"Kung gusto mong umalis, hindi ka namin pipigilan. Basta siguraduhin mo lang na wag ka nang babalik dito dahil kung hindi ay baka makalimutan naming minsan kang naging parte ng buhay namin," ani Roja habang patuloy na sinasamaan ng tingin si Orlando.
Napatango naman ang huli. "Sure. Walang problema. Bakit sa tingin niyo ba gusto kong manatili sa bulok na apartment na 'to?" Pagak itong natawa. "Di bale nalang na mag-isa ako sa condo ko, wag ko lang kayong makasama sa iisang bubong," Dagdag pa nito at pagkuwan ay dali-daling tinungo ang pinto ng kwarto
Ngunit akmang bubuksan niya na iyon ay saka naman ito nahinto nang biglang bumukas iyon. Mula roon ay bumungad si TJ na bahagyang napangiti sa kanilang lahat. At sa pagkakataon ding iyon ay dali-dali silang nahinto sa kanilang pag-aaway ganon din si Orlando na naudlot ang paglabas mula sa kwartong iyon.
Humugot ito ng malalim na buntung-hininga at pagkuwan ay nirekisa ang kabuuan ng kwarto. "Ayaw ko sanang mang-istorbo kaya lang ay kanina pa kasi may tumatawag sa cellphone ni Marco. Naka-sampung missed calls na yata 'to. Gustuhin ko mang sagutin kaya lang ay baka private 'to at malintikan ako kapag nangialam ako," Ngisi nito.
Si Aleman ang sumagot. "Ganon ba? Hindi kaya si Ms. Pereena 'yan at kinukulit na naman ang magaling mong kapatid na makipag-usap sa kanya?" Maya-maya'y baling nito kay Roja. "O baka naman nalaman niya na 'yung tungkol sa balita?"
Napailing si Roja. "Hindi ko alam pero hindi malabong mangyari 'yun,"
Matapos sabihin iyon ay dali-daling kinuha ni Roja ang cellphone ng kanyang kapatid mula kay TJ. Agad niyang tiningnan ang pangalan ng caller at imbes na pangalan ng kanilang ina ang nandoon ay nabigo siya. It was an unknown number from an unknown caller.
Hindi niya alam kung sino iyon kaya naman hindi nagtagal ay dali-dali siyang nagtungo sa labas ng banyo at pagkuwan ay kinatok ang pinto. Nakasisigurado kasi siya na iyon lamang ang tanging lugar na siyang pupuntahan ni Marco para makaiwas sa gulo na nangyayari sa harapan nito.
Marco hates fights and trashy conversations. At bukod doon ay paniguradong ayaw din nitong lumabas sa living room dahil baka mas lalo itong mag-init lalo na kapag nakita nito ang pagmumukha nina TJ at Fernando.
"Tol, may tumatawag sa'yo," aniya habang tutok pa rin ang kanyang mga mata sa cellphone ng binata. "Hindi ko alam kung sino dahil number lang naman ang nandito. Kung ayaw mong sagutin at hindi naman ganon ka-importante 'to ay papatayan ko nalang. Just give me the permission," He said and knocked again.
Nagsalita si Aleman. "Paano kaya kung ikaw nalang ang sumagot ng tawag na 'yan? Hindi naman siguro magagalit si Marco,"
"At kung magalit? Ikaw ang haharap sa kanya?" Mabilis niyang sambit at pagkuwan ay sinamaan ng tingin ang binata. "Nasampulan na 'ko kanina at ayaw ko nang maulit 'yun. Kung gusto mo, ikaw nalang ang sumagot nito at para maranasan mo rin ang mapahiya,"
Sumabat si Miguel. "Sa tingin ko ay tama si Aleman. At kung hindi mo sasagutin 'yan ay baka mabingi tayong lahat dahil sa tinis ng ringtone na 'yan," Iritableng anas nito. "Di ka ba nabibingi? O nasanay ka na?"
Napailing siya. At imbes na intindihin at sundin ang suhestiyon ng kanyang mga kasamahan ay kinatok nalang niyang muli ang pinto ng banyo. Ngunit hindi naglaon ay agad din naman siyang nahinto nang maramdaman niya na mayroong humugot ng hawak niyang cellphone mula sa kanyang kamay.
It was Orlando.
Matapos nitong agawin ang cellphone na iyon ay dali-dali itong lumayo sa kanya na ikinatitig lang niya sa binata. Pero hindi pa man umaabot ang ilang minuto ay agad din namang nahinto ang pagtawag na iyon.
"See?" Nakangisi nitong anas. "Ako lang pala ang-"
He stopped.
Dahil sa pangalawang pagkakataon ay muling tumunog ang cellphone na ipapatong na sana nito sa ibabaw ng bookshelves. Kaya naman sa mga sandaling iyon ay agad na naglaho ang mga ngiti nito sa labi. He immediately pick it up and without asking for permission from anyone else's, he pressed the answer button.
Sa kalagitnaan ng pagsagot na iyon ni Orlando ay agad na nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kwartong iyon. Kabilang na si Roja ay hindi maalis ang tinging ipinupukol nila sa binata sa mga sandaling iyon.
They were curious about that call and who was Marco's caller. Pero hindi naglaon ay nasagot din naman ang hiling nilang iyon nang napagpasyahang i-loudspeaker ni Orlando ang tawag na iyon.
But to their surpised, it wasn't some random person they expect to hear.
"Hello. It's Marco Silva," Bungad na sambit nito. "Nakailang tawag na 'ko pero walang sumasagot. Mabuti nalang at may sumagot dahil kung hindi ay baka pagtawanan na naman ako nina Orlando at Roja. Di raw kasi ako kagwapuhan," Pagak itong natawa. "Kaya pala halos lahat ng classmates namin ay patay na patay sa'kin. Mabuti nalang pala ay nag-iisa lang si Phoebe sa puso ko," Dagdag pa nito.
Matapos marinig iyon ay agad na napamaang ang halos lahat sa kanila. Hindi sila makahanap ng kahit katiting na salita na pwede nilang sabihin sa mga sandaling iyon.
At kasabay ng pagbaling ni Roja sa kanyang mga kasamahan ay ang kunot-noong pagtitig naman ng mga ito sa kanya. Hanggang sa hindi naglaon ay muli na namang nadagdagan ang kanilang pagtatanong nang marinig nila ang boses ni Orlando na nagsalita mula sa kabilang linya.
"Isang bagay lang naman ang gusto kong sabihin," anito at pagkuwan ay humugot ng malalim na hininga. "Gusto kong maging isang Surgeon balang-araw. Although, ang sabi sa'kin ni Papa ay ipapasok niya 'ko sa pagiging isang Film Director pero napaka-boring na trabaho 'yun para sa'kin," He laughed. "At kung sakali na magpumilit siya ay hahayaan ko lang siya pero gagawa 'ko ng paraan para matupad ko ang pangarap kong 'yun," anito at pagkuwan ay bahagyang natawa. "Roja, ikaw na ang susunod,"
"Ano bang sasabihin ko?" Maya-maya'y tanong nito.
Si Marco ang nagsalita. "Para kang timang! Ikaw ang nag-aya sa'min dito tapos hindi mo alam ang sasabihin mo?" anito na agad na ikinahagalpak ni Orlando. "Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong makita sa future mo. Kung ano 'yung nahuhulaan mong mangyayari sa'yo sa mga susunod na taon,"
"Ganon ba?" anito. "Sige na nga para matapos na ang kabalbalan na 'to," He exclaimed. "By the way, hindi ako ang nag-aya sa dalawang unggoy na 'to. Bwisit kasi 'yung Aleman na 'yun, ang galing magsabi di naman marunong tumupad," Napabuntung-hininga ito. "Balang-araw, gusto kong maging isang Chef. At kahit pa ilang beses akong lait-laitin ni Marco dahil ang sama ng luto ko ay iyon talaga ang pangarap ko. Makikita nila, magkakaron din ako ng sarili kong restaurant at kapag nangyari 'yun ay mas mahal ang sisingilin kong bayad mula sa kanila lalo na rito sa magaling kong kapatid,"
Natawa si Marco. "Sus! Kahit singilin mo pa 'ko ng sampung libo, hinding-hindi magbabago ang opinyon ko sa sama ng luto mo," Natatawa nitong anas na ikinahagalpak din ni Orlando. "Siyangapala, 'yun yung bestfriend ko at kapatid ko. We are three muskeeteers. Hindi ko alam kung bakit 'yun ang itinawag sa'min samantalang mas bagay namin ang tawag na The Golden Trio," Hagalpak nito.
Sa mga sandaling iyon habang nagsasalita si Marco sa kabilang linya ay hindi maaalis-alis ang ngiti sa mga labi ni Roja ganon din si Orlando. Most of them was smiling at that moment without even knowing about it.
At para kay Roja ay sobrang saya niya dahil sa pangalawang pagkakataon ay narinig niya ang halakhak ng kanyang kapatid. Muli ay hindi lamang si Marco ngunit pati na rin silang tatlo na sobrang saya at walang ibang ginawa kundi ang mam-bully ng mga bagong estudyante.
Ngunit maya-maya ay agad din namang naglaho ang kanilang mga ngiti nang marinig nila ang mga sumunod na sinabi ni Marco.
"Siyangapala, bago 'ko ibaba 'tong telepono ay gustong kong sabihin na sana ay matupad niyo ang mga pangarap niyo," He took a deep breath. "Sana ayos lang kayo pagdating ng future at sana ay magkakakilala pa rin tayo. Sana hindi pa rin magbabago ang pagsasama natin at sana ay buo pa rin ang loob nating harapin ang kinabukasan kasama ang bawat isa," Tila ba masaya nitong anas. "Hiling ko na sana hindi masira ang pagkakaibigan natin. Sa muli nating pagkikita. Ba-bye!"
Sa pagtatapos ng tawag na iyon ay agad na binitawan ni Orlando ang hawak niyang cellphone. Kasabay niyon ay ang pagsandal nito sa pader at muli ay napabaling kay Roja na tulalang naupo sa gilid ng kama ni Marco.
Roja, on the other hand, was trying to think about what they just heard from the other line. Sa katunayan ay hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isipin o kung tama ba ang kanyang nasa isip. Mula kasi sa kanyang narinig ay natitiyak niya na hindi iyon tawag na nagmula sa isang scammer.
It was a real conversations from them in the past. Tandang-tanda niya pa ang araw na iyon kung saan ay kasagsagan ng kanilang Intramurals. Halos lahat ay abala sa activities na mayroon ang campus habang silang tatlo na may mas importanteng kailangang asikasuhin ay tinakasan ang kanilang leader.
Until such point had come when they decided to use the telephone in which they just heard themselves talking about their future.
But how did that happened?
"This is ridiculous!" Maya-maya'y rinig nilang sambit ni Orlando.
"Bakit? Anong problema?" tanong ni Phoebe.
Napailing si Orlando. "Posible bang hindi automatic na magbago ang oras at taon na makikita sa cellphone?" tanong din nito na hindi man lang tumitingin sa kausap.
"Anong ibig mong sabihin?" Si Miguel ang nagsalita. "Lahat naman ng cellphone ay automatic, pwera nga lang-"
"Today is October 16, 2005," Mabilis na putol ni Orlando na mas mabilis pa sa alas-kuatrong ikinatitig sa kanya ng lahat. "The start of our fourth year class,"