webnovel

Chapter 28: Searching For Denise

BRENT tried to sober himself, absorbing the news Brielle had told him. His unica hija had gone and someone abducted her. A sound of a strong voice echoed on Brent's brain. Gustong magwala ni Brent dahil sa labis na galit na nararamdaman ng mga sandaling ito ngunit tila unti-unti siyang nawawalan ng lakas sanhi ng takot na pumuno sa puso niya.

He can't figure out who was the culprit. When he regained his strength, he began to speak again, "What's going on, son? I mean, how on earth does this nightmare happen to your sister?"

"Dad, please calm down. We need to stay strong amidst this crisis," Brielle said.

Naramdaman ni Brent ang pagtapik ni Erick sa balikat niya. "Buddy, kalma ka lang mahahanap din natin ang anak mo. I will ask some of my close friends who were working at the military forces to search your daughter's location,"

"Buddy, bakit ngayon pa? Engagement party nila ni Carl," halos naiiyak na tugon ni Brent.

"We can't undo what has been done. Ang pwede nalang nating gawin ngayon ay magkaisa para mahanap natin kaagad si Denise. But people inside this room should not leak the news outside; otherwise, I'm afraid it will bring more chaos once the gossip starts. Nasa ganitong sitwasyon na tayo, so let's be calm and silently seek her," Erick said.

"Yeah, I agree with Uncle Erick's suggestion. Kailangang tayo lamang ang nakakaalam sa lahat ng pangyayari dahil reputasyon at pangalan nating lahat ang nakataya rito," Brielle said.

Tumikhim ang Hotel Manager saka sumingit sa usapan nilang tatlo, "Sir, don't worry, we will not disclose any information nor news about the abduction case of your daughter. Makakaasa po kayong mananatili sa loob lamang ng kwartong ito ang katotohanan sa pagkawala ng anak ninyo. Tutulong din po kami sa imbestigasyon ninyo para maresolba kaagad ito,"

Brent nodded and said, "Thank you so much! I think we will not stay here longer. Mahalaga ang bawat segundo para sa amin. Let's go, son, Erick!"

Nauna nang tumalikod si Brent na puno ng alalahanin ang isipan. Tahimik na sumunod lamang sina Brielle at Erick dito matapos magpasalamat sa Hotel Manager. Pagbalik nila sa mismong venue agad na sumalubong sina Shantal at Aya, tangan ang sama ng loob sa isa't isa. Napansin ni Brielle na tahimik lamang sa isang sulok ang matalik niyang kaibigan. Tulala pa rin ito at walang imik. He headed towards him while signaling Ivana to just give him time to be with Carl.

"Brent, ano na ang nangyari? Bakit di ninyo kasama si Denise," boses ni Shantal na bakas ang takot.

"Let's not talk about it here. May mga bisita pa tayong nandito. Uuwi muna tayo sa Villa at doon natin pag-usapan. For now, let me climb to the stage and announce it that we will move the date of this engagement party," Brent said.

"Erick, hahayaan mo lang ba na mapahiya tayo?" Aya blatantly said.

"Honey, let's talk later on. Please stop igniting some provocative words. Hindi nakakatulong eh," alo ni Erick sa asawa niya. Agad niyang iginiya ito pabalik sa table nila. Si Brent naman umakyat sa stage at nagbigay ng anunsyo sa mga bisita nila.

"Guys, ikinalulungkot ko po munang iparating sa inyo na ang party na ito ay hindi na muna matutuloy," agad na nagbulungan ang mga naroon. "Masama lang ang pakiramdam ng anak ko kaya hindi na siya makakababa pa rito. Magbibigay nalang ulit kami ng panibagong invitation sa susunod na mga araw. Sa ngayon, iuurong muna namin ang petsa ng engagement party na ito,"

Matapos magsalita agad na bumaba si Brent ng stage at hinila si Shantal palabas ng venue. Tahimik naman na sumunod ang pamilya ni Carl. Samantha was stunned when she heard the announcement. Agad siyang lumapit kina Brielle at Ivana na siyang naiwan pa sa loob ng venue.

Pabulong siyang nagtanong kay Ivana, "Cousin, what happened? Bakit kinansela ang engagement party?"

"Cous, nawawala si Denise. Someone took her away," mahinang tugon ni Ivana.

Napasinghap si Samantha ng marinig ang sinabi ni Ivana. "Who did it? I mean, how does it happen?"

"I dunno cous, lahat kasi tayo nandito lang sa ibaba. Nagpaalam lang daw si Denise kay Carl na magpapalit ng damit pero di na ito nakabalik pa," aniya.

"Okay. Uuwi na rin kami, medyo gabi na kasi, baka pagod na rin ang anak ko," anito.

Nagbeso muna si Ivaba sa kanya, "Mag-ingat ka sa pagmamaneho. Pasensya na kung naabala ka,"

"Okay lang cous, sana makita agad si Denise. So, paano mauna na kami sa inyo,"

"Okay. Bye for now!"

Tinawag na rin ni Ivana ang kambal matapos nilang mag-usap ni Samantha. Brielle took Kyree earlier and brought his son into their car. Nang makita niyang parating na sina Ivana at ang kambal agad siyang umayos sa pagkakaupo sa driver seat. Tulog na sa tabi niya ang bunsong anak. Pagbukas ni Ivana ng kotse agad na sumampa ang kambal.

"Tulog na pala si Kyree," she said, looking down at her little boy. Brielle just nodded. The twins silently settled at the back seat.

"Oo napagod na ata sa kakahintay sa atin," Brielle said.

"Dad, anong nangyari bakit di natuloy ang party?" agad na tanong ni Brendon.

"Maya na tayo mag-usap tungkol dyan. Uuwi muna tayo ng bahay," tugon ni Brielle.

"Eh, bakit ang tahimik ni Mommy?" singit ni Brianna.

"Pagod lang ako anak. Love, sige na paandarin mo na ang sasakyan. Umuwi na tayo,"

Tahimik na tumalima si Brielle. Di na rin nagsalita ang kambal kahit puno ng agam-agam ang isipan nila. After an hour, they arrived home. Pumanhik na ang kambal habang ang mag-asawa naman pumasok na rin sa kwarto nila.

Maya't maya pa mahinang katok sa pinto ang naririnig ng mag-asawa. Bumukas ang pinto at pumasok si Brendon.

"Mom, Dad, what happened earlier?" agad nitong tanong ng makalapit sa magulang niya.

"Your tita had gone, someone took her away. But I gave Harold an order to find her,"

"Shit, really? I will help you to locate her," anito.

"Can you do it?" Brielle asked.

"I will try my best to locate Tita Denise. Babalik na po muna ako sa kwarto ko. Good night to both of you,"

"Good night, anak!" pahabol ni Ivana rito.

"He really inherited your skills and intelligence," muling tugon ni Ivana.

"Yeah. One day, he will become a leader too. He will inherit all that I've started," walang ganang tugon ni Brielle. Bumaba ito ng kama at umupo sa harapan ng working table niya sa loob ng kwarto nila.

Bumaba na rin ng kama si Ivana at tumabi sa kanya. "You look bothered! Well, you please take some rest first before you make a plan and right decision,"

Lumingon si Brielle sa kanya at malungkot ang anyo nito "I can't sleep. My sister was in danger,"

Ivana went silent. A couple of minutes passed, and Brielle started to work on his computer, navigating some software to locate his sister. A message is coming from Brendon's flash on his computer.

"Dad, I've hacked the CCTV of the Hotel, it seems the culprit used a human skin mask,"

Brielle quickly answered, "How did you know,"

A minute later, a short video of CCTV came. Tiningnang maigi ni Brielle ang red arrow na nakatutok sa isang maliit na bagay na nalaglag mula sa kotse na sinakyan ni Denise at ng tumangay rito.

"Oh shit, that explained why the culprit easily sneaked out after he took my sister," Brielle loudly said.

"So that means, planado ang pagtangay kay Denise," Ivana asked.

"Yeah. Gumamit siya ng skin mask, so malamang kilala natin ang taong iyon," tugon ni Brielle. Nag-type na siya ng mensahe para kay Brendon. "Son, thank you. You're such an intelligent kid. Sige na magpahinga kana, salamat sa pagtulong mo,"

Brendon quickly answered a thumbs-up emoticon and logged out from his computer.

"I think it's better that we should rest first. Bukas muna ulit hanapin ang kapatid mo. Huwag mag-alala di naman siguro siya sasaktan nong tumangay sa kanya. At malamang kokontak sa atin ang kung sinumang taong iyon," suhestiyon ni Ivana.

"Yeah. Tara na magpahinga na tayo!"

***

At Santillian Villa at 11 pm

Nasa living room na silang lahat at walang ni isa man ang gusto magsalita. Ilang saglit lang tumikhim si Erick at nagbukas ito ng usapan.

"Now, we can talk about what happened. Pumunta kami kanina doon sa security room ng Hotel at ayon nga nakita namin ang CCTV footage na may tumangay kay Denise an hour before the party started,"

"What?! Brent paano nangyari?" tarantang tanong ni Shantal sa asawa.

"Hey, love, kumalma ka nga muna. Hindi makakatulong pag paghihisterikal mong iyan," sita nito kay Shantal.

"Brent may tumangay sa anak natin, ganyan lang sasabihin mo?" naiiyak nitong tugon.

"Kumalma ka nga muna, paano tayo makakapag-isip ng tama kung paiiralin mo ang ganyang reaksyon?" iritableng tugon ni Brent.

"So, paano na ngayon? Ano na ang plano ninyo?" boses ni Aya.

"Kikilos tayo ng tahimik. Kailangan nating mahanap si Denise sa madaling panahon. Nasa panganib siya ng mga oras na ito. Kaya sa halip na magbangayan kayo ni Shantal, magdasal kayong pareho na mahanap natin siya at ligtas siyang makakauwi rito,"

"Sa madaling salita, isantabi na muna ninyo ang pride niyong iyan," Brent said.

"Uncle, I'm sick-worried thinking what will happen to Denise," Carl suddenly interrupted the conversation.

"Carl, we understand your concern, but we have to make sure to execute a proper plan. We need to identify who was that person that took away my daughter," tugon ni Brent.

Nächstes Kapitel