webnovel

Ang Bastos Sa Kanto I (Last Part)

Dumating ang araw ng graduation. Sa bahay pa lang ay hindi na maalis ang ngiti nina Mama at Papa. Kahit paano ay masaya ako na I make them proud.

Atlast! After six years! Tapos na din ako sa high school! I decided na sa malapit at murang college lang ako,sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig na lang ako mag college.

Pagdating sa school ay chikahan agad sa mga classmates at tropa habang nasa pila. Siyempre hindi mawawala ang selfie dahil kay Karissa.

At dahil magkasunod kami ni Chance,namangha ako ng makita ang parents niya,ang gwapo at ganda ng mga ito.

"Nak,sila ba ang parents ni Chance?" ang bulong naman ni Mama.

"Opo." simple kong sagot. Napatingin si Chance sa amin at ngumiti agad.

"Ma,Pa. Sina Tito at Tita po. Sila po ang tinutuluyan ko pag wala ako sa bahay." pakilala ni Chance sa mga ito.

"Thank you for taking care of our son." sabi ng Mama ni Chance. Tumagilid ako para hindi obvious na nakikinig ako.

"Wala yon. Napaka bait niyang bata at sobrang malapit kasi sila ng anak naming si Kiji kaya anak na din ang tingin namin sa kanya." dinig kong sagot ni Papa.

"Really? Ive heard that name before." ani ng Mama ni Chance.

"Oo,sobrang malapit sila." ani Mama na pakiramdam ko may pait ang pagbitaw ng salita.

"Babae ba ang anak niyo? Kaya siguro malapit sila ni Chance." sabi naman ng Papa ni Chance at tumawa pa.

"Babaero talaga si Chance. Look hindi lang diploma ang ibibigay sa amin. Pati apo! Ang bata pa nila eh. But thats okay." ani.ng Mama ni Chance.

"Ma!" dinig kong suway dito ni Chance.

"Hindi babae ang anak namin. But he is more than a girl. Diba Chance?!" sabi ni Mama kaya lumingon na ako.

"Ma!" ani ko. Nilingon ako.ng mga ito at tinitigan. Nakaramdam ako ng matinding hiya.

"Siya pala ang anak niyo." ani ng Mama ni Chance at ngumiti sa akin. "Thanks sa pagiging mabait na kaibigan kay Chance,ijo."

"Siya ba yung sinasabi ng Tito at Tita mo Chance?" sabi ng Papa ni Chance. Kinabahan na ako,pakiramdam ko.bumibigat na ang hangin at nag iiba na ang atmosphere.

"Opo." sagot ni Chance. Huminga ako ng malalim at tiningnan ako nina Mama at Papa. Hindi ko sinasabi sa kanila na naka buntis si Chance kaya kami naghiwalay. Pero ngayon alam na nila.

"Good thing at dadalhin na namin si Chance---"

"Chance! Kiji! Tara picture ulit! Magsisimula na.ang gradution eh! Pa picture tayo kay Mang Abel!" biglang lapit ni Teban at hinila kami ni Chance kaya hindi ko na narinig ang kadugtong ng sasabihin ni Chance.

"Oh dapat maayos ang posing okay?" Ani mang Abel. Nasa harapan kami ng Gymnasium at yung ibang mga estudyante ay nag pi-picture taking din.

Nasa gitna sina Karissa at Aiko,sa magkabilang gilid nila sina Teban at Khaim. Kami ni Chance ay nasa harapan at naka upo. Umakbay siya sa akin at mas hinapit ako palapit,para akong maghahyper ventilate. Nataranta na naman ang buong sistema ko pati ang puso ko wala na namang humpay sa pagkalampag.

"Say keso!" At kinuhaan na kami ni Mang Abel. "Oh waki naman!"

Hindi ko alam kung ilang shots yun,pero yung huling kuha ang halos tumunaw sa akin. Bigla akong hinalikan ni Chance sa labi at alam kong nagulat din ang tropa.

"Congrats in advance. Im proud of you " bulong ni Chance at hindi ako nakasagot.

"Oh,pwede niyo itong makuha sa kuhaan niyo ng card. Nasa labas lang ako ng gate sa araw na iyon." Ani Mang Abel at umalis na ito.

Bumalik na kami sa mga pwesto namin dahil nagsimula na ang graduation March.

Pagkapasok sa loob ng Gymnasium ay parang umatake ang adrenaline rush ko. Parang gusto ko ng umakyat sa stage at kuhain ang diploma ko. Iba ito kesa sa graduation nung Grde Six. This is more different kasi pagkatapos nito,ibang antas na ng buhay ang tatahakin namin,panibagong pakikipag sapalaran.

Hindi ko mapigilan ang mapaluha habang inaalaa ang mga nangyari sa akin sa eskwelahang ito,ang mga naging kaklase ko,mga kaklase ko ngayon,ang tropa at si Chance. Lahat ay nabuo sa eskwelahang ito,napakadami naming alaala sa eskwelahang ito. Dito ako natutong bumarkada,dito ako natutong magmahal. At dito ko nakilala ang mga taong magiging parte ng ng buhay ko at dito ko nakilala angvtaong sobrang minahal ko at hindi ko makakalimutan habang buhay. Totoo nga yung sinasabi nila,high school ang pinaka masayang parte sa buhay ng tao.

Nang ang section na namin ang umaakyat sa stage ay hindi ko na maalis ang ngiti ko. Ito na,sa wakas matatanggap ko na ang diplomang pinag hirapan ko.

Nang matanggap ko ito ay para na akong maiiyak na naman. Niyakap ako nina Mama at Papa. Pero ang hindi ko inasahan ay ang pagbaba namin ng stage.

Mula sa likuran ay niyakap ako ni Chance kaya halos tumigil ang paghinga ko at pagtibok ng puso ko.

"Congratulatioms Jiko. Im proud of you. Mamimiss kita." Yun lang at bumitaw siya sa yakap. Nilampasan na niya kami. Pagtingin ko sa parents niya ay blangko ang expression ng mga ito.

"Sobrang proud kami sayo anak. Hindi mo alam kung gaano kami kasaya para sayo. Alam naming may pinagdadaanan ka pero nandito kami ng Papa mo para umalalay sayo. Kung hindi mo na kaya kausapin mo lang kami." Ani mama at yung pinipigilan kong mga luha ay umagos na.

"Kung madapa ka ulit at mahirapang bumangon,kami ng Mama mo ang tutulong sa pagtayo mo. Life must go on anak. Bata ka pa,hindi ka lang isang beses magmamahal. Dadating din ang para sayo,huwag kana sanang malungkot kasi nalulungkot din kami." Dagdag pa ni Papa na nagpahagulhol na sa akin.

"Mama! Papa! Maraming salamat po at patawarin niyo ako!" Niyakap ko sila. Sa kauna unahang pagkakataon ay ipinakita ko sa kanila na mahina ako.

Nang matapos na ang speech ng Batch valedictorian namin ay pinatugtog na ang "Friends forever" ni Vitamin c.

Nag iyakan na ang lahat at isa isa kong niyakap ang tropa at mga kaklase namin. Mamimiss ko sila ng sobra.

Ang sabi nila karamihan sa mga high school friends ay nagkakahiwalay na pag tungtong ng college kasi may kanya kanya ng landas na tinatahak at may mga bago ng mga kaibigang makikilala.

Pero naniniwala ako na kahit gaano at katagal kayo magkalayo at kung talagang mahal niyo ang kaibigan niyo ay gagawa kayo ng paraan para magkitang muli.

Lumapit ako kay chance kahit pa kasama niya parents niya,si vane at Parents ni Vane.

"Congratulation!" Niyakap ko siya ng mahigpit at bumitaw din agad ako. Sobrang mamimiss ko siya.

"Kiji!" Ang reak ni Chance.

Ngumiti ako at nanakbo na pabalik kina Mama at papa.

Maraming salamat sa lahat Chance,maraming salamat sa pagmamahal.

~ as we go on we'll remember. All the times we spent together ~

Walang humpay na picturan at paalaman ang naganap pagkatapos ng graduation.

Nakita ko pang hinalikan ni Vane si Chance habang kinikuhaan sila ng picture. Masakit talaga,pero ang tangi ko lang magagawa ay bumuntong hininga.

Pagdating sa bahay ay nagbihis na ako. Ipapasyal kasi ako nina Mama at Papa. Tapos bukas na ang goodbye party at kuhaan ng card,kaya kailangan may bago din akong isusuot.

Tatlong mall ang pinuntahan namin,gabi na kami naka uwi at pag lapat pa lang ng likod ko sa kama ay nakatulog na ako.

Late ako nagising kinabukasan,8AM ang goodbye party pero 8:27AM na. Kaya dali dali akong naligo at nagbihis.

Pagdating sa RHS halos liparin ko na ang main building hanggang sa room. Nandun lahat at may sounds pa,mga nagtatawanan at nagkekwentuhan.

"Oh kiji. Heres your Card and clearance. Late ka na." Ang sabi ni maam ng makalapit ako. Kinuha ko ang card at clearance at nagpasalamat kay Maam.

"kiji! Ang gaganda ng kuha natin oh?" Ang agad na lapit ni Aiko sa akin. Pero may hinahanap ako,hindi ko makita si Chance.

"Class,kung mapapansin niyo wala si Chance. Maaga niya akong sinadya kanina kasama ang parents niya para kunin ang card at clearance niya para magpaalam na din." Pagkuha ni Maam sa atensiyon namin.

Napanganga ako sa narinig ko. Magpaalam? Bakit?

"Bakit po Maam? Pupunta ba nh ibang bansa si Chance!?" Ang biro pa ni Teban pero hindi ako natawa,kinabahan ako at natakot.

"Exactly! 9AM ang flight niya. Nanghihinayang nga siya na hindi siya nakapag paalam sa inyo." Sagot ni Maam at tumingin sa akin. "At pinapasabi niya sayo Kiji na mag ingat ka daw at mag aral ng mabuti. Mamimiss ka daw niya."

Para akonh binuhusan ng tubig na may yelo. Iiwanan na ako ni chance ng tuluyan? Yun ba ang sinasabi niya na mamimiss niya ako? Tang ina,ang daya niya! Hindi man lang siya nagpaal ng maayos.

"Khaim. Pakihatid na lang sa bahay ang card at clearance ko." Iniabot ko ito kay khaim at agad akong nanakbo palabas ng room.

"Kiji!!!" Dinig konh sigaw nila pero hindi ko na pinansin. Kailangan maabutan ko si chance,kailangan makapag paalam man lang ako sa kanya. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Hindi ko pala talaga kaya ang wala siya.

Pagbaba ko sa main building ay madilim na ang langit at kumukulog na. Mukhang uulan pero hindi ako papapigil.

Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko na napapansin ang mga nababangga ko,hindi ko na pinapansin ang busina ng mga sasakyan. Ang mahalaga lang sa akin ay maabutan at maka usap si Chance.

Pagdating ko sa Fashion Circle ay bumuhos na ang malakas na ulan pero wala akong pakialam.

May tumigil na taxi sa harapan ng eskinita papunta kina chance. Sumakay doon si Chance at ang mga magulang niya. Abot abot na ang kaba at takot ko.

"CHANCEEEE!!!!" sigaw ko. Napalingon si Chance pero pinapasok agad siya ng Papa niya sa loob ng taxi. Agad akong tumakbo palapit.

Aandar na sana ang taxi ng kalampagin ko ang bintana sa front seat kung nasaan si Chance.

Bumukas ang bintana at nag aalalang mukha ni Chance ang sumalubonh sa akin.

"Kiji! Umuwi ka na! Ang lakas ng ulan oh? Baka magkasakit ka pa!" Sabi ni Chance. Umilinh ako at pumatak na ang mga luha ko kahit pa napakalakas ng ulan.

"Chance. Sorry sa lahat ng sakit na ibinigay ko. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal pa din kita! Gusto kong mabago ang lahat,gusto kong bawiin ang desisyon ko. Nagsisisi na ako sa pagiging tanga ko at mahina. Hindi pala kita kayang mawala,hindi ko kaya Chance." Ang humahagulhol kong sabi.

"Umuwi ka na Kiji! Ayokong magkasakit ka." Pakiusap ni Chance sa akin.

"Wala akong pakialam kahit magkasakit ako. Patawarin mo ako Chance. I want you back but I know its impossible"

"Manong tara na po. Male-late na kami sa flight namin." Ani ng Papa ni Chance.

"Pa! Ma! Saglit lang po. Kahit five minutes pa!" Ani Chance sa mga ito at lumingon sa akin,inilabas niya ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at dinama ang init.

"Naghihintay sa Airport si Vane at ang mga magulang niya Chance! Itigil niyo na yan." Sabi ng mama niya at bumaling sa akin. "Umuwi ka na,matagal ng tapos ang sa inyo!"

"Ma!"

Inilabas na ni Chance ang ulo niya,hinablot ako at hinalikan. Dinama ko ang pinaka huli niyang halik. Dinama ko ang halik na tuluyang maghihiwalay sa amin.

"Manong! Andar na!" Sabi ng Papa ni Chhance. Napahiwalay kami ni Chance at umandar na ang taxi.

"Chance! Maghihintay ako!!" Sigaw ko kahit marami pang tao.

"Mag iingat ka Kiji!" Sigaw din ni Chance habang papalayo na ang taxi.

Napahagulhol na ako at napa upo sa gilid ng kalsada. Ni hindi ko iniinda ang malakas na ulan,ni hindi ko iniinda ang mga taong nagtitinginan sa akin. Wala akong pakialam kung nangangatog na ako sa lamig.

Balewala ang lahat ng iyan sa sakit na nararamdaman ko sa tuluyan naming paghihiwalay ni Chance.

Yumuko ako,niyakap ko ang paa ko at sinubsob ko ang ulo ko sa mga tuhod ko. Sa ganitong paraan walang makakapansin na umiiyak ako. At hindi din naman nila mapapansin dahil sa ulan.

"Mahal ang gamot. Mahal ang ma confine sa ospital. Mahal ang kabaong. Kung ako sayo umuwi ka na bago ka magkasakit.'

Boses ng isang lalaki na nagpa angat ng ulo ko at nagpatigil sa pag iyak ko.

Nächstes Kapitel