webnovel

Chapter 18- Broze Carson

Hera's Pov

Starting that day. Hindi ko pinansin ang lahat sa paligid ko. Marami ang nalungkot. Meron ding nagsaya. dahil sa pagplano ng mga council na papaalisin ako sa pwesto ko bilang reyna ng Aleha. i'm very mad ng sinabi ni fatima sa harapan ko iyun. Anong karapatan nila na planuhin na paalisin ako sa pwesto na ito. This is my family's generation. Wala silang karapatan doon. Parang sinasabi nilang wala akong kwenta bilang reyna.

Pagkatapos ng araw na iyon. umuwi kaagad kami ni hema sa palasyo. nagulat pa nga ang mga tauhan ko dahil nandito na agad ako. Akala nila siguro, One week akong mamalagi doon sa Palasyo ng mga circus. hindi na din ako nakapagpaalam sa kay clover. Si fatima umuwi na sa kanila. Malapit lang kasi bahay nila sa palasyo ng mga circus. Si Clarissa sumama sa amin hindi din naging masaya sa sinabi ng mga council.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Tinatanaw ang bundok kung saan doon kami palagi namamasyal ni daddy. namimiss ko na si daddy at mommy. hanggang ngayon masakit padin dahil sa katotohanan. Alam ko na kung sino ang pasimuno ng lahat nang ito. ano bang kasalan ko sa iyo? O ng pamilya ko? Naging mabuti kami sa iyo. Pero paano mo nagawa sa amin to?

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko dahilan para mapatingin ako kung sino ang pumasok. Napakunot ang noo ko nang wala akong nakita ni anino ng mga tauhan ko or kung sino. Ang nasa isip ko baka hangin lang o baka pinagtitripan lang ako ng mga kaibigan ko. pupunta sila ngayong hapon sa palasyo para maaga pa kami bukas maguumpisa sa pageensayo.

pupunta na sana ako sa pintuan nang may tumahol sa aking paanan. Tumili talaga ako dahil sa gulat. napahawak pa ako sa dibdib ko. tinignan ko ang tumahol. isang maliit na aso? kulay brown siya at puti ang mga paa. kinuha ko siya at niyakap. Ang cute niya kase. saan naman nanggaling ito?

"Sinong nagdala sayo dito little doggy?"sabi ko sa aso. Tumahol pa siya na parang naintindihan niya sinabi ko. Awww~

"Nagustuhan mo?" Napaigtad ako nang may nagsalita sa likuran ko. kumunot ang noo ko nang makita ko si clover na nakangiti. tumahol naman ang aso sa kanya. "Oh chill lang. Iyan na ang bago mong amo." Tumingin naman siya sakin ang ngumiti ulit ng malapad. "Nagus—"

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kaagad sa kanya. Napangisi naman siya sa tanong ko.

"Bawal na ba ako dito pumunta?... hera?"Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko ng sabihin niya ang pangalan ko. ano bang nangyayari sa akin? Pero hindi ko nalang ito pinansin ngunit tinatong ko ulit siya.

"Tinatanong kita. Anong ginagawa mo dito?" Malamig na sabi ko. Pero ngumiti siya sakin ng malaki padin at ginulo ang buhok ko.

"Gusto lang kita makita. Bawal na ba iyun? Actually, pumunta talaga ako dito para ibigay sa iyo yan. para may pagaabalahan ka naman kung malungkot ka. Galing siya sa mundo ng mga mortal. Regalo ko nadin sa iyo yan sa darating mo na kaarawan." sabi niya at umalis sa harapan ko. natulala pa ako kung saan nakatayo lang kanina si clover. Masyado ba ako nagpadala sa emosyon ko? may nasasaktan akong tao dahil sa nararamdaman ko. Hays! Ano kaba hera?!

"Mahal na reyna. Pinabibigay po pala ni King Clover. Ito po ang kinakain ng alagang aso niyo daw po. At ito din po ang kanyang higaan" magalang na sabi ng kasambahay ko at nilagay sa mesa ang pagkain ng aso at ang higaan naman na sinasabi niya ay nilagay niya malapit sa hinihigaan ko. Tumango lang ako sa kanya. umalis naman siya kaagad at sinirhan ang pintuan. Napabuntong-hininga ako nang ako nalang ang nasa loob ng kwarto ko. Humiga naman ang aso sa kanyang higaan at natolog. Napangiti naman ako. Ano kaya ipapangalan ko sa kanya? wala pa akong maisip siguro mamaya nalang.

oras palang na ng tanghalian nang may kumatok nanaman sa kwarto ko. Pumasok ang kasambahay at sinabi niyang naroon na raw ang mga kaibigan ko at hinihintay akong bumaba para mananghalian. Ginising ko ang aso na natotolog at dinala ang kanyang pagkain. pagkabukas ko ng pintuan sinunod naman ako ng aso. Natatawa pa ako kung may nakikita kasi siyang tauhan ko na nakatayo sa hallway  tinatahulan niya.

Nang makarating ako sa dining area. Tumayo naman kaagad ang dalawa kong kaibigan at si hema. yumuko sila bilang pag-galang sa akin. ngumiti naman ako sa kanila.

"Arrf! Arff!" tahol ng aso kong makulit sa likuran ko. Nanlaki pa ang mata nila sa nakita at narinig. Napatawa naman ako sa naging reaksyon nila. kinarga ko nalang ang aso ko at dinilaan niya pa ako sa kamay. Umupo naman ako sa upuan ko at tinignan silang tatlo. Gulat pa din ang mga mukha. Tsk. Haha. Ayaw ko mang aminin. Masaya akong dumating ang maliit na makulit sa buhay ko.

"Wow.... ang cute cute niya. Anong pangalan niya? Sinong nagbigay sayo? Saan mo nakuha yan?" Sunod sunod na tanong ni fatima. Sinenyasan ko muna ang kasambahay na pakainin ang aso. Kinuha naman agad ang aso sa kamay ko. Ayaw niya pa sanang umalis pero hinalikan ko siya sa noo niya kaya tumigil siya kakatahol sa kasambahay namin. Napatingin ako kay fatima at ngumiti

"Hindi ko pa alam kung anong ipapangalan ko sa kanya." Sabi ko. Napatampal naman ng noo si fatima sa sinabi ko.

"Ano ba naman yan. Ang hina-hina mo sa names. Sino bang nagbigay sa iyo yan at kanyang pangalan ang ipangalan mo sa aso." Sabi niya at ngumuso. napairap naman ako.

"Eh.. parang ginawa mong aso si clover" sabi ko. Gulat namang napatingin si fatima sa akin at tinakpan pa ang kanyang bibig. Ang OA naman masyado. alam ko namang halata na nila kung sino ang nagbigay. Umirap ako ulit sa kanya.

"Ano?! Bigay ni clover? Kailan pa? Bakit di mo sinabi? Bakit— araaayy" sigaw niya nang batukan siya ni clarissa. Napatawa naman kaming dalawa ni hema sa kanila.

"Ang OA mo!" Napanguso nalang si fatima at tahimik na hinimas ang kanyang ulo.

"Hera, napagkasunduan namin na maghiwa-hiwalay kami sa pagturo sa iyo bukas. Si clarissa sa physical combat, Si fatima naman ay sa kapangyarihan mo na hindi mo pa kayang gamitin. Ako naman ay..." naputol ang pagsasalita ni hema nang may pumasok na lalaking hindi ko kakilala pero kasama niya ang aming kanang-kamay.

"Pasensya na po sa disturbo mahal na reyna pero gusto ka niyang makausap nang sandali." Sabi niya. Tinignan ko ang lalaki na kasama niya. kulay brown ang kanyang buhok at walang expresyon ang mukha. Halatang hindi ngumi-ngiti. Ang nakakapagtaka lang ang kanyang kasuotan. tumango naman ako bilang pagsagot sa kanang-kamay namin. Tumango din siya sa akin at umalis din naman kaagad.

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo?" Tanong ko pero nakatingin lang siya sa akin. napataas ang kilay ko nang hindi siya nagsalita. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

"Kinagagalak kong makilala ka mahal na reyna. Pero ang totoo niyan, gusto ko pong sabihin sa inyo na tayong dalawa lamang."sabi niya nang hindi man lang iniisip na kakain palang ako.

"Pasensya na mister who are you.. pero hindi pa kumakain ang mahal na reyna. Baka pwedeng maghintay kalang sandali?" Sabi ni fatima sa lalaki.

"Mabilis lang po ito. Hindi ako magtatagal." Seryosong sabi ng lalaki. Napairap naman si fatima sa lalaki.

"Sige. Hintayin mo nalang ako sa living room. Susunod ako." Sabi ko. Tumango naman siya at sinunod ang sinabi ko. Napabuntong hininga naman ako. Nanghihinayang sa chicken fillet na mainit pa. Siguradong malamig na ito pagbalik ko. Tinignan ko ang tatlo na naghihintay na magsalita ako.

"Aalis muna ako. Kayo na din muna magbantay ng alaga ko kung magising" sabi ko at tumayo na. Hindi ko na sila hinintay na magsalita pa. nang makarating ako sa living room namin. Nakita ko naman ang lalaki na naghihintay sa akin at umiinom ng juice.

Umupo ako sa harapan niya at naghintay kung ano ang sasabihin niya. Meron ding mga tauhan na samahan ako para sa kaligtasan kung ano mang pakay ng lalaking ito. Seryoso siyang tumingin sa akin at nagsalita.

"Siguro nagtataka ka kung bakit ako nandito. gusto ko lang sabihin na mag-iingat ka dahil nagpa-plano na siya na patayin ka." Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. Paano at saan niya nalaman ang tungkol dito.

"Sino ka ba?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi siya sakin dahilan para manindig ang balahibo ko. kanina ko pa siya nakikita sa isang tao na kinamumuhian ko na.

"Ako si Broze. Broze Carson Cantoner. Anak ni Conrad Cane. Kapatid ni Silver Cross Cantoner." Sabi niya hanggang sa nanginig ako sa galit.

Nächstes Kapitel