webnovel

Jin (Chapter 26)

MAGDAMAG na umiyak si Jin no'n. Hindi pa rin niya natanggap ang mga nangyari. Pakiramdam niya ay mawawala na rin siya sa matinong pag-iisip.

Dala niya ang lahat ng saloobin hanggang sa trabaho, bagay na napansin ng kanyang ama. Mag-iisang linggo na rin kasi siyang walang ganang magtrabaho at lagi pang nakatulala.

"Jin, may problema ka ba?" tanong ni Ryan sa kanya. Kasalukuyan silang nananghalian sa kubo kasama ang iba pang trabahante. Ni hindi niya nagawang galawin ang pagkain. Wala talaga siyang gana nang mga sandaling iyon.

Pilit siyang ngumiti sa kanyang ama. "Wala, tay. Iniisip ko lang kasi ang magiging buhay ko pagdating sa Manila," tugon niya sa ama. Sa totoo lang ay isa rin ang mga iyon sa kanyang iniisip. Palagay niya'y iyon lang talaga ang magiging solusyon ng lahat. Ang tuluyang layuan si Din.

Hinagod ni Ryan ang kanyang likuran. "H'wag kang mag-alala, Jin. Mababait naman sila 'di ba. Wala kang magiging problema. Basta ang gawin mo lang, magpakabait ka rin sa kanila. Tumulong ka lalo na sa mga gawaing bahay."

Napabuntong-hininga siya. "Okay po, tay," tipid niyang tugon at pinilit ang sariling kumain para wala nang mapansin ang kanyang ama.

Ilang sandali lang ay humahangos na lumapit sa puwesto nila si mang Karyo. Isa rin sa trabahante roon.

"Grabe, ang saklap ng nangyari sa anak nina pareng Ron at Mareng Glenel," paunang sabi nito.

May umusbong na kaba sa kanyang dibdib no'n. Kalat na kasi ang balita sa pagkawala ni Rain. Pati nga sina Kurt at Angelie ay hinahanap na rin. No'ng tanungin siya tungkol doon ay sinabi niyang sabay na umuwi ang dalawa pagkatapos nilang mag-inoman at hindi na niya alam ang nangyari.

Dahil siguro sa alam naman ng lahat sa lugar nila kung gaano sila ka-close ni Kurt sa isa't isa ay kaagad naman siyang pinaniwalaan.

"Bakit ano'ng nangyari kay Rain?" tanong ni aling Rita na puno pa ng pagkain ang bibig.

"Nakita na ang bangkay ni Rain. Iyon nga lang, katawan pa lamang nito ang nakita, wala ang ulong pinugot," animo'y natatarantang tugon ni mang Karyo.

Nanlaki ang mga mata ng lahat sa narinig. Biglang sumama ang tiyan ni Jin. Pakiramdam niya ay babaliktad ang kanyang sikmura kaya napatakbo siya palayo sa kubo at doon ay nagsuka siya nang nagsuka.

"Jin, ano'ng nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Ryan na sumunod pala sa kanya.

"Buntis yata ako, tay," pilit niyang biro sa ama at ngumiti. Pero nang mga sandaling iyon ay gusto na niyang tumangis.

"Loko-loko kang bata ka, a," natatawang sabi ni Ryan.

"Biro lang, tay. Naumay lang ako sa binalita ni mang Karyo. Grabe naman kasi ang nangyari kay Rain, tay. Mas masahol pa yata sa demonyo ang gumawa no'n sa kanya." Ang nasa isip niya no'n ay si Din. Parang demonyo na talaga ito para sa kanya.

"Oo nga, e. Wrong timing naman kasi magbalita 'tong si Karyo. Alam niyang may mga kumakain."

Nang mahimasmasan ay bumalik na sila sa kubo. Nakaakbay pa sa kanya si Ryan. Bigla na naman siyang kinabahan nang makitang nakatingin sa kanya ang lahat. Pakiramdam niya ay siya ang pinaghihinalaan ng mga ito sa sinapit ni Rain.

"Wala ka talaga sa oras magbalita ng ganyan, Karyo. Nagsuka tuloy ang anak ko. Kumakain pa, e," sabi ni Ryan.

"Oo nga. Nakakaumay talaga. Ayoko ng tapusin 'tong pagkain ko," sabi ni Janah.

Tumawa si mang Karyo. "Pasensiya na. Nakakagulantang lang kasi ang mga pangyayari kaya 'di ko na napigilang sabihin sa inyo kaagad," paliwanag nito.

"Si Angelie nga raw at si Kurt, hindi pa rin natatagpuan hanggang ngayon," sabi ni mang Nel.

Napalunok ng laway si Jin. Alam niyang uusisain na naman siya ng mga ito tungkol doon. Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Nagsindi siya ng sigarilyo.

"Ano ba 'tong nangyayari sa lugar natin? Ngayon lang ito nangyari, a. Diyos ko, baka may naglipanang serial killer na rito sa atin," sabi naman ni Gemma na halata ang takot sa mukha.

Mga ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nakapag-move on si Jin sa mga nangyari. Madalas ay binabangungot siya kaya hindi na siya nakakatulog nang maayos. Nangayayat na talaga ang kanyang katawan. Madalas din siyang umiiyak.

Kapag tinatanong siya ng kanyang mga magulang kung bakit siya nagkaganoon ay sinasabi na lamang niyang nangungulila siya sa pagkawala ni Kurt. Kaagad namang nakaintindi ang mga ito.

Si Din naman ay ganoon pa rin ang takbo ng buhay na animo'y wala lang dito ang mga nagawa. Madalas pa rin niyang napapansin na pinagnanasaan siya nito. Kating-kati na talaga ang dila niyang ipaalam sa mga magulang ang ginawa ni Din.

Pero hindi niya mawari sa sarili kung bakit hindi niya magawa iyon. Naaawa talaga siya sa kanyang kambal. Ayaw niyang magdusa ito sa kulungan. Pero paano ba niya ibabalik ang dating Din na nakilala? Gulong-gulo na talaga ang kanyang isipan no'n.

Isang araw ay nakipaglaro siya ng basketball sa tatlo niyang mga kaibigan. Sina Casper, King at Roel. Kahit anong gawin nilang magpakasaya ay hindi talaga nila magawa dahil naiisip pa rin nila si Kurt. Si Kurt kasi ang pinakamakulit sa kanilang lahat. Ang kakulitan nito ang labis na nagpapamiss sa kanila.

"Tol, ang kambal mo, o," sabi ni King.

Napatingin naman siya sa itinuro nito at nakita nga niya si Din sa hindi kalayuan. Nakatayo lang ito sa labas ng basketball court. Kakauwi lang nito galing sa pinapasukang kolehiyo. Suot pa nito ang uniporme.

Alam niyang pinagmamasdan siya nito habang naglalaro. Pinagnanasaan na naman siya nito nang mga sandaling iyon. Naka-boxer lang talaga siya at walang pang-itaas.

Biglaan kasi siyang inaya ng mga kaibigan na maglaro kaya hindi na niya nagawang umuwi at makapagbihis. Basang-basa rin siya ng pawis at alam niyang mas lalo siyang naging kaaya-ayang pagmasdan no'n para sa mga nilalang na mahilig sa laman.

May bigla siyang naisip. Tinawag niya ang kanyang mga kaibigan. Lumapit naman ang mga ito sa kanya.

"Mga tol, trip tayo," sabi niya. Nang mga sandaling iyon ay mga high pa sila dahil tumira ng droga bago naglaro.

"Ano 'yon, tol?" tanong ni Casper. Sa kanilang lahat ay ito lang ang may kapayatan. Malalaki kasi ang katawan nila. Pero hindi rin naman magpapahuli si Casper pagdating sa papogian.

"Tol, may sasabihin ako sa inyo," bumuntong-hininga siya. Sa totoo lang ay nagdalawang-isip siya no'n sa sasabihin. Napatingin siya kay Din. Nandoon pa rin ito sa kinatatayuan.

"Tol, ano ba 'yon?" muling tanong ni Casper.

Bumuntong-hininga ulit siya. "Mga tol, bakla ang kambal ko," diretso niyang turan.

"'Di nga, tol?" nakangising tanong ni Roel.

"Oo, tol. Totoo talaga 'yon. Bakla siya at matagal na niyang pangarap na matikman kayong lahat. Lalo na si Kurt."

Napanganga sina Casper, King at Roel sa kanyang sinabi. Nasa mukha ng mga ito ang pagdadalawang-isip kung maniniwala sa kanyang sinabi o hindi. Madalas din kasi siyang magbiro.

"Mga, tol. Pagbigyan niyo naman ang kambal ko. H'wag na tayong magmalinis kasi lahat naman tayo rito'y pahada sa mga bakla. Masyado kasing stress sa pag-aaral si Din. Gusto ko siyang maging masaya naman kahit ngayon lang," nakikiusap na niyang sabi.

Nagkatinginan ang tatlo sa isa't isa.

"Sa akin, okay lang, tol," sabi ni Roel.

"Ako rin, tol. Iyon lang pala, e," sabi naman ni Casper.

Napatingin si Jin kay King.

Bumuntong-hininga si King. "Sige-sige game ako. Nakapangako na sana ako sa sariling hindi na papatol sa mga bakla e para kay Kesha. Pero sige, para sa 'yo, tol," sabi nito. Si Kesha ang magdadalawang-taon na nitong kasintahan.

"Salamat mga, tol," nakangiti niyang sabi. "Sige, punta na kayo sa CR. Hintayin niyo kami roon ng kambal ko."

"Sandali, tol. Ngayon na ba?" maang na tanong ni King.

"Oo, tol. Bakit?" ganting-tanong niya rito.

Natawa si King. "Hindi pa ako nakapaligo, e. At saka pawisan kaming lahat, o," sabi nito.

"Asus... parang hindi naman kayo sanay sa mga bakla. 'Yan nga ang gusto nila, 'di ba?" sabi niya.

"Oo nga ,e. Pati kilikili type nilang himurin lalo na kapag pawisan," natatawang sabi ni Casper.

"Siyanga pala, tol. Sabay ba kaming tatlo?" tanong ni Roel.

"Oo, tol. Iyan pangarap ng kambal ko. Nabasa ko kasi sa diary niya," pagsisinungaling niya pa rin.

Nagtawanan naman ang kanyang mga kaibigan. Kaagad ding tumalima ang mga ito at nagpunta na nga sa CR. Siya naman ay naglakad na palapit kay Din. Titig na titig talaga ito sa kanyang kabuuan. Panay rin ang lunok nito ng laway. Alam niyang uhaw na uhaw ito sa kanyang katawan.

Nächstes Kapitel