webnovel

Chapter 27: Home

Sa airport palang. Walang tigil na ang tawag at text nina Bamby. Tinatanong kung nakasakay na ba kami o kaya ay hindi pa.

"Mom, kailan po tayo aalis?." gaya din ng iba. Kanina pa ito bukambibig ni Daniel. Excited na raw syang makitang muli si Knoa.

I look down to where he is sitting. Hawak nito ang stuff toy nyang si Winnie the Pooh. Maliit lang ito na parang key chain. Paborito nya kasi ito kaya di nya maiwan iwan. Hinawakan ko ang bandang baba nya at binigyan sya ng halik duon.

"Maybe later my baby boy.." pinaggigilan ko sya. Ang gwapo nya talaga. Kuhang-kuha ang hulma at buong mukha ng kanyang Daddy.

Sumimangot sya. Di ko alam kung bakit. "Mom, I'm not a baby anymore.. I'm a big boy na just like Kuya Knoa." nagulat ako sa pagkakataong ito. How come na naisip nyang big boy na sya?. He's just four years old. And Knoa is six. Two years lang ang gap nila. Paano nya naisip na malaki na sya?. Ang advance nya naman mag-isip.

"That's my boy Dan-dan.." ginulo naman ni Lance ang buhok nya. Nilingon ko ang aking asawa. Sya siguro ang nagsabi dito na malaki na sya't kailangang maging responsable na Kuya. At his age?. Might be na pwede na syang maging responsible but damn. Bakit ayaw pa rin tanggapin ng puso ko na ganun na nga ang panganay ko?. Masyado naman yatang mabilis ang panahon.

"What Mahal?." naramdaman yata ni Lance ang titig ko kaya napatanong sya ng ganito.

"Ikaw ang nagsabi sa kanyang big boy na sya?." walang pakundangan syang tumango. "But he's still too young for that mahal?."

"I know that mahal ko. It's just that. Habang bata sya't lumalaki. We need to let him face the reality that he will soon become a man and will definitely learn how to be a gentleman sa lahat ng mga taong nakakasalamuha nya. Lalo na sa kapatid nya."

He has a point. Sabagay nga naman. Habang maaga. Kailangan na talagang sanayin sila for them to not fear the cruelty of reality. Para hindi sila mabigla at gayahin ang ugali nila. "Mahal. As soon as possible. We need to mold their character. That's the first thing na dapat ituro natin sa mga bata para kapag lumaki na sila at kaya na nila ang kanilang mga sarili. They can use that.. Ang education, that's just a second.. it will develop naman yan if they're born genius.."

Napasinghap nalang ako sa naging sagot at opinyon nya tungkol dito. Saan kaya nya nakukuha ang mga sinasabi nya?.

"Saan mo naman nakuha ang ideyang yan?. Sa libro ba?." di ko na napigilan pa ang magtanong.

"Yeah.. walking book.." tumawa sya ng mahina. Tumaas tuloy ang isang kilay ko. Pinagloloko yata ako ng taong ito.

"Anong walking book?. You're getting crazier mahal.. hahaha.." biro ko dito.

Nilingon nya kami at ginulo na naman ang batang nasa aming gitna. Lalo tuloy umasim ang mukha nito. Badtrip ang little Lance ko. Hmmp! Sarap pisilin ang magkabilang pisngi. Kundi lang baka umatungal ng iyak eh. Naku!.

"Hindi mo alam?."

"Sabihin mo nalang ang title ng book at hahanapin ko sa Google.." inilabas ko din ang phone ko saka handa ng magtipa ng mga letra.

Pinagtawanan na naman nya ako. Hanggang sa lumipad ang sinasakyan naming eroplani. Iyon pa rin ang laman ng isip ko. Walking book?. Baka iyon naman ang title ng nabasa nyang libro?. Hinanap ko naman ito. Kaso, wala akong makita. Mga books lang na related sa walking and other stuff. So, meaning nasa kanya yung mismong book?. Kaasar! Bakit di nalang sabihin kasi?.

"Can't help but to think huh?. Hahaha.."

"Sige. Pagtawanan mo lang ako.. Lance.." natigil sya sa pangalang narinig. "I'm fucking serious here tapos yan ka lang? Tumatawa?."

"Hindi mo ba kasi alam kung sinong tinutukoy ko?."

"Magtatanong ba ako kung hinde?."

"None other than your best friend Mahal.." nagulat ako sa kanya. Ibig nyang sabihin. Si Bamby ang tinutukoy nyang walking book?.. How come?.

"Si Bamby?."

"Yup.. sa kanya ko nalaman lahat when it comes to kids.. ang sabi nya. Based on her experience na raw nya kaya effective. Look at Knoa now?. Hindi ba nakikita na natin ang results?."

Wala na akong duda pa sa sinabi nya. When I look at Knoa. Para nga syang batang isip matanda. He can be a kid and an adult at the same time. He can play and discipline like a fine man. Nakakatuwang tignan.

"It can help naman when they're growing up.. ang mahalaga lang sa lahat ay hayaan silang hanapin ang gusto nila at ang mga bagay na kaya nilang gawin. We, their parents are just here to help them grow and become they're meant to be. We are not here to create them as our ours because in the first place. They are not ours. Hindi natin sila pagmamay-ari. We are just here to support and help them enjoy their lifetime."

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Oo na.. kakausapin ko nga si Bamby tungkol dito. Baka kung sinong Bamby nalang ang tinutukoy mo.." pinagtawanan nya na naman ako.

"Wala ka talagang tiwala sakin.." anya pa.

Pagkarating sa bahay nila. Sumalubong samin ang ingay ng lahat. Sinugod agad nila ng yakap at halik ang pisngi ni Athena. Tuloy, maingay itong umiyak.

Sa kusina. Natyempuhan ko si Bamby. At di talaga ako mapakali sa impormasyon nakuha galing sa Kuya nya.

"Bes, I miss you." niyakap nya ako. I hugged her too. Long conversation went on hanggang sa umabot na sa tungkol sa mga anak ang topic.

"Ang bilis lumaki ni Dan-dan ha?. what's your secret?."

"Huwag ako ang tanungin mo about my son bes.. haha.. ako ang may gustong itanong sa'yo."

"About what?." inglisera na ang mga ferson. Hindi naman na halata kay Bamby na Pinoy sya. Kutis at punto palang ng pagsasalita nya ng Australian. Bumabagay na sa kanya.

"About Knoa?. Anong sikreto kung paano magpalaki ng batang tulad nya?." nagkamot ito ng kilay. Parang hindi inexpect yung tanong ko.

"Simple lang naman bes.. let him discover himself."

"How?. Paturo naman.." dinunggol ko sya. "Gusto ko kasing maging fine wine sya. Just like Knoa.." namangha sya bigla.

"Wala naman akong ibang ginawa para kay Knoa. Basta ang pinakauna kong itinuro sa kanya is his character. Kung paano sya makitungo sa iba at gumalang ng matatanda at opinyon ng iba. Duon na magsisimula ang lahat. Trust me bes."

Wala ngang duda na sya ang tinutukoy ni Lance na The Walking Book nya. Hindi na rin ako magtataka pa. Since high school. Si Bamby na ang higit sa lahat na hinihingan namin ng payo sa tuwing may problema kami. Halos lahat yata ng kaklase namin. sya nilalapitan kapag kailangan ng advice. And the moment na nagsasalita sya kanina. It feels home. Para akong binabalik sa nakaraan kung saan I, myself is one. And I'm glad that. I'm finally home now, with them.

"Joyce, bruha ka!. payakap kami!." hiyaw ni Winly ang umalingawngaw sa buong kusina ng mga Eugenio.

Wala na akong mahihiling pa. This moment needs to kept.

Nächstes Kapitel