webnovel

Kabanata 40: Execution (2)

-----

Nagpatuloy ang ilan pa sa pagbanggit ng kanilang mga mithiin at inalam lahat ni Ma-ay kung saan, sino o ano ang kanilang gustong gawin. Matapos ang madamdaming tagpo na ito ay ipinagpatuloy nila ang paglalakad papunta sa pasilyo ng ikatlong palapag.

Sakto na ang oras, puno na ang spawn point at mag-aalas dos na ng hapon. Huninto sila sa ikalawang silid ng palapag bago ang silid ng spawn point.

"People, get ready. Magpapataas na tayo ng level!" Masiglang sigaw ni Hiraya.

"Bitches are my exps!"

"Bitches are my exps!"

Tuloy tuloy namang sigaw ng karamihan atsaka sila dumiretso sa pasilyo papunta sa spawn point at tumigil sa pintuan nito.

Ding!

[System Warning]

-You have entered the territory of Vampire Queen Corazon

-Clear the conditions to leave

[Clearing Conditions]

-Kill 10 Vampire Underlings

[System Warining]

-More than 10 players are currently inside the territory of Vampire Queen Corazon

-Clearing condition elevated to: Conquer the spawn point

[Clearing Conditions]

-Kill the Vampire Queen Corazon

-Conquer the Vampire's Dungeon Spawn Point

-Failure to clear the conditions in 180 minutes will lead to penalty

-System Penalty: Death

"Mother fucker!"

"Oh my! I like the tongues of you people. Nice, marami na kayong natutunan sa akin. Now answer, anong sabi ko kapag nasa isang labanan?" Ipinalakpak ni Hiraya ang kamay niya, nagtaas ng kamay si Kuntapya at inituro naman siya ng nauna.

"Ako, ako... Huwag magpapanic at kalmahin ang isipan." Natuwa si Kuntapya nang mapakindat, tsiniktsik at raygun si Manoy sakanya. Isinasaulo niya lahat ng mga tips and tricks ni Manoy dahil lahat iyon ay may aplikasyon sa kanilang makikipaglaban, sinusunod niya rin ang bawat iuutos sakanya at natutuwa siya tuwing pinupuri. Si Kuntapya ang uri ng studyanteng pupuwedeng mabansagang teacher's pet.

Nanginig ang katawan ni Kuntapya nang maramdaman ang kilabot sa kanyang gulugod, dahan-dahang lumingon ang kanyang leeg papunta sa kaliwa, nakita niyang nanggagalaiting nakatitig sakanya ang dalawang tao. Nakangiti at nanlalaki ang mga mata nila para bang masaya pero pakiramdam niya ay kakagatin siya ng mga ito.

-

Nagpunta ang mga players sa susunod na silid lagpas sa spawn point. Agad na inalis ng mga players ang mga upuan, mesa at mga muwebles, inilabas nila ang mga iyon, matapos ang clearing operation ay nagtipon-tipon sila sa gitna ng silid.

"Now then, hindi na natin kailangan ang pader na naghihiwalay sa atin at sa mga experience points na nasa loob." Nakita nilang pumorma si Hiraya. Umatras si Ma-ay, Ganit at Angeli kaya naman isa-isa rin silang lumayo kay Hiraya.

Boom!

Boom!

Boom!

Nagulat sila dahil para bang may tatlong Hiraya na lumitaw at nagsanib-sanib muli papunta sa isang sulok. Hindi nila nakita ang ginawa ni Hiraya pero nalaglag ang panga nila nang makitang nagiba ang pader at tumalsik ito papunta sa loob. Napahigop sila ng hangin at tumanga sa nangyari.

'Kailan kaya ako magkakaroon ng ganyang kalakas na suntok?' Nakita ni Makaryo ang pagsuntok ng kanyang tagapagligtas, nakita rin niya ang pulang awra na lumalabas na parang usok sa katawan nito.

Nalunok ni Magdalya ang idudura niyang laway at nabilaukan siya, naalala niya ang eksenang tutusukin ni Hiraya ang ulo ni Makaryo gamit ang isang tinidor na sandata, napangiwi siya sa imaheng nakita niya sa kanyang isipan. Tumindig ang balahibo niya hindi dahil sa kilabot kundi dahil sa pagkasabik na magawa niya rin ang kayang gawin ni Hiraya.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ng mga saksi. Napasandal si Dilan sa pader at paunti unti siyang napaupo sa lapag. Demonyo, halimaw... isang dyablo ang naghihintay na kumitil sa kanyang buhay. Mahina siyang napatawa at pinagmasdan ang likod ni Hiraya.

-

"Ksaaa!"

"SSSS!"

Nagising ang lahat ng natutulog na halimaw sa loob ng silid. Nagtagpo ang mga pares ng mga mata at isang segundo matapos iyon ay sumugod ang mga halimaw.

"Leave no one alive." Sigaw ni Hiraya sa mga survivors ng amphitheater. Magkakasunod na sumugod sina Ma-ay, Ganit, Duwende Warriors; Uno, Dos, Tres at ang Duwende King na si Nuno papunta sa mga mataas na ranggo ng halimaw at naumpisa silang makipaglaban doon.

Naiwan si Angeli at ang Tikbalang Princess sa dulo ng silid, magkasabay na umilaw ang mga noo nila at nagpakawala silang dalawa ng spell.

Gumawa ng pormasyon ang mga survivors ng amphitheater at sinimulang umabante at kalabanin ang mga Vampire Knights at Vampire Underlings na tumitilapon sa direksyon nila, para bang buldoser ang mga naunang sumugod at tumatalsik papalayo ang mga kalaban nila.

--

Naalala ng mga players ang ginawang ayos ni Magdalya sa mga pwesto at gagawin nila.

"Tasyo, Paloma at Awrelya.. suportahan ninyo ang mga nasa harap. Hindi niyo kailangang maki-agaw ngayon sa exp points dahil mabibigyan tayo lahat. Panatilihin niyong sapat ang mga buhay ng mga vanguard."

"Makaryo, Biloy, Kuntapya, Selyo at Bona.. Saluhin niyo lahat ng mga kalaban at huwag ninyong papayagan na makalusot sila. Ano man ang mangyari ay hindi puwedeng makapasok sa pormasyon natin ang mga bampira dahil kapag inatake nila ang mga healers at magic support natin ay katapusan na natin."

"Ako, si Barolyo, Dilan at Awey.. tutulong kaming patayin ang mga bampira. Pero huwag ninyong iwan ang mga pwesto ninyo, nakasalalay sa atin ang mga likod, kanan at kaliwa ng mga vanguards."

"Tandaan ninyo ang sinabi ni Manoy, hindi niya tayo tutulungan na kalabanin ang mga vampire knights at vampire underlings. Malaki ang tiwala niya sa atin na kaya nating ubusin ang mga alagad ng vampire queen. Huwag nating biguin ang tiwalang ibinigay niya, nagkaka-intindihan ba tayo?"

--

Nagsimula ang rayot sa loob ng pinagsamang silid at maririnig ang mala konsyertong tugtugin; isinisigaw ng mga players ang pangalan ng skills nila, ang tunog ng pagkalmot sa laman, ang tunog na maririnig kapag tumatama ang buto sa buto at laman sa laman, ang tunog nang pagtawa ni kamatayan habang pinapanood na matumba na parang gulay sa tag-init ang mga bampirang tuyo at lukot ang mga balat.

---

Habang nangyayari ang labanan sa pagitan ng mga bampira at ng mga players ay dumako muna tayo sa mga paparating na grupo ng mga studyante, naglalakad sila sa direksyon papunta sa natatanaw nilang faculty building, at sa di kalayuang grade 11 building.

"Daris! Iyan ba ang sinasabi mong building kung saan mo nakitang pumasok ang lalaking dumukot kay Angeli." Tanong ng isang lalaki, nakasalamin siya at makikita sa ilalim ng mata niya ang isang kakatwang marka, hugis dahon iyon at kasalukuyang nagliliwanag kasama ng mga mata niya.

"O.. oo Baro, dyaan ko nga nakita si Angeli." Sagot ni Daris habang hawak hawak ang nakabenda at putol niyang kanang kamay. Nangangatog ang boses niya dahil ramdam niya pa ang kirot at sakit na naranasan niya sa mga kamay ng grupong ito. Sinisi niya ang sarili kung bakit ba kasi sumama siya at sinundan ang delubyong babae na iyon.

Lumingon si Baro sa kanyang lider at nagsalita, "Nagsasabi siya ng totoo Borhe."

Tumango si Borhe at tinitigan ang mga gusali. Sinenyasan niya na ipagpatuloy ang paglalakad patungo sa nauunang gusali. Ilang sandali pa ay narating na nila ang faculty building. Binuksan ng pinaka-nauunang lalaki ang pintuan at tumambad sa harapan nila ang mga grupo ng halimaw. Nakatayo ang mga ito at nakapormang aatake pero napansin nila agad na hindi gumagalaw ang mga ito.

"Anong klaseng mga halimaw ang mga iyan?"

Nakita nila ang mga parang statwang halimaw, matapos hawakan ng isang lalaki ang isang halimaw ay napagtanto niyang matigas at malamig na ang katawan nito. Kagabi pa patay ang mga halimaw at nakapagtatakang nagawa nilang iporma ang mga katawan ng mga ito na para bang sumusunggab. Para silang mga manikin sa isang horror house.

"Patay na ang mga ito kaya wag kayong mag-alala." Anang isang lalaki.

"Kung ganoon naman pala ay bakit pa nila ginagawang palamuti ang mga iyan dito sa loob ng faculty? Mga sira ba ang ulo nila?" Inis na tanong ng isa pang lalaki, siya ang pinakanagulat at kamuntikan pa siyang mapatili.

"Lider, anong balak natin gawin sa mga ito?"

"Lider, wala naman ang mga players na gagawin nating exp dito!"

"Tahimik. Antayin natin ang sasabihin ni Lider, manahimik kayo at mag-antay! Ilang beses bang uulit-ulitin ang mga yan? Mahirap bang kabisaduhin?" Bulyaw ng isang malaki at matangkad na lalaki.

Nabahag naman ang mga buntot nila at sabay sabay na yumuko.

Inilibot ni Borhe ang paningin niya sa loob. Nakita niya ang pintuan at binasa ang nakasulat doon.

"Huwag bubuksan, nakakamatay."

Napatingin ang lahat sa kanilang lider, at sa tinitingnan nitong bagay. Isa-isa rin nilang binasa ang nakasulat.

"Hoy kumag anong gagawin mo! Wag nga daw buksan diba, engot ka talaga, huminto ka!" Sunod sunod na sigaw ng lalaking may suot suot na sombrero.

"Chupol! Hindi mo ba alam na kapag may nakalagay na bawal gawin ay nililito ka lang non, chupol ka talaga kaya walang may gusto sayong babae eh, ipinapakain na sayo ang kalangitan tinatakpan mo pa ang bibig mo!" Dali daling nilapitan ng lalaking tinawag na kumag ang pinto at binuksan ito.

"Karne! Napakaraming karne!" Sigaw niya.

Nagtakbuhan ang iba pa at hinatak papaalis sa pintuan ang kumag. Pinakaunang humila ang chupol kaya't ilang saglit lang ay nagsusuntukan na silang dalawa.

Lumapit si Borhe at Baro sa natuklasan ni kumag. Napatakip ng ilong si Baro habang si Borhe naman ay naningkit ang mga mata.

"Kuhain niyo ang lahat ng mga iyan, at dalhin sa cafeteria." Mahinahong utos ni Borhe atsaka siya naglakad papunta sa isang desk. Muling naningkit ang mga mata niya nang makitang may letrang nakasulat sa desk, iisa lamang iyon at isinulat gamit ang dugo, sinunod niyang tingnan ang kasunod na desk at mayroon ding iisang letra doon.

"Sabihin niyo sa akin isa-isa ang mga letrang makikita niyo sa mga desk." Utos ni Borhe, naguluhan ang mga alalay niya pero agad nilang pinuntahan ang iniutos sakanila, maski na ang dalawang nagsusuntukan ay napatigil nang marinig ang utos ni Borhe.

Nang marating ang desk ay isa-isa nilang isinigaw ang mga letra.

"S"

"U"

"C"

"K"

"M"

"Y"

"C"

"O"

"C"

"K"

"Suck my cock! SUCK MY COCK! Araw putangina ka gago kang kumag ka anong nanamang ginawa ko!" Muling nagsuntukan ang dalawa.

Naningkit ang mga mata ni Borhe, humigpit ang pagdiin niya sa kanyang mga ngipin, nag-alab ang buhok niya at naging kulay apoy ang kanyang mga mata.

Napalayo ang mga alalay ni Borhe sa kanya. Nag-unahan silang tumakbo palabas ng faculty room bitbit ang mga karne na kanilang natuklasan, hindi na sila muli pang lumingon pabalik at dire-diretsong tinakbo ang daan papunta sa cafeteria.

Huminto ang isang lalaki ilang metro ang layo sa faculty building. Hinantay niya at kalmadong tinitigan ang gusali.

Sumabog ang faculty at nasunog ang laman nito sa loob. Isang pigura ang dahan-dahang naglakad papalabas sa nasusunog na gusali. Himalang walang kahit na anong sugat o lapnos ang katawan niya, maski na ang damit niyang suot ay walang sunog na tinamo.

"Borhe, isang tarantadong tao ang hinahanap mo." Ani Baro, tumalim ang kanyang pagtingin pero nakayuko siya habang inaantay ang kanyang lider.

"Pagbabayaran niya lahat ng ginawa niya sa akin, kay Ganit at kay Mina. Si Pam nalang ang natitira sa tabi ko kaya hinding hindi ako makakapayag na lapastanganin niya ang pagkalalaki ko. Sa oras na mahawakan ko ang hayop na iyon ay susunugin ko pati ang kaluluwa niya." Dahil umalis na ang mga kasamahan nila ay inumpisahan na rin nilang bumalik papunta sa cafeteria.

Hindi na nila itutuloy ang paghahanap dahil alam nilang wala na ang mga players sa lugar na ito. Iniwan nila lahat ng naipon nilang karne, isang indikasyon na hindi nila kayang dalhin lahat ng pagkain paalis dahil magiging sagabal lamang ito sa kanilang pagtakas.

Nagliliyab sa galit ang damdamin ni Borhe, alam niya na huli na ang lahat para habulin pa si Hiraya. Si Ganit at Angeli ay ninakaw ni Hiraya sa kanyang piling kaya naman tuwing maaalala niya ang bagay na ito ay nagliliyab sa galit ang kanyang puso.

'Pam, ikaw nalang ang mayroon ako. Hindi ko na makakakaya ang mabuhay kung pati ikaw ay mawawala sa akin. Hindi pa ako sumusuko, alam kong mahahanap at mababawi ko rin silang dalawa.'

'Papatayin kitang hayop ka Hiraya! Magtatagpong muli ang landas natin at kapag nangyari iyon ay ipinapangako kong isa lang ang matitira sa atin.'

Nächstes Kapitel