Cedric's POV
All throughout sa'king classes sa ibang subject ay tila walang pumapasok sa'king utak kakaisip ng nangyari kanina sa room 409.
Kahit ilang beses ko pang ideny sa'king sarili, pero kitang-kita talaga mismo ng aking dalawang mata at ng iba ko pang mga kaklase, ang kakaibang nangyari kamakailan lang sa'ming classroom.
So kung ang isa sa'min ay may kakayahang magpalutang ng mga bagay gamit ang kanyang isipan, ang ibig sabihin lang no'n ay bawat isa sa'min sa Alpha Section ay may mga kakaibang kakayahan na gaya ng nasaksihan namin kanina.
Eh ako, ano ba ang kaya kong gawin?
"Class dismiss."
Nabalik lang ako sa realidad nang marinig ko ang boses ng aming guro sa history na nagdi-dismiss na ng klase. Pagkalabas ng naturang guro ay siyang pagtayo naman ng mga kaklase ko at ang iba ay nagsilabasan na. Iniligpit ko na rin ang nagamit kong kwaderno at ballpen sa'king bag saka ito sinara at tumayo na rin sabay sukbit ng isang strap ng aking bag sa'king likuran.
Saktong pagkalabas ko ng aking classroom ay agad kumuha ng aking atensyon sa'king kanan ang mga nagtitipun-tipon na mga estudyante sa'ming hallway. Hay naku, paniguradong may panibagong away na naman. Napailing na lang ako at nagtuloy na sa'king paglakad patungo sa dorm namin ni Andrew.
"Masyadong mataas ang tingin mo sa iyong sarili, porke't isa kang Alpha Student!"
Agad akong napahinto sa paglalakad ng marinig ko ang napaka-pamilyar na boses ng aking matalik na kaibigan na si Andrew. Nagmamadali naman akong nagpunta sa kumpulan ng mga tao at pilit na isiniksik ang aking sarili para makapunta sa gitna.
"Siyempre, alam naman nating lahat kung anong section ang pinaka-mataas 'di ba?" At kilala ko rin kung sino ang nagmamay-ari ng mayabang na boses na ito!
Nang makapunta na nga ako sa gitna ay do'n ko lang nakumpirmang tama nga ang hinala ko. Muli na namang nagkrus ang landas ng bestfriend ko at nang mayabang kong kaklase na si Warren.
"G*go ka ah!" 'Di na nakapagtimpi itong si Andrew kaya sinugod niya na itong si Warren at pinatamaan ng isang suntok sa kanyang kanang pisngi. Kita ko namang napaatras naman 'yung kanyang nasuntok at hinawakan ang kanyang dumugong labi.
Susugurin pa sana ni Andrew ang kaklase ko pero agad ko naman siyang inawat para hindi na madagdagan pa ang haharapin niyang parusa mamaya. Kumunot naman ang noo ng aking kaibigan ng makita niya ako.
"Cedric?"
"Tigilan mo na ito, bago pa lumala 'yung parusa mo." pakiusap ko sa kanya.
"Oh Cedric, buti andyan ka na. Bakit hindi mo sabihin diyan sa loser na 'yan na wala siyang panama sa mga katulad nating Alpha Students?" Nalipat naman ang tingin ko rito kay Warren at agad siyang sinamaan ng tingin.
"Sabihin mong kaya siya nakikipagkaibigan sa'yo ay dahil gusto niya lang kumapit sa isang Alpha Student na kagaya mo... na parang isang linta." dagdag pa nito sabay smirk.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?!--"
"Ahh... so kampihan kayo ng g*gong ito ngayon?" I was easily cut-off by Andrew na ngayo'y sinamaan na ako ng tingin. Nagulat naman ako nang hinawakan niya ako ng mahigpit sa'king kwelyo.
"Pinagtutulungan niyo ako ngayon, gano'n ba 'yun? Ha Cedric?! Gano'n ba 'yun?!" dagdag pa niya, saying those words with so much hate in his tone.
Bago pa ako makasagot sa kanya ay nakarinig naman kami ng isang matinis na tunog na galing sa isang whistle. Ang kaninang mga nagkukumpulang mga estudyante ay biglang nagsilayuan sa pagdating ni Ms. Reyes, ang kilalang disciplinarian ng eskwelahang ito.
Tila maituturing itong isang de'ja vu ang muli naming pagtatagpo sa magkaparehong scenario gaya ng dati.
"Tigilan niyo na ang eskandalong ito at sundan niyo ako sa office, ngayon din!" singhal sa'min ni Ms. Reyes at walang sabi-sabi kaming tinalikuran tsaka naunang maglakad patungo sa kanyang office.
Padabog namang binitawan ni Andrew ang kwelyo ng aking uniporme at binigyan ako ng isang matalim na tingin bago niya kami talikuran ni Warren at nauna ng sumunod kay Ms. Reyes.
"Basta loser, madali talagang magalit." rinig ko pang komento ng mayabang kong kaklase. Walang imik ko siyang sinamaan ng tingin bago sumunod kay Andrew patungo sa office ni Ms. Reyes.
***
Wala pang ilang minutong pananatili namin sa opisina ni Ms. Reyes ay nakita ko naman ang pagpasok ng aming adviser na si Mr. Cruz. Tila hinihingal pa ito ng makarating dito.
"Mr. Cruz, dati ka nang nangako sa'kin na wala nang Alpha Student ang masasangkot sa gulo, tama ba?" pambungad na tanong sa kanya ni Ms. Reyes.
"Opo. Pasensya na kung naulit na naman." paghingi ng dispensa ni Mr. Cruz.
"That makes me question your capability as a teacher on how you handle your students. So therefore, sa pagkakataong ito, ako na ang magha-handle sa pagdidisiplina sa iyong mga estudyante." seryosong pahayag ni Ms. Reyes, na siyang ikinakunot ng noo ng aming class adviser.
"Mawalang- galang na ho. Ms. Reyes, but as far as I know, sa akin lang ipinagkatiwala ng mismong school director ang pangangalaga sa bawat estudyante ko. So if you'll excuse me, kukunin ko na sila rito pati na rin 'yang section 1 student." depensa naman ni Mr. Cruz sabay senyas sa'ming tatlo na lumabas na ng office. Nauna ng lumabas sa'min ang walanghiyang si Warren.
"Sandali." Natigil naman kami ni Andrew sa paghakbang ng marinig naming magsalita ulit si Ms. Reyes.
"Isama mo na 'yang mga estudyante mo, pero ako pa rin ang masusunod sa mga estudyante ko." dagdag pa niya sabay senyas kay Andrew na muling maupo.
"Mrs. Reyes, hindi naman po tamang parusahan niyo siya--" Tinangka ko pang makiusap pero sinamaan ako ng tingin ni Mr. Cruz.
"Go out now Mr. Magbanua." mariing pagkakasabi niya sa'kin. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Padabog naman akong lumabas ng opisina, leaving my bestfriend behind.
Nang makalabas naman ako ng opisina ni Ms. Reyes ay ramdam ko namang nakabuntot sa'kin si Mr. Cruz kaya muli akong napalingon sa'king likuran.
"Bakit hindi mo ako hinayaang ipagtanggol ang bestfriend ko sa loob?" paghihimutok ko.
"Dahil ayokong lumala ang sitwasyon." kalmado niyang sagot, which even annoyed me.
"Still, sana man lang hinayaan mo akong depensahan siya." pagalit kong pahayag. Tatalikuran ko na sana siya pero bigla akong natigilan ng inilahad niya sa'king harapan ang hawak-hawak nitong susi.
"Pasensya ka na pala kung natagalan, pero heto na ang susi sa sarili mong dormitoryo." sabi niya.
Padabog ko itong kinuha at walang imik ko siyang tinalikuran at nagtungo sa tinutuluyan naming dorm ni Andrew.
***
Pagkarating ko sa aming dormitoryo ay padabog kong inihagis ang aking bag sa isang sulok at naupo sa sahig. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na alam kung paano pa kami magkaka-ayos ni Andrew.
Speaking of him, narinig kong bumukas ang pinto ng dorm at kita kong pumasok si Andrew with the same pissed look on his face. Nadagdagan lang yata ang kanyang pagkainis ng makita ako.
"Salamat sa inyo ng kaibigan mo, suspended ako fot 5 days." pagalit niyang sambit sa'kin. Padabog niya ring inihagis ang kanyang bag sa kanyang higaan.
"Nagkakamali ka ng inaakala--"
"Alam mo, may napagtanto ako kanina eh." sabi niya, while cutting me off in the process.
"Sa'ting dalawa, mas bagay sa'yo ang tawaging linta. Kumakapit ka sa mga taong sa tingin mo'y pakikinabangan mo!"
Lahat yata ng katinuang meron ako ngayon ay tila naglaho sa isang iglap matapos kong marinig ang kanyang sinabi. Nagngangalit akong lumapit sa kanyang kinatatayuan at mahigpit siyang na hinawakan ang kwelyo ng kanyang uniporme.
"Ano'ng sabi mo?!" paasik kong sabi sa kanya.
"Bakit? Tama naman ako 'di ba? Since hindi mo na ako kailangan ngayon dahil sa lumipat ka na ng Alpha Section, ngayon naman ay do'n ka na sa g*gong iyon kumakapit! Kaya bagay talaga sa'yo ang tawaging linta." pang-iinsulto niya pa lalo. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya.
"Kung ganyan lang din kababa ang tingin mo sa'kin, sa kabila ng ilang taon nating samahan, mas mabuting 'wag mo na akong kakausapin kahit na kailan!" nanggagalaiti kong pahayag sabay bitaw sa kanya at sinimulan nang ligpitin ang mga gamit ko para lumipat na sa kakabigay sa'king dorm.
Hindi niya naman ako muling pinansin at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawang pagpapalit ng damit and acting as I were now invisible to this room.
Matapos ang ilang minutong pagliligpit ng gamit ko ay hila-hila ko na ngayon ang 'di gaanong kalakihang trolley bag ko palabas ng kwarto sabay bitbit din sa'king likuran ang aking school bag.
Muli akong napatingin dito kay Andrew, na kasalukuyang walang imik sa kanyang higaan habang nagbabasa ng kanyang textbook, bago ako tuluyang lumabas ng kanyang kwarto.
I guess simula sa araw na ito, pinuputol na namin pareho ang aming ilang taon ding pagkakaibigan.