*1 year later
Queen Hera's Pov
Isang taon na ang nakalipas pero nandito parin yung sakit kung pano nila pinatay ang mommy at daddy ko . Sinalakay nila yung kaharian habang kami ay nagkakasiyahan sa aking kaarawan . Hinding-hindi ko mapapatawad ang taong pumatay sa pamilya ko . Humanda ka! pagdating ng panahon. Maglalaban tayo hanggang sa maabo ka rinsa sarili mong impyerno. Kung sino kaman.
"Mahal na reyna"
Napatingin ako sa nagsalita . Ang kawal pala.
"Anong mensahe ang nakuha mo?"
Kinuha niya ang papel sa dala niyang kahon at binasa ito.
" Magsisimula sa pagmamahalan,
May masasaktan,
Madilim,
May darating,
Nakaraan"
Napataas naman ang kilay ko sa mensahe nadala ng isang kawal.
"Anong ibig sabihin niyan?!" Napasigaw kong sabi.
"Kamahalaan. Sinunod ko lang po ang inutos niyo. Wala po akong alam diyan . Siguro po . Ang nakakaalam lang ng mga salitang yan ay ang Headmaster lang po ng Domistic natin."
"Padalhan mo siya ng sulat . Bukas dapat nandito na siya ."
"Makakaasa po kayo kamahalaan."
Kinabukasan
Napagdesisyunan kong pumunta sa lumang library at magbasa . Habang naghihintay sa sinasabi nilang makakapagsabi sakin kung ano ang punto ng propesiya.
Nakakailang pangungusap palang ako. May kumatok na agad sa pinto. At pumasok ang tagabantay kasama ang matandang lalaki na hindi ko alam kung ano ang klaseng suot niya . Siya na siguro to ang nakakaalam sa propesiya. Pagkapasok nila.
"Kamahalan" Yumukod silang dalawa.
"Kamahalan. Siya po ang Headmaster ng domistic"
"Magandang umaga kamahalan."
Tango naman ang sagot ko.
"Maupo ka"
"Masaya ko pong makilala ka ngayon kamahalan. Ako nga pala si Rodulfo ang headmaster ng Domistic. At puwede ko po bang malaman kung ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?"
"gusto ko lang malaman kung ano pinapahiwatig ng propesiya"
Nakita ko naman kung pano nag iba ang expresyon niya. Kita ng-kita sa itchura ang gulat at takot.
"K-kamahalan."
"Sabihin molang ang totoo Headmaster, walang may mawawala"
"Hindi pa po ito ang tamang panahon kamahalan"
"Lumayas kana."
"Pasensya napo"
"LUMAYAS KANA!!"
hindi ko lubos ma isip bakit ganito ang propesiya . Kahit isang salitang agad ko maintindihan. pero WALA!