webnovel

Chapter 26: Unfair

"Samahan mo akong hanapin sya, Ron." ewan ko kung mukha na akong nagmamakaawa sa bagay na alam kong, tinapos na. He help me lay down on the long couch. Dito ko muna gustong lumagi. Ayoko sa silid ko. Para akong nasasakal duon. Baka mahimatay lang ako o di kaya'y, humagulgol na di ko pa ginawa kailanman.

"Bukas nalang. Magpahinga ka na muna.."

I cut him off.

"Ngayon na, please?." tinuko ko ang siko ko upang matignan sya sa may bandang paanan ko. Sa may armrest sya umupo. Nakatalikod sakin. Bamby is in front of him. Nasa dibdib ang mga kamay. Mukhang binibigyan ito ng leksyon para iparating din nya sa akin pagkatapos. Lumingon sakin si Aron.

The way he sees me right now?. Pity me. Magwala agad ang naisip kong gawin. It's the simplest way para hindi ko maramdaman ang awa nila. I don't like that feeling. Parang wala akong kwentang lalaki kapag ganun. Naaawa na nga ako sa sarili ko. Idagdag pa sila. Nakakababa ng kahulugan ng pangalan ko. Ano pa't nabuhay ako kung hanggat awa lang ang tingin sakin ng mga tao?. Ano pang saysay ko?.

"Paano tayo magsisimula?. Tignan mo nga yang sarili mo?." tumagilid sya sa gawi ko. Maging ang mga kamay nya pa ay iminuwestra ako. "Hindi maayos.." he added. Lalo ko lamang naibagsak ang sarili sa malambot na sofa.

Nabitin sa ere ang sasabihin ko. He once mentioned to me that someone like me don't have to rush when it comes to marriage. To enjoy being single first or being with someone I love. To see if she's worth the ring of forever or none. Dahil kapag daw biglaan at agaran ang pagpapakasal mo. It will definitely end. At, nangyayari na nga. Bagay na di ko masabi ang nasa isip kong 'Pero mahal ko sya' dahil nakaabang na pareho sa mukha nila ng kapatid ko ang pagkontra dito. Kilala ko silang dalawa. Lalo na yung isa sa likod nya. My sister. "Hindi ba pwedeng pagbigyan ako?." parang bata ako dito. Tangina!. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Sa sahig ako tumitig na para bang kusang lalabas duon ang taong hinahanap ko. "Ang puso ko kasi Ron. Nadudurog. Pinanghihina ako." hinawakan ko ang dibdib ko't pinukpok iyon ng paulit-ulit. Dinig ko ang maingay nyang pagbuntong hininga. I saw it on my peripheral vision na tumayo ito saka lumapit sakin. Yumuko para tignan ako.

"Paano. Binigay mo kasi ng todo. Tuloy. Walang natira sa'yo.." isa sa dahilan kung bakit ko sya naging malapit na kaibigan. Ito. Ang pagiging totoo nya. Nasasaktan man ako. Nalulungkot o masaya. Idagdag pa ang broken hearted. Wala kang ibang maririnig sa kanya kundi ang bagay na hindi mo maririnig sa iba. Tulad nyan?. Totoo syang magsalita. Wala halong peke. And speaking of truths?. Yes. He's right. Aware itong lahat ng ako ay binigay ko sa iba. Lahat ng sa akin ay inalay ko sa kanya. Wala akong tinira kahit karampot na bahagi. Wala. Ganun ako magmahal. Buo. Totoo. Na kahit para sa sarili ko, nagiging madamot ako.

Napaiyak ako sa katotohanang sinambit nya. I don't care if he sees me like this. Pagtawanan man nya ako't lokohin pa sa darating na umaga tungkol dito. Ayos lang. Basta mailabas ko lang ang sakit na di ko paano ibsan. "Mahal ko kasi eh.." sa kabila ng hagulgol ko sinabi ito. Umupo ako't yumuko. Hawak ang ulo. Tumabi sya ata sakin. Di ko alam kung sinong nasa kabila. Si Bamby yata. "Mahal ko sya. Sobra. Nagmahal ako.. Todo. Buo, Pero bakit ito ang kapalit?."

Hinagod nya ang likod ko saka tinapik ang likod ng ulo ng mahina. "Lahat kasi ng bagay may kapantay." this is not him. It is my little sister. "Nagmahal ka. Minahal mo sya. Buo kamo diba?. Totoo pa. E sya?. Mahal ka.. lang. Nagmahalan kayo. Duon palang. Magkaiba na kayo. Hindi totoo?. Iyon ang di ko alam. Sabihin na rin natin na, oo. Kaso. Kulang. Kaya pantay lang.."

My heart aches again after hearing her. "Sinabihan na kita noon pa, hindi ba?." Si Aron na uli ito.

"Alam ko. But it's not fair, Ron. They are so fucking unfair.."

"That's expected bro. Because in the first place. You gave it, all. Sinabi ko na sa'yo dati pa na hinay-hinay lang sa pagmamahal na yan. Pero tinawanan mo lang ako. Muntik mo pa nga akong bigyan ng upper cut eh." kwento nya. Suminghot ako. Saka pinunasan ang huling luha na natira sa gilid ng mata ko. "Kahit muntik mo na akong itaboy bilang kaibigan mo. I insisted you to be careful of yourself. Love but never forget to love yourself first. Kaso. Kasing tigas yata ng bato yang ulo mo. Kaya ginawa mo pa rin ang gusto mo."

"I don't regret anything." umpisa. "Kusa akong nahulog sa pagmamahal Ron. Paano ako babangon kung sinalo nya ako tapos iiwan rin na ganito?."

"Iyon nga ang gusto kong ipunto rito. Face the consequences of your decision, Lance. We know it's hard for you. Lalo na't mahal mo sya but accepting things that you can't ever change now is the best way for you to find you, you again."

"I don't want to accept things yet Aron. Di pa tapos ang lahat. I'll fight for us. I will talk to her." hindi pwedeng pirmahan nalang basta ang papeles na pinadala nila without telling me anything or any reasons why they end up to this. No way! Kung sya ay kaya nilang kontrolin?. Not me. Hindi ako papayag sa gusto nila. As long as I still not saw her?. Hindi mangyayaring mahalikan ng dulo ng ballpen ang papel na yan. Umasa sila... Umasa nalang sila.. Sa wala!

Nächstes Kapitel