*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
CHAPTER 5
ENCOUNTER
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
*The Past-current storyline*
*GENEVERE's POV*
nagising akong masakit ang katawan, ano pa nga bang aasahan ko? nakipagbugbugan ako nang walang warm-up malamang sa malamang sakit ng katawan ang abot ko, di ako agad makatayo kahit ang aga aga pa, yung dalawa mukhang naghihilik pa, makalipas ang ilang minutong pakikipagtitigan sa pader e naisipan kong tumayo at magpahangin sa may terrace
the sun's still not up, tapos na din ang oras ng curfew kaya may mangilan ngilang estudyante na akong nakikita na pakalat kalat, yung iba nageexercise, yung iba naman ewan anong business, napako ang atensyon ko sa isang glass bridge, tinanaw ko yun and I noticed that it connects the female dormitory to the male dormitory, kung may ganyan e anong silbi nung rule na bawal ang opposite sex sa dorm?
Nakadinig ako ng kaluskos sa loob, maybe they've woken up, better prepare baka malate pa mahirap na, kaya tulad ng nakasanayan e nag-ayos lang ako at dumiretso na sa cafeteria for breakfast, and as usual, nagkukulitan nanaman sina Sierra at Alana
"hey Genevere, tell me bakit may pasa ka?" sita ni Sierra
"like what you've told me, I got my welcome party, I'm sure I could never forget" bale walang sagot ko lang dito
"WHAT?!" di makapaniwalang tanong ni Alana
"yeah, its quite unfair actually, biruin mo, its five versus one, and the fight shall last for 12 minutes" pagkukwento ko sa kanila in between sa pagkain
"at mukhang maayos ka pa?" di makapaniwalang saad ni Sierra
"I guess those self-defence trainings, are not for naught afterall, salamat sa napaka over-protective at napaka-possessive kong kapatid" sarcastic na paliwanag ko nung mabanggit ko yung kay kuya sabay roll eyes pa
"don't tell me.." di maituloy sabihin ni Alana na nanlalaki pa ang mata
"I actually outsmarted them" proud kong sabi sabay ngiting malawak pa
"wow" di makapaniwalang kumento ni Sierra habang nanlalaki ang mata
napako nanaman ang tingin ko sa bagong dating at tulad kahapon, tila nabalot ng tension ang buong cafeteria, seriously people?! What the hell is wrong with all of you?! Bakit tuwing may member ng sinasabi nilang Black Union or Black Knights ganto na lang lagi ang scenario? Man up will you?
"Who the hell are they this time?" tanong ko na lang habang dinudutdot yung itlog sa plato ko
"The Black Knights" sagot lang ng di ko alam kung sino, nakatingin pa din kase ako hanggang ngayon, nakita ko kase yung tinawag nilang Krister kagabi
"So, sila din yung high ranking officials ganun?" kumento ko habang nagniningning ang mata ko sa mga pagkain sa harap ko
"my! *may kunwaring pagsinghap pa siya* Genevere, you're improving, you're getting good at this" mapang-asar na kumento ni Alana, na may mapaglarong tingin pa sakin, natawa na lang ako sa itsura niya at napapa iling iling na lang
"just an observation, you see I'm a fast learner" biro ko, sabay kindat
"Oh siya dalian niyo na, tapusin nyo na yung titigan session nyo at malapit na magring yung bell" sita ni Sierra na ngumunguya nguya pa
mabilis na naming kinain yung breakfast namin, double checked our things and went straight to our classes, at ganun din ang karamihan sa mga nandito, isa isang nagsialisan ang lahat ant maya maya pa tumunog na ang bell
On my way sa classroom, I saw someone—well he kinda looked familiar, and he's staring, tinignan ko naman san sya nakatitig—dun sa babae, she's pretty, and she's uhh—how shall I put it? making out? pero parang hindi naman eh, and then I saw pain register—in his eyes, pero saglit lang yun, OMG! am I intruding? OMG! WRONG TURN! napatakip pa ako ng kamay ko sa bibig ko at nagmadali akong tumalikod, and before I even make a single step nakaramdam ako ng feeling of someone staring, like you're being watched? Don't tell me nakita niya ako? oh noes ಥ_ಥ
Gawa ng pagkapahiya ko sa sarili ko e mabalis akong naglakad papuntang classroom at pilit binaon sa limot yung nakita ko
unlike sa dati kong school na well behaved ang students, dito mga pasaway, may nagbabatuhan ng kung anu ano, sa isang side may naghahalikan, may babaeng nakakalong dun sa isang lalaki, may kaingayan, pero nung pumasok yung teacher namin eh nagmamadali silang nagsipagayos, bakit kaya? Ganun ba siya katerror at napapasunod ang buong klase, even the most troublesome ones? what am I missing? ◉‿◉
"I see someone new, you must be the transferee" nadinig kong sabi nung teacher, is he referring to me? parang tanga lang akong natulala sa kanya
"well, isa lang naman ang bago, come here in front and give me your Card, I have to sign you know" sita pa niya na parang sa hangin nagsasabi, wait—what? Ahh, so that's what its for, tulad ng sinabi niya e binigay ko nga sa kanya yung card at pinirmahan niya, pagtapos nun e bumalik na ako sa desk ko
Nagdidisscuss lang siya sa harap, alam ko na nga yun eh, siguro mga 20 minutes na rin ang nakakalipas ng biglang bumukas ang pinto, teka—isn't he the one on that Porsche the other night? wait kagabi ata? and then I think the one I saw kaninang madaling araw? ◉‿◉
"You're late—again...ilang araw kang wala, tapos papasok ka late pa?" sita nung teacher "pasalamat ka you're smart, well come on in Mr. Dervis siguraduhin mong may isasagot ka" hamon pa niya, di naman siya umimik at dumiretso lang sa tabi ko—w-wait...wait! sa tabi ko?! ಥ_ಥ So ibig sabihin siya yung nakaupo sa vacant seat? OMG! wait—he looks familiar ulit! Oh no! siya yung guy kanina! Utang na loob wag mo sana akong makilala kung tama ngang nakita mo ako kanina, lucky for me he just sat there without uttering anything, he's rather serious for some reason, o baka sadyang normal na sa kanya to? Yung nagpakilalang Denver kahapon e lingon ng lingon sakin for unknown reasons
Next stop laboratory class, mabilis akong umupo, but then someone tried catching my attention at nilingon ko naman ito, and I was surprised kung sino yun at mas lalo ang ginawa niya
"move" utos niya, what the hell? kung maka-utos naman to! ano siya hari? ಠ_ಠ
"huh? what?" parang tanga kong sagot
"I said move" ulit niya, and all of a sudden I felt a chill down my spine, like he's throwing daggers at me—weird. How was that even possible?
"why?" parang wala lang na sagot ko
"that's my seat" sagot niya
"wala namang nakasulat na name, so definitely, it's not totally yours" giit ko lang, shrugging
"MOVE!" sigaw na niya na ikinagulat ko ಥ_ಥ
"BAKIT BA? MAY ISA PA NAMANG UPUAN AH?!" sigaw ko din, e baket ba? siya din naman eh
"THAT'S WHY I SAID MOVE! NOW MOVE!" sigaw niya ulit! looking irritated or maybe pissed for some reason. Aba't! sira ulong to ah? Napaka-rude niya! I won't back down that easily just so you know
"IKAW ANG LALAKI IKAW ANG DOON PUMWESTO!" inis nang sigaw ko
"Mr. Dervis! Ms. Lecri!" sigaw nung teacher, nakadating na pala siya, teka, she called my name! patay! At kasalanan nang Dervis na yun yon! Bagay na bagay talaga sa kanya yung surname niya! Dervis! Sounds like a Devil! Arrgggghhhh "care to share what's the shouting is all about?" dagdag pa nito
"Tss" sagot nung magaling at basta na lang naupo at ako? Naiwang nakatulala dun! At napahiya na lang din naman ako e ginaya ko na lang din siya wala na kong choice eh
"even if I do, will you be able to come up with a solution?" too sarcastic na sagot ko
"take your seat" iiling iling na sabi na lang nito
Ayos na sana eh, tahimik na ang kaso, di ko napansin na kaklase ko din pala yung Denver at ang walanjo! Ang kulit! Sutsot ng sutsot tinitignan ko na ng masama di makuha sa tingin, yung katabi ko naman ang sama ng tingin sakin, at mukhang walang pakialam sa mundo
"What?" pasigaw na bulong ko, kase nainis na ko ang kulit, di ko na nga pinansin para manahimik kaso ang kulit, nung siguro eh napikon na tong katabi ko e gumawa nanaman siya ng eksena
"WHAT THE FUCK IS YOUR PROBEM WOMAN! YOU'RE SO NOISY! AND YOU!" siya sabay turo kay Denver "STOP FLIRTING IN FRONT OF ME!" at kagagawan nun eh nakuha nanaman namin yung atensyon nang halos buong klase, at di lang nagtapos dun yung kalbaryo ko (;´༎ຶД༎ຶ`)
"MS. LECRI! MR. DERVIS! YOU AGAIN!! First thing next meeting you'll be doing the demo!" malakas na sigaw nung teacher, t-teka? Demo daw ba? E di ko nga nagawang making eh what the hell?!!Demo pa? kasalanan to nitong dalawang to eh! (;´༎ຶД༎ຶ`)
***
"O? ba't mukha kang nalugi jan sa itsura mo?" sita sakin ni Sierra pagpasok ko sa room namin
"I'm just the luckiest today" sagot ko sarcastically (╯°Д°)╯
"ohh! Sarcasm" sabat ni Alana galing sa may bed area ng room, na parang kumakanta kanta pa
"dumating na pala yung mga package mo—this time bags and boxes na ang dumating don't worry" paalam ni Sierra
hinanap ko naman kung nasaan at nabigla ako when I saw boxes and baggages on one corner of my room, ang dami, mukhang hinakot ata buong laman ng kwarto ko sa mga gamit dito ah?
Isa isa kong binuksan yun, curious what's inside, di naman gaanong karamihan yung nakita kong damit—just the normal ones thank goodness
may ilan ilang sapatos at bags, pati jewelries, sa isang bag andun lahat ng gadgets ko, at nakita ko nga ang bed sheet set na hinahanap ko at agad na pinalitan yung nasa kama ko, kaagad kong inayos lang lahat yung gamit sa cabinet, shelves at drawers provided sa side ko ng room at nagtuloy na
ang dalawang magkatapat na rooms na pinakauna mong makikita pag pinasok mo ang hallway sa pagitan ng common area, study area at dinning area ang kina Alana at Siera
sa right side ang kay Alana at sa left side naman ang kay Sierra, ang katapat naman ng room ni Sierra na may pagitan na hallway ang akin, at bakante naman ang katapat kong room na katabi naman ng room ni Alana na may pagitan ding hallway
" grabe ka Genevere, ganyan ang laman pagkadami dami" sita ni Alana, sumunod pala siya
"si kuya malamang ang nagpack niyan, at mukhang minadali" sagot ko lang, tinitignan tignan ko pa din ang laman ng mga bags at boxes
isa isa ko naman tinabi yung laman ng nasa luggage, mga tops, blouses, shirts, pants, dresses, shorts, varieties of shoes at bags, mga bath essentials...nilagay ko muna sa gilid yung boxes na natanggalan na ng laman...
"what's that?" tanong ni Sierra na sumunod din, sabay turo sa isang golden box na kinalalagyan ng necklace ko na nakapatong dun sa may taas ng drawer sa may tapat ng bed ko
"ahh, my necklace" sabi ko sabay press nung button para maiopen yun, unlock pattern na ako at si kuya lang ang nakakaalam
"ang ganda" masiglang puna ni Alana
"hmm" sagot ko, the necklace screams Genevere sa lahat ng parte nito, isinuot ko na ito at sinara ang box
"thank you kuya" sabi ko sa text
"base sa pendant, that necklace must cost a fortune" biglang sabi ni Sierra out of the blue
"ewan, all I knew is that, I already have this the moment I was born, si kuya din merong ganto but of course iba ang design pero same motif and idea" paliwanag ko