webnovel

Kabanata 8

MARAHAN niyang iminulat ang mga mata, hapong-hapo ang pakiramdam niya sa tuwing nagigising siya mula sa pagkakatulog. Ganoon ang nangyayari sa kaniya ngayon, makalipas ang sampung taon matapos mawala nina Toushiro.

Iinot-inot siyang napaupo sa kamang kinahihigaan, madilim pa rin sa labas. Habang patuloy na bumabagsak ang malakas na ulan. Napatitig siya sa sariling repleksyon niya sa kuwadradong salamin na nakaharap sa kaniya na nasa gilidan ng kamang kinahihigahan niya. 

Kitang-kita niya ang nakatayong pigura ni Toushiro na nasa tabi ng kama niya. Kababakasan ng lungkot ang mukha nitong nanlilimahid sa dugo. Hinayaan niya ito, sa sampung taon na ang lumipas ngunit hindi siya  iniwan ng kakambal. Lagi itong nakamasid sa bawat galaw niya, lagi siyang kinakausap. Na kahit malaki ang nagawa niyang kasalanan sa mga ito ay hindi siya tuluyang kinasuklaman. Dahil ang totoo may totoong dahilan kung bakit nagawa niya iyon sa kanila. Sa paglipas ng mga taon, unti-unting bumabalik ang dating siya. 

"Napaginipan mo na naman ba siya bro.?"Tanong ni Toushiro sa kapatid. 

"Oo atleast doon magagawa ko ang imposible,"bulong niya na may lakip ng kasiyahan sa tinig. Dahan-dahang umupo sa tabi niya si Tosh.

"Magagawa mo rin naman sa kaniya iyan sa personal, kung gugustuhin mo lang Dexter,"sagot ni Tosh sa kaniya. Nasa tinig nito ang simpatiya para sa kakambal.

Napailing-iling ito kasabay ng paghihilamos ni Dexter sa kaniyang mukha. Nahahati ang desisyon niyang palawigin ang nararamdaman kay Carrie. Totoong nagkita na sila noon, ngunit ang unang pagtatagpo nila ay hindi na puweding maulit pa. Dahil iyon ang tama, dahil ang nakatakda ay hindi maaaring ibahin. Maaring maapektuhan ng labis ang itinakda. Kung hindi siya mag-iingat... magaganap ang hindi dapat mangyari. Kapag ipinagpatuloy pa niyang  palalawigin ang pakikipagkilala niya rito.

Sa nakalipas na taon, kailanman hindi nawaglit sa puso niya si Carrie. Lalo lang lumago ang nararamdaman niya sa pagdaan ng mga taon. Ngunit sa pagkikita nilang iyon, alam niyang madaming mababago.

Magiging kumplikado ang lahat, maaring bumaligtad ang nakatakda. Ngunit mapipigilan niya iyon, siya ang gagawa ng paraan. Kahit ang sariling buhay niya ang kapalit, maprotektahan lamang niya si Carrie sa sarili.

"Hayaan mo ako nang bahalang makipag-usap sa kaniya,"bulong nito hanggang sa unti-unti naglaho sa tabi niya ang kakambal.

Napakuyom ang kamao ni Dexter, nagtagis din ang kaniyang ngipin kasabay ng marahas niyang paghugot ng hininga dahil sa pagpipigil ng galit. Lalo niyang kinamuhihan ang dahilan kung bakit kinailangan niyang mabuhay sa paraang ganito. 

Mabilis niyang hinayon ang lamesa na kung saan nakapatong roon ang bagong bili niyang notebook. Kung saan siya nagsusulat ng sequel nang katatapos lang niyang nobela. Sa ngayon, isusulat niya paunti-unti ang bawat pangyayari na itinatampok ng kaniyang mga panaginip. 

Kakailangan niyang isulat ang lahat sa pagkakasunod-sunod, dahil malaki ang magiging papel nito sa hinaharap. Hanggang sa makarating siya sa bahaging unti-unti siyang lalamunin ng lahat. Sana nga hindi mangyari ang kinatatakutan niyang maganap sa babaing minamahal.

Mabilis niyang pinaglakbay ang kaisipan, kasabay ng paggalawan ng kamay niya upang magsulat.

Hindi na siya muling natulog dahil alas-kuwatro na ng madaling-araw, pagkatapos niyang maisulat ang lahat ng nilalaman na kaniyang napaginipan. Mabilis na siyang naghanda sa pagpasok, madami siyang aasikasuhin dahil sa parating na aktibidad ng eskuwelahang pinagtuturuan.

Nagkakape na siya ng makaramdam siya ng malamig na hangin mula sa kaniyang likuran. Hinawakan niya ng mahigpit ang tasang tangan niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, pati pagpintig ng puso niya'y bumilis din. Isang nakakakilabot na tawa ang narinig niya hanggang sa palakas ng palakas ang naririnig niya. Bumagsak ang tasang hawak niya sa sahig, kasabay niyon ang pagkabasag at pagkapiraso-piraso ng tasa.

"Hindi mo matatakasan ang singil ng kahapon Dexter, magtago ka man sa bago mong pangalan. Sa hukay pa rin kita na aking inihanda ang pupuntahan mo. Kailanman hindi masisira ang sumpa hangga't nabubuhay ka. Tandaan mo, pati ang babaing iyon, isasama ko sa hukay!!!"Malademonyo  bulyaw nito sa kaniya. Tila dudugo ang tainga niya sa tinis ng boses nito.

"Manahimik ka! Hangga't nabubuhay ako, hindi ko hahayahang masaktan mo siya! Hindi ko hahayahang makontrol mo ako ulit at magawa ang mga pangyayaring hindi ko ginusto dati!" Gigil na balik-sagot ni Dexter.

"Mabubuhay? Paano nga kung ang kamatayan mo lamang ang susi para mawala ang sumpa. Tandaan mo, ang sumpa ay malalagot sa kadugo ng isang lahing nagbigay ng sumpa sa inyong lahi. Saan ka mag-uumpisa Dexter, saan ka maghahanap kung ikaw mismo'y walang ideya kung sinong pamilya ang nanumpa sa inyo!"Kasabay niyon ang mala-demomyo nitong tawa. Hanggang sa tuluyan na nag-sipagbagsakan   ang mga kagamitan sa paligid niya na tila may malakas na puwersa ang dumaan. Mayamaya'y dahan-dahan bumalik sa dati ang temperatura sa paligid.

Muli niyang idinilat ang mga mata, tila walang anumang naganap. Malinis na malinis ang paligid, maski ang tasa na may laman na kape ay hawak pa rin naman niya at patuloy na umuusok. Tumayo na siya at kahit hinang-hina pa. Ganito tumatakbo ang buhay niya magmula ng malaman niya ang sekreto ng kanilang angkan na nanggaling mismo sa kaniyang mga panaginip. 

Nang mapatay nga niya ang ama'y tila sa kaniya lumipat ang sumpa. Sumpa ng isang 'di niya kilala na nilalang na nais umubos ng kanilang lahi.

Sa ngayon, pilit niyang tinutuklas kong ano ang makakaalis sa  sumpang bumalot sa kanilang angkan. 

Ang halimaw sa loob-loob niya'y tila nilalamon siya sa tuwina. Ngunit hindi niya hahayahang madaig siya nito. Hinding-hindi!

Dahan-dahan siyang tumayo para kumuha ng kutsilyo, mahigpit niyang hinawakan ang hawakan nito at agad niyang inuumang sa sarili. Dumaloy ang pulang likido sa katawan niya. Ngunit sa pagkadismaya hindi man lang siya nakaramdam ng kung ano man sakit. Dahan-dahan niyang inalis ang kutsilyong nakabaon sa kaniyang katawan. Napuno ng hindi maipaliwanag na pakiramdam ang sistema niya.

Ilang beses na niyang pinagtangkaan patayin ang sarili, ngunit naroon na nanatili siyang buhay at hindi nakakaramdam ng kung ano man. Sa paglipas ng panahon, unti-unti na siyang nilalamon ng sumpang tinatakbuhan ng kanilamg angkan na naganap pa noong unang siglo. Patuloy siyang maghahanap ng kasagutan sa lahat, pero habang tumatagal ay unti-unting napapalitan ang katauhan niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya makakayang makontrol ang halimaw na unti-unting pumapatay sa dating siya. 

Matagal na palang nanalaytay sa angkan nila ang sumpa. Lahat ng dating panganay na anak na lalaki ng pamilyang Lacus ang siyang papatay sa mga babaeng maiiuugnay sa buhay ng bawat lalaki sa kanilang angkan. Kaya pala roon nanggaling ang sakit ng Papa nila, hindi na nito nakokontrol ang sarili at lantaran na itong pumapatay.

Kaya natatakot siyang pati si Carrieline ay madamay. Ayaw niyang dumating ang mga sandaling iyon. Bago maganap iyon, uunahin na muna niyang patayin ang sarili! Sana nga mamatay na lang siya para wala ng madamay pa...

~~~~~

NAGLALAKAD na siya ng makita niya sa harapan ng gate ang puting kotse ni Carrieline. Papalabas pa lang ito ng kotse nang magkasalubong ang mga mata nila.

Unti-unting kumurba sa labi ni Carrieline ang matamis na ngiti, maski siya'y kusang napasunod. Tila may mahika at panghalina ang taglay nitong ngiti. Pilitan man niyang pigilan ang nararamdaman, hindi na yata mababago ang itinakda.

"Once you break the rules, you gonna ruin all..."bulong sa isip ni Dexter.

"Kamusta Carrie, bakit narito ka?"Usisa ni Dexter.

"Dadalawin ko lamang ang pamangkin ko Shin,"sagot niya sa tanong ni Dexter.

"Baka kilala ko ang pamangkin mo?"Balik-sagot ng binata. Naglakad na sila papasok sa main gate ng school. Tinapunan pa nang tingin ng binata ang loob ng sasakiyan ni Carrieline, nagtataka siyang muling nagtanong sa dalaga.

"Wala yata 'yung kasama mo kagabi?"Usisa ni Dexter dito.

"Huh! Ah si Jared nasa mansiyon, tulog pa iyon Dex. Hayaan mo next time isasama ko siya para naman makilala mo siya."nakangiting bigkas ni Carrie na napalingon pa sa iniwan nitong sasakiyan.

"Kahit 'wag na..."mahinang bulong ng binata na umabot pa sa pandinig ng dalaga.

"Anong sabi mo Shin?"Nagtatakang tanong nito kay Dexter.

"Nothing don't mind me, anyway ihatid na muna kita sa classroom ng pamangkin mo. Malay mo isa siya sa mga estudyante ko,"masiglang sabi ni Dexter na sinabayan pa siya sa paglalakad.

Napangiti siya nang makitang si Denver ang pamangkin nito,  hinayaan na niyang mag-usap ang mag-tita. Dahil kailangan niya pang pumunta sa admins office.

Nakatalikod na siya ng sinundan ni Carrieline nang tingin ang likod ng binata, nawala ang ngiting ipinaskil niya sa kaniyang labi. Hanggang maari pananatilihin niyang umaayon sa sitwasyon ang plano niya, alam niyang malaki ang kinalaman ni Shin sa mga kababalaghang nangyayari sa kaniya. Kung sino man ito sa buhay ni Toushiro at kung ano ang papel nito sa buhay niya. Kung kailangan niyang galingan ang pagpapanggap para matuklasan niya ang lihim nito ay gagawin niya. Ngunit agad din siyang nabalisa, kung sa pagpapanggap niyang iyon lalo lamang niyang sinasaktan ang pusong natutong nang umibig dito ng kusa...

Nächstes Kapitel