webnovel

Chapter 8: You’re Getting Into My Nerve

HE cleared his throat before he talked again.

"We need to find the person behind that mysterious gift but you guys should keep your investigation in secret. Wala kayong sasabihin kay Ivana dahil hindi ko binanggit sa kanya ang bagay na ito. Mas gusto kong solusyunan ito ng maaga at mahanap ang kung sinuman ang naglakas loob na takutin ako," He said.

"Okay, sir. Iuutos ko nalang kay Anton ang bagay na 'to," Harold said.

"Sige. Teka, nabanggit mo dati sa akin na may kapatid si Simon?" He asked again.

"Opo. Reymond Yun ang pangalan 'nun diba? Bakit niyo po naitanong?" nagtatakang tanong ni Harold.

"Bigla ko lang naalala ang Science Laboratory sa Hainan na dapat at kuhanin natin dahil ang lupa noon ay pag-aari ng ama ni Ivana,"

"Eh sir Brielle, diba binigyan ko na kayo ng report tungkol doon? Di natin pwedeng i-claim iyon dahil hindi nakapangalan kay Simon Yun ang ownership 'nun eh. Saka, parang di na yata nag-o-operate ang Laboratory na iyon mula noong pumutok ang balitang pagkakakulong ni Simon," anito.

"Nagtataka lang kasi ako, ni minsan di lumutang sa publiko ang kapatid ni Simon na 'yun. Saka walang lumalabas at sadyang nakatago ang identity niya," Brielle said.

"Eh, baka naman po sir Brielle gusto lang noon ng privacy. Kagaya ng mga magulang ni Simon. Nasa Europe naman ata nakatira ang pamilya ni Simon," singit ni James.

Brielle sighed. "I got this weird instinct about that little brother of Simon. I don't know why? Naalala ko lang bigla ang laboratoryong iyon. Well, anyway, let's forget about it," tumayo siya at bumalik sa table niya. Dinampot ang tablet at saka bumalik sa sofa na kinauupuan niya kanina. Binuksan ang email sa tablet niya at hinanap ang pinadala ni Brendon. Nang makita ito binuksan niya agad sabay lapag ng gadget niya sa harapan ng dalawang tauhan.

Sabay na napatitig sina James at Harold sa screen. Nagulat ang mga ito ng makita ang video clip na pinadala ni Brendon sa email niya.

"May tao na lihim na kumukuha ng larawan kay Ma'am Shantal at Miss Ivana?" bulalas ni Harold.

Inangat pa ni James ang gadget at muling tiningnan ang vidoe clip. "Diba sir Brielle sa harapan ito ng Villa ninyo?" pagkukumpirma nito.

Tumango si Brielle. "My son hacked the CCTV at the Villa in front of my house. At malinaw sa video clip na iyan na may camera lens na sumungaw sa bintana. Nangangamba ako sa kaligtasan ng pamilya ko, kaya nag-utos ako kahapon na magdagdag kayo ng security personnel sa bahay ko,"

"Sir, hindi birong kalaban iyan. Nagmamatyag sa bawat galaw ninyong magpamilya," Harold said.

"Exactly! You will be responsible for asking the Villa developer to get the information about the owner of that Villa in front of my house," He said.

"Eh, diba po exclusive Villa iyon, baka di rin tayo pagbigyan sir Brielle," agad na sansala ni Harold.

"Find a way to get the information. Don't disappoint me! At saka maglilipat kami ng bahay doon sa dating tinuluyan nina Mr. Yang," aniya. "James, find the information about Simon's younger brother,"

"Eh, may hinala po kayo sa kanya?" tanong nito.

"Yes. Wala akong maisip na kagalit maliban sa pamilya ni Simon. Simula pa noon hanggang ngayon, di pa rin natapos ata ang alitan sa pagitan ng mga pamilya namin,"

"Noted sir. Pwede rin si Anton ang ipadala natin sa Europe, tutal naman sanay sa ganong gawain ang taong iyon," James said.

"Pwede rin. Sabihan mo nalang si Anton gawin agad," bumaling siya kay Harold. "Maglilipat kami sa makalawa, umaga namin gagawin kaya't magtalaga ka ng tao na maglilinis doon sa lilipatan namin,"

"Noted, sir!"

"Sige na pwede na kayong umalis. I need an early result," bilin niya sa dalawa bago tumayo at bumalik sa table niya.

Nagpaalam na rin sina James at Harold para gawin lahat ng inutos niya.

***

Santillian Villa, 10 pm.

Tahimik na buong kabahayan at tulog na rin ang magulang ni Denise ngunit hanggang ng mga oras na ito di pa rin siya dinadalaw ng antok. Ilang beses na siyang pabiling-biling sa higaan habang pinipilit na ipikit ang mga mata.

Napakislot siya ng maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone niya. She saw an incoming call from an unknown caller on her messenger. Di niya ito sinagot ngunit sadyang makulit ang caller. She guessed that the mysterious caller was the same person who bothered her this morning.

She hit the answer button and said, "Fuck off! You're getting into my nerves,"

She heard a deep sighed and a long sound of weird music from the other end. She yelled again and cursed.

"Easy, easy, honey!" a deep voice came in.

"Gago ka, ano bang problema mo? Nakakapagod na ang mga panggugulo mo sa akin," malakas na tugon niya.

"Hahaha! Nag-uumpisa pa lang ako, pagod kana agad?" natatawang tugon nito. "Diba, sanay ka naman sa ganitong laro. You're a popular blogger and YouTuber, isn't it? Don't tell me you're not aware that one day, someone will come along your way and will probably ruin you,"

"Asshole, I don't remember that I offended you! Not even once! Whoever you are, get some bulls to face me," she said out of anger.

"Oh, really? I doubt it. I will let you know soon who I am," natatawang tugon nito.

"Psychopath!" she yelled.

"Indeed. Care to check your inbox now? I sent several photos of you taken this morning! Enjoy it, honey!" biglang naputol ang tawag nito.

Agad na tiningnan ni Denise ang inbox niya. Ilang larawan nga niya at ng Daddy niya ang ipinadala nito. Lalong nanggagalaiti siya sa galit dahil alam niyang sinusundan sila nito.

She quickly types a message in response to the guy, "I will kill you!"

"I will wait that day if you could," sagot nito.

Bumangon siya sa kama dahil nanginginig siya sa galit. Kuyom ang kamao niya ng mga sandaling ito. Bumaba siya ng kama at binuksan ang bintana ng kwarto niya. Tanging liwanag mula sa main gate ng Villa nila ang nakikita niya sa ibaba.

Ilang saglit lang bumalik na rin siya sa higaan at pinilit ang sarili na makatulog.

***

Reymond's Villa past 11 pm…

He put down his phone after he called Denise. Bakas sa labi niya ang nakakalokong ngiti. Ramdam na ramdam niya ang galit ni Denise kani-kanina lang.

"Nag-uumpisa pa lang ako maningil sa pamilya mo," bulong niya sa sarili.

Nasa ganoon siyang pagmuni-muni ng tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ito at si Cenon ang nasa kabilang linya.

"Sir Reymond may pinadala ako sa email niyo. A detailed report of Doctor Carl Cruz," anito.

"Okay, I will check it later on. Dissolved all my information in Europe, I know the Santillian will find my identity after I made them scared recently," aniya.

"Sige po, gagawin ko kaagad. How about the daughter of Brent Santillian? Ayon sa balita sa susunod na buwan ang announcement ng engagement 'non with her boyfriend," anito.

"Ako na ang bahala doon. Bumalik ka kaagad dito sa Beijing kapag natapos mo na ang inutos ko," aniya.

"Noted sir. Tandaan niyo po hindi kayo pwedeng dumalaw kay sir Simon sa kulungan para di masira ang mga plano niyo," muling tugon nito.

"I know! Bye!"

Natapos ang maikling usapan nila ni Cenon, nagpasya siyang bumaba. Kumuha siya ng wine at agad ding bumalik sa kwarto niya. Hindi niya ugaling uminom ngunit nitong mga nagdaang araw pakiramdam niya kailangan niya ng alcohol sa katawan.

He felt worn out lately. Hindi siya sanay sa ganitong buhay na magulo ngunit wala siyang pagpipilian kundi ang maningil sa mga taong sumira sa kapatid niya. Blood is thicker than water, as the common saying narrated.

Unti-unting nilalamon ng galit ang puso niya at wala siyang ibang gustong gawin kundi tapusin ang lahat ng ito.

He knew his life would be doomed to end like what had happened to his brother, yet, he can't let his Mom get disappointed with him. Naging mabait at masunurin siyang anak. Wala siyang sinuway na utos ng magulang niya simula pa noon ngunit pakiramdam niya unti-unti siyang nalulunod sa kumunoy.

Darating sa isang linggo ang Mommy niya ayon sa pamangkin niya. Paniguradong uulitin na naman nito ang pagpapaalala sa kanya na dapat siyang maningil.

He hated to take revenge, but he felt obliged. Nagpasalamat nalang siya na hindi naging lantad sa publiko ang identidad niya dahil mas mabilis siyang nakakakilos.

A few months ago, when Simon's case had started to roll in the court, he quickly got the message from his brother that he needs to close down the Laboratory in Hainan and return to the mainland.

Nang araw na bumalik siya sa sariling tahanan, natagpuan niya ang mga mahalagang dokumento na iniwan ni Simon sa bahay niya kasama na rito ang isang Villa sa tapat ng bahay ni Brielle Santillian.

Palihim siya pumunta roon ng ilang beses na. Inabangan niya sadya ang bawat galaw ng pamilya ni Brielle. Maging nong nakaraang araw na kinunan niya ng larawan ang ina nito at si Ivana mismo. He knew that Brielle was clever and would send someone to track him down. Kaya't bago pa man siya mahanap nito, nagpasya na siyang ipa-dissolve ang lahat ng impormasyon niya sa Europe. He sent an email this morning to his Mom, informing her that he had started his plan against the Santillian. Sumagot agad ito sa email niya at sinabi nitong mag-ingat siya.

Nächstes Kapitel