webnovel

[16] HE’S A NECROPHILIAC

[16] HE'S A NECROPHILIAC

"Isang bangkay nanaman ang hinukay sa Redrose City Cemetery. Ayon sa tagapagbantay ng naturang sementeryo ay may nakita lang s'yang lalaking nakaitim na hoodie pero bigla nalang daw s'yang nahimatay at... blah blah blah." sabi ng reporter sa TV.

Napailing nalang ako, "Ano ba 'yang nangyayari? Halos araw araw nalang may napapabalitang hinukay na bangkay sa iba ibang cemetery dito sa Redrose." napabuntong hingingang sabi ko sa bestfriend kong si Kiro.

Nagkibit balikat s'ya at napailing din. "Kaya nga, Nat. Alam mo ba? May serial killer pa nga dito noon." nanlaki ang mata ko at napatigil sa pagkain. Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain ng lunch at nakikinig sa balitaba nagmumula sa TV. Usually ay tatlo kaming magkakasamamg kumain, kasama ang boyfriend ko. Pero hindi ko alam pero wala syang ngayon. Busy yata sa pagpractice ng soccer.

"A-Ano? Serial killer?" napaawang ang labi ko. Tumango tango s'ya sa itinigil ang pagkain at mas lumapit sa'kin upang mag kwento.

"Yep. They called it the 3 o'clock killer. Matagal na panahon na talaga 'yon. Mga dalawang dekada na yata? Wala pa kami noon dito sa Redrose," tumigil s'ya sandali at uminom habang ako ay nakatingin lang sa kan'ya at tahimik na nakikinig. "Kaya ito binansagang 3 o'clock killer ay dahil tuwing alas tres ito ng madaling araw umaatake. Araw araw ay isang tao ang pinapatay nito tuwing alas tres. Tumigil ito at naging payapa at tahimik na ang Redrose City. Pero noong halos makalimutan na nila ang bangungot na dinala ng serial killer na iyon ay bigla nanaman itong bumalik pagkatapos ng limang taon." kwento nito. Hindi ko alam na may bangungot na nakaraanan pala itong syudad na nilipatan namin.

"Teka. Saan mo naman nalaman ang lahat ng iyan?" nagtatakhang tanong ko. Ang tagal na non. Siguradong hindi pa kami nabubuhay ng mga panahong iyon.

Nagpatuloy s'ya sa pagkain, "Nabasa ko lang sa history ng Redrose City." sabi n'ya at tuluyan na inilagay ang focus sa pagkain.

Napanguso nalang ako at pinagpatuloy na din ang pagkain. Grabe, ah. May serial killings palang naganap dito. Tapos ngayon naman may nangunguha ng bangkay mula sa hukay ng mga ito, ano namang gagawin nito sa mga bangkay? Baka naman 'yung mga pinatay ng 3 o'clock killer noon ang hinuhukay ngayon ng kung sino man iyon? Napakurap ako at napalunok sa sinubo ko. Nasamid ako at napaubo. Uminom ako ng tubig habang si Kiro naman ay tinatawanan lang ako.

"H'wag mo masyadong isipin ang ikinwento ko sa'yo, matagal na nangyari iyon." natatawa nitong sabi.

Noong kumalma na ako ay sinamaan ko s'ya ng tingin at saka ngumuso.

————

"Colt.." tawag ko sa boyfriend ko. Kasalukuyan kaming naglalakad papauwi. Hatid sundo n'ya ako, sabay kaming naglalakad dahil walking distance lang mula sa bahay papunta sa school. S'ya lang ang medyo malayo layo ang condo. Iniiwan nalang n'ya ang sasakyan n'ya sa tapat ng bahay namin upang sabay kaming maglakad. Wala lang. Mas trip kong maglakad papasok, eh. Kaya sinabayan nalang n'ya ang gusto ko.

"Hmm?" tanong nito. Nakaakbay s'ya sa'kin habang ako ay nakayakap sa baywang n'ya. Ngumuso ako. Halatang pagod s'ya. Napasobra yata s'ya sa pag practice.

"May gagawin ka tommorow?" tanong ko sa kan'ya. Friday na kasi ngayon at gusto kong magdate kami bukas.

Lumingon s'ya sa'kin at pagod na ngumiti, "Magpapahinga siguro ako bukas. Buong maghapon kaming nagpractice." matamlay na sabi nito.

Napakunot ang noo ko at hinawakan ang noo at leeg n'ya upang tignan ang temperatura n'ya. Nagaalala ako ng husto ng naramdaman kong sobrang init n'ya.

"Colt. Inaapoy ka ng lagnat." huminto kami at nasa tapat na kami ng bahay. "Sure ka bang kaya mong magdrive pauwi?" nag aalalang tanong ko sa kan'ya.

Bumitaw s'ya sa pagkakaakbay sa'kin, hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko at saka s'ya ngumiti. "I'm fine, Natalie. I can manage." sabi n'ya at saka humikab.

"What if you passed out?"

"No. I'm really fine, okay? You don't need to worry. Pumasok kana sa loob, baka lamukin ka pa dito." sabi n'ya at sumandal sa hood ng sasakyan.

"Sure ka? Samahan kaya kita? I'll be your nurse."

Umiling s'ya, "Really, Nat. I'm okay." sabi n'ya at nagkibit balikat, "Lagnat lang ito. May gamot ako sa bahay, effective ang gamot na 'yon dahil t'wing nilalagnat ako ay 'yun lang ang kailangan ko, gumagaling agad ako." ngumiti ito, "Sige na, Nat. Pumasok kana sa loob ng bahay n'yo at nang makauwi na ako para sa gamot."

Kahit nagaalangan ay tumango ako at ngumiti, "Ingat ka." sabi ko at pumasok sa bahay. Dahan dahan ko pa itong isinara at nakita kong kumaway s'ya at ngumiti. Tuluyan ko na naisara ang gate. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagstart ng sasakyan at ang pag-alis nito.

Napabuntong hininga nalang ako at nagaalala parin kahit niassure n'ya na kaya n'ya at okay lang. Pumasok na ako sa loob ng bahay namin, nakita ko si mama na nanonood ng TV sa living room. "Oh, Nat. Kumain kana." nagmano ako sa kan'ya at tumango.

————

Natapos akong kumain ng dinner. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at walang magawa kung hindi ang mag cellphone. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at 7:30 na ng gabi.

Kumain na kaya s'ya?

Tatawagan ko na sana s'ya pero biglang nag chat sa'kin si Kiro.

Akiro Mendez:

... - .- -.-- / .- .-- .- -.-- / ..-. .-. --- -- / .... .. -- / .... . '... / .- / -. . -.-. .-. --- .--. .... .. .-.. .. .- -.-.

You:

What? Haha.

Napailing nalang ako, ang lakas talaga ng trip nitong si Kiro. Kinuha ko ang bag ko upang kunin sana ang notebook ko kung saan ko nilista ang nga codes and ciphers ngunit ng buksan ko ito ay may hoodie na nakalagay.

Napaawang ang labi ko. Ito ang hoodie na paboritong paborito ni Colt! Hiniram ko nga pala ito kanina dahil nagtataka ako kung bakit gustong gusto n'ya ito. 'Yun pala ay sobrang comfortable nito sa pakiramdam. Bumilis ang tibok ng puso ko. Sa wakas mayroon na akong dahilan upang magpunta sa condo n'ya at alagaan s'ya!

Agad akong nagbihis ng comportableng damit at nagpaalam kay mama na nilalagnat si colt at kailangan ko s'yang alagaan. Pinayagan naman n'ya ako basta daw umuwi agad ako at dito matutulog sa bahay.

Ilang minutong byahe ay nakarating na din ako sa wakas. Hindi ko alam pero bakit kinakabahan ako? Hindi naman ito ang first time kong makakapunta sa condo n'ya. Dahil siguro gabi na?

Nandito na ako sa tapat ng condo n'ya. Nagaalangan akong tawagin s'ya. Baka tulog s'ya? Baka maka istubo ako? Sobrang pagod pa naman n'ya. Napabuntong hininga ako at umatras. Bukas nalang ako siguro babalik upang isauli ang hoodie n'ya.

Tumalikod ako at hahakbang na sana papalayo nung may bigla akong narinig na ingay mula sa loob ng condo n'ya. Parang nay nabasag.

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Pinihit ko ang doorknob at hindi naman pala ito naka lock. dahan dahan akong pumasok. Tinignan ko muna ang loob at nakita ko s'ya. Gulat na gulat ako sa nadatnan. Gulo gulo ang loob. Nakatanggal ang bedsheet sa kama at nasa sahig naman ang mga unan. Kalat kalat ang gamit n'ya. Nakatumba ang lamesa na maliit. Bukas ang aparador n'ya na naglalaman ng mga damit n'ya at pati ang laman nito ay halos wala na sa loob kung hindi ay nakakalat sa sahig ng condo at ang iba ay sa kama. Tila ba hinahalughog n'ya ito at may hinahanap na napaka importanteng bagay.

"Colt?" tawag ko sa kaniya habang inililibot ko ang paningin sa paligid. Pero nung tignan ko ulit s'ya sa pwesto n'ya ay nagulat nalang ako nung makutang wala na s'ya doon.

Lalabas na sana ako ng condo n'ya ng bigla akong napahiga sa sahig. Nakaramdam ako ng sakit sa likod ng ulo ko hanggang sa wala akong makita kung hindi kadiliman.

————

Unti unti kong imunulat ang mga mata ko. Nakahiga ako sa isang matigas at malamig na higaan. Parang bakal na walang kutson. Sa una ay wala akong makita kung hindi kadiliman pero noong ikinurap kurap ko ang mata ko ay naging maayos na ang aking paningin. Naigawi ko ang tingin ko sa gilid ko dahil parang may nanataan akong gumalaw. Napasinghap nalang ako ng makita si Colt na nakatitig sa'kin at parang may ginagawa s'ya sa aking tabi may narinig akong munting haliling mula sa kanya bago tumigil at inayos ang sarili.

Mas lalo s'yang lumapit sa'kin. Nanlaki ang mata ko at pilit na gumalaw pero ngayon ko lang napagtanto na nakakadena pala ang kamay at paa ko sa bakal.  "Hmm.. grr." sinubukan ko ding magsalita pero hindi ko magawa dahil may pumipigil sa'kin, isang tela na nakatali sa bibig ko.

"Ha? Anong sabi mo? Ayusin mo nga ang pagsasalita mo, Natalie." malamig ang boses na tanong nito. Tiningnan ko s'ya ng masama. Gago ba s'ya? Paano ako makakapagsalita kung tinapalan n'ya ng tela ang bibig ko?

"Ah." usal n'ya na sinundan n'ya ng halakhak. "You're helpless. Sad." hinawakan n'ya ang pisngi ko kaya pilit kong inilalayo ang mukha ko. Tinanggal n'ya ang telang nakatakip sa bibig ko at saka s'ya ngumiti.

"Demonyo ka! Pakawalan mo ako dito!" agad kong sigaw at suminghap nung matanggal n'ya ang tela. Pero ngumisi lang ito.

"No, bunny. You'll be my playmate tonight." lumayo s'ya, tumalikod at lumapit sa isang lamesa na hindi ko makita kung ano ang mga nakalagay. "Wala talaga akong balak na idamay ka. Kaso kasalanan mo, eh. Bakit pumunta kapa sa condo ko at dala dala ang hoodie ko habang nababaliw ako?" humarap s'ya sa'kin habang nakangiti. Hawak n'ya ang isang kutsilyo. Nanlaki ang mata ko at pinilit na kumakalas sa kadenang nakatali sa'kin. Tumawa lang si Colt habang dahan dahang naglalakad papalapit sa'kin at pinaglalaruan ng kamay n'ya ang kutsilyo. May ngiti paring nakapaskil sa kaniyang labi na gusto kong burahin.

"Anong ginawa ko sa'yo?! Anong kailangan mo?!" hindi ko mapigilan na umiyak. Umagos ang luha mula sa mata ko. Napasinghap ako ng tuluyan na s'yang lumapit sa'kin. Napatigil ako sa pagpupumiglas at nanginginig na hindi ako makagalaw sa sobrang takot.

"Wala naman. Masyado ka lang talaga wrong timing, Natalie." ngumisi s'ya at itinapat ang patalim sa aking leeg. Napailing iling ako.

"H'wag! Please. Ibibigay ko kung ano ang gusto mo, Colt. Colt, I love you.." pagmamakaawa ko habang umiiyak, umaasang lumambot s'ya at itigil ang kabaliwan n'ya.

Nababaliw na s'ya. Baliw s'ya baliw. Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko napapansin? Masyado ko ba s'yang minahal kaya hindi ko mapansin pansin ang dark side n'ya?

"I love you, too. But, I want you. I want your body, Natalie." tila nababaliw na usal nito.

"Y-You can take me, Colt! I'm yours. My body is yours."

Ngumiti ito at inilayo ang patalim sa leeg ko. Nakahinga ako ng maluwag habang nagdadasal sa aking isipan.

"Really?"

"Y-Yes, Colt." sabi ko at pilit na ngumiti habang nanginginig parin ang nga labi ko.

Lumapit ito sa'kin. Nakagat ko ang pangibabang labi ko. Napapikit ako.

"But, I don't want you to move, Natalie." napamulat ako ng mata ang kumunot ang noo ko.

"Okay? I won't move. I won't." kahit nagtatakha ay sinabi ko ito.

"Imposible." napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. Inilapit n'ya ulit ang patalim sa leeg ko. "I mean. Literally, Natalie. Ah. I can't wait." ramdam ko ang pagdiin nito sa leeg ko, "Ever heard about the news?" napakurap ako at umawang ang labi ko. D-Don't tell me..? Nanlaki ang mata ko. Ngumisi s'ya. "Can't you see your surroundings?"

Don't tell me s'ya 'yung nasa balita? 'Yung humuhukay ng mga bangkay? No.. No way. No please. No.

Kahit nagaalangan at natatakot dahil sa maaring malaman ay nanginginig na inilibot ko ang paningin ko sa paligid at agad na nagulantang sa nakita. Napanganga ako at sobrang nanlaki ang mata ko nung makitang madaming bangkay sa paligid. Ang iba ay inaagnas na. Lahat ito ay walang saplot.

Napatingin naman ako sa gilid kung saan may ginagawa s'ya kanina noong nagising ako at mas lalong napaiyak nung makitang may bangkay din dito ng babae, nakatuwad ito at walang saplot.

"Bunny, your boyfriend is a necrophiliac." malambing na bulong nito at nakaramdam ako ng sobrang sakit nang tuluyang idiniin ang patalim sa leeg ko at pinadulas ito dito.

————

TRANSLATION;

... - .- -.-- / .- .-- .- -.-- / ..-. .-. --- -- / .... .. -- / .... . '... / .- / -. . -.-. .-. --- .--. .... .. .-.. .. .- -.-.

— "Stay away from him he's a necrophiliac."

NECROPHILIA

—"an irresistible sexual attraction to dead bodies"

———

Akane Daltsuki

Nächstes Kapitel