webnovel

KABANATA 46

(A/N) WARNING SPG:

Dahan-dahan akong tumagilid bago hinimas ang kabilang gilid ng kama. Kumunot ang noo ko dahil wala si Matteo.

Dinilat ko ang aking mata at tanging kunot na kumot lang ang bumungad sakin. Bukas ang mag kabilang bintana at tanging ihip ng hangin ang humahampas sa puting kurtina. Dahan-dahan akong bumangon saka luminga-linga sa paligid. Ang bahay ay binabalotan ng katahimikan.

Napadpad ang tingin ko sa bago niyang cellphone na kulay gold. Inabot ko iyon mula sa maliit na mesa sa gilid at napagdesyonang buksan. Biglang lumapad ang ngiti ko ng bumungad sakin ang mukha ko mula sa screen. Sumimangot naman ako dahil tulog ako sa larawang ito ats obrang panget pa ng mukha ko.

Bakit walang lock o kaya pin ang phone niya? Nirirespito ko ang privacy ni Matteo. Binalik ko ang phone sa mesa. Wala naman siguro akong karapatan halungkatin ang cellphone niya. Pero hindi ko maiwasang ngumiti dahil larawan ko ang naka wallpaper sa phone.

Napagpasyahan kong lumabas ng kwarto ngunit wala si Matteo sa sala at lalo na sa kusina. Luminga-linga ako sa paligid habang ginawang ponytail ang buhok.

Nakarinig ako ng iilang ingay mula sa labas kaya dali-dali akong nagtungo sa balcony. Nasa hagdanan palang ako ay literal akong nagulat dahil may iilang kapitbahay namin na pinalilibotan si Matteo habang nag-iigib ito sa posu. Wala syang suot na damit mula sa itaas na bahagi kaya pinag kakagulohan ang katawan niya. Dali-dali akong bumaba sa hagdanan kaya napadpad ang tingin sakin ni Matteo. Huminto ito sa ginagawa niya.

"Anong ginawa mo? Anong meron dito?" Isa-isa kong tingin sa mga babae. May matanda at meron ding bata. Nahuli ng mata ko ang dala nilang balde at iilang pang-igib na tubig.

"Naku Mary hija, hindi namin alam na nakauwi kana pala." Unang salita ng matandang babae sa gilid ko. Sumulyap ako kay Matteo at may kausap itong babaeng dalaga. "At tska nag-asawa ka na pala huh!" hindi ko matandaan kong sino ang matandang to.

"Hooooo?" namilog ang bibig ko sa sinabi niya.

"Sabi ko may asawa ka na pala. Tapos ang gwapo gwapo pa oh. Siguro ay mayaman yan noh?" Kalbit niya sa balikat ko habang kinikilig. Kumunot ang noo ko at literal na hindi makapagsalita.

"Tika lang manang huh.... bakit may dala dala kayong balde?" ningkit mata ko kaya kinati niya ang kanyang ulo.

"Naku hija pasensya na sa disturbo huh? Wala kasing tubig samin hanggang ngayon. Ilang araw na itong wala." Isa-isa kong tinignan ang mga babae. Ang kanilang tingin ay titig na titig sa katawan ni Matteo.

"Sainyo din walang tubig?" isa-isa kong tingin sa kanilang lahat. Sabay silang tumango kaya mas lalong naningkit ang mata ko. Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa kanila o baka dahil si Matteo ang pakay nilang lahat.

"Nag gi'gym ka pala?"

"Nah,"

"Hindi? Bakit ang laki ng katawan mo?"

Lumingon agad ako sa direksyon nila Matteo at nahuli kong nakikipag-usap parin sya sa babaeng sobrang ikli ng palda. Kailan pa ito naging probinsyana? Dali-dali akong lumapit sa direksyon nilang dalawa.

"Ahem! Ahem! ahem!" Tikhim ko kaya lumingon sakin ang babae at literal itong namutla. Kilala ko ito at nasa harap lang ang bahay nila.

"Hi Mary hehe nag-uusap lang kami ng asawa mo." Utal niyang sabi saka ako lumapit kay Matteo at inabot ang damit niya mula sa sampayan saka iyon padabog na binigay sa kanya. Asawa talaga huh? Pwes mag aasta akong asawa niya ngayon.

"Mag bihis ka kong ayaw mong tusokin ko isa-isa yang mga mata nila." Bulong kong pagalit kaya narinig ko ang munti niyang tawa. Dali-dali niyang isinuot ang kanyang damit bago ko binaling ang tingin sa babaeng kausap niya kanina. "Hi.... Ferlyn diba?" Tumango sya bilang sagot ngunit ang mata niya ay nasa likod ko kong nasan si Matteo. "Mag-iigib karin ba?"

"Oo," Tipid niyang sagot habang nakatuon ang tingin sa likod. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya kaya literal syang napaatras.

"Sige na mag-igib kana dahil marami pa ang naghihintay oh." turo ko sa likuran niya.

Hinila ko agad si Matteo na may iritasyon.

"Bye poge!"

"Maraming salamat sa tubig Mary!"

Kaway ng ilang babae kaya mas lalo kong hinila si Matteo paakyat ng bahay. Pagpasok namin sa loob ay agad ko syang binitawan saka ako dumiretso sa kusina. Ang sarap niyang piktosin at may pa hubad hubad pa talagang nalalaman.

"Are you angry at me?" Sumulyap ako sa kanya saka ito tinaasan ng kilay. Hindi halata Matteo noh?

"Hindi---hindi ako galit sayo. Ang saya saya ko nga eh." Sarkastiko kong sagot kaya sumunod sya sakin patungong kusina.

Kinuha ko ang basket sa mesa at may nakahaing pagkain mula sa hapag. Binaling ko ang tingin sa lababo at puno narin ng tubig ang iilang balde. Sumulyap ako kay Matteo at palapit sya sakin. "Maaga kang gumising?"

"Yes.... I already cook your favorite food." Nilagpasan ko sya saka sumulyap sa banyo at may tubig narin dito. Hindi ako makapaniwala na nag-iigib ang isang Matteo Edelbario. Bumalik ako sa kusina at nakasandal na sya sa lababo habang nakatukod ang kanyang kamay sa likuran.

"Bakit ka nag igib?" Galit kong saad. "Sana eh hinintay mo akong magising dahil kaya ko namang mag igib eh." dugtong ko pa.

"Ayaw kong mahirapan ka," Saad niya na ikinatahimik ko. Lumapit sya sakin saka hinila ang magkabila kong kamay at ipinatong iyon sa balikat niya. Nakagat ko ang labi ko dahil sa pangi-nginit ng magkabila kong pisnge. Pinulupot niya ang kanyang kamay sa magkabila kong bewang saka mas idinikit ang kanyang katawan sa katawan ko. "Tell me are you jealous?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit ka magseselos sa mga kapitbahay mo? Im all your's baby and no one can ever touch mine." malamig niyang sabi bago hinalikan ang dulo ng ilong ko. Halos hindi ako makagalaw sa ginawa niya dahil ramdam na ramdam ko ang kabuohan niya mula doon sa ibaba ng hita ko.

"Hindi ako nagseselos magkaiba iyon sa nagagalit. Talagang may pa hubad-hubad ka pang nalalaman kanina huh?" Nguso kong turo sa katawan niya kaya humalakhak sya.

"Your neighbors are friendly. They want me to be their friend. And im trying to say it as clear and true as i could. Gusto ko rin silang maging kaibigan, gusto kong maging malapit sa mga taong nakapalibot sayo dito." Salaysay niya na ikinatahimik ng kaluluwa ko. Bakit ba ako nagseselos sa maliit na bagay? Pinahihirapan ko lang ang sarili ko.

"Kasi naman eh!" pagmamaktol ko.

"Ano?" taas kilay niya. Nakagat ko ang labi ko saka pilit pinipigilan ang sarili ng magsalita.

"Bakit ka ba kasi nakahubad kanina?" suntok ko sa kanyang dibdib kaya ngumuwi ito. Tumawa sya ng mahina saka ako hinila at niyakap ng mahigpit. Hinahayaan ko sya sa ginagawa niya.

"Pawis na pawis ako kanina kaya hinubad ko ang damit ko." eksplenasyon niya. "Do you want me to take off my shirt?" Asar niyang sabi bago ako nagbuntong hininga.

"Huwag na," Boring kong sagot. Bumitaw sya sa bewang ko saka niya hinubad ang kanyang puting damit. Umiwas agad ako ng tingin at pilit kinakalma ang sarili. Hinawakan niya ang baba ko saka iyon iniharap sa kanya.

"Gusto mong makita? Your free to see my everything." Asar niyang ngiti kaya bumagsak ang mata ko sa dibdib niya patungong tyan.

Inabot niya ang kamay ko saka iyon idinampi sa kanyang pumuputok na abs. Gustohin ko mang bawiin ang kamay ko ngunit pilit niyang iyong ibinabalik sa katawan niya.

Napapikit ako. Kalaunan ay hinimas ko narin ang anim na pakahe niyang abs. Bumagsak ang mata ko mula dun saka iyon hinimas ng ilang ulit.

"Matagal ko ng gustong hawakan ang abs mo pero nahihiya lang ako." Mahina kong sabi kaya natawa sya ng bahagya.

"Its all yours. Kong anong meron sakin ay saiyo narin," Saad niya kaya inangat ko ang aking ulo saka niya nahuli ang mata ko. Napadpad ang tingin ko sa mapula niyang labi na tila hinihila ako palapit nito.

Isang tikim lang!

Isang tikim lang naman ang gusto ko.

Pinulupot ko ang kamay ko sa kanyang batok saka tumingala at hinuli ang kanyang labi. Narinig ko syang nag mura saka ako hinila sa bewang at hinalikan niya ako pabalik. Bawat halik na ibinibigay namin sa isat-isa ay maipagkukubling miss na miss niya ako. Napaatras ako mula sa lababo kaya naramdaman ko ang drained mula saking likuran.

Halos masugatan ang labi ko sa halik niyang angkin lahat ng bawat sulok ng labi ko. Napadaing ako ng lumakbay ang kanyang kamay sa kabila kong dibdib. Mas lalo akong nataranta ng matamaan niya ang dulo ng aking dibddib.

"I want you now," Halik niya sa panga ko at ramdam ko ang mainit niyang labi sa balat ko. "Damn much baby," Unti-unting bumaba ang halik nuya sa leeg ko kaya napapikit ako sa kiliti. Ang paru-paro saking dibdib ay tumungo saking tyan. Ang kanyang kamay na mapaglaro ay nahawakan ang masilang dibdib ko sa isang hawakan lang.

Napasabunot ako sa ginawa niyang halik saking leeg. Hindi ko alam kong mahihiya ba ako dahil hindi pa ako nakapagligo, pero sa ginawa niya ay nililigo niya ako sa mga laway niya. Halos mahulog ang mga plato at mga kobyertos sa likuran ko ng mapahawak ako ng mahiglit sa lababo.

Hinimas niya ang ibaba kong bahagi kaya kusang bumukaka ang aking mag kabilang hita at hinayaan sya sa ginagawa niya. Tila isang malaking sagabal para sakin ang short kong suot kaya mas ibinuka ko pa lalo ang hita ko at itinukod iyon sa paahan niya. Binalik niya ang halik sa labi ko saka ko sya sinungkaban ng halik. Bawat haplos niya sa ibaba ay nagbibigay sakin ng tensyon.

"Matt---" Ungol ko ng matamaan niya ang gitna. Napakagat ako sa labi saka sya hinalikan ulit. Nangi nginig ang tuhod ko at di umano'y may nararamdaman akong pusok at gusto ng pumutok.

"Shit you already wet," Mura niya saka tuluyang ipinasok ang kanyang kamay sa short ko. Napapaso na ako sa init na nararamdaman ko ngayon.

"Matt---" pigil ko ngunit gusto kong ipagpatuloy niya iyon.

"Baklabesh?"

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtulak ko kay Matteo ng marinig ko ang boses ni Becky mula sa ibaba. Nagmura si Matteo saka niya pinulot ang kanyang damit sa sahig saka dali-dali iyong isinuot. Napapikit ako sa kahihiyan kaya dali-dali kong inayos ang aking sarili.

Lumapit sakin si Matteo saka inayos ang nakusot kong damit bago niya ako hinalikan sa noo.

"Wrong timing. Maybe nextime!" Saad niya bago ako tinalikuran.

Napapikit ako sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Humarap ako sa lababo saka inayos ang nagulong plato at kobyertos.

"Papa poge?" Narinig ko si Becky mula sa sala.

"Becky come in," si Matteo.

"Si Mary nasan?" Dali-dali akong lumabas ng kusina na nanginginig parin ang tuhod. Ang kiliti saking katawan ay hindi parin nawawala.

"Becky bakit napa rito ka?" Lumapad ang ngiti niya ng makita ako. Napadpad ang tingin ko sa puting supot na bitbit ni Matteo.

"Nagluto kasi si nanay ng kare-kare. Gusto niyang matikman iyon ni Matteo, kaya dinalahan ko kayo." Pinulupot ni Becky ang kamay niya sa braso ni Matteo.

Hindi ko magawang tumingin ng diretso sa mata ni Matteo dahil sa ginawa namin kanina. Kinuha ko ang supot sa kanya saka iyon dinala sa kusina. Hinayaan ko silang mag-usap sa sala saka ko hinanda ang pagkain sa hapag. Panay pilig ko saking ulo dahil sa naalala ko ulit ang nangyari dito sa kusina. Minsan ay napapangiti ako habang sumusulyap sa lababo. Ano bang nangyayari sakin.

Bumalik ako sa sala na may ngiti.

"Kain na tayo. Sumabay ka narin samin Becky." Sabay silang tumayo ng walang pag alinlangan. Naiisip ko rin kong gustong sumama ni Matteo sakin sa pagdalaw ko kay Nanay at Tatay. Gusto ko syang makilala ng dalawang pinakamamahal ko. Siguro ay pagkatapos nito ay didiretso kami ng simenteryo.

"May palarong mangyayari sa Gregoria. Gusto nyong manuod?" Putol ni Becky sa katahimikan sa hapag.

"Anong meron mamaya?" Tanong ko bago sumulyap kay Matteo sa tabi ko.

"Marami..... May pagandahan ng bangka. Padamihan ng huli ng isda saka meron ding pabilisan ng takbo ng jetski at libreng sakay sa bananaboat." Excited na wika ni Becky. Sumulyap ulit ako kay Matteo at mukhang interesado syang manuod sa kasiyahan.

"Sige Becky pupunta kami ni Matteo, pagkatapos naming dumalaw sa simenteryo." Sagot ko na ikinagulat ni Matteo. Tila hindi makapaniwala sa narinig.

Hindi na muling nagsalita si Becky. Pagkatapos naming kumain ay agad umuwi si Becky. Kasali pala si ninong Jimmy sa pabilisan at paramihan ng kuha ng isda kaya pala excited ang bakla.

Hinintay kong matapos maligo si Matteo. Nong una ay ayaw niya akong magtimba sa posu dahil baka daw mabigat at mapagod lang ako. Hindi niya alam na kaya kong magtimba ng ilang ulit sa isang araw, hindi niya alam kong gano ako kalakas. Ang tanging alam na alam niya lang naman ay sya ang kahinaan ko. Nakakatawa diba? May mga taong ang alam lang nila ay ang kahinaan natin, hindi nila alam kong ano ang kaya nating gawin.

Umiiwas ako ng tingin habang nagsasabon sya. Ang kanyang malaking katawan at maumbok na braso ay nag papahumaling sakin.

Pag katapos ng pagligo niya ay agad itong nagtungo sa kwarto ko at nagbihis. Naghihintay ako sa kanya sa sala. Lumabas sya ng kwarto sabay ng pagtayo ko. Suot ang kulay puting v-neck shirt at itim na khaki short ay mas lalong nagpapaputi sa kanya.

Lumapit sya sakin. Tinititigan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Wearing short? We were going to cementery and i won't let you wear that tight short. Change it." Galit niyang sabi kaya naningkit ang mata ko. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napabuntong hininga ako. Padabog akong pumasok sa kwarto saka ko narinig ang tawa niya bago sinabi ang. "I love you!"

Suot ang kulay itim na leggings at puting t-shirt ay naiinitan ako. Siguro naman ay masaya sya nito at abot tenga ang ngiti niya pag nakita akong balot na balot. Paglabas ko ay hindi nga ako nagkamali. Ang ngiti niyang naglalaro ay inaasar ako.

"Let's go. Im so excited to meet your parents." Saad niya saka ako hinila palabas ng bahay. Ang sarap sa pakiramdam at ayaw ko ng matapos ang lahat ng ito.

Hindi ko ma imagine ang mukha ni Matteo habang sumasakay ng sidecar. Sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko na para bang takot na takot mahulog ako. Hindi ko rin maisip na kasama ko ang pinakamayamang Edelbario sa buong Manila.

Ang lalaking nabaliw sakin at ang lalaking minahal ako kahit mahirap at mababa lang ako.

Napapangiti ako habang sinusulyapan si Matteo. Pinagsiklop ko ang aming kamay saka ako sumandal sa kanyang balikat. Siguro ay pagbibigyan ko muna ang sarili ko na maging masaya kahit sa isang beses lang. Mahal ko si Matteo kaya susulitin ko ang mga panahon na kasama ko sya dito.

Bahagya niyang hinalikan ang noo ko saka ako pumikit panandalian. Medyo malayo-layo rin ang simenteryo kaya nakaidlip ako saglit.

Nagising ako dahil sa mabatong daan. Hinawakan ng mahigpit ni Matteo ang kamay ko bilang pag-alalay.

Memorial Cementery. Huminto si Manong tricycle driver ng makarating kami sa sementeryo. Parang bumabalik sakin ang lahat. Ang sikip ng aking dibdib ay pinipiga ng ilang ulit dahil makikita ko ulit si Nanay at Tatay. Bumaba si Matteo bago ako sumunod.

"Here. Thankyou for riding us safe. Keep the change, Sir." Nanlaki ang mata ko dahil isang libo ang binigay ni Matteo. Sobrang laki ng ngiti ni manong dahil sa perang binayad ni Matteo.

"Naku sir maraming salamat po dito. Kaawaan kayo ng Diyos at humaba ang pagsasama nyo ng misis mo. Makakabili narin ako ng gamot. Maraming salamat po maam at sir." Paulit-ulit niya saka kami tumango.

Tuluyan ng umalis si Manong. Sumulyap ako kay Matteo saka ko inabot ang kanyang kamay saking kamay. Sobrang swerte ko sa kanya!

Nagtungo kami sa gilid ng gate kong saan may nagtitindang kandali at bulaklak.

"Ate pabili ng dalawang kandila saka dalawang bulaklak." ngiti ko. Kitang-kita mula sa gilid ng mata ko ang pagbunot ni Matteo sa kanyang pitaka. "Ako na Matteo 100 pesos lang naman." taas kilay ko saka niya ako sinamaan ng tingin. Kalaunan ay binalik niya ang kanyang pitaka sa bulsa.

Panay ang sulyap ko kay Matteo dahil hindi ko maisip na papasok sya sa isang publikong simenteryo.

"Sigurado ka bang okay kalang huh?" Kanina pa ako tanong ng tanong nito sa kanya at tanging ngiti lang ang sagot niya sakin.

"I felt nervous," Huminto ako sa paglalakad saka sya hinarap. Hindi ko alam kong bakit sya kinakabahan kaya pala kanina pa ito tahimik.

"Kinakabahan ka?" Ulit ko.

"Baka hindi ako magugustohan ng pamilya mo." Humalakhak ako sa sinabi niya kaya kumunot ang noo nito. Hinila ko sya palapit sakin saka ko pinulupot ang kamay ko sa bewang niya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya saka nagsimulang maglakad.

"Sigurado akong magugustohan ka ni Nanay at tatay," Nakangiti kong sabi saka ko narinig ang buntong hininga niya.

Naaninag ko narin ang puntod ni Nanay at tatay kaya dali-dali kong hinila si Matteo palapit dun. Ang sikip ng aking dibdib ay nag papahina saking puso. Paulit-ulit kong binabasa ang kanilang pangalan sa lapida kaya nasasaktan ako. Kong sana ay buhay pa silang dalawa ngayon ay siguro walang humpay ang saya ko.

Napapikit ako ng panandalian. Siguro ay may rason ang Panginoon kong bakit maaga niyang kinuha ang dalawa kong pinakamamahal sa buhay. Iyon ang rason kaya ako naki pag sapalaran sa Manila at rason kong bakit ko nakilala si Matteo at ang mga kaibigan ko.

Hinila ko si Matteo pagkatapos sindihan ang kandila.

"Hi Nanay, h Tatay. Meron po akong ipapakilala sainyo." Sumulyap ako kay Matteo bago sya  niyakap pagilid at sinandal ang ulo ko sa kanyang balikat. "Si Matteo po boyfriend ko. Hindi ko po alam kong magagalit kayo sakin Nay, Tay dahil ito kauna-unahang may ipinakilala ako sainyo. Masayang-masaya ako dahil nakilala ko sya. Yung mga panahong malungkot ako ay sya ang nag papasaya sakin. Alam nyo ba Nay, Tay. Bumyahe pa yan papunta dito para lang makita ako." kumunot ang noo ni Matteo sa sinabi ko. "Sobrang gwapo noh? Kaya lang eh sobrang strikto tska minsan dinudugo na ang ilong ko sa kakaenglish niya." natawa si Matteo sa sinabi ko. Napakati sya sa kanyang batok. "Pano nalang kaya kong mag-aaway kami? Hindi lang siguro ako iiyak pati ilong ko iiyak din ng dugo." Natatawa kong sabi kaya kinurot niya ang tagiliran ko. Para akong bata sa puntong to dahil sa mga pinagsasabi ko. "Totoo naman diba?" Taas kilay ko ulit kay Matteo.

"Fine, i dont speak english for now." marahan niyang sagot sakin.

"Ngayon lang? Bakit hindi mo nalang araw-arawin?" Hamon ko kaya napabuntong hininga sya. Natahimik sya ng ilang segundo saka binaling ang tingin sa puntod ng magulang ko.

"Hello Madamme and Sir. Its really my pleasure to met you." Sumulyap sya sakin na may ngiti. "I really love your daughter and i cant imagine my self without her. Please I want your permission to let me love her until the last of my breath." Natahimik ako sa sinabi niya. Ang puso kong sobrang bilis ng tibok nito. "I can't ever be happy knowing about her and not doing anything to make her happy in my arms. Everything starting when i saw Mary dancing and it makes my heart really beat fast. I wondered how she is good in dancing but i cant kept my eyes to amaze her that time. I couldn't take my eyes from her and felt rising up with her. This feeling is so complicated." Hinalikan niya ang kamay ko kaya ramdam ko ang mainit niyang labi mula saking balat. "Madamme and Sir thankyou for the wonderful creation. I promise that i won't hurt your daughter." Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos mabingi ako sa sinabi niya. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Matteo. Hindi ko aakalain na mamahalin niya ako ng ganito at ito ay lampas pa sa hinahangad ko sa isang lalaki. "I wan't to Marry your daughter madamme and Sir and i wan't you to know that im sincere of this." Napaharap ako bigla sa sinabi ni Matteo. Ang mag kabila kong pisnge ay sobrang init.

"Matt----" Pigil ko kaya bahagya syang humarap sakin. Inabot niya ang kamay ko saka iyon nilagay sa mag kabila niyang pisnge.

"Gusto kong ipagtabi ang pangalan mo at ang apelyedo ko, Mary." Nanghihina ang tuhod ko sa sinabi niya ang kamay ko ay halos hindi ko maramdaman. Sya ang unang lalaking minahal ko at sya ang unang lalaking sinukoan ko.

Niyakap ko sya agad. Hindi ko rin yata kayang mawala sya kaya papayag ako sa lahat ng gusto niya. Papayag ako kahit na may haharang pa sa relasyon namin. Papayag ako dahil mahal na mahal ko sya.

Ganon naman pag nagmahal ka diba? Papayag kang masaktan hanggat nag mamahal ka pa.

Walang nagmamahal na hindi nasasaktan.

Nächstes Kapitel