webnovel

PRESENT WORLD: Hopeful Romantic

(Romantic background music)

"Are you okay? What's the matter?" tanong nito na tila may kislap ang kanyang mga mata.

"Ah..I'm fine" sabi ng dalaga with a little awkardness.

Then, Drayce tried to look everywhere until he was noticed by Avyanna.

"P_please... Just stay where you are...I_ just wanted to..."

Habang sinasabi ito ng dalaga, nabaling naman ang buong attention ng binata sa kanya.

Kay nag-isip si Avyanna kung ano ang maganda niyang idadahilan just to stop him from looking around.

"I just wanted to enjoy this moment sir....with you" she said while looking at his eyes.

He can't handle it.

He can't pretend anymore.

And he's been thinking of something that would change everything.

Until, nahimasmasan siya nang makita niyang masaya na pinanonood ng dalaga ang mga fireworks sa alapaap.

"Wow...ngayon lang ulit ako naexcite ng ganito!" ani nang dalaga habang nakatingala na sa langit.

"I'm also grateful Avyanna" hindi mapigilang sinabi ng binata sa kanya.

Napatingin naman ang dalaga sa kanya.

"For what sir?"

"For this..." he said while refering to their hands na magkahawak na rin pala that time.

"And this....."

That night.

That moment.

.

.

.

.

.

.

.

He kissed her.

.

.

.

.

.

.

He kissed her... holding her hands while the moon is lit.

Kasabay ng napakagandang fireworks.

------------

Nakangiting binabaybay ni Mikaela ang

Couple's Park.

After niya kasing mahospital, ngayon lang ulit siya nakalabas at nakapamasyal. Niyaya niya si Drake na samahan siyang gumala since sobra na rin ang pagkabagot niya sa kanilang bahay.

"I didn't expect na dito mo ako dadalhin Mikaela" nasabi ni Drake.

"Di ba, dito mo ako dinala noong highschool pa tayo? Valentines Day iyon" Mikaela said habang inaalala ang mga nakaraan.

Ang nakaraan kung kailan naramdaman niya ang saya sa kanyang puso.

"Well, yeah. Hindi ko iyon makakalimutan kasi... that's my first time being awkward with you lalo na nang may mga lalaki pang nagbigay sa iyo ng mga flowers noon while ako, wala man lang naiabot" natatawang sabi ng binata.

"Naaalala mo pa iyon?" nakangiti namang sabi ng dalaga.

"Yes. Tapos ang pinaka- nakakadisappoint pang pangyayari nun, bigla pang umulan ng malakas, and the only thing na kailangan nating gawin is to run para di mabasa" masayang pagkukwento ng binata sa kanya.

"But to be honest Drake, isa iyon sa pinakamasayang moment ko noong highschool" ani ng dalaga with all her sincerity.

"Ang mabasa?"

"Nope."

"Eh ano?"

"Ang makasama ka habang hawak-hawak mo ang aking kamay"

Hindi na nakaimik pa ang binata.

"Joke! I'm so happy that time kasi nakatanggap ako ng flowers from my suitors" she said trying to cover up from her banat.

"Oo na. Ikaw na ang pinakamagandang babae sa campus noon kasi andami mong suitors"

"I know right?" pabirong pagkakasabi nito.

"Wait. Look, halika dito Mikaela" sabi ng binata sa kanya nang makita ang nagtitinda ng couple bracelet.

"Manong, how much is this?" ask ni Drake sa matandang lalaki.

"200 pesos po, teka...parang..... parang nakita na po kita kanina" ani nito.

"Kanina? Kararating lang po namin dito eh"

Tinitigan naman ng matanda si Drake para masiguro ang sinasabi ng binata.

"Ah ganon ba? pasensya na ijo, baka namamalik-mata lang ako" nasabi na lang nito dahil iniisip niyang baka nagkamali lang talaga siya.

"Uh...Drake, I'm hungry na. Can we buy some food? Hindi pa kasi ako kumakain eh" interrupt ng dalaga sa pag-uusap nila.

"Oh yes, of course. Tara?"

"Let's go"

Nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad.

"You know what, I didn't know na may pagkacreepy din ang mga tao dito" nasabi ni Mikaela.

"Bakit naman?"

"Di ba, sabi nung old guy na nakita ka nya dito? Impossible namang andito si Drayce noh. He would never go with this kind of place....I guess" ani ng dalaga.

Dahil dito, napaisip bigla si Drake.

"But what if, totoo ngang andito siya?" Drake said.

"Ano na namang gagawin niya dito? And sino naman ang kasama niya?"

"Well.... siguro tama ka nga. Impossible na pumunta siya dito. So..."

"Does it mean na may doppelganger ka?" Mikaela said with her eyes wide open.

"Or possible ring hindi lang kami twins, kundi triplets pala!" react naman ng binata.

Nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa ideyang iyon.

"Oh my! Really?" Mikaela reacted habang imaabsorb ng utak niya ang mga sinabi ng binata.

"Yes! Possible iyon!"

"Wait...Okay....so much for that..kumain na muna tayo, baka namamalik-mata lang talaga si Manong" conclude naman ng dalaga ng hindi na niya kayang mag-isip pa ng mga suppositions na iyon.

"Tama ka, may nakikita na akong food stand ang kaso..masyadong maraming tao" saad ni Drake.

"Don't worry, ako ang bahala. Just watch and learn" ani ng dalaga tapos agad na siyang lumapit sa pila.

Pinanood naman ni Drake ang gagawing diskarte ng dalaga para makasingit lang sa napakahabang pila na iyon.

"Ahem!"

Nang mapansin naman ng lalaki sa likod niya ang dalaga, kinalabit niya ang kanyang kasama na barkada.

"brad, may chiks sa likod. Paunahin na natin"

Sumang-ayon naman ang kaibigan nito nang makita ang mukha ni Mikaela na tila ba nagningning sa harapan nila.

"Ah miss, mauna ka na. Ladies first"

"Thank you!"

Nang makalipat naman siya nang pwesto, naisipan niyang gamitin ang pinakamalupit niyang technique na walang sino man ang kayang magtiis na hindi siya pagbigyan.

"Ewch, my feet really hurts" medyo maarte at daring na pagkakasabi nito habang hinihimas-himas ang kanyang mga paa.

"Sana naman... may gentleman na maawa sa akin. I'm so tired and hungry na rin kasi eh" this time, paawang expression naman ang pinakita niya.

And because, every guys there got pity on her, pinauna siya nito sa pila kaya agad siyang nakabili ng foods.

"Ang lupit!! Bilib na talaga ako sa iyo Mikaela!" nakangiting sabi ni Drake sa dalaga habang tinutulungan na siyang dalhin ang mga pagkain sa table na located lang rin malapit sa food stand.

"Ano ka ba..maliit na bagay!" she said habang hinahawi ang kanyang buhok.

"You know what, kung inamin mo lang sa akin dati ang real feelings mo for me....siguro, tayo pa rin hanggang ngayon" nasabi bigla ng binata sa kanya.

Dahil dito, unti-unting nawala ang mga ngiti ng dalaga sa kanyang labi.

"Uh....did it make you uncomfortable?"

"No. Of course not! I'm thinking nga eh...what if..naging tayo?" seryosong tanong naman ni Mikaela sa kanya.

And that question.

It made him silent.

----------

When Avyanna realized that she's kissing Drayce. Sumagi bigla sa isipan niya ang kanyang mission.

The reason kung bakit siya napadpad sa mundo nila.

Dahil dito, agad niyang naitulak si Drayce papalayo sa kanya.

"What's wrong?" pagtataka namang tanong ng binata sa kanya.

But instead of answering him, dali na siyang naglakad pabalik sa dinaanan nila.

"Hey...Avyanna...I'm sorry!" sabi naman ng binata habang sinusundan ang dalaga.

Nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Avyanna. She's been thinking kasi na may mali na sa nararamdaman niya.

And makakasira iyon sa mission niya kapag pinairal pa niya ang kanyang emosyon.

"Avyanna, wait a second. Let's talk" then he gently grab her hand and hinarap siya.

This time, nasa gitna na sila ng grassy area ng couple's park. And ilang hakbang na lang rin ang lalakarin para maabot ang food stand kung saan naman nagkukwentuhan habang kumakain sila Drake at Mikaela.

"Itigil na po natin ito sir. Gusto ko na pong umuwi"

"But....why? Akala ko ba na gusto mong ienjoy ang gabi na ito...kasama ako?" he asked habang ang kanyang mga mata ay puno ng panghihinayang.

"You're supposed to be with Mikaela sir, not with me" she tried to walk away from him pero pinigilan ulit siya ng binata.

"Paano kung gusto kong..ikaw ang makasama ko ngayong gabi? pagbibigyan mo ba ako?"

Dahil sa sinabi nang binata, mas lalong bumilis ang pintig ng kanyang puso. Sobra na ang nararamdaman niya ngayon.

Hindi na niya ito kaya pang ipaliwanag.

"Hayaan mong kahit ngayong gabi lang, makalimutan ko ang aking mga problema." sabi ng binata habang nakatitig ito sa mapupulang labi ng dalaga.

Ngayon, nagtatalo ang isip ni Avyanna. Part of her wanted to be with him pero mas nanaig ang kanyang takot.

Ang takot na tuluyan na niyang makalimutan ang mission at piliing makasama ang binata.

"N_no sir, mali ito. Mali ang lahat ng ito."

"Bakit mali? Ano bang mali? Wala na ba akong karapatang magkagusto sa iba?"

Nanlaki naman ang mga mata ng dalaga dahil sa narinig. Habang humahaba ang pag-uusap nila, mas lalo siyang nagugulat at hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng binata.

"Meroon." mahinang sabi nang dalaga.

"Then, what's the problem? Bakit mo ako ipinagtatabuyan?"

"Its just because..... hindi ito ang dapat. You're supposed to hate me sir.. "

(lalo na't ang mission ko ay ang kitilin ang buhay mo)

"Dahil ba sa kakambal ko? Ano bang meroon sa kanya na hindi nyo mahanap-hanap sa akin? Why you girls always choose him over me? Tell me!" nagtinginan na ang mga tao sa kanila dahil sa biglaang pagtaas ng boses ni Drayce.

Agad naman itong napagtanto ng binata kaya napagdesisyunan niyang umuwi na lang sa mansion.

----------------

"It was really a great night Drake." saad ni Mikaela nang makasakay na sila sa Bugatti ni Drake.

"Well, may utang ka na sa akin. Sisingilin kita sa susunod" he jokingly said.

Napangiti naman ang dalaga dito.

"By the way, kanino mo pala ibibigay yung bracelet na binili mo kay manong?"

"Ah ito? Hmm.... I'm gonna give it to my someone special"

"Wow ha, sino naman iyon?" curious namang tanong ng dalaga na may pagseselos.

"You'll just know her kapag nakita mo nang suot niya ito"

"Hmp! ang baduy mo naman" nasabi na lang ng dalaga.

Drake started to drive na while smiling. He's actually planning to give the bracelet to Avyanna.

Matapos niyang maihatid si Mikaela, dumiretso na siya sa mansion.

Pagpasok niya sa loob, bumungad sa living room si Drayce habang nakasandal sa sofa at umiinom ng kape.

"Kararating mo lang rin ba?" tanong naman ni Drake nang mapansing hindi pa nagbibihis ang kakambal.

"Yes" sagot naman ni Drayce not looking at him.

"Okay. Itulog mo na lang iyan, alam kong stress ka lang. Dapat hindi ka na umiinom ng kape eh" he said tapos naisipan niyang umupo rin muna sa kabilang sofa.

"By the way, if you're still thinking about what I said kanina sa office, don't worry_"

"Please... don't discuss about it." napapikit na sabi ni Drayce sa kanya.

Ginulu-gulo niya rin ang kanyang buhok bago naisipang tumayo para umakyat na sa kanyang kwarto.

Doon lang rin napansin ni Drake ang bracelet na suot ng kakambal na kagaya sa binili niya doon sa couple's park.

"Teka...galing talaga siya doon? Does it mean na, totoo ang sinabi ni Manong kanina?" mahinang tanong niya sa sarili.

Mas lalo tuloy siyang nacurious kung sino ang kasama ng kapatid niya doon.

(fast forward)

Umaga na.

Sabay na bumaba si Drayce at Drake nang katukin ni Avyanna ang mga kwarto nito para kumain.

"Breakfast is ready, kumain na po kayo" ani ng dalaga sa kanila.

Agad naman silang umupo para magsimula nang kumain.

"Ah..ienjoy niyo lang po ang food Master and sir...kasi ako po'y aalis na, baka ma-late po kasi ako eh. Mahirap pa naman pong magcommute pag ganitong oras." medyo awkward na pagkakaexplain ng dalaga na napansin naman ni Drake.

"May problem ba Avyanna?" pag-aalalang tanong ni Drake.

"P_problem? Wala naman po Master. Hehe."

Then agad nang kinuha ng dalaga ang kanyang mga gamit. While doing it, napansin naman ni Drake ang lock bracelet sa kamay nito.

Kaya agad niyang nagets na magkasama pala sila Drayce at Avyanna kagabi sa couple's park.

"Sasabay ka sa akin" sabi ni Drayce kaya agad na itong tumayo at nilapitan ang dalaga.

"A_Ah sir, huwag na po. Nakakahiya naman p_po"

"Basta, sasabay ka sa akin" tapos kinuha ni Drayce ang mga gamit ng dalaga para dalhin na sana sa kanyang kotse.

"No.... hindi ako papayag." ani ni Drake at nakapamulsang lumapit sa kanila.

"M_master..."

"She's coming with me" then Drake held her hand.

Napatingin naman si Drayce sa kamay nito na nakahawak sa kamay ni Avyanna. So he decided to hold Avyanna's other hand also.

Because of it, tiningnan ng masama ni Drake si Drayce. Ganoon din si Drayce sa kanyang kakambal.

While Avyanna, sobrang kabado na sa mga nangyayari. Masyado kasi atang sineryoso ng magkapatid ang patungkol sa kung sino ang pipiliin niya para makasabay papuntang workplace nila.

Hi guys!

So sino kaya sa kanila?

Drayce or Drake?

MissKc_21creators' thoughts
Nächstes Kapitel