webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 39 )

" A-ah.. S-steve?..". Pagbasag ko sa aming katahimikan nang nakahiga na kami sa sari sarili naming kama.

" O-oh?". Matipid nyang tugon.

" S-sorry..". Ang tanging nasabi ko.

" P-para saan?". Tanong nya.

" A-arr.. da-dahil d-dumating tayo sa puntong ganito..".

Matipid lang syang ngumiti. " A-ayos lang babe.. hindi naman natin yan inaasahan hindi ba? Expected kona na mangyayari ang ganito kaya h-hindi mo naman kailangan humingi ng pasensya..". Wika nya sabay lingon sa akin

Lumingon din ako sa kanya at marahang tinitigan sya, isang matipid na ngiti rin ang iginanti ko sa mga ngiti nya.

Nakatulog na kaming dalawa.

-----

Lumipas ang ilang buwan:

Hindi nagbago ang pakikitungo namin ni Steve sa isa't isa. Katulad lang din nang dati noong nag aaral pa kami sa isang pampublikong paaralan sa Zambales, ganoon parin syang mapagkumbaba. At magpahanggang ngayon. Kahit nakikita nya kami ni Zachary na magkasama lagi, hindi ko nakita sa kanya ang reaksyong magdamdam o magselos.

Naging malapit din sila ni Renz pero hindi sila magsyota ha? Hindi sila pwede maging magsyota! Dejk! Normal lang na magtropa kumbaga. Minsan kapag may training si Zachary sa kanilang kumpanya ay tatlo kaming magkakasama, gala dito, gala doon. Ako na rin ang madalas manlibre sa kanila, baka sabihin nyo naman habang buhay na akong buraot mga nimal haha!

Medyo may kasweetan din akong ipinapakita kay Steve pero hindi ganoon kalalim. Iyon kasi ang alam kong paraan para makabawi ako sa lahat ng mga sakripisyo nya sa akin. Hanggang ngayon? Hindi pa rin nagbago ang pagmamahal nya sa akin, mahal na mahal pa rin nya ako. Hindi rin nagbago ang nakasanayan naming gawin, mag asaran, magbulyawan at seryosong magkwentuhan mula sa kanyang papanaw. At isa pa, nariyan pa rin ang pamatay na ngiti nya. Kapag nakikita ko naman iyon sa kanya ay agad ko syang lalapitan para akbayan at sakalin sya, hindi ko kasi mapigilang kiligin. Ayoko rin lumalim ang puwang na pagmamahal ko sa kanya.

-----

September:

Sembreak na namin, masaya kaming magkasama ni Zachary. Obviously, sa karnabal na pinakapaborito naming puntahan. Same routine, rides, tapos kain, tapos maghangouts through wishing fountains. Masaya rin kaming nagkukwentuhan, ang sweet pa nga namin sa lagay na iyon habang akbay akbay nya ako at nakasandal naman ang ulo ko sa kanyang dibdib. Mga inggit kayo no? Dejk!

Maya maya:

" Hmm.. m-mahal? May importante nga pala akong sasabihin..". Wika ni Zachary.

Excited pa akong malaman ang kanyang sasabihin kaya todo ngiti ako sa kanya. " Ano yun mahal???". Nakangiting sagot ko.

Bumuntong hininga muna sya at bumwelo. " N-next year.. I'm going to states..". Malungkot nyang sabi.

Nagulat ko at bahagyang kinabahan sa kanyang sinabi. " States? Bakit? Anong gagawin nya doon?". Iyon ang mga pagtatanong ko sa aking sarili.

Napansin naman nya ang biglaang paglungkot ko. " B-ba't biglang malungkot ang mahal ko?". Tanong nya.

" H-ha? S-state? B-bakit ka naman p-pupunta doon? Sasama ba ako?". Sunod sunod kong pagtatanong.

Marahan nyang pinisil ang matangos na ilong ko. " Haha! Reaksyon mo palang natatawa na ako.. syempre hindi ka sasama, ako lang..". Sagot nya.

" S-seryoso ako!". Medyo pabulyaw ko.

" H-huwag ka nang malungkot dyan mahal.. hindi naman ako magtatagal doon mga anim na buwan lang naman ako..". Sambit nya.

" B-bakit nga??". Sigaw ko, hindi ko na naalintana ang mga nasa paligid.

Mabilis nya namang tinakpan ang aking bibig nang akma pa sana akong sisigaw ulit. Tawang tawa nalang sya sa aking ginagawa.

" O-okey.. relax lang mahal.. sasabihin ko na! Haha!". Tinanggal na rin nya ang kanyang kamay sa aking bibig. " M-makinig ka ha? M-my dad has a deal contract with his business partner sa amerika. And then, ako ang inatasan nya for the appointments and meetings, even sa conference and promotions. Kasama iyon sa ginagawa kong training, kaya nga minsan ay hindi na tayo masyadong nagkakasama.. para mas lalo pang mahasa ang utak ko sa pagpapatakbo ng company nya, na magiging company ko na rin, natin in the future..". Hinawakan nya ang kabila kong pisngi at iniharap ang aking mukha sa kanya para matingnan nya ako ng deretso. " D-diba maganda yun para sa akin, mahal? Ang future husband mo ay magpapatakbo na nang isang sikat na kumpanya?". Nakangiting paliwanag nya.

Hindi ko na naman namalayan na nakatulog na pala ako sa kanyang paliwanag. Dejk! Haha! Nakatitig lang ako sa kanya that time. Simula nang manumbalik ang mga alaala ko sa kanya ay maikli lang ang ibinibigay na oras na magkasama kami, kung minsan ay wala pa. Pero naiintindihan ko sya, nakakadismaya lang sa sinabi nyang aalis sya at pupunta sa amerika. Natahimik nalang ako at hindi nagsalita, nagtampo kasi ako. Ganon talaga ang mga GWAPO, kailangan magtampo!.

" M-mahal natahimik ka na dy... aargghhh!!". Si Steve, sabay napabitaw sa akin at nagkunwaring namimilipit sa sakit ng dibdib.

Hindi ko naman pinansin ang kanyang pag iinarte, ang oa nya amputa!

Itutuloy...

Nächstes Kapitel