webnovel

Ang Bastos Sa Kanto I (Part 4)

Galit na galit ako kay Chance! Humagalpak pa ng tawa ang gago nung nalaglag ako sa trycicle! Buti na lang nasa Dr.Pilapil pa lang kami nun! Kaya ang ginawa ko,pinagmumura ko sya,pagdating sa bahay ay binigay ko lang ang mga tanong sa homeworks at pinalayas ko na sya.

Kinabukasan ay hirap akong pumasok sa school,para akong na sprain,nagkamali ata ako ng bagsak kahapon. Humanda yang Chance na yan,maka tyempo lang talaga ako! Bayag lang ang walang latay! Humanda talaga sya.

Papunta na ako sa main building ng mamataan ko si Mang Abel (true name,at totoong tao.) ang pinakamatagal at dakilang photographer sa RHS.

"Mang Abel!" ang tawag ko dito,agad naman itong lumapit na nagtataka.

"Bakit Kiji?" hmm bakit nga ba? Napatingin ako sa gate,nakita ko si Khaim na kakapasok lang,kaya nagliwanag ang aking mga magagandang mata.

"Picturan mo kami nun!" sabay turo ko kay Khaim.

"Sige." sabi ni Mang Abel at sinalubong si Khaim. "Papicture daw kayo ni Kiji."

"Po?" at tinuro ako ni Mang Abel,syempre pagtingin sa akin ni Khaim ay nagpacute na ako,kinalimutan ko muna ang galit ko kay Chance at ang injury ko. "Sige po."

"Pwesto na,one,two! Keso!"

At ang saya saya ko,nakapicturan ko agad si Khaim,mamaya sa phone ko naman kami mag picture.

Nagpasalamat na ako kay Mang Abel,mamayang uwian ko na lang kukunin ang picture.

"Para saan yon?" ani Khaim at hinarap ako.

"Wala,remembrance? Salamat sa pagpayag ah?"

"Wala yon. Tara na,baka ma late tayo." aniya at tumalikod na. Nang mapansin nya sigurong hindi ako sumunod ay lumingon sya. "Bakit?"

"Dito ka na talaga mag aaral?" ani ko at tumingin sa paligid.

"Oo,alam mong nag aral ako dito dati?"

"Oo,nakikita kita dati eh." sabi ko naman. Tang ina! Hindi ba dadaan si Teban dito? Mahihirapan ako umakyat sa hagdan at magpapakarga ako sa kanya,kapalit ng tens na marlboro black.

"Ah,tara na. First day ko,hindi ako dapat ma-late. Mapapagalitan ako ni Maam Concepcion." aniya. Wow! Mukhang sa section namin sya napunta ah?

"Sige mauna ka na. You see,may injury ako,nalaglag ako kahapon sa trycicle at hirap ako maglakad,lalo na siguro sa pag akyat kaya pag sa akin ka sumabay,male-late ka pa din,una ka na." ani ko,at kunwari inipit ko ang buhok ko sa aking tenga. Feeling long hair? Huwag kayong makialam!

"Ganon? Alalayan na lang kita? Dapat hindi ka na pumasok? Tara!" lumapit sya sa akin at lumapat ang palad nya sa likod ko,para akong nakukuryente! My gowd! Kaanu-ano kaya ni Khaim si Volta at SailorJupiter?

Sa harap kami ng main building dumaan para hindi kami makipagsiksikan sa pag akyat. Ayokong makaranas ng stampede habang may injury,baka pagtatadyakan ko sila!

"Pasensya na sa abala." ani ko ng sa wakas ay narating na namin ang 6th floor! My gawd! Ang sakit ng alak-alakan at singit ko dahil sa pag iingat sa paghakbang.

"Okay lang yan,tara." at sabay kaming pumasok sa room. Syempre nag 360 degree ang paglingon nila no? "Wala pa pala akong upuan."

"May mga upuang hindi ginagamit sa rooftop,kuha ka ng isa." ang sabi ko naman.

"Sige! Kukuha ako,salamat!" at lumabas na si Khaim ng room.

"Kiji magkapitbahay ba kayo?" tanong ni Karissa.

"Close na kayo agad?" sabi naman ni Aiko.

"What's the meaning of this? Nagtataksil ka sa akin?" sabi ni Teban,sabay yakap sa akin mula sa likuran,pinatong pa nya ang baba nya sa balikat ko. Nagtilian at sigawan tuloy ang mga kaklase namin.

"Gago! Wala akong yosi! Tsupi!" ani ko. Ang bango ni Teban ngayon ah? Hindi na din oversize ang polo nya at bagong gupit pa sya.

"How sweet!" sabi ng boses ng bastos sa kanto na ikinalingon namin.

"Pakyu!" nawala agad ako sa mood,umupo ako sa upuan ko at ini stretch ang mga paa ko.

"Galit?" nakangising sabi ni Chance ng maupo sa tabi ko.

"Kiji,mamayang recess ah?" ani Teban,bumaling naman kay Chance. "Tol,try natin sa try out mamaya." sumagot si Chance at bumalik na sa mga tropapipz nya.

"Tantanan mo ako pwede? Huwag mo ng dagdagan mga kasalanan mo sa akin." inis kong sabi kay Chance,nag inosente look pa ang gago! Nakakapikong ning!

"Huwag kang mag inarte bakla,hindi ka maganda." aniya. Buset! Gusto ko sya sipain eh!

Sabay pa kaming napalingon ng may kumalabog sa likod namin. Si Khaim pala na inilapag yung upuang nakuha.

"Ahm,Khaim. Gusto mo tabi tayo? Lilipat ako dyan sa tabi mo." ang nakangiti kong sabi dito.

"Wow! Alam mo pala pangalan ko,ikaw hindi ko alam pangalan mo." at inilapag nya ang bag nya sa upuan.

"Kiji ang pangalan ko--"

"At linis tubo ang trabaho nya." ang pagsabat ni Chance. My gawd! Parang sasabog na ako sa inis! Humanda talaga sya.

"Linis tubo? Tubero ka?" ang hindi makapaniwalang sabi ni Khaim,humalakhak si Chance kaya nagtinginan sa amin ang lahat.

"HAHAHAHA! Magkakasundo tayo,tol. Ako nga pala si Chance."

"Khaim,tol. Nice meeting you,two." ang sagot naman ni Khaim at nakipag high five kay Chance.

"Tapos na kayo mag usap? Pwede na ba akong magsalita? Nandito pa ako baka nakakalimutan nyo." sabi ko at napangisi si Chance,kaya bumaling ako sa kanya at bumulong. "Dinagdagan mo talaga kasalanan mo ah? Humanda kang gago ka."

"Wow! Tinatakot mo ako? Huwag mong kalimutan,may hawak akong alas."

Ugh! Tang ina! Mamatay ka na Chance! Bumalik ka na lang sa kanto kung saan ka umiihi.

"Hey! Andyan na si Maam Concepcion." ang pag awat sa amin ni Khaim kaya bumaling na ulit kami sa harapan.

Pagpasok ni Maam Concepcion ay tumahimik kami. Agad kaming inisa isang tingnan nito hanggang tumigil ang tingin nya kay Khaim.

"Oh,I see. Nandito na pala ang bago nyong classmate." anito. "Khaim,come here and introduce yourself."

Tumayo si Khaim at nagpunta sa unahan,nagbungisngisan ang mga babae,mga haliparot! Ganyan din sila kay Chance nung una eh!

"Good morning everyone,Im Khaim Andrei Sandoval. I hope maging kaibigan ko kayong lahat." aniya at ngumiti.

Haaay! Ang gwapo talaga ng Khaim ko! Napaka perfect! Hindi kagaya ng katabi ko na gwapo nga,bastos naman at walang modo,aga agang mambwisit!

"Dahil may nadagdag mababago ang siting arrangement natin."

"Maam,okay na po sa akin na mag isa sa likod,sa likod nina Kiji at Chance." pag interrupt dito ni Khaim.

"Okay. You may take your sit." at bumalik na nga sa likod namin si Khaim. "Class,we will be discussing--Karissa and Aicko! Get out of my class and see me later at the guidance office!"

"Woah!! Ang higpit nya!" sabi ni Khaim na napalakas ata. Kasi naman sina Karissa at Aicko panay ang chikahan eh.

"Ikaw din Mr.Sandoval,get out and see me at the guidance office later. Ayokong may ibang bumubukang bibig pag nagdidiscuss na ako dito sa harapan!" malakas na sabi ni Maam Concepcion.

"Sorry po,Maam." tumayo si Khaim at lumabas na din.

My gawd tong si Maam eh,iniwan ba to ng jowa o menopausal stage na sya? Ayoko ng magsalita! Dalawang beses na nya akong napalabas,malaking puntos ang ibabawas nya sa mga quizz at exam ko kung mapapalabas pa ulit ako.

Kaya ng matapos ang klase ni Maam Concepcion ay lumapit silang tatlo sa akin,sakto lumapit din si Teban.

"Kinakabahan ako,grabe si Maam!" ani Karissa na namumutla pa din.

"Kiji,Chance. Anong parusa binigay sa inyo?" dagdag naman ni Aicko.

"Community service every saturday for the whole month." ang sabi ni Chance na nakangisi pa. Proud pa sya dun.

"Masaya ito! Pwede tayong gumimik after nun!" dagdag ni Teban,sumang ayon si Chance at nag apir silang dalawa. Juicecolored! Pag nagsama nga naman ang dalawang abnormal!

"Buong RHS ang lilinisin?" tanong naman ni Khaim.

"Depende siguro na yon." ang sagot ko naman. Biglang pumasok ang second subject teacher namin kaya bumalik kami sa mga kanya kanya naming pwesto.

Nang mag recess na ay namroblema na naman ako. Paano ako nito bababa? Pakiramdam ko magkaka kulani na ako sa singit pag nagtagal pa ang injury na ito.

"Tara na! Bili na lang tayong burger tas tambay sa tapat ng gym." ani Aicko na kakatapos lang mag powder sa maganda nyang face. Kung ganun lang din ang ganda ko,foundation gagamitin ko para mas maganda.

"Dali na beybs!" ani Teban,kunot noo namang napatingin sa akin si Chance. Tinaasan ko nga ng kilay.

Ano? Papalag ka? Ha! Kahit pangit ako may nagpapantasya pa din sa akin no? Take that!

"Ang sweet nyo talaga!" ang kinikilig na sabi ni Karissa. Napangisi ako,nako kung alam nyo lang,matagal na kaming tropa ni Teban kaya yan gumaganyan. Kahit nung hiphop pa sya daming nagkakagusto sa kanya,pero sadyang hindi ko lang sya trip.

"Mauna na kayo. May dadaanan pa ako eh." ang sabi ko na hindi pa din tumatayo.

"Tara na Tol,Karissa at Aicko. Iwanan nyo na yan." sabi ni Chance. Gago lang talaga! Kung hindi dahil sa kanya hindi ako injured! "Khaim,tol ikaw? Tara na."

"Mauna na kayo,tol. Sasabay ako kay Kiji. Hirap kasi sya maglakad eh." ang sagot ni Khaim at ngumiti.

Haay Khaim! Hindi na kita crush! Mahal na kita! I love you!

"Ganun?"

"O sige,kaw na bahala sa beybs ko!" sabi ni Teban at lumabas na sila ng room.

Magagantihan din kita Chance! Akala mo dyan ganun na lang yon?

"Uy,dapat sumabay ka na sa kanila." ang sabi ko kay Khaim at nagpa cute.

"Hindi ko naman kayang iwan ka dito. So tara na,alalayan na kita." sagot ni Khaim at tumayo.

Sa awa ng mahabaging dyosa ng mga beki maayos naman kaming nakarating ni Khaim sa tapat ng gym,nakaupo na ang mga baliw sa bench at kumakain ng burger.

"Nakalimutan ko bumili ng lollipop!" ani Aicko at tumayo.

"Sama ako,nakalimutan ko pala sukli ko." ang sabi naman ni Karissa.

"Sabay na ako girls,bibili ako ng pagkain namin ni Kiji." dagdag naman ni Khaim.

"Oh eto pera." sabay abot kay Khaim pero hindi nya ito tinanggap.

"Huwag na,libre kita." sabi nya at kinilig na naman ako. "Tara na girls."

"Okay,kaw bahala." ang sabi ko na lang.

"Saglit lang! Nauuhaw ako,bili pa ako ng softdrinks." ani Teban at humabol sa apat.

Naupo na ako sa bench at hinilot hilot ko ang paa ko. Sana wala na ito sa sabado. Hayup kasi ang may kasalanan nito eh,walang pakialam.

"Totoo bang may pilay ka o sinasamantala mo lang si Khaim? Mga bading nga naman." sabi ni Chance na ikinalingon ko sa kanya. "Kung gusto mo ng masususo,nandito naman ako,huwag ka ng mang biktima ng iba!"

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako bastos at manyak na gaya mo!" singhal ko kay Chance,pakiramdam ko manlalagas ang buhok ko dahil sa kanya.

"Kunwari ka pa. Halika,may ipapakain ako sayo." nakangisi nyang sabi at tumayo saka ako hinila.

"Hoy! Teka,dahan dahan! Ang hirap maglakad!"

"Mawawala din yan,pag nalinis mo na ang tubo ko."

Nächstes Kapitel