webnovel

Chapter 33

CHAPTER THIRTY THREE

Threat

"MR. President, this is really bad. Maraming tao ang nawalan ng tiyansang mabuhay dahil sa pagsasarado ng mga hospital sa bansa, kaliwa't kanan ay marami kang makikitang katawan ng mga tao na wala ng buhay. Do you think that this decision is a mistake?" Kumuyom ang kamao ng Presidente dahil sa tanong na ibinato sa kanya ng Vice President.

Binalingan nya ng isang masamang tingin ang Bisi-presidente bago nya hinampas ang lamesa na nasa kanyang harapan na syang naglikha ng malakas na pagkalabog sa buong kwarto, napapikit naman ang bise-presidente dahil sa ginawang iyon ng Pangulo ng kanilang bansa.

"Mistake? Do you really think that this decision is a mistake? This is the only way to save the other people's lives, and you think this is a mistake? Kailangan magsakripisyo ng iba, para sa ikabubuti at ikaliligtas ng karamihan, Jared." Umalingawngaw ang boses na iyon ng Pangulo sa apat na sulok ng kwarto, hindi naman na nakasagot pa si Jared dahil naisip nya na ano pa bang saysay ng kanyang opinyon kung ang nasa harapan nya ay hindi lamang papakinggan iyon.

"Sa tingin mo ba gusto kong ipasarado ang mga hospital, Jared? Pagkatapos ng mga nangyari, from that earthquake to that fvcking hurricane, marami na ang namatay at maraming mga establisyimento ang nasira. Gustuhin ko mang ipagamot ang mga nasugatan, nasaktan, wala akong magagawa dahil bantay sarado nila ang bawat kilos na ginagawa ko." Dugtong pa ng Presidente, tumiim naman ang bagang ni Jared dahil sa narinig.

Gusto nyang magsalita at tanungin ang Pangulo kung bakit ba ito natatakot sa mga taong sinasabi nya? Gusto nyang sabihin na bilang Pangulo ay dapat handa nyang gawin ang lahat para lamang walang masaktan at walang magbuwis ng buhay para sa iba. Ngunit kahit na sabihin ni Jared iyon sa Pangulo ay alam nitong walang saysay iyon dahil ang lahat ay nangyari na, wala na silang ibang magagawa pa kundi ang sumunod sa mga iniuutos nila.

No, I know that there's another way. Pero paano ko ipaparating iyon sa kanila kung bantay sarado kami nila? Bulong ni Jared sa kanyang isipan habang ang mga mata ay nakatingin lamang sa kanyang sapatos at hindi nag-aangat ng tingin sa Pangulo na patuloy sa pagsasalita.

"But there's another way." Natigil sa pagsasalita ang Pangulo dahil sa narinig na iyon mula kay Jared.

Mahina lamang ang pagkakasabi ni Jared ngunit dahil na rin siguro sa kulob ang kwarto ay hindi nakaligtas iyon sa pandinig ng Pangulo. Nagsalubong ang kilay ng Pangulo kasabay ng pagbaling nya kay Jared na nag-angat na ng tingin sa Pangulo.

"What?" Tila hindi makapaniwalang tanong ng Pangulo sa kanyang bise-presidente.

Samantalang si Jared ay kakikitaan ng pagka-desperado sa kanyang naiisip na tanging paraan upang mapigilan ang mga tao na iyon at mailigtas pa ang ibang tao. Sa kabila ng pagdadalawang isip ni Jared na sabihin sa Pangulo ang naisip nyang plano dahil baka hindi lamang iyon pansinin ng Pangulo.

"What about we ask help to the immortals?" Lalo lamang nangunot ang noo ng Pangulo dahil sa suhestiyon na iyon ni Jared, ngunit sandali lamang ang pangungunot ng noo ng Pangulo at napalitan agad iyon ng galit.

"Are you crazy enough to ask help to the immortals? Are you that desperate to save the other people's lives? Baka nakakalimutan mo na ang dahilan ng lahat ng pangyayaring ito ay ang pagpatay ni Raixon kay Vier! Sila ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito tapos hihingi ka ng tulong sa kanila? Nasisiraan ka na ba?" Hindi maiwasang hindi sumigaw ang Pangulo dahil sa nararamdamang galit at inis sa sinabi na iyon ni Jared.

"Pero sila lang ang may kakayahang pigilan 'to, Mr. President." Sagot ni Jared na lalo lamang nakapagpainit sa ulo ng Pangulo.

Pabagsak itong naupo at humawak sa kanyang batok na tila marami na syang problema at dinagdagan lamang iyon ng kanyang bise-presidente, nanahimik naman na si Jared at napayuko na lamang dahil sa nakikitang reaksyon ng Pangulo sa kanyang suhestiyon. Alam naman ni Jared na ganoon ang magiging reaksyon ng Pangulo sa kanyang suhestiyon, ngunit nagbaka-sakali parin sya na papaburan iyon ng Pangulo ngunit nagkamali sya.

Ilang minuto ang naging pagtahimik ng Pangulo na tila may iniisip, kung hindi lamang kilala ni Jared ang Pangulo ay iisipin ni Jared na pinag-iisipan ng Pangulo ang kanyang suhestiyon ngunit alam ni Jared na hindi ganoon iyon.

"Ask them for help, Jared. And I'll do the rest." Agad na nag-angat ng mga mata si Jared dahil sa narinig na iyon na sinabi ng Pangulo, ilang beses pa na napakurap si Jared upang masigurado na ang Pangulo talaga ang nagsalita.

"Yes, Mr. President." Sumilay ang maliit na ngiti sa mga labi ni Jared bago nagtungo palabas ng kwarto.

Napasandal naman ang Pangulo sa upuan at binalingan ang pintuan na nilabasan ni Jared, napangisi ang Pangulo bago bumulong.

"Asa, Jared. I won't ask for their help."

-

"YOU sure about this, Raixon?" Pang-ilang beses na ang tanong na iyon ni Mali kay Raixon na iisa lamang ang paulit ulit na sagot ng binata sa dalaga.

"Yeah, Mali. Makakatulong ang Government ng mga mortal para mas mapadali ang pagsukbo sa mga may kasalanan ng lahat ng pangyayari ngayon, Mali. Sa paraan na ito ay maaari pa tayong makakuha ng impormasyon galing sa gobyerno." Sagot ni Raixon, napasimangot naman si Mali dahil hindi man lang nagbago ang sagot ni Raixon sa kanya.

"Hindi ba parang delikado?" Dagdag tanong pa ni Mali na ikinatigil sandali ni Raixon upang tignan ang mukha ng dalaga, binigyan nya ng isang maliit na ngiti ang dalaga na tila sinasabi nya na ayos lang.

"Do you think i can't protect myself from any danger, Mali?" Mahinang tanong ni Raixon habang ang ngiti sa kanyang labi ay hindi nito tinatanggal. Napabuga ng buntong hininga si Mali dahil sa tanong na iyon ni Raixon sa kanya.

"Okay then, just call us if anything bad happens." Sagot na lamang ni Mali at nag-iwas ng tingin, tumango naman ai Raixon kahit na hindi sya nakikita ng dalaga.

"I'm going now, Mali." Huling paalam ni Raixon at tinapik ang balikat ni Mali bago naglakad papalabas ng kwarto, habang si Mali naman ay nakatingin lamang sa pintuan na nilabasan ni Raixon.

Nang makalabas na si Raixon ay bumuntong hininga muna sya bago sya pumikit upang sabayan ang hangin na tumatama sa kanya, matapos ang ilang segundo ay naramdaman ni Raixon na tila lumulutang na sya kaya naman idinilat na nya ang kanyang mga mata at kitang kita nya ang kabuuan ng City Academy.

Sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan nya ang kabuuan ng City Academy. Kung hindi lamang siguro dahil sa kambal nyang si Raiko ay winasak na nya ang buong City Academy dahil sa paniniwala na ang Hari ng City Academy noon ang sumira sa Neamora Academy, at kung hindi nya siguro nalaman na hindi ang Hari ang may kagagawan kundi ang taong malapit sa kanya ay baka nakapatay sya ng mga taong walang kasalanan.

Ngayon, ang pinaplano nyang sirain na City Academy ay sya naman ngayong gusto nyang protektahan laban sa mga nagbabalak ng masama dito, lalo pa't sa lugar na iyon ay nakita nya ang mga kaibigan nya na matagal ng hindi nya nakakasama. Kaya lalong naging buo ang kanyang pasya na protektahan ang buong akademya.

Huminto si Raixon ng ilang segundo upang matitigan pa ang kabuuan ng buong akademya bago nagpasyang bumaba dahil ilang lakad na lamang ang gagawin nya ay mararating na nya ang napakataas na gusali na mayroong gate palabas ng akademya.

Nang sandaling makababa na si Raixon ay nagpakawala sya ng isang buntong hininga dahil alam nya na sa paglabas nya ng gate na nasa harapan nya ay sya ring pagbabago ng mga makikita nya, lalo pa't alam ni Raixon na sunod sunod na mga aksidente at delubyo ang nangyari sa mortal ng mga tao.

Bahagyang napailing si Raixon at mabagal na naglakad papalabas ng gate, wala syang imik habang patuloy na tinatahak ang daan palabas ng akademya.

-

"Raixon Mihada, here!" Napalingon si Raixon sa pinanggalingan ng boses na iyon at mula sa malayo ay natatanaw ni Raixon ang rebulto ng dalawang di kilalang lalaki, ngunit alam at ramdam ni Raixon na ang dalawa ay parehong mahahalagang tao sa mundo ng mga mortal dahil sa may mga taong nakapaligid sa kanila na tila pinoprotektahan sila.

Napaisip si Raixon dahil sa nakikita nya. Nagagawa pa nilang protektahan ang ibang tao kaysa sa sarili nila, hindi ba sila hinahanap ng mga pamilya nila? Napailing si Raixon upang maiwaksi ang kanyang nasa isipan.

Naglakad sya papalapit sa Presidente at sa bise-presidente, at ilang hakbang na lamang ang layo nila sa isa't-isa nang matigilan si Raixon dahil sa isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya.

"Raieden Aixoneze Sancir Mihada" huminto si Raixon sa kanyang ginagawang paglapit sa Presidente at sa Bise-presidente, sinulyapan nya ang taong tumawag sa kanyang buong pangalan gamit lamang ang gilid ng kanyang mga mata.

Nagsalubong ang kilay ni Raixon noong makilala nya ang tumawag sa kanyang buong pangalan, ito rin ang naging dahilan upang tuluyan nyang harapin ang tao---nilalang na iyon. Dahil sigurado si Raixon sa isang bagay kaya naman kunot noo syang humarap sa nilalang na tumawag sa kanya.

"It's been a long time, Raixon." Sumilay ang isang ngising nakakaloko sa mga labi ng lalaki habang ang mga mata ay nang-aasar na nakatingin kay Raixon.

Natikom ni Raixon ang kanyang bibig at hindi parin nawawala ang pagkakakunot ng kanyang noo, tumiim ang bagang ni Raixon dahil at halatang nagpipigil lamang sya ng kanyang galit. Sinulyapan nya ang ang kinaroroonan ng Presidente at ng bise-presidente at kitang kita nya kung paano sya titigan ng Presidente habang ang katabi naman nitong si Jared ay kunot ang noo na nakatingin sa kanilang dalawa.

"You know what, the people here are so kind. Kind that they even help me to find the person who killed me years ago. Amazing, right?" Sinundan nito ng isang pagak na pagtawa na lalo lamang ikinagalit ni Raixon habang ang kanyang mga mata ay hindi parin tinatanggal sa dalawang taong tumawag sa kanya patungo sa mundo ng mga mortal.

"You want to save the people's lives here, too bad that they don't want help from the immortals like you." Ibinaling ni Raixon ang kanyang mga mata kay Vier na nagsasalita, hindi sumasagot si Raixon at halatang pinipigilan lamang nito ang kanyang sarili.

"You guys want to be heroes?" Pagak na natawa si Vier habang ang mga mata ay nakatingin lamang kay Raixon.

"What's the point of being a hero when everyone thinks you guys are villain?" Nagtiim ang bagang ni Raixon dahil sa sinabi na iyon ni Vier, nalalasahan na ni Raixon ang kalawang sa kanyang labi ngunit imbes na tigilan ang pagkakatiim dito ay lalo lamang nyang diniinan iyon.

Muling tumawa si Vier ng nakakaloko upang asarin si Raixon na alam nyang tagumpay dahil sa nakikitang reaksyon nito. Nawalan naman ng emosyon ang mga mata ni Raixon, ramdam nya ang galit na nananalaytay sa kanyang katawan at hindi nya iyon hahayaang lamunin sya.

"What about this, Raixon? Come and have a chilling fight with me. Kapag nanalo ka at napatay mo ulit ako sa pangalawang beses, hindi na kami manggugulo." Hamon ni Vier kay Raixon na lalo lamang ikinagalit ng binata.

Ngunit kahit na galit ay nagpakita parin si Raixon ng isang maliit na ngiti sa labi dahil alam ni Raixon na kapag nagalit sya ay matatalo lamang sya.

"No thanks, Vier. I already beat you years ago." Sagot ni Raixon habang hindi nawawala ang kanyang ngiti sa labi.

Ngumisi naman si Vier at iginilid ang kanyang ulo, "Really? But that was years ago. O natatakot ka lang na baka matalo ka at patayin kita?" Tumaas ang isang kilay ni Raixon dahil sa sinabi na iyon ni Vier sa kanya.

"Takot man ako o hindi, hindi parin ang papatol sa nilalang na natalo at pinatay ko na noon pa." Sagot ni Raixon na ikinatiim ng bagang ni Vier.

Yumuko ng bahagya si Vier at inilagay ang magkabilang palad sa bulsa ng kanyang pantalon bago muling nag-angat ng mga mata para tignan si Raixon.

"Ayaw mo talaga?" Mahinang bulong ni Vier at ngumisi ng bahagya bago muling nagpatuloy sa kanyang pagsasalita.

"Then I'll kill all the people here so that my father can live. Plus, Raiko and your friends will suffer." Seryosong dagdag ni Vier na ikinatigil ni Raixon.

Lalong sumiklab ang galit ni Raixon kay Vier, kumuyom rin ang kamao nito sa kaisipang madadamay ang mga kaibigan at ang kambal nya kapag hindi sya pumayag sa gustong laban ni Vier. Napapikit sya ng mariin dahil sa sobrang inis na nararamdaman.

"Damn it. Where and when?"

-

Nächstes Kapitel