webnovel

Kabanata 53: Plano

-----

"Ahh, bulilit.. Ipapaliwanag ni ate, hmm.. wag kang umiyak." Nag-umpisang lumapit si Ma-ay kay ganit ngunit nang makitang umatras si Ganit ng isang hakbang ay hindi na niya iyon itinuloy pa.

"Sagutin mo ang tanong ko ate! Totoo bang gusto niyong patayin si Borhe?" Pagalit na sumigaw si Ganit at pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya.

"Ahh, magpapaliwanag si ate kaya huminahon ka muna at pakinggan ang mga sasabihin ko..." Naputol ang mga sasabihin ni Ma-ay nang makita ang tingin sa mga mata ng kanyang kapatid, puno iyon ng kabiguan at para bang nilalamon ng kabiguang iyon ang konsenya ni Ma-ay.

"Ano pang ipapaliwanag mo sa akin ate! Anong papakinggan ko? Ang mga palusot mo? Hindi ko kailangan ng mga palusot ate at hindi ko rin kailangang malaman ang dahilan mo, ang gusto kong malaman ay kung totoo ba na gusto niyong patayin si Borhe?"

Walang maisagot si Ma-ay kaya naman ay tumango na lamang siya. Pinanood niyang lumipad sa hangin si Ganit papalayo sakanya. Napakagat siya sa mga labi niya at nilapitan si Hiraya, "Bakit.. bakit mo ginawa ito babyboy? Alam kong alam mong andirito si Ganit pero hinayaan mong sabihin ko parin ang mga salitang binitawan ko?"

Niyakap ni Hiraya si Ma-ay at hinalikan ang kanyang noo, "You know this is for her own good. It's painful for the both of you, pero kailangan kong gawin ito dahil ayokong masayang lahat ng effort natin sa oras na magharap silang dalawa. Parehas nating alam na sa oras na mangyari iyon ay nakangiting tatakbo ang kapatid mo papunta sa mga yakap ni Borhe, pero kung malalaman niyang gusto nating patayin si Borhe ay magdadalawang isip siya.

Kakalikutin ng mga binitawan mong salita ang utak niya at magdadalawang isip siya kung ano ang dapat niyang gawin. Mahal ka ng kapatid mo yes, but we know that isn't enough. Parte ng Love Story World si Ganit, at hindi mapipigilan ng pagiging ate mo sa buhay niya ang pagmamahal na nakatanim sa pinakaugat ng kanyang character design."

Pinunasan ni Ma-ay ang kanyang tumutulong luha at napagtantong tama ang lahat ng mga sinabi ni Hiraya. Kahit na ano pa man ang sabihin niya ay mananatiling may bahid ng Love Story World ang character design ni Ganit. Tulad niya, alam niyang iyon at iyon ang susundin ng katauhan ng kanyang kapatid - ang mahalin ang MC ng kanyang love story.

"Ano na ang kailangan nating gawin?" Tanong ni Ma-ay.

"Nothing, we just have to let them do it naturally. Ang gagawin ngayon ni Ganit ay hanapin ang pinakamamahal niya and that bitch Pam will surely get in their way. Hindi ko pinalakas ang kapatid mo para mabully ng isang low leveled bitchass na heroine. Kaya niyang talunin mag-isa ang lahat ng mga players doon sa cafeteria, I'll bet one of my balls mas malakas siya kaysa kay Borhe. Ako mismo ang nagtutor sa kapatid mong gumamit ng spells right?" Napakamot ng ulo si Hiraya dahil pakiramdam niya ay natuyo ang laway niya sa dami ng binitawan niyang mga salita. Matapos niyang sagutin ang tanong ni Ma-ay ay nagpakawala si Hiraya ng spell at ibinato iyon sa kalangitan.

Napahagikgik si Ma-ay nang mabasa niya ang mga letrang nakasulat doon. Tumawa silang dalawa at tumalon pababa sa tuktok ng kanilang kastilyo.

---

Iwan muna natin ang present day. Punta tayo sa araw kung saan dumating si Klawdya sa school.

-

Tinitigan ni Klawdya ang notipikasyong natanggap niya at binasa ang mga nakalagay doon. Wala namang koneksyon sakanya ang mga mangyayari sa skwelahan at ang pakay niya rito ay humingi ng tulong at hanapin ang Moon God's Lover kaya tinulak niya ang system notification sa likod ng kanyang isipan. Tinanaw niya ang mga nakikita niya at napagtantong sa likod siya ng skwelahan pumasok at kailangan niyang dumaan sa mapunong hardin at pagkatapos noon ay mararating niya ang Senior's Building.

Inumpisahan niyang maglakad at kinausap ang kanyang sarili, "Wala na ang nagtuturong liwanag kung nasaan ang NPC na hinahanap ko.. paano mo na hahanapin ang NPC Klawdya, hay nako! Napakalaki ng skwelahang ito, saan ko hahanapin ang nag-iisang tao at baka may mga mobs din dito.. sabi na eh!"

Tinakbo ni Klawdya ang distansya niya sa halimaw na kanyang nakita sa di kalayuan. Pakiramdam niya ay kayang kaya niyang talunin ang mga halimaw dito sa skwelahan gawa ng kapangyarihang ibinigay sakanya ng Moon Goddess. Nang tuluyang makalapit ay sinipa ni Klawdya sa tuhod ang halimaw na ngayon ay lilingon palang sakanya.

Crack!

Mapapatumba pakanan ang halimaw, inangat ni Klawdya ang paa niya matapos ang nauna niyang pagsipa at pinatama ito sa ulo ng papatumbang halimaw. Nakita niya ang critical hit matapos niyang matamaan ang panga ng halimaw at nadislocate iyon.

"Graaa!"

Inundayan ng halimaw si Klawdya ng kalmot, gamit ang nakalaylay nitong kaliwang kamay ay umatake ito paangat sa katawan ni Klawdya, kamuntikan na siyang matamaan nito sa balikat mabuti na lamang ay nakailag siya papalayo. Tiningnan niya ang halimaw at ginamitan ng Identify niyang skill, sumagi sa isipan niya na sa susunod ay dapat niya munang unahin na gamitan ng Identify ang kalaban bago niya ito sugurin. Isang Maligno ang kanyang kalaban, tatlong level ang pagitan nila at siya ang may mababang level.

Hindi niya iyon inalintana at muling sumugod, ilang sandali lamang ay natalo na niya ang halimaw. "Mabuti na lang at nauna akong umatake, hay Klawdya.. lagi mong nakakalimutan ang turo sayo ng iyong ama na sa oras na makuha mo ang oportunidad ay wag mo itong papakawalan. Natalo mo na sana siya agad kung hindi ka nagpanic, konting atras lang sana ang ginawa mo at hindi tumalon papalayo."

Binasa ni Klawdya ang notification na napatay niya ang halimaw at kung ilan ang nakuha niyang experience points. Napangiti siya at naghanap pa ng ibang mobs, muli niyang na-spot-an ang isa pang halimaw at dali dali niya itong kinalaban. Sa pagkakataong ito ay nilimitahan niya ang pag-ilag, konting atras o pag-iwas lamang ang kanyang ginawa. Hindi gaya sa mga ligaw ng hayop ng kagubatan na pagkagat, pagtuklaw o pagkalmot.. ang mga mobs na kinakalaban ni Klawdya ay maraming kayang gawin na atake.

Ilang mga halimaw pa ang nakalaban niya at unti-unting nahahasa ang kanyang paraan ng pag-ilag hanggang sa hindi na siya kayang tamaan ng mga halimaw. Nagsimula niyang labanan ang mga halimaw dalawa laban sa isa, ang una niyang makikita ay kukuhain niya ang atensyon atsaka siya maghahanap ng isa pa habang iniilagan ang mga atakeng ginagawa ng Maligno.

"Woo Klawdya, ang galing galing mo talaga.. kayang kaya mo na ang dalawang mobs na magkasabay. Hmm, Pero dahil ito sa system kong maangas, at parang mahihina ang mga mobs sa lugar na ito hindi gaya doon sa labas.. mali ka Klawdya, mas malakas kana kaysa noong nasa labas kapa kaya natural lang na mahina na ang mga mobs dito sa loob."

Kinausap ni Klawdya ang sarili niya habang nakikipaglaban. Nang mapatay niya ang dalawa ay muli siyang naghanap ng makakalaban, nagpaikot ikot siya sa mapunong hardin at nakalimutan na ang tunay niyang pakay sa skwelahang ito.

---

Sa ibang parte ng skwelahan, sa loob ng isang silid sa pinakaunang palapag ng Senior's Building. Makikita ang grupo ng mga tao at halimaw; pitong aboriginals at walong otherworlders. Kasalukuyan silang nag-uusap para sa mga gagawin nilang mga plano.

-

Matapos na makuha ni Hiraya ang Golden Hair ng Tikbalang King ay nagawa niya itong paamuhin at hindi na niya kinailangang gamitin ang skill na Subordination. Isang kahinaan ng mga Tikbalang ay ang kanilang ginintuang buhok, kapag napasakamay ito ng sino man ay susundin ng naturang tikbalang ang kahit na anong iutos ng nakakuha niyon. Mula sa Monster Book na skill ni Hiraya ay sinunod niya ang nakasaad doon at kinuha ang ginintuang buhok ng Tikbalang King at laking tuwa niya na totoo nga ang nabasa niya kaya nadagdag sa prayoridad niya na pataasin ang level ng skill na Monster Book.

Binabalak sanang i-conquer ni Hiraya ang spawn point ng mga tikbalang pero nang sabihin ni Ma-ay na puwede nilang gawing sandatahang lakas ang mga tikbalang dahil napasailalim na ng kontrol ni Hiraya ang kanilang hari ay hindi na natuloy ang planong pagpapalevel up ni Hiraya gamit ang portal.

-

Dahil walang gustong maunang magsalita ay ngumiti si Ma-ay at sinabi, "Babyboy, ano na ang balak natin? Dalawa na ang natapos nating spawn point at ang isa ay pagmamay-ari na natin. Sa tingin mo ay ilan kaya ang spawn points na mayroon sa skwelahang ito?" Alam na ni Ma-ay ang mga bagay na ito pero dahil walang gustong magtanong ay gumawa nalang siya ng paraan para may pag-usapan sila.

"Oo nga Tagapagligtas, ilang mga uri na ng halimaw ang nakalaban namin. Ang iba ay galing sa ibang lugar kaya yung mga bampira at tikbalang palang ang nakita namin sa mismong spawn point nila." Salaysay ni Magdalya. Medyo hindi siya komportable dahil tinititigan siya ni Makaryo ng mariin at para bang may gusto itong sabihin pero hindi naman niya maituloy-tuloy.

Noong mga unang beses nilang maging magkakilala ay wala siyang paki-alam sa lalaking ito, pero matapos ang mga nangyari at sila na lamang ang natitira sa mga survivors ng amphitheater ay mayroon na silang 'bond' na hindi niya maintindihan.

"Tama si Magdalya, Tagapagligtas.." Mabilis na sabi ni Makaryo.

Napa-ubo si Ma-ay at Hiraya dahil sobrang halata ang mga galaw ni Makaryo, nagkatinginan ang magkasintahan at nagkibit balikat silang pareho. Nakita nilang lalong nawawala ang pagkakomportable ni Magdalya kaya nagsalita na si Hiraya, "Kung tama ang kalkulasyon ko ay lalagpas sa labing anim. Ang building nato, ang Senior's building ay may dalawang spawn point. Ang spawn point ng mga tikbalang at ng mga duwende. Sa building naman ng Grade 11 kasama na ng apmhitheater ay mayroon ding dalawa kaso nga lang ay hindi na natin naabutan ang isa doon dahil ang mga vampires na mismo ang kumuha. Now that I think of it, we have 6 main buildings for the students.. from 7-12.

Then mayroon tayong Gym, Cafeteria, ang Field, sa likod natin ngayon ang Garden, ang mga laboratory buildings at ang iba't ibang faculties. If I am not wrong, mga lost mobs lang ang mayroon sa mga faculties.. gaya nung kinalaban niyong Maligno and then there's the garden, hindi pa ako nakapunta doon kaya I am not too sure kung may spawn point ba doon or gaya sa faculties na may mga ligaw na mobs lang..."

Sumingit si Ma-ay dahil napansin niyang sobrang dami na ng mga salitang binitawan ni Hiraya at napalunok na ito ng tuyong laway, "So all in all, ang ibig sabihin ni babyboy ay maaaring tigdadalawa ang spawn points sa mga main buildings at tig-iisa sa gym, cafeteria, field etc.. wala pa tayong kumpletong impormasyon kaya maski ako ay hindi pa sigurado."

"Kung ganon, edi malamang ay nasa isang main building si Borhe.. Ate puntahan natin siya." Lumapit si Ganit sa ate niya at hinawakan ang kamay nito at siya namang tinangoan ni Ma-ay pero naiilang niyang iniba ang usapan.

"Saka nalang muna bulilit, ang objectives natin ay ang mga spawn point. Malay mo makasalubong natin siya sa ibang building, mas mabuting magkita nalang kayo ng hindi sinasadya.. diba mas romantic ang ganoon set-up?" Ngumiti si Ma-ay at hinagod ang buhok ng kanyang kapatid. Nadismaya naman si Ganit pero tumango parin siya, ilang saglit lang ay napagtanto niyang mas maganda kung ganoon ang mangyayari, tama ang ate niya na mas romantic ang ganoong set-up.

"Alright now then, we have to find more people. Habang nagki-clear tayo ng mga spawn points ay kailangan din nating iligtas ang iba pang mga surviving players sa school. We need more man power kung gusto nating matapos ang dungeon na ito." Muling nagsalita si Hiraya. Tiningnan niya ang tikbalang princess na sa ngayon ay translator nila para sa mga iba pang tikbalang royalties, dahil nawala raw ang koneksyon nila sa kanilang hari ay magkasunod na pumasok sa loob ng portal ang dalawa pang royalties mula sa tribo ng mga tikbalang, ang kaliwa at kanang kamay ng hari na mga kapatid niya rin.

Ibinalik ni Hiraya ang tingin niya sa mga players sa loob ng silid at inisa-isa ang mga ekpresyon nila. Nang mapunta ang tingin niya kay Ma-ay ay napailing siya, kahit na anong mangyari ay hindi pa oras para magkita si Ganit at si Borhe, kulang pa ang lebel ng kontrol ni Ganit sa mga elemental spells niya. Marami pang naiisip si Hiraya na paraan para palakasin pa ang magiging 'alas' niya sa darating na gang wars.

Nächstes Kapitel