webnovel

Chapter 4

Isang linggo na ang nakalipas, at isang buwan na akong pumapaok sa paaralan na 'to.

Maraming nabago, nadagdagan yung mga kaibigan ko, naging mas active ako at higit sa lahat napagdisisyunan ko na aamin ako sa kay Morgan na gusto ko s'ya kapag tapos na yung jingle competition namin.

Meron kasi kaming sinalihang nutri jingle at syempre kasama ang buong tropa.

Kinuha ko na ang bag ko at nag paalam na. 15 minutes nakong late. Di bale na late din naman si Morgan for sure.

"Ma alis nako!" Paalam ko, sabay lumakad na papuntang pinto.

"Saan na naman ang gala mo?" Tanong ni papa sa akin. Saglit akong napatigil at nanigas sa kinatatayuan ko, wala akong maisagot.

Ganto ang lagi naming eksena sa tuwing aalis ako, pag pumupunta akong practice. Kahit nung grade8 pa ko.

"May practice yan para daw sa Jingle nila." Sagot ni mama sa kay papa dahilan para makahinga ako ng maluwag.

"Saan kayo? Practice ba talaga? Baka naman lumalarga-larga ka lang para makatakas ka dito sa bahay!" Pagdududang tanong sa akin ni Papa. Ganito sya palagi, never s'yang nag-karoon ng tiwala sa akin.

"Doon lang po kami sa may Carmela Ville lang po kami, sa tabi nung school namin. Kasama ko po si Elle, hindi po ako nag lalakwatsa" Sagot ko. Huminga ako ng malalim at nag-salita ulet. "Alis na po ako" sabay tumungo ako.

"Yung tubig mo ha ubusin mo! Saka yung payong mo wag mong iwala! Mag-ingat ka!!" Sunod-sunod na bilin sakin ni Mama.

Nag-lakad na ko at kinuha ang cellphone ko.

"Elle papunta nako d'yan bilisan mo na!"

Sent.

Binilisan ko na ang lakad at nakita ko naman si Elle na nandoon sa bukana ng bahay nila at abala sa pagtali ng sapatos.

"Huy! Sabi ko bilisan na eh!" Panggugulat ko sa kanya. At mukha namang nagulat sya, nahagis nya nga yung sapatos nya eh.

"Ay anak ng tokwang pinaglihi sa palaka!" Gulat na nasabi ni Elle. "Tarantado ka nag-mamadali na nga ako eh!"

Pag-katapos nyang mag-sapatos syempre lumabas na kami ng subdivision, alangan namang umikot-ikot pa kami! Eh 15minutes na nga kaming late.

Pag-labas namin nakita namin si Zach at si Thea na naghihintay sa may bandang gate.

"Napakabagal nyo naman! Pinaglihi ba kayo sa tortoise?"

Panenermon ni Zach halatang matagal na silang naghihintay ni Thea.

"Ay waw tortoise!" Sagot ko natawa talaga ako sa sinabi nya.

"Tara puntahan naten si Morgan!" Excited na sabi ni Thea.  Di talaga s'ya mabubuhay pag di s'ya nakadikit kay Morgan. Ako ren di rin ako mabubuhay pag wala si Morgan. Chour.

"Wala na daw nauna na! Kaya tara na!" Sabi ni Zach.

Nagulat naman kaming lahat. Weh? Si Morgan? Pumunta ng maaga practice? Di s'ya late!

"Anong nakain non? Nalaman n'ya na bang hindi nakakaganda yung pagiging late? Tara na nga hayuf iniwan tayo!" Sabi ni Elle.

Napangiti nalang ako, late man si Morgan o hindi. Maganda parin sya.

Sumakay na kami ng jeep. Pag-baba namin sa may kanto nakita namin si John Dave anak s'ya ng principal at sobrang swerte naming naging tropa namin s'ya.

"Saglit lang bumili ako ng hotdog sandwich" sabi nya. Maya-maya naman inabot na sa kanya.

"JD" sabi ni Thea na tila ba may pag-kaboses bata, sabay nakatingin ito sa hotdogs na hawak ni John Dave.

"Ano? Ba't ganyan ka makatingin?" Nagtatakang tanong ni John Dave. Halatang naguguluhan din sa ikinikilos ni Thea.

"Kase" sabay nag-pacute. Ngayon alam ko na ang ipinapahiwatig ni Thea, gusto nyang humingi ng hotdogs. Sa sobrang cute nilang tingnan naisip ko ren na 'iship ko kaya sila pareho naman silang maliit'.charot. Mas matangkad pa pala saken si John Dave.

"Kase ano?!" Medyo malakas na yung pag-katanong n'ya, halatang clueless pa rin.

"Wag na pala"

"Tingnan mo 'toh! Ano nga?"

Lumapit si Zach sa kay John Dave at binulungan ata na ang gusto ni Thea ay yung hotdogs na hawak niya.

Nako 'tong dalawang 'to sarap iship eh. Pag-ito nag-katuluyan, manliligaw na talaga ako kay Morgan.

"Ayaw ko na nga n'yan iyo nalang, ayaw mo naman ibigay kanina!" Nakangusong sabi ni Thea.

"Malay ko naman kung humihingi ka, eh nakatingin kalang naman sa hotdog na parang wala ng bukas!" Tugon naman ni John Dave.

Andito nalang kami sa tricycle nag-aaway pa rin sila. Nakasakay kami ngayon para pumunta doon sa subdivision kung saan kami mag pa-practice may kalayuan din kase.

Pag-dating namin, nag-start na silang mag ayos ng pwesto para sa maayos na traffic ng sayaw.

Andito rin sila Dewei, Arkiel, Tyrone, at ang Hernadez twins. Pati na rin ang iba naming kaklase. Wala dito si Blake wala daw kasi s'yang passion sa pag-sayaw, mag-ta-translate nalang daw siya ng English at Arabic Words.

"So girls ganto hahawakan nyo sa balik-" Di' na natapos sa sasabihin nya si Morgan nang mapansin nya na wala akong ginagawa.

"Calla asaan yung partner mo?" Naiiritang tanong sakin ni Morgan dahilan para mapatingin saken halos lahat ng kaklase ko. Pagod na sya at medyo magulo na ang buhok nya kanina pa kase s'ya nag sasaway sa mga kaklase kong lalaki.

"Wala akong partner, sabi mo rin kase kanina na tayo mag partner eh." Sagot ko sa kanya na parang meron pang pag-aalinlangan.

"Hindi na, si Zach ang partner na ang partner ko ikaw si Dewei ang partner tutal pareho naman kayong nandyan sa gilid. Ikaw naman Sahara tumalikod partner mo si Tyrone!" Napakamot naman si Morgan sa ulo nya, samantalang ako, si Dewei, si Thea, si Elle at si Zach ay bakas parin ang pag-bigla. Tumingin naman sa akin si Elle at binigyan ako okay-ka-pa-ba-look? At tumango naman ako.

Alam naman ni Morgan na ayaw kong may mga partner partner na lalaki kaya nga pumayag s'ya na s'ya nalang yung partner ko.

Napatingin naman ako sa kanya. Masaya s'ya habang kapartner nya si Zach.

"So girls ilalagay nyo kamay nyo sa balikat ng partners nyo." Sabi ni Morgan habang pinapakita kung paano ang gagawin.

Di ko 'toh kayang gawin, ewan ko nandidiri ako. Hindi kay Dewei ah sa gagawin ko.

"Go Calla! Kaya mo yan! Gawin mo na!" Sunod-sunod na sabi ni Morgan.

Sige parang 'di ko talaga kaya pero susubukan ko. Dahan-dahan kong inangat ang mga kamay ko at ipinatong ni Dewei. Walang pakielam si Dewei nakatingin lang sya kay Morgan at Zach habang dinedemonstrate nila yung gagawin.

Pag-kahawak na pag-kahawak ko ng balikat ni Dewei. Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ang palapulsuhan ko iginlaw.

"Dito daw banda" malamig na sabi nya.

Bigla naman akong nanghina, 'di ko alam pero biglang sumakit ang ulo ko.

.

.

"Dito banda kuya sa may wrist po."

"Maniwala ka saken Shana 'di yan masakit tatlong letra lang."

"Pero Christopher!"

CMK.

Hilong-hilo na'ko ni hindi ko maintindihan ang mga boses na naririnig ko.

"Paypayan n'yo baka napagod ng sobra yan" sabi nung isang babaeng nakatayo may dala s'yang plangganang maiit.

"Ma ito yung pamahid" sabi nung isang lalaki.

Di ko sila ganon makita, medyo nanlalabo pa ang mga mata ko.

"Calla? Gising ka na ba? Gising na po ata s'ya!" Sabi nung isa pang babae sa tabi ko.

Unti-unti namang luminaw ang mata ko at naaninagan na ang babaeng katabi ko ay si Elle at yung lalaki naman kanina ay si Dewei.

"Asaan ako? Tara na dre!" Sabi ko kay Elle.

"Nako mukhang tigasin 'tong batang 'to ah. Wag ka munang malikot papahiran lang kita nito para di ka na mahilo." Sabi nung isang babae, halata sa itsura n'ya na nanay na sya.

"Sige na mga anak lumabas na muna kayo, okay na naman s'ya ako na muna ang bahala" nag-alisan naman ang mga kaklase ko. Maging si Elle at si Dewei at lumabas din. "Alam mo nagulat ako kanina nung tumakbo dito si Dewei tapos may bitbit na babae. Akala ko kung anong nangyari at inakala ko pang girlfriend ka n'ya" nagulat naman ako sa sinabi n'ya.

"Ka-ano-ano po ba kayo ni Dewei?" Tanong ko sa kanya.

"Ako ang nanay nya, Alam mo nung bata pa ako ganyan din ako katulad sa'yo." Tugon nya sa akin na para bang kilalang-kilala ang pag-katao ko.

"A-ano po ang ibig n'yong sabihin?" pagtatakang tanong ko.

"Ganyan din ako katulad sa'yo, Pero hindi ibig sabihin n'yan ganyan ka na. May panahon pa para magbago. Pag dumating yung panahong yun, pag nakita mo na s'ya natitiyak ako na lalabas ang totoong ikaw."

"Totoong ako? Pero ako po ito."

"Uusad pa ang panahon makikilala mo ang totoong ikaw!"

"Callaaaa!May dala kaming Ice Cream para ma refresh ka!" Biglang pumasok si Morgan at may dala nga s'yang Ice Cream at pumasok na rin ang iba naming kaklase.

"Oy kamo kinilig ako kanina sa inyo ni Dewei kanina!" Nag tutumiling sabi ni Simon. Barbie pala talaga s'ya, kaya pala yung tinanong nila ako about sa number number nung second day ko wagas tumili.

"Baklang 'toh may nakakakilig ba don?" Tanong ni Ate Diandra binatukan n'ya pa si Simon.

"Oo parang si Calla yung prinsesa tapos si Dewei yung mag-liligtas sa kanya." Tugon naman ni Simon.

"Oo nga no? Yieeee ship ship" sabi ng mga kaklase ko.

"Ehem" napatingin naman kami sa mama ni Dewei. Napahimas nalang ako sa sintido ko. Nakakahiya!

"Sige na maiwan ko na kayo, sa tingin ko okay na naman s'ya maya-maya pwede na ulet kayong mag-practice." Marahan na sabi ng nanay nya.

"Sige po salamat!" Sabi ni Morgan.

"Oy ako den kinilig ako sa inyo ni Dewei kanina, paano kase nasayaw lang tayo eh buti nalang nakahawak ka sa balikat n'ya tapos nahawakan n'ya yung waist mo yie!" Pang-aasar pa ni Sahara.

Ano ba tong pinasok ko? Bat kase may himatay-himatay pa.

Nag-practice na kami ulet natapos naman namin yung sasayawin practice nalang para maperfect yung pag-transition ng formation.

Kasalukuyan kami ngayong nag-lalakad palabas ng subdivision.

"Alam mo ba Calla?" Tanong sa akin ni Morgan na para bang kinikilig pa.

"Ano?"

"Nanliligaw sa akin si Zach!" Sandali naman akong napatigil. Ano? Nililigawan sya ni Zach? As in ni Zachary?

"Diba nakakabigla! Sasagutin ko s'ya sa August 27 para isang buwan n'ya kong liligawan.

"Oh talaga? Gusto mo rin ba s'ya?" Sa sandaling 'to kinakabahan ako sa isasagot nya.

"Oo naman kaya ko nga s'ya sasagutin eh! Pero paaabutin ko muna ng isang buwan yung panliligawa nya sa akin."

"Ay ganon ba? Congrats! Natutuwa ako para sa inyo!"

Nandito muna kami ngayon sa SM tumatambay muna bago umuwi nakita ko namang pasimpleng hinahawakan ni Zach ang kamay ni Morgan.

"Guys! Alam nyo ba? Nililigawan na daw ni Zach si Morgan!" Natatawang sabi ni Tyrone.

"Loko ka talaga ang ingay mo!" Nahihiya namang sabi ni Zach.

Lumayo muna ako para bumili ng milk tea. Nagulat naman ako nang biglang sumunod sa akin si Elle.

"Okay ka lang?" Tanong n'ya sa'kin. Lagi nalang s'ya concern sa'kin ang swerte ko na kaibigan ko s'ya.

"Walang nang pag-amin na magaganap."

Dahan n'yang tinapik yung likod ko. Sabay naman akong napatingin doon sa nakalatag na plastic bermuda grass kung saan sila naroon.

Wala nang magaganap na pag-amin. Siguro dapat ko nang itigil 'tong katangahan ko.

Una sa lahat talo ako. Pangalawa babae ako. Ang babae ay para sa lalake.

Siguro tama yung mama ni Dewei. Dapat ko nang hanapin ang totoong ako o malalaman ko na yung totoong ako.

__________________________________

This story is UNEDITED. Sorry sa mga Typographical Errors at sa mga Wrong grammar hehe. Di po ako isang professional writer. Thanks for reading! Lovelots <3

Nächstes Kapitel