webnovel

Chapter 11- Hera Vs. Hema?

Clarissa's Pov

Dalawang araw na ang nakalipas pero heto kami naghihintay padin kay hera. Hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Gusto ko man siyang samahan pero ang sabi ni hema, sa kanya din naman ang misyon nato kaya dapat maranasan niyang mapag isa hindi pwedeng may kasama siya baka masanay habang buhay. kahit labag sa loob na hindi siya masamahan inisip ko nalang makakaya ni hera ang pagsubok.

Nalaman din naming dalawa ni Fatima na si hema pala ang hinahanap na Dragon. Kaya ganon nalang pagiging OA ni fatima.

"Nariyan na ba si hera?" Ika- limampung tanong ni fatima sa amin. Isa patong praning. Nakakairita na nga ang paulit-ulit na mga tanong niya sa amin. Kaya nagpaka layo-layo si hema samin kasi pati siya ginugulo ni fatima tss. -.-

Hindi ko nalang siya pinansin at nagmuni-muni sa paligid. Pagkalipas ng ilang segundo.

"Nariyan na si hera?" Napasapo nalang ako sa aking noo sa kakulitan niya.

"Heraaa.... yuhooo.. asan kana?!" Sigaw niya sa tubig. Natawa naman ako sa ginagawa niya parang timang.

"Mga isda nakita niyo ba si Hera?" Pati isda? Tss. Weirdo!

"Hey jellyfish! Hanapin mo si hera. Ngayon din." Utos niya sa jelly fish .

"Kyaaaaahhhhh" sigaw niya. Tumingin naman ako sa kanya nakita kong may hawak siyang alimango. "Waaahhh may makakain na ako mamaya." Sabi niya at takbong pumunta sa tent na tinutulugan namin.

"Clarissa!! Bumaba ka na diyan" Tawag niya sa akin. Tinignan ko naman siya ng masama. "tignan mo oh may crab akong nakuha." Sabi niya at winagayway ang alimango. Alam ko namang sa akin yalang yan ipapaluto. Hindi ko lang siya pinansin ulit at bumaba ng puno.

pinagmasdan ko ang dagat. Napakalawak talaga ng dagat na to kaya sana lang na maayos ang lagay ni hera. Napapikit ako ng dumampi ang hangin sa aking mga balat. Pagmulat ko nakita ko si hema humahangos papunta sa amin.

"Clarissa! Fatima!" tawag niya samin. Seryoso ang kanyang mukha at ganun nalang ang kaba na naramdaman ko.

"Nandiyan na si Hera ?" Tanong ni fatima. Matagal pa na makasagot si hema kaya kinakabahan na talaga ako.

"Hema anong nangyari?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Tatanungin ko na sana siya ulit ng kumidlat at humangin ng malakas . May paparating siguro na bagyo. Madilim na din ang kalangitan.

Napatingin kaming lahat sa dagat ganun nalang ang pagkamangha ko ng may dalawang pigura ng tao na sumasakay sa malaking alon. Dalawang Serena. kulay Asul ang buntot ng lalaki at Kulay ginto naman ang buntot ng babae. Masyadong malabo ang kanilang mukha dahil sa sandata na hinahawakan ng lalaki.

Tumakbo si clarissa sa dalampasigan kaya sinundan ko nadin siya. Baka kalaban pa ito. Napatigil kami sa kakatakbo nang makilala namin ang babaeng may kulay gintong buntot. Kung hindi pa sumigaw si fatima hindi na ako gagalaw sa aking kinatayuan ngayon.

"Heraaaaa!" Malakas na sigaw ni fatima. Tss. So loud.

"Fatima! Clarissa!" Sigaw din ni Hera samin. Kumaway pa siya samin, Kaya napangiti ako kasi ligtas siya.

Nang makalapit na samin ang alon. dahan-dahan naman ito bumaba . Napatingin naman ako sa lalaking asul ang buntot. Asul din ang kanyang buhok at mata. Siguro siya ang hari ng Dagat na to. Tinignan kami isa-isa ng lalaki.

"I wish to become a Human" sabi ni hera at naglaho ang kanyang gintong buntot. Napa' wow pa si fatima nang makitang naglaho ang buntot ni hera at nakasuot na ito ng gintong bestida na hanggang sa talampakan.

"Hera akala ko hindi ka magtatagumpay huhu" sabi ni fatima na agad namang yinakap si hera. Tinapik naman ni hera ang balikat ni fatima.

"Namiss kita fatima." Sabi niya at humagulhol na si fatima. Pati ako nadala sa pagiging emosyunal ni fatima tss. "Clarissa.. hindi mo ba ako namiss?" Ngusong sabi niya. Tumulo naman agad ang aking mga luha at yinakap din silang dalawa.

"Namiss din naman kita hera." Sabi ko at pinunasan ang aking mga luha. Bumitaw naman kaming tatlo .

"Nga pala..  Siya si Zegundo ang Hari ng Karagatan at siya ang tumulong sa akin." pagpakilala ni hera sa lalaki. Hindi nga nagkamali. "zegundo. mga kaibigan ko.. Si Fatima at Clarissa." Sabi niya at tinuro pa kami.

"Ikinagagalak ko kayong makilala mga kaibigan ni hera" sabi niya. nakakakilabot naman ang boses niya. ramdam mo ang lamig eh.

"Hello. Salamat sa pagtulong mo sa kaibigan namin" sabi ni fatima. Ngumiti naman siya ng maliit.

"Walang anuman" sabi niya. Tumango lang ako sa kanya kaya tumango din siya sakin.

"Hera.." napatigil kaming lahat nang may nagsalita sa likuran ko. Si hema pala..

"H-hema" nagtataka naman akong napatingin sa Lalaki kung bakit ganun nalang ang gulat niya nang makita si hema. "Hema buha—" pinutol ni hema ang mga salita ni zegundo.

"Salamat at tinulungan mo ang mahal na reyna. Zegundo." Walang emosyon na sabi ni hema. Magkakilala sila?

"Iyon ay aking pagpapasalamat sa reyna dahil tinulungan niya kami sa aming problema" sabi ni zegundo. Tumango lang si hema at binalingan si hera

"Kailangan na nating umalis hera." Sabi ni hema. pero hindi din ito pinansin ni hera.

"Magkakilala kayo?" tanong ni hera. Pero hindi nagsalita ang dalawa. "Ay bahala na. Ang gulo niyo." Humarap naman siya sa kay Zegundo. "Salamat Zegundo sa paghatid mo." Sabi ni hera . Ngumiti naman si Zegundo at ginulo pa ang buhok ni Hera. Nagkatinginan naman kami ni Fatima. Kibit-balikat nalang ang ginawa ko.

"Ikaw talaga. naka limang beses ka na sa pagsasalamat hera kaya ilang welcome din ba ang sasa— sabi ko nga welcome haha" nagsimula silang magbangayan. Napanganga nalang kami ni fatima sa nakita. Akalain mong may Guts si hera na pitikin ang noo ng HARI NG KARAGATAN! Tss. Okay nahawa na ako sa pagiging OA ni fatima -.-

"Umuwi na tayo. May pupuntahan kapa bukas hera." Sabi ni hema na ikinatigil ng dalawa sa pag babangayan. Tinignan niya si zegundo. "Sa susunod. Paalam." Sabi niya at pumunta na sa tinutuluyan namin.

"Paalam Ginoo. Huwag mong kalimutan ang aking kaarawan." Sabi ni hera. Naka ngiting tumango naman si Zegundo at lumangoy na sa dagat.

"Hoy hoy! Ano yun ha?!" Singhal ni fatima kay hera. "Kayo na nu? Naku... hera ang dali mo makuha." Tumawa lang si hera sa pagiging OA fatima. Napailing nalang akong sumunod kay hema.

Napangiti naman ako at natapos na ang misyon ni hera at makapag pahinga na kaming lahat.

Nächstes Kapitel