webnovel

Chapter 1:New Life

Warning:This story is not suitable for children.It contains Language/Blood/Violent.

Read At Your Own Risk

Expect The Grammatical Errors:

_________________________________________

Pagpasok pa lang sa loob ng isang opisina ay rinig na ang pagtitipa ng mga trabahador sa kanilang mga keyboard at abala sa pag-aasikaso ng mga files na pinapatrabaho sa kanila ng kanilang boss.Sino nga ba ang hindi mababagot sa ganitong palaging buhay na haharapin mo.Gigising ka sa umaga para maghanda para sa susunod mong araw para lang sa iyong trabaho at uuwi sa iyong tahanan na pagod na pagod at deretso sa pagtulog.

Iyon lamang ang ginagawa ni Kwame Salazar.May lahi siyang american dahil ang kanyang ama ay isang American citizen sa bansang USA at ang kaniyang jna ay isang Filipina.Dahil sa pinaghalong lahi ng kanyang magulang ay ganoon na lamang ang kagwapuhan ng binata at kitang-kita ang kanyang kakisigan dahil sa halos mamutok na ang kanyang polo dahil sa mamasel-masel niyang katawan.

Isa lang ang gusto ni Kwame Salazar,ang magkaroon ng simpleng buhay at maging isang sikat na writer tungkol sa mga hinahangaang tao katulad na lamang ng mga Demon Slayer.

Wala siyang tigil sa pagtitipa sa kanyang computer at mabilis na tinatapos ang bawat pahina ng mga papeles na pinapagawa sa kanya ng kanyang boss.Hindi niya pinapansin ang oras at kahit na oras na ng lunch ay hindi siya tumitigil sa kanyang ginagawa.

"Kwame"napaangat siya ng ulo nang makita ang kanyang kaibigan na si Yves."Masyado ka nang masipag.Tara kain ta'yo sa labas"pag-aaya ng kanyang kaibigan.

"I have no time for that.Kailangan around five o'clock ng hapon ay matapos na ako—"Hindi pa siya tapos sa pagsasalita nang hilain ng kanyang kaibigan ang braso niya.

"My God man magpapakamatay ka 'ba?"naiinis na tanong nito at hinila siya palabas ng opisina.

Hanggang sa makarating sila sa elevator ay hawak-hawak parin siya ng kaibigan nito sa braso.Namamawis na ang kanyang braso kaya naman binawi niya ito kay Yves.

"Ngayon na nasa loob na ta'yo ng elevator sa tingin mo may choice pa ako na makabalik sa table ko?"inis na sabi niya at pinamulsa ang magkabilang kamay sa kanyang pantalon.

Mahinang tumawa ang kanyang kaibigan at dinukot ang phone nito sa sariling bulsa.

"By the way.Did you remember the girl named Nathalia?Siya 'yung babaeng nireto ko sa'yo diba?"nakataas na kilay na pagpapaalala ni Yves kay Kwame.

"Nathalia?Oh.."He snapped his fingers."Yung babaeng walang dating na pinakilala mo sa akin at walang angking ganda?No,hindi ko siya type"Kwame rolled his eyes and took a deep breath.

"Your mouth have no filter sometimes—"

"Always correction"pagtatama ni Kwame."

Bumukas ang pintuan ng elevator at lumabas sila dito.Sabay silang lumabas ng hallway at naglakad sa gilid ng kalsada.

"Being a handsome man like me is not for a girl na walang dating at hindi marunong magkaroon ng pangangalaga sa sariling katawan.You said na ikaw ang pinakamagaling na match maker na nakilala ko pero hindi,dahil nakakilala ako ng isang taong katulad mo na napaka cheap pumili ng babae"saad pa nito at may pa hand gesture pa.

"Eh tangina ka pala eh noh"Napatigil si Yves sa paglalakad at gan'un din si Kwame."You are twenty one years old and never been in relationship.I'm your friend and I'm trying to helping you.Yes,let's admit na nakakahanga 'yang kagwapuhan mo although ilang paligo lang ang nilamang mo sa akin pero bro mag-isip ka nga.Gusto mo bang tumandang mag-isa at maggantsilyo ng mga tela?"

Sinapok ni Kwame ang ulo ng kaibigan at napaaray ito sa sakit.

"That will never happened to me"Nagpatuloy sila sa paglalakad.

"Madali lang makahanap ang isang lalaking katulad ko ng isang babaeng babagay sa'kin.Hello kamusta naman sa'yo na ilang beses nang nakipag sex sa sinumang mga babae diyan na nadadaanan natin.Hindi na ako magtataka kung pati mga katrabaho natin na babae ay napasukan mo na"pambabara nito sa kay kanyang kaibigan at binuksan ang isang restaurant na kakainan nila.

"Wala namang maganda sa mga katrabaho natin.Ako at ikaw lang naman ang may magandang lahi at itsura sa opisina—"

"Correction again.It's only me"Wala talagang preno ang bibig ni Kwame.

Sumama ang tingin ng reddish na mata ni Yves at pinigilan na maiinis sa kaibigan.

Hinayaan lang ni Kwame na si Yves ang mag-order para sa kanilang dalawa dahil lahat naman ay kinakain niya.Dinukot niya ang kanyang phone at binasa ang isang article sa fb na tungkol sa pag-atake ng isang demon.

"About demon again?"tanong ni Yves sa kanya.

"Isang 'di kilalang demon na naging sanhi ng pagkamatay ng libong tao sa enchanted kingdom at nagsanhi pa iyon ng pagsabog"seryosong pananalita ni Kwame.

"A happy place that splattered of a blood and delivers a nightmare to all people.I hate demons"Yves sips the glass of water on his side.

"Nakakatulog 'ba ang mga demons sa ginagawa nila?Nagdadala palagi ng takot sa mundo at maraming taong ayaw nang lumabas sa kani-kanilang bahay tuwing sasapit ang gabi"Pagkasabi niya iyon ay itinago niya ang phone sa kanyang jeans at lumingon sa transparent mirror ng restaurant.

Natuon ang kanyang pansin sa isang 'di kilalang tao na nakasuot ng black hoodie jacket at black jeans at naka payong ito na para 'bang wala itong nararamdamang init sa katawan na gayo'y gano'ng kainit ang panahon ngayon.Hindi na lamang niya iyon pinansin at lumingon kay Yves.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay dumating ang kanilang pagkain at nagsimula na silang sa pagnguya.Walang imik si Kwame hanggang sa basagin ni Yves ang katahimikan.

"If ever na makakita ka ng demon,matatakot ka?"tanong ni Yves sa kanya.

"Hmmmm.."napahawak pa siya sa kanyang baba at iniisip talaga ang kanyang magiging reaksyon sa oras na makita niya ang isang demon."Matatakot na maa-amaze.Pangarap kong makakita ng demon at dahil hindi sila makalabas sa umaga ay posibleng makita sila at kapag gabi naman ay napaka delikado sa mga taong katulad natin"At nagpatuloy siya sa pagkain.

Napabitaw si Kwame sa kanyang kutsara at tinidor nang makarinig siya ng malakas na hiyaw.Alam niyang siya lang ang nakarinig niyon dahil sa angking makarinig ng mga tunog mula sa malapit hanggang sa malayo.

Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang pagkabalisa niya hanggang sa—

Napaawang ang bibig ni Kwame at Yves nang makarinig sila ng malakas na pagsabog.Napatayo ang dalawa at agad na lumabas sa restaurant.

Ang mga tao ay nagkakagulo at nakatingala sa isang building na nasusunog ang isang bahagi ng palapag.Imposibleng gawa ito ng isang demon dahil oras pa lang ng tanghali.Ngunit nakakarinig siya ng nakakatakot na tunog na halos ikabingi ng kanyang tainga.

Isang demon ba ang may gawa nito?Nanlalaki ang kanyang mga mata dahil sa pagkabigla.Ang palapag ng gusali na nasusunog ay ang opisina nila at doon s'ya lalong kinabahan.

Walang pagdadalawang isip na tumakbo si Kwame papuntang building at halos madapa na siya sa pagtakbo.

"Kwame sandali!!"sigaw sa kanya ni Yves habang hinahabol siya.

Natigilan siya sa pagtakbo nang makarating siya da harapan ng hallway.Nakakarinig pa s'ya ng mga sigaw ng paghingi ng tulong ng mga tao at hindi na niya alam ang gagawin.

Agad niyang nilabas ang phone niya at tinawagan ang emergency hotline.

"Maramjng humihingi ng tulong kailangan natin silang—Yves!"Hindi na alam ni Kwame ang mga sumunod na nangyari nang patakbong pumasok sa Yves sa kanilang opisina.

Natataranta na siya habang nakatingin sa hallway at namumuo ang mga pawis sa kanyang katawan.

"Kailangang may magawa akong tama kahit ngayon lang"Bumuntong hininga siya at pakabong pumasok sa entrance ng building.

Agad na umakyat si Kwame sa hagdan pataas sa third floor kung saan naroon ang sunog.Kailangan niyang iligtas si Yves at ang mga tao na nasa loob pa ng opisina nila.

Nang makarating ay parang bato na nanigas ang kanyang katawan nang makitaang mga dugo na nakabahid sa bawat sulok ng opisina.

Napaluhod si Kwame dahil nanghina ang kanyang buong katawan nang makita ang mga bangkay ng mga katrabaho at naliligo ito sa dugo.Kulang-kulang na ang mga parte nito at ang mga iba sa ito ay kaawa-awa ang sinapit.

He didn't know what to do next when the body of his bestfriend are not appeared on his sight.Hindi niya mahanap ang bangkay ng kanyang kaibigan at umaasa siyang nakatakas ito sa isang massacre na nangyari sa isang opisina.

"Isang Demon....Isang Demon ang may gawa nito at hindi ako puwedeng magkamali"mahina niyang sabi sa sarili.

Dahil sa kakaiba niyang kakayahan na makarinig ng mga bagay-bagay mula sa malapit hanggang sa malayo ay alam niyang hindi pa nakakalayo ang Demon na may gawa nito.

"S-Sino ang may gawa nito?"

Napalingon siya sa bandang kanan niya nang makita si Yves na nakatayo 'di kalayuan sa kanya at may bahid ng dugo ang buong katawan nito.Nakayuko ito kaya hindi nito makita ang mukha ng kaibigan.

"Yves..."Tumayo siya at hahakbang na sana siya papalapit dito nang umangat ng tingin ang kanyan kaibigan.

Nabigla siya sa nakitang pigura ng kanyang kaibigan.The pupil of reddish eyes of Yves are now vertically slit and the veins of in his face are now appeared.Naglalaway ang bibig ni Yves nang makita niyo si Kwame at para 'bang anumang oras ay handa na siyang sakmalin nito.

Hindi makapaniwala si Kwame dahil sa kanyang nakikita.Ang Yves na kanyang kaibigan ay naging isang demon dahil sa hindi alam na kadahilanan.Napansin din niya ang kalmot sa leeg ni Yves at lumalabas ang mga dugo at kumakalat sa damit nito.

"Yves,anong nangyari sa'yo?!"pasigaw niyang tanong da kaibigan.

Hindi ito sumagot bagkus ay tumakbo ito papalapit sa kanya at akmang sasakmalin siya nito gamit ang matutulis nitong mga pangil.

Dahil sa pagkabigla ay nanigas si Kwame sa kanyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin dahil sa kakaibang kinilos ng kanyang kaibigan.

Napalingon si Kwame sa likuran ni Yves at nakita ang isang lalaking Golden Brown ang mga mata na nakasuot ng black leather jacket at black jeans at nakahanda na ang espada nitong nakataas sa kanang kamay nito.Alam ni Kwame na pupugutan nito si Yves sa ulo kaya naman agad niyan hinila ang kwelyo ng kaibigan at binuhat pahagis sa sa kaliwang dereksyon.

Dahil sa nawalan ng pagkakataon ang naturang lalaki ay agad siyang pagulong na bumaba sa lupa at pagkatayo nito ay ilang dangkal lang ang pagitan ng mukha nila ni Kwame.

"Bakit mo ako pinigilang patayin ang isang demon Master"

Master?Tama ba ang kanyang narinig?Tinawag siya nitong master at ang mabangong hininga nito ay nalanghap niya.Ang mahinahon na boses nito ay akma sa walang reaksyon na mukha nito na para bang pinagsakluban ito ng langit at lupa.

Kulay blonde ang buhok nito at napaka kinis ng mukha.Mas gwapo ito sa kanya at napaka tangkad pa.

"S-Siya ang kaibigan ko at hindi siya ang may gawa nitong sunog at pagpatay sa mga katrabaho mo"paliwanag niya dito.

Napalingon ang 'di kilalang lalaki at walang reaksyon nang makita nitong may bahid ng dugo ang katawan nito.

"Kung hindi siya ang may gawa nito,bakit mayroon siyang dugo sa kanyang damit?"Hindi naniniwala ito sa mga sinasabi ni Kwame.

"Pero dahil iyon sa matinding sugat niya sa leeg at wala siyang dugo sa kanyang bibig!"pagpupumilit na pagkumbinsi niya rito.

"Kung gano'n ay gawa iyon ng isa pang demon at nahaluan siya nito ng dugo dahil sa sugat niya sa leeg?"Ipinasok nito ang espada sa dilaw na mahabang kawayang lagayan nito at umistilo na para bang tatakbo.

Nang mapansin ni Kwame ang istilo ng katawan ngayon ng naturang lalaki ay naalala niya ang isang breath ng demon slayer na kung saan ay ganito ang pineperform nitong style.

Isa siyang Thunder Breath user.Napalingon siya kay Yves na ngayon ay nakatayo na at napaangat ang ulo at tumitig sa direksyon ng lalaking katabi niya ngayon.

Isang malakas na parang tunog ng kumukulong steamer ang kanyang narinig na malalim na buntong hininga ng lalaki.

"Thunder Breathing"mahinang bigkas nito na narinig ni Kwame."First Form"

Alam ni Kwame na sa oras na ibitaw nito ang hulung kataga ay kislap matang mapupugutan ang kanyang kaibigan at maglalaho sa kanyang mga paningin.

Tumakbo si Kwame papalapit sa direksyon ni Yves at humarang sa daraanan ng Demon Slayer.

"Thunder Clap And—"

NATIGILAN ang naturang binata dahil hinarangan siya ni Kwame.Hindi nito alam kung bakit iyon ginawa ng isang mortal at walang alam sa pakikipaglaban na binata.

Napalingon ito sa likuran ni Kwame at nakitang sasakmalin ito ng isang demon na pinoprotektahan niya.Agad itong tumakbo papalapit sa binata at sinipa sa tagiliran si Yves at tumilapon sa bintana ng opisina.

Nahulog ang kaibigan ni Kwame at napasigaw ito dahil sa nangyari.

"Yves!"sigaw nito nang makitang nahulog ang kanyang kaibigan.

Nagulat ang lalaki nang sapakin siya ni Kwame.Napahawak siya sa kanyang labi at nakita ang palad nitong may dugo.Binigyan niya ng matalim na tingin ang binata at nagtikom ang mga kamay nito.

"Pasalamat ka dahil tinuturing kitang master"Kalmado parin ang boses nito kahit na nabangasan ang napaka ganda niyang mukha.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo...Hindi ako ang Master mo!Wala akong alam sa sinasabi mo!Layuan mo ako—"

Hindi paman tapos sa pagsasalita si Kwame ay hinampaa niya ang gilid ng leeg nito gamit ang mabigat niyang kamay at nawalan ng malay sa kanyang braso.

"Pasensya na,Master"

_____________________________________

NAPABALIKWAS si Kwame nang magising ito sa loob ng kanyang condo.Bumangon siya at napahawak sa masakit niyang leeg na dulot ng pagkakahampas sa kanya ng 'di kilalang lalaki.

Halos atakihin siya sa puso at napahawak sa kaliwang dibdib nang makita ang lalaking kasama niya kanina sa opisina na nakaupo sa bintana ng kanyang kwarto.

"Papatayin mo 'ba ako sa takot?!"

"Pasensya na kung ganoon na lamang ang naging reaksyon niyo,Master"paghingi ng tawad nito na wala paring reaksyon sa kanyang mukha.

"Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng Master.Hindi ko alam kung sino ka ang alam ko lang ay isa kang Demon Slayer"naiinis na sabi nito at hindi mapinta ang reaksyon sa kanyang mukha.

"Ako si Zeus San Diego.Lumaki sa bansang America dahil sa aking ama at nanirahan dito sa Pilipinas.Makalipas ang taon ay naging ganap na isang Demon Slayer at isang Pillar"Pagpapakilala nito.

Ganoon na lamang ang pagkagulat ni Kwame nang malaman niya na isang Hashira o Pillar ang lalaking nakaupo sa bintana ngayon.Namangha siya sa postura ng pagkatao nito na para bang isang himala na makakita ng isang Demon.

"Ito na ang simula ng panibago mong buhay Kwame.Ikaw ang susunod na magiging Master ng mga Demon Slayer at nagtitiwala kaming lahat sa pagtanggap mo ng katungkulang iyon"Tumayo ang lalaking nagngangalang Zeus at lulundag na sana ito paalis sa condo ni Kwame nang magsalita pa ang binata.

"Sandali"mahinang pananalita nito."Paano ako magiging Demon Slayer?"tanong pa niya dito na magkasalubong ang kilay.

"Tumungo ka sa syudad ng Baguio upang malaman ang kasagutan sa iyong tanong.Maghihintay ako doon"At sa isang iglap ay naglaho ito sa paningin ni Kwame.

A/N:Breath-ay ginagamit ng mga demon slayer para gawing pag-atake sa mga demon.May iba't-iba itong elemento katulad ng Thunder na gamit ni Zeus.

Nächstes Kapitel