webnovel

Chapter 8

Chapter 8

"Baby, anong niluluto mo?" Muntikan na akong mapatalon sa biglaang pagsulpot ni Von sa likod ko. Niyakap ako nito patalikod kaya naman bahagya ko syang siniko.

"Masusunog 'to, Von. Tumigil ka muna," pero imbes na sundin ako ay ipinatong ni Von ang kanyang baba sa aking balikat at mas lalo pa akong niyakap.

Napangiti ako. Hininaan ko na lamang muna ang gas para kahit papaano ay hindi masunog ang niluluto ko.

"I really missed you, Irene... Baby." Uminit ang pisngi ko bago ko napagpasyahang patayin ang Gas stove.

"I missed you too, Von. Teka, bitaw muna. Ihahanda ko lang 'to." Saad ko sa kanya at bahagya syang siniko.

Bumitaw nga ito sa pagkakayakap sa akin ngunit hindi naman ito umalis sa likod ko. Napapitlag ako noong hawakan ni Von ang magkabila kong kamay na may hawak na sandok at kawali. Sya na mismo ang gumawa ng paglipat ng niluto kong ulam sa mangkok na nasa aking harapan.

Napangiti ako. Nang matapos akong maghanda ng pagkain naming dalawa ay nasa likod ko parin sya na parang tuko na nakayakap sa akin.

"Anong nakain mo, Von? Bakit bigla kang naging makapit?" Natatawa kong tanong kay Von. Bumitaw ito sa pagkakayakap mula sa likod ko at hinigit ako paharap sa kanya.

Nanlalaki naman ang mga mata ko noong makita ko ang mga mata nyang lumamlam. Ngumiti ito sa akin bago unti unting nilapit ang kanyang mukha sa akin. Napapikit ako noong tumingin ito sa labi ko habang patuloy ang ginagawa nitong paglapit sa mukha ko.

Nanigas ang katawan ko noong dumampi ang malambot na labi nya sa tungki ng ilong ko. Napadilat ako ng wala sa oras at tinignan sya. Ngumiti ito sa akin at hinawakan nya ang pisngi ko bago ako hinalikan sa aking noo.

"I love you." Napasimangot ako sa sinabi na iyon ni Von. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at saka ngumiti.

"You know I love you more," nakangiti kong sagot kaya naman sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi.

Matapos iyon ay kinain na namin ng sabay ang niluto ko. Ganadong ganado ito kung kumain na animo'y hindi ito kumain ny ilang araw. Palihim na lamang kong natatawa t'wing iinom sya ng tubig dahil nabubulunan ito.

"Saan mo nga pala nakita ang kapatid ko?" Pag-o-open up ko ng topic namin. Sandali itong natigilan at uminom ng tubig bago nag-angat ng tingin sa akin.

"Sa Pangasinan." Simpleng sagot nito at muling kumain. Napatango na lamang ako dahil ganon din ang nakalagay sa address na ibinigay sa akin ni Shion.

"Anyway, Baby. Aalis ulit ako, next month na ulit ang balik ko." Napatigil ako sa pagkain ko noong sabihin nya iyon. Huminto naman si Von sa pagkain nito at saka tumingin sa akin.

Sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi nito. Nakatingin lamang ako sa kanya at nag-iintay sa mga sasabihin nya.

"I'm studying in Pangasinan, and i will be staying there." Nakangiti nitong saad habang nakatingin parin sa akin.

Seryoso lamang akong nakatingin sa kanya, hindi ko makapagsalita. Oo alam ko na mag-aaral sya sa ibang lugar pero hindi ko alam na sa Pangasinan din ang lugar na iyon.

Nawala ang ngiti sa labi ni Von noong mapansin nya siguro ang pananahimik ko. Bumuntong hininga ito bago inabot ang kamay ko upang hawakan iyon. Napayuko ako.

"Sa Linggo pa naman ako aalis, Irene. But... If you don't want me to study there, then I'll stay. I'll stay with you here." Napaangat ang tingin ko kay Von at kita ko kung paano ito ngumiti.

Bahagya nitong pinisil pisil ang aking palad. Napaiwas ako ng mga mata sa kanya. Palihim ko rin na kinagat ang labi ko dahil kung ano ano ng pumapasok sa isipan ko. Nag-o-overthink nanaman ako.

Kung kailan napagpasyahan ko na hindi ko na sya hihiwalayan, saka naman naging ganito.

Hindi na nga ako tumupad sa usapan namin ng Mama ni Von, pero ito naman sya sa akin ngayon at sinasabi na aalis sya para mag-aral.

"I want the best for my son."

Bumalik sa akin ang sinabi ng Mama ni Von. Na hindi pumapayag si Von na umalis at mag-aral sa abroad dahil maiiwan nya ako. Sa tingin ko, ako ang nagiging hadlang para matupad nya ang pangarap nya. And i don't want that.

Tumayo ako, napatingala sa akin si Von at halata ang gulat. Kinalas ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko kaya naman agad itong tumayo rin. Kita ko sa mga mata nya na nag-aalala sya.

"Irene, if you don't want me to leave, i won't. I'll stay here with you." Tinalikuran ko sya at dumeretso sa banyo ng inuupahan kong apartment.

Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Von at pagtawag nito sa pangalan ko. Hindi ko ito nilingon at agad na sinarado ang pintuan ng banyo. Napasandal ako sa pintuan at narinig ko ang pagkatok ni Von dito.

"Irene, Baby let's talk. Open this door. I won't leave anymore. Please," pagmamakaawa nito kaya naman napabuntong hininga ako.

"Irene, baby... Please." Nawala ang pagkatok ni Von noong hindi ako sumasagot sa kanya.

Nagbuga ako ng hangin at napaupo na lamang. Hinilamos ko ang aking palad sa aking mukha dahil naguguluhan ako.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ako ng banyo at nagulat ako noong makita ko si Von na nakatayo mismo sa labas ng pintuan ng banyo. Tumingin ito agad sa akin at saka matamlay na ngumiti.

"Irene, baby... I won't leave y---"

"Hindi naman tayo maghihiwalay, hindi ba? Aalis ka lang para mag-aral, hindi para iwasan ako, hindi ba?" Tanong ko sa kanya kaya naman napangiti si Von.

Lumapit ako sa kanya at sa sandaling makalapit ako at agad nya akong hinapit at ikinulong sa mga bisig nya. Sinubsob ko na lamang ang mukha ko sa kanyang dibdib.

"Yes, Baby. Mag-aaral lang ako sa Pangasinan. At hindi ko gagawin yung sinasabi mong iiwasan kita. I can't do that to you, I love you." Napangiti ako. Habang nakayakap ito sa akin ay naramdaman ko na humalik ito sa tuktok ng ulo ko.

"Sige, payag akong umalis ka para makapag-aral ka." Sabi ko sa kanya noong sandaling bitawan na nya ako.

Tumango tango ito habang nakangiti sa akin.

"Promise, i will call you everyday. At babalik ako dito t'wing katapusan ng buwan." Napangiti ako at saka tumango

Ako naman ang pumihit upang mayakap sya. Agad naman itong gumanti ng yakap.

Nakapag-isip na ako. Hindi ako papayag na ako ang magiging dahilan kung bakit hindi makakaalis si Von para mag-aral sa ibang lugar. Nangako kami sa isa't isa na susuportahan namin ang bawat isa sa kung anong desisyon nito, lalo pa't kung ito ang makakabuti para sa isa sa amin.

-

Mabilis na lumipas ang araw para sa aming dalawa ni Von, at ngayong araw na ang araw ng pag-alis ni Von upang bumalik sa Pangasinan. Dito nag-stay sa apartment ko si Von sa loob ng ilang araw habang nag-iintay ng araw ng pag-alis nya.

"Sigurado ka bang payag ka sa pag-alis ko, Irene? Don't you want me to stay here with you? Pwede naman akong mag-aral dit---" pinutol ko ang pagsasalita nito sa isang mabilis na halik sa labi.

Alam kong natigilan si Von dahil first time ko syang hinalikan sa labi nito. At sa loob ng dalawang taon naming magkarelasyon ay hindi nito ako hinahalikan sa labi hangga'y hindi pa ako nag-e-eighteen. Pero ngayon, ako na mismo ang humalik sa kanya sa labi dahil alam kong hindi kami magkikita ng matagal na panahon.

"Baby..." Usal nito noong matapos ko syang halikan. Tanging ngiti lamang ang ibinigay ko sa kanya bago ko sya niyakap ng mahigpit.

Narinig ko naman ang paghinga nito ng malalim na tila may iniisip. Tiningala ko ito habang nakayakap parin ako sa kanya at akmang magsasalita ito noong unahan ko na sya.

"Babalik ka naman, diba? Tatawagan mo ako araw-araw. May tiwala naman ako sayo na hindi ka magloloko sa akin." Saad ko sa kanya kaya naman ngumiti ito at tumango. Napangiti naman ako bago kumalas sa pagkakayakap.

"I won't cheat. Ikaw at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, Irene. And i swear to god na kung sakaling magloko man ako, hindi ko gusto 'yon." Tumango ako noong sumagi sa isipan ko ang sinabi ng Mom ni Von.

Hindi naman siguro papayag si Von na mangyari 'yon. At hindi naman na siguro gagawin ng Mom ni Von 'yung bagay na 'yon kung hindi papayag si Von. Napangiti ako sa kaisipang iyon.

"Sige na, Von. Andyan na ang sundo mo." Itinuro ko ang isang itim na kotse na kararating lamang at alam kong si Von ang sadya noon.

Tinignan ako ni Von na parang nag-aalangan pa kung sasama pa ba o mananatili na lamang. Natawa na lamang ako sa kanya bago ko sya ipagtulakan patungo sa kotse na nag-iintay sa kanya.

Bumusangot ang mukha ni Von noong binuksan ko na mismo ang pintuan ng kotse para sa kanya.

"Hindi ka naman excited na paalisin ako, ano?" Natatawang tanong ni Von sa akin kaya naman hinampas ko sya ng mahina sa braso nito.

"Syempre, kailangan mo ng umalis hanggang hindi pa nagbabago ang isip ko. Sige ka, baka mamaya hindi ka na makapunta sa Pangasinan kasi nagbago na ang isip ko. Bilis na! Pasok na," saad ko kay Von kaya naman tumawa ito ng bahagya.

Hinawakan na nito ang pintuan at tumingin sa akin ng diretso.

"Okay lang naman na magbago ang isip mo, hindi ako aalis kung hindi mo gusto na umalis ako." Napasimangot ako at saka tumingin sa kanya ng masama.

"Para sayo naman 'to eh. Para sa future mo."

"Future natin, hindi lang future ko." Nakangiti nitong dugtong na lalong ikinangiti ko.

Ngumiti si Von at mabilis na hinigit ako para sa isang mahigpit na yakap. Tumugon naman agad ako at ngumiti upang pigilan ang ang luhang nagtitimpi.

"I will be back, hmm? Just wait for me, Irene. I will come back." Tumango ako at naramdaman ko ang paghalik nito sa tuktok ng ulo ko.

Pumasok na ito sa loob ng kotse at ngumiti sa akin. Kumaway ako sa kanya noong isasarado na nya ang bintana ng kotse, pero bago iyon tuluyang magsara ay may sinabi pa ito sa akin na agad ko namang sinagot.

"I love you more, Von. I'll wait for you." Kumaway na ito sa akin habang nakangiti. Ganon din ang ginawa ko hanggang sa umandar na ang kotse at naiwan akong magisang kumakaway sa papalayong sasakyan.

Bumagsak ang balikat ko noong hindi ko na matanaw pa ang sasakyan ni Von. Tumalikod na ako ngunit sa pagtalikod ko ay bumungad naman sa akin ang taong hindi ko inaasahang makikita ko ngayon.

Kinabahan ako. Nakatingin lamang ito sa akin ng diretso, ngumiti ito ngunit napaka-misteryoso ng bawat pagngiti nito.

"I'm glad to see you again, Ijah." Nanuyo ang lalamunan ko sa klase ng tono na ginamit nya. Halata ang disugusto nya na makita ako ngunit tinatago lamang nito iyon sa tamis ng ngiti nito.

"Hindi ka tumupad sa usapan natin, Irene." Nanlambot ako. Hindi ako makagalaw kaya naman lalo itong napangisi noong makita ang reaksyon ko.

No. Hindi ako papayag na kausapin nanaman ako ng Mom ni Von para hiwalayan si Von. I already promised to myself na ipaglalaban ko ang relasyon naming dalawa ni Von.

-

Written by Chewzychick

Nächstes Kapitel