webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 29 )

Chander's POV :

" Wooooooooh!". Malakas na sigaw ko nang laksan pa lalo ni mama mia ang pagtulak sa sinasakyan kong duyan.

Isa na namang adventure sa duyan ang ginawa ko nang araw na iyon, medyo nawala ang pagkahabag ng aking isip. Stress relief para sa akin ang ganitong scenario at lalo pa sa mga kwento ni mama mia na labis ko ring kinaaliw. Si mama mia ang tumayong pangalawang magulang ko nang araw noong medyo bata bata pa ako, sobrang bait nya at panatag ang loob ko kapag kasama sya. Positibo ang pananaw nya at iyon ang pinakapaborito ko sa kanya.

Natigilan lang ang aming kasiyahan nang makita namin si Steve na nakatayo sa gilid ng halamanan, tinititigan nya ang mga iyon. Ewan ko lang kung gusto nyang maghardinero o magkunwaring biologist.

" Steve!!!". Sigaw ko sa kanya sa di kalayuan.

Agad naman syang lumingon sa amin. Nang makalapit na sya.

" Babe? Nandyan ka lang pala!". Ani ni Steve.

Napatingin naman sa akin si mama mia na nagtataka, nagtanong na rin sya.

" H-ha babe? Anak, b-boyfriend mo sya?". Takang tanong ni mama mia.

Napangisi ako. " A-ah! Haha! H-hindi po mama mia! Ganyan talaga ang tawag sa 'kin nyan may sa baliw po kasi yan..". Birong sagot ko.

Isang ngiti lang ang pinakita sa amin ni Steve.

" A-ah.. o sige! Nandito na pala ang hinihintay mo B-A-B-E!! Maiwan na kita..". Pabirong pagpapaalam ni mama mia at inemphasize pa talaga ang salitang babe.

Agad na rin syang umalis at sya rin ang naman paglapit sa akin ni Steve.

" Hinihintay mo ako?". Si Steve sabay ngisi at kindat nang nakakaloko.

" Ha? Hindi ah!! A-akala ko lang sumama ka na sa flush ng inidoro!". Sarkastikong biro ko.

Umupo rin sya sa isa pang bakanteng duyan at bahagyang nagswing. " Ano na palang plano mo?". Tanong nya.

" E-ewan.. natatakot akong magtanong tol! T-tulungan mo kaya ako?". Sagot ko.

" Err? M-mommy mo 'yon tapos matatakot ka?". Sambit nyang nakangiti, ewan ko kung gusto ba akong pagtawanan.

" E-eh iba kasi ang pakiramdam kapag hihingi ka lang ng pera sa magtatanong ka sa kanya tanga!". Pabulyaw kong sabi.

Doon na sya natawa pero tumahimik naman agad. " E-eh kung iumpog mo na kaya yang ulo mo nang may maalala ka? Para maisa isa mo nang itanong ang dapat mong itanong sa kanya..". Sarkastikong pabiro nya ulit.

" EH KUNG IKAW KAYA ANG IUMPOG KO!!". Pasigaw kong sagot.

" Haha! Biro lang babe..". Sandali syang natahimik. " Pero alam mo? May oras ka naman para malaman ang lahat, pero di ko rin sinasabing wag mong ituloy. Para sa akin lang, wag mong ipressure ang sarili mo kung hindi ka pa handa! Sa ngayon mas maganda kung dapat ienjoy muna ang meron ka. Wala ka pa naman natatandaan diba? Hindi naman natin alam kung kailan mangyayari ang panunumbalik ng mga alaala mo. Basta ang sa ngayon lang muna ang isipin mo.. kung sino ka ngayon, kung ano ka ngayon at kung ano tayo ngayon..". Palakhang opinyon ni Steve.

Napatingin ako sa kanya at napatitig sa kanyang mata. Nagtitigan kaming dalawa. May point sya, wala pa akong totally na naaalala. Pero hindi sinasabi ng isip ko na itigil ito, karapatan ko rin naman ang malaman ang lahat. Pero mukhang hindi nga ito ang tamang timing para mailahad ang lahat akin.

Napangiti ako. " Tama ka nga tol! Bakit kaya hindi nalang muna ako mag enjoy? Tara sa beerhouse?". Biro ko sabay tawa ng malakas.

Tawanan lang kaming dalawa.

-----

" Dito ba kayo matutulog ngayong araw baby boy?". Ani ni mommy sa akin nang nasa loob na kami ng bahay.

" Hindi mommy.. uuwi kami mamaya, and wag mo na akong tawaging baby boy mommy hindi nakakatuwa..". Kunot noong maktol ko sa kanya.

" Ow why? But I use baby boy for Steve too and he's happy.." . Biro nya.

" Err! Basta!". Giit ko, bumaling naman ako kay Steve. " Tara tol sa taas sa kwarto ko..".

Agad din syang sumang ayon.

Sa kwarto :

" Wow babe ang ganda ng kwarto mo ha! Ang daming libro!". Pagpupuri ni Steve sa kanyang nakita.

" Bakit? Wala ka ba nyan sa inyo? Obvious namang wala ka nyan eh mga komiks yan tanga!". Sarkastikong sagot ko.

" Haha! Ba't di ka sumali sa guiness book of...". Di na nya natapos ang kanyang sasabihin, may napanasin kasi sya sa dingding ng aking kwarto na nakasabit.

Gusto nyong malaman? Abangan!!.

Itutuloy...

Nächstes Kapitel