webnovel

Kabanata 43: Finally Done

(Hiraya)

Tagumpay ang mga plinano naming dalawa ni Ma-ay. It was too successful na kahit ako ay gusto ko nang puriin ang sarili ko. I don't do that you know, buhat ng sariling banko. Masyado lang akong malakas para sa Vampire Queen at sa mga lupon niya ng bampira, ehem... So as I was thinking, naging smooth sailing ang sequence ng mga pangyayari at naaayon ito sa lahat ng mga rutang ihinain namin sa mga survivors ng amphitheater.

Ang una naming objective ay ang paamuhin ang mga survivors na nahanap namin. It's kindoff no brainer really, kinuha namin ang mga loob nila gamit ang.. well.. basic needs nila.

They have their own, house or place to live in maybe, kung matatawag mang bahay nila ang amphitheater.

Sunod naman ay ang kanilang pagkain, I can't feed them all gamit lang ang mga na-scavange naming mga natirang pagkain dito sa school, masyado silang marami para sa kakaunting left overs ng mga studyanteng balak nang magsi-uwian. Patapos na ang school year at hapon na nang magsimula ang RPG World, kung nangyari sana ang pagbabago noong tanghali ng araw na iyon ay paniguradong mas maraming pagkaing ibibigay ang mga bangkay nila.

I made them eat monster's meat, kung sinabi ko yun noong una palang then I am sure hinding hindi nila tatanggapin ang ideya nayon. So, dahil alam kong kumakalam ang sikmura nila mula sa pagod at stress sa mga nangyayari, I told Ma-ay that maybe they just need a savory meal. Yung hanggang pagtulog nila ay malalasahan nila sa panaginip ang sarap ng pagkain. And to accomplish that, sinabi ko sakanila na mayroon akong skill na nagbibigay ng stats kapag kumakain ng monster meat.

Sinong aayaw sa nosyong busog kana lumalakas kapa? No one right? Not me to say the least.. himala namang nagustuhan nila at tinanggap ang ideya. After ilang kainan ay nag-aagawan na nga sila.

The next objective was to earn their trust.

How?

Simply by giving the sense of security. Ipinortray ko na isa akong invinsible na pundasyon para sa kanilang kaligtasan, well.. I guess I really am invinsible for the past 4 days, wala kaming nakalaban na monster na mas malakas sa akin, right.. walang tatalo sa akin sa dungeon na ito, maybe.. come on now, talaga naman diba?

I even gave them hope, pinaramdam ko sa kanila na kayang nilang tumayo sa sarili nilang mga paa. How again? We trained them, pinataas namin ang mga kakayahan nila, ang antas ng pakikipaglaban nila sa mga monsters. Nakakapanghinayang lang dahil ayaw nilang magtrabaho all day all night. Ayaw nila akong gayahin na hindi natutulog, I mean.. natulog ako noong unang beses na bumalik si Ma-ay and the last time from before that, ang huling tulog ko ay noong meron pa siya.

4 years without sleep, tsk.. of course isa lang sa mga rason yung pagkawala ni Ma-ay but still, it played a major part of the whole no more sleeping thing. Shiz, enough about me. I am just a boring type of guy anyway.

So going back, tumaas ang mga levels nila at pati na rin ang mga skills nila. Talking about hope, maybe they felt there was a chance to go out of this dungeon. Pupuwedeng ganoon na nga, but I can't take them out.. not because I hate them, hindi rin dahil ayoko sa mga personality nila. Gaya rin nila, I am powerless right now... Kailangan ko ng lakas na dadalhin ako sa rurok, they're just the pieces of stones na kailangan kong tapakan para umakyat sa walang kasiguradohang hagdanan patungo sa kasarinlan.

You wont blame me now, would you?

Hehehe hehe he.

The next objective was kinda complicated, hindi ko sila puwedeng palakasin ng sobra sobra, mga level 10 - 15 at 20 ang mga vampire series. Kapag masyadong mataas ang level nila ay magiging landslide victory ang kalalabasan, and that's not the point of this whole escapade.

I needed to execute them.

Exectute them na hindi nila namamalayan, kaya umisip ako ng paraan para magawa iyon. Masuwerteng tumaas ang level ng skill ni Tikbalang Princess at naglevel up ito sa Grand Illusion, it became a wide area of effect. Inutusan ko si Magdalya na gumawa ng formation na hindi lalagpas sa 5 meters ang sakop and they gladly made one.

Tapos noong nakita ko ang skill ng Vampire Queen na Night Cloud, I remembered one of the RPG games I played, kapag bumaba sa certain percentage ang buhay ng isang boss monster ay may mga skills itong papakawalan, at base sa pangalan ng skill na Night Cloud, well.. take a guess.. come on, they're vampires.. may plus attributes sila tuwing gabi and surely, and skill na Night Cloud ay may effect na pansamantalang maging gabi at syempre ang isang level 30 na monster ay hindi kayang maapektohan ang buong mundo, may limit ang AOE ng spell.

Using all of that, ang Grand Illusion, ang formation nila, ang night cloud at ang pinakaimportante sa lahat ay ang skill kong Strike Fear. Nang maging intermidiate skill ito ay kaya kong ipakita sa kanila ang pinaka-itinatago nilang takot, si Ma-ay ang pinaka-unang test subject nito and she said.. my death was her most terrifying fear.

May added effect pa sa skill na, the higher my intelligence attribute kumpara sa intelligence attribute nila ay bumababa ang fear resistance nila.

After na mabawasan ang Hp ko ng 90%, using all the effects from my titles and skills, umabot ang intelligence attribute ko sa 117 and I temporarily got a skill para sa 100th mark - Mind Control, isang temporary debuff.

Isa pa ay yung pagtanong ko kung ano ang gusto nilang gawin pagkatapos ng dungeon na ito.. I made sure to know kung ano ang mga nagtutulak sa kanila para manatiling buhay sa dungeon na ito. And it helped a lot para ma-disable sila at mapatay sila ni Ma-ay isa-isa, the execution was a success.

We gave them justice that they deserved.

Hehehe hehe he.

What? That creeps you out?

Imagine mo simula nang magkamalay ka ay may matandang tumatawa sa isipan mo. That would creep you out.

---

Right now, nasa itaas kami at dumudungaw sa isang hukay. Nasa loob non ang mga katawan ng mga yumaong survivors ng amphitheater, nakahiga at mahimbing na silang natutulog. Ma-ay is kinda brutal you know, pinugutan niya lahat sila, not that I don't like that.. kasama sa set-up ang pagpugot sakanila, you know.. to make it more realistic?

Ang nasa isipan nila ay ang mga vampires ang pumatay sa mga kasamahan nila. Yung mga vampire monsters dito sa dungeon ay may kink na alisin ang mga ulo ng kanilang mga biktima, ginamit ko lang para sa advantage namin.

"Biloy, ipinapangako kong ipaghihiganti ko ang kamatayan mo." Magdamag na umiyak si Makaryo, garalgal na rin ang boses niya sa kakasigaw. You can't blame the man though.

"Say your parting messages Magdalya, pagkatapos non ay tatakpan na natin ang hukay." Inakbayan ko si Magdalya at hinagod ang buhok niya.

Dumura siya sa lapag at nagsalita, "Magiging malakas ako. Sobrang lakas na walang makakatalo sa akin, pwe.. para hindi.. Hik, para hindi na ulit ako mawalan ng mga kaibigan. Hik, ipinapangako kong magiging malakas ako. Huhu." Muli siyang humagulgol at niyakap niya ako. Nilingon ko si Ma-ay at Ganit at nagkibit balikat sakanilang dalawa.

"Ungaaaa! Haaaa haa, Biloy.. bro bakit mo ako iniwan?"

Shiz, akala ko ba ubos na ang luha mo?

Binitawan ko si Magdalya at sumenyas kay Ganit na ibalik na ang lupa. Nagliwanag ang kamay niya at nagkulay kayumanggi ang buhok niya, using spells would make your hair awesome, nagpapalit ng kulay tapos parang hinahangin. Yung pang-commercial ng shampoo, ganoon. Sadly, hindi tumatalab sa akin ang ganon, I mean.. walang effect na ganoon sa katawan ko kapag nagka-cast ako ng skill. Tinitigan ko saglit si Ganit at kumunot ang noo niya at tumingin sa akin.

So cool!

Gumalaw ang lupa at tumakip iyon sa mga nahihimlay nilang mga katawan. Niyakap ni Makaryo ang lupa at kinailangan ko siyang hilain para hindi siya masama sa mga tatabunan. Shiz, I'll drop this guy somewhere in the near future, no.. not killing him, iiwan ko siya para may gawin.

Pumulot ako ng isang malaking piraso ng sirang pader, umukit ako doon gamit ang daliri ko at inilagay isa-isa ang mga pangalan nila. Binuksan ko ang telepathy para tanungin kay Ma-ay ang buong pangalan ng mga survivors ng amphitheater, don't get me wrong.. alam ko ang mga pangalan nila, tinanong ko si Ma-ay kung ano ang pag-kakasunod sunod ng pagpatay niya sakanila at iyon din ang ginawa kong arrangement ng names sa bato.

Lumapit si Makaryo sa itinayo kong piraso ng pader, well.. kung piraso pa ba ang tawag kapag dalawang metro ang haba at tatlong metro ang taas then so be it.

"BRO!!" Kinagat ni Makaryo ang dulo ng hinlalaki niya. Sinundan niya ang ukit sa mga letra ng pangalan ni Biloy at nang matapos siya ay pula na ito. That wont be fair.

Lumapit ako at ginaya ang ginawa ni Makaryo, this time.. sa lahat ng pangalan ko iyon ginawa.

"Let's go." Mahina kong bulong.

Finally done.

Tiningnan ko ang nasirang faculty building. Sunog ang loob nito at bitak bitak ang mga pader na nalaglag sa lupa. That annoying guy is strong, pero kung natrigger siya nang dahil lang sa iniwan kong mga letra, then I'd be disappointed kapag sinipa ko ang itlog niya at mamatay na siya agad.

Kinuha rin nila ang mga inihian kong karne, serves them right. Hehehe hehe he.

Time to go.

Nächstes Kapitel