga medical priest at mga medical priestess. Sa paglalakad nila ay napunta sila sa isang kwarto. Nakita niya duon ang kanyang ina.
"Sira sira ang mga lamang loob niya bata at simula ng dalhin siya dito wala na siyang malay. Tanging mga recovery spell nalang ang bumubuhay sa kanya. Kung iba iba pa ay marahil patay na sa kalagayan niya pero. Lumalaban siya bata."
"Sana gumaling na ang akin in.."
Calm
"Hay lumalabas na naman ang iyong aura siguro ay sa loob loob mo ay galit ka hayaan mo sa pag sasanay mo na to ay matutunan mo controlin ang magic sa loob mo."
Muling nag lakad si Marvin at Kris at napunta sa isang kwarto ana may maraming mga paso. Inilahad naman ni kris ang isa niyang kamay sa isang paso at uumilaw ito. Dahan dahang tumubo ang isang halaman sa paso
"bata lahat ng paso dito may nakatanim na carnivorous plant. Kailangan kontrolin mo ang lakas ng light magic. hmm kung paano ma activate ang light magic naman may kanya kanyang mga paraan, pero para saakin, iniisip ko ang pinaka mahalagang babae sa buhay ko. Hahayaan na kita na magisip kung pano yung sayo iiwan na kita."
(hmm kung ang dark magic ay naactivate ko sa pamamagitan ng galit baka ay ang light naman ay sa kasayahan.)
Umisip si Marvin ng mga masasayang bagay at napansin niya na umiilaw ang kaniyang kamay inilahad niya ito sa isang paso mabilis ito tumubo at lumaki. Gumagalaw ang halaman na para bang may buhay at binuka nito ang napakalaki nitong bunganga at nilunok ng buo si Marvin. Unti unti namang nawalan ng malay ang binata dahil sa lason. Habang siya ay walang malay ay bigla namang bumalik si Kris dahil sa kakaibang tunog na kaniyang narinig nakita niya na sumobra ang bigay ni Marvin ng light magic sa halaman kaya nagka buhay ito. Mabilis niyang pinutol ang ulo ng halaman at iniluwa naman agad nito si Marvin. Mahina lang ang lason ng mga halaman na ito pero sa laki nito ngayon ay sapat na ito upang manganib ang buhay ng binata.
Huh? Nandito ulit ako sa panaginip na ito. Pangatlo na ito
"Marvin…..,Marvin….,marvin..., o aking anak…."
Isang malamig at napaka gandang boses ng babae ang aking nadinig.
"Sino ka bakit mo ako kilala, Bakit tinatawag mo akong anak?...'
Akala niya ay hindi na siya makakagalaw pero nagulat siya dahil nai-taas niya ang kaniyang kamay. Mabilis siyang tumayo at tumakbo pa punta sa pinto .Sa panahon na ito ay wala ng tubig na lumabas dito. Sa pag bukas niya ng pinto ay isang napaka gandang babae ang kaniyang nakita.
"Maligayang pagbabalik Mahal ko."