webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 35 )

Hindi ko alam kung paano uumpisahan na magsalita. Hindi ko maibigkas ang mga salitang gusto kong sabihin kay Zachary, natatakot ako. Tinitigan ko nalang si mommy na tahimik na inoobserbahan si Zachary habang magkaharap sila.

Tahimik.

" Arrrgghh". Mahinang tinig ni Steve nang magkamalay na, iminulat nya rin ang kanyang mata pero hindi nya gaanong maidilat ito.

" S-steve..". Mahinang boses na ipinalabas ko sa aking bibig.

Napalingon narin sina mommy at Zachary sa gawi ni Steve. Si Zachary naman ang lumapit sa kanya.

" Tol.. b-buti sakto ang pagdating ko at gising ka na..". Sambit ni Zachary.

Agad na nagsalita si mommy. " A-ahmm baby boys? Ma-maiwan muna namin kayo.. k-kukunin lang namin ang results ng examination nila Stevie and Chander sa lab! Ahehe.. babush!!". Ani ni mommy na bakas ang pagtataka sa kanyang mukha.

Mabilis na hinawakan ni mommy ang handle ng aking wheelchair at itinulak palabas ng kwarto. Paglabas naman namin ay idineretso nya ako sa kasalukuyan kong kwarto.

Sa kwarto:

" A-anak.. s-si Zachary? Ang gwapo gwapo nya grabe!". Pabirong sigaw ni mommy pero mahina lang ito.

Hindi ako natuwa, nakayuko lang ako sa aking kinauupuan at tahimik lang.

" B-baby boy? So.. to-totoo na ba talagang bumalik na ang mga alaala mo?". Mabilisang tanong ni mommy.

Tumango lang ako.

" And.. what's the problem?". Tanong ni mommy na parang wala lang.

Hindi ako sumagot.

" A-ah.. ahmm.. I'm so s-sorry k-kung hindi ko agad naipaliwanag sayo kanina ang lahat.. natatakot kasi ako anak..". Dugtong pa nya.

" A-ayos lang mom.. hindi ako galit..". Matamlay kong sagot.

" Oh.. well? Hows Zachary? Did you missed him?". Si mommy.

" H-hindi ko po alam..". Matipid kong sagot.

" A-ah.. I see? I think, h-hindi pa ganoon kabuo ang panunumbalik ng ...". Hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin sa biglaang pagsabat ko sa kanya.

" Hindi!". Napasigaw ako. " So-sorry ma.. na-namiss ko si Zachary nang sobra.. p-pero hi-hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko naramdaman ang excitement nang makita sya..".

Sa totoo lang nahihirapan akong sumagot, sobrang hirap sa pakiramdam. Parehas! I mean? Hays! Sino sa kanila ni Steve at Zachary? Abangan.. Dejk!

Natulala si mommy ng ilang segundo. " Ahmm.. ok lang yan hijo.. irelax mo muna ang sarili mo, wag mong biglain. Alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon. Then, I ask Zachary sa recovery mo.. I'm sure na matutuwa sya ayii!!". Masayang sabi ni mommy, kinilig pa nga.

" W-wag po muna!". Mabilisang sagot ko.

" W-why?". Maikli nyang tanong.

" S-si Steve? P-paano po si Steve?". Pag aalalang sagot ko ulit.

" Ok? Hindi na muna natin sasabihin kay Zachary?..". Tanong ulit nya.

" K-kung maaari po sana ay hayaan nyong ako nalang ang magsabi sa kanya ma! Hi-hindi ko pa po kasi kaya sa ngayon..". Mariin kong tugon.

" Y-yeah right! N-naiintindihan kita anak.. its ok! It'll be a surprise for him ganern?". Si mommy, nakangiti pa.

Hindi na ako sumagot. Naiinis ako sa ipinakikita ngayon ni mommy, mas mukhang excited pa sya kesa sa akin eh!. Napabuntong hininga nalang ako sa aking lagay, siguro nga tama si mommy. Nagkahalo halo lang ang mga iniisip ko.

Agad akong tumayo sa wheelchair at sinubukan muling humiga sa aking deck, gusto kong magpahinga muna ng time na iyon. Nagpaalam na din sa akin si mommy para pumunta sa lab at kunin ang resulta nang aming swab test, baka positive kami sa covid. Joke lang haha! Wala palang covid sa panahon na 'to!

-----

Habang nakahiga ako, naiisip ko ang mga masasayang araw na nangyari sa amin ni Zachary noon. Ngayon alam ko na kung bakit sa panaginip ko ay may lalaki na nakatayo sa dalampasigan, sya pala iyon at hindi si Steve. Iyon yung araw na nagbakasyon kami sa pangasinan at ako ang kumukuha ng litrato nya habang nakatalikod sya at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Ang lumang bahay namin sa Zambales, sa kwarto ko kung saan madalas kaming naglalaro ng PS5. Naaala ko rin noong unang dinala ko si Zachary sa La Guna de Carnaval kung saan dinala rin nya ako noong nakaraan lang.

Sa ganoong pananariwa ng mga nakaraan ko, biglang may kumatok at agad rin nitong binuksan ang pinto.

Si Zachary.

Itutuloy...

Nächstes Kapitel