webnovel

Daniel (Chapter 58)

"DANIEL, isang gabi pag-uwi ko galing sa trabaho. Nakita ko ang diary mo sa mesa ng hapag-kainan natin. Naiwan mo yata roon. Ang gusto ko lang sana ay makita kung ano ang sulat-kamay mo. Diary mo pala 'yon at naengganyo akong basahin. Doon ko nalaman ang pangmomolestiya sa 'yo ni Jin. Dali-dali akong tumungo sa kwarto mo at 'yon nga ang nadatnan ko. Binababoy ka ng pinsan mo kaya-" napahikbi si tatay Rey.

"Kaya ano, tay?"

Napatingin siya sa 'kin. "Kaya binugbog ko ang pinsan mo at pinagbabaril hanggang sa napatay ko siya..." halos pabulong na sabi ni tatay pero malinaw ko namang narinig.

Napanganga ako sa rebelasyong iyon ni tatay. Hindi ako makapaniwala. Bigla kong naalala ang nasa panaginip ko. Totoo pala talagang bahagi iyon ng aking nakaraan.

"Kaya pala bigla siyang nawala, tay?"

"Oo, 'nak." Humugot siya nang malalim na hininga. "At dito mismo sa kinatatayuan ko ngayon. Dito ko siya inilibing."

Iyak nang iyak si tatay Rey. Nang mga sandaling iyon, naging saksi ako kung gaano niya ako kamahal. Handa niya akong protektahan.

"Tay, alam ba ni nanay ang lahat ng 'to?"

"Alam ng nanay mo ang pananamantala ni Jin sa 'yo. Alam din niya ang pagkitil ko sa buhay ni Jin. Pero hindi niya alam ang tungkol sa tunay nating pagkatao, 'nak. Takot akong malaman niya kung ano talaga tayo," tugon ni tatay, "gusto ko sanang ibaon na lamang sa limot ang lahat pero naisip kong may karapatan kang malaman ang tungkol dito," dagdag niyang sabi.

Lumapit ako kay tatay Rey at niyakap siya nang mahigpit.

"Bakit bigla siyang nagbago, tay? Bakit nang nawala siya, parang ibang kuya Jin na ang bumalik?"

"Hindi ko alam, nak. Paulit-ulit ko ring tinanong sa isipan ang tungkol diyan," tugon ni tatay. "Pag-alis natin dito, ibaon na natin sa limot ang lahat."

Nagkalas kami ni tatay Rey mula sa mahigpit na pagyayakapan. "Oo, tay," nakangiti kong sabi sa kanya. "Isipin na lang natin na isang bangungot ang nangyari."

Ginulo ni tatay ang buhok ko gamit ang kanang kamay. Kapagkuwa'y inakbayan niya ako at nilisan na nga namin ang lugar na 'yon.

May mga bagay pa ring umuukupa sa utak ko no'n. Gusto kong ipagtapat kay tatay na nasa ilalim ako ng isang sumpa na may kaugnayan kay kuya Jin. Subalit, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang tungkol doon.

Maraming araw ang lumipas, unti-unti kong natatanggap ang lahat. Na-realize kong hindi naman talaga malaking problema ang tungkol sa kung anong sumpa man ang ibinigay ni kuya Jin sa 'kin. Ang gagawin ko lang, hindi ko na hahayaang may bakla pang makatikim ng aking katas. Siguro'y nagseselos si kuya Jin kaya pumapanaw ang lahat ng baklang nakakatikim niyon.

Nangako ako sa sariling hindi na talaga papatol sa mga bakla kahit kailan. Nakaka-guilty rin naman kasi ang ginagawa ko. Isa akong manlalason kasi hindi naman ako naiiba sa kanila.

Napag-isip-isip kong, ang kailangan ko lang gawin ay mahalin si Anne ng tapat at totoo. Mangyayari lamang iyon kung tuluyan kong ibaon sa limot si Brad kasama ni kuya Jin.

*****

SA LIBING ni mang Rodel ay sumama ako sa paghatid sa huling hantungan nito. Iyak ako nang iyak dahil hindi ko talaga maiwasang sisihin ang sarili sa nangyari. Pero naisip ko ring may rason kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay. Kung hindi nabiktima si mang Rodel, malamang ay hindi ko nalaman ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng mga iyon.

Pero ano naman kaya ang rason kung bakit nabigyan ako ng ganitong sumpa? Hindi ko talaga kayang sagutin ang katanungang iyon.

Sa mga lumipas na panahon ay ibinuhos ko nga ang lahat ng atensiyon kay Anne. Pakiramdam ko nga'y mahal na mahal ko na talaga siya. Ang bait-bait naman kasi ni Anne sa 'kin. Para akong kristal na kanyang hinahawakang maigi upang hindi mabasag. Alagang-alaga niya ako kaya sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob? Idagdag pang, physically ang ganda talaga niya.

Si Brad naman ay unti-unti nang nawawala sa sistema ko. Hindi na siya masyadong pumapasok sa 'king isipan. Marahil, puso ko na rin mismo ang kusang sumuko. Puso ko ang kusang nawalan ng pag-asa at tuluyang napagod.

Nang malapit na ang sembreak ay pinilit ako ni Anne na tumira sa bahay niya for one week. Wala namang naging problema dahil pumayag kaagad sina tatay at nanay. Gaya nga nang nasabi ko na, tanggap na tanggap na nila si Anne. Gustong-gusto na nilang maging manugang ang kasintahan ko. Kaya naman ang laki talaga ng pasalamat ko sa kanila.

Nagsama nga kami ni Anne na parang tunay na mag-asawa. Sobra ang pagmamahal at pag-aalagang pinadama niya sa 'kin nang mga panahong iyon. Para na nga akong baby sa totoo lang.

"Mahal na mahal kita, babe, kahit ano'ng mangyari," sabi ni Anne, sabay halik sa aking dibdib.

Kakatapos lang naming magtalik no'n. Nakaunan siya sa malapad kong dibdib. Nakayakap naman ako sa kanya.

"Mahal na mahal din kita, babe," tugon ko.

Sa tuwing sabihin ko 'yon sa kanya ay kinikilig ako. Pakiramdam ko talaga'y totohanan na ang pagmamahal na iyon. Walang halong pagkukunwari. Malaya kong nasasabi sa kanyang mahal ko siya na bukal sa kalooban.

Magmula nang tumira ako sa bahay ni Anne ay hindi ko mabilang kung ilang beses na kaming nagtalik. May araw ngang nakakalima kami. Nagbiro ako sa kanyang baka pag-uwi ko sa 'min ay hindi na ako papayagan nina tatay Rey at nanay Lea na makipagkita pa sa kanya. Paano naman kasi, baka pumayat na ako sa madalas naming pagtatalik.

Madalas din akong nagigising na sinusubo ni Anne ang pagkalalaki ko. Gaya nga nang nasabi ko na, mukhang adik na adik siya sa bahagi kong iyon. Subalit hindi ko talaga hinahayaang labasan ako sa kanyang bibig kahit anong pilit niya sa 'kin. Gusto raw talaga niyang tikman ang aking katas pero hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya at malaki ang respeto ko sa kanya. Ewan ko ba, basta para sa akin, kabawasan sa respeto ang ganoong bagay.

"Babe, para ka na talagang bakla kakasubo mo sa titi ko," natatawa kong sabi kay Anne. Enjoy na enjoy na naman siya sa pagsamba ng pagkalalaki kong sobrang tigas.

Kakagising ko lang noon at nagtimpla ng gatas sa kusina. Naka-boxer lang ako. Nang makalapit siya ay kaagad na lumuhod sa aking harapan at hinubad ang natitira kong saplot sa katawan. Hindi ko naman siya tinatanggihan dahil sa totoo lang, napakasarap sa pakiramdam. Naisip kong, hindi ko na talaga kailangan pang pumatol sa mga bakla dahil kaya naman akong paligayahin ng aking kasintahan.

"Bakla naman talaga ako, e," tugon niya.

Sabay kaming nagtawanan. Siguro, isa rin sa nagpahulog ng loob ko kay Anne ay ang pagiging joker niya. Minsan nga, kahit corny na ay tawa pa rin ako nang tawa. Ganoon ang epekto niya sa 'kin.

Pagkatapos ng isang linggo ay umuwi na ako sa 'min. Kasama ko pa noon si Anne.

"Musta ang baby ko?" sabi ni nanay Lea na agad yumakap sa akin nang mahigpit.

Miss na miss talaga ako ni nanay. May mga araw daw na gusto na niyang bisitahin ako sa bahay ni Anne.

"Lalo kang pumogi, nak, a," sabi naman ni tatay Rey.

Pumuti raw kasi ako at mas lalong kuminis. Paano naman kasi, no'ng kasama ko si Anne, minsan lang kami lumalabas ng bahay. Tapos may aircon pa. Ang sabong pampaligo namin do'n ay whitening.

Naging masaya ang bonding namin nang araw na 'yon. Parang bahagi na talaga ng aming pamilya si Anne. Nagkaroon kami nang munting salu-salo. Tumulong si Anne kay nanay Lea sa pagluluto ng mga putahe. Masarap din kasi magluto ang kasintahan ko.

Pagkatapos naming kumain ay nag-videoke pa kami. Do'n na ako mas lalong na-in-love kay Anne. Ang galing kasi niyang kumanta. Napakalamig ng kanyang boses kaya bawat lyrics ay talagang damang-dama ko. Lahat ng mga kinanta niya ay dedicated para sa 'kin. Maging ang mga magulang ko ay kinikilig sa aming dalawa.

Ngunit ang matinding kaligayahan nang araw na iyon ay susuklian rin pala ng isa na namang dagok sa buhay ko.

Nächstes Kapitel